Crystal POV
1 buwan na ang nakalipas mula ng malaman ko ka Bea na si Joseph pala yung lalaking dapat na pakakasalan nya, yung lalaking walang ginawa kundi saktan ang kaibigan ko emotional, natuloy pumunta sa ibang bansa si Bea para maka move on, nagui-guilty ako dahil ako ang dahilan kung bakit di sya kayang mahalin ng lalaking mahal nya.
" Baby malalim yata yang iniisip mo? May problema ba?" sabay yakap nya sa hubad kong katawan.
Hindi ako sumagot. Hindi kasi alam kung paano ko sasabihin ang tungkol kay Bea.
" Hmmmp!!! Don't tell me naglilihi ka na? Are you pregnant???" sabay ngisi nya pa.
Inirapan ko lang sya. 2 buwan na rin kaming nagsasama sa isang bubong. Pumayag akong magsama na kami kasi mahal na mahal ko sya pero hindi pa kami kasal dahil na rin sa desisyon kong wag muna. Gusto ko kasi kapag magpapakasal kami after na ng mga problemang kinakaharap ni kuya Aries ko syempre yung tanggap na rin sana ako ng pamilya ni Joseph.
Nakilala ko na ang mga kaibigan nya. Pati ang kakambal ni kuya Aries na si kuya Greg. Lahat sila ay may mga pamilya na. Kaya naman gusto na rin ni Joseph na magka-anak kami.
" Hindi ako buntis kaka mens ko lang lastweek." tipid na sagot ko sa kanya.
" It's okay baby next month I think may laman na ito." sabay turo nya sa impis kong tiyan.
Natawa naman ako. Masaya ako kapag nagbibiro sya, bukod sa kinikilig ako ay may sense of humor naman kasi sya. Kaya nga di ako makapaniwala na si Joseph yung sinasabi ni Bea dahil ibang iba sya sa mga katangian na sinabi ni Bea.
Masungit??? Hindi naman
Hindi pala ngiti???eh halos nga malunod na sa katatawa kapag inaasar ako
Hindi man lang tinigasan??? naku po halos oras oras nga. hehe
" Joseph pwede ko bang malaman kung sino yung sinasabi ng ate mo na fiance mo? I mean ex fiance mo.?" tanong ko
" Why baby? She's not important. Kaya no need mo ng malaman. I'm hungry let's go." sabay hila nya sa akin.
Bakit parang umiiwas sya sa tanong ko? Kailan nya ipagtatapat sa akin na ang best friend ko ang dapat na pakakasalan nya at nasaktan nya ng sobra?
----------
Kauuwi lang namin galing work kumain muna kami sa labas bago namin napag desisyunang lumabas. Kasalukuyang naliligo si Joseph ng biglang tumunog ang phone nya. Hindi naman ako mahilig makielam ng phone ng iba pero na curious ako kung sino yung nag text.
Ate Cai: Joseph you need to hurry bumalik na si Bea at nasa hospital sya ngayon. Kailangan ka nya, sobrang depress nya. Please alagaan mo sya.
(2nd message)
Hindi pa alam ni Crystal na ang best friend nya ang sinaktan mo ng sobra, what if ako nalang ang magsabi sa kanya na dahil sa kanya kaya halos mawala na sa sarili ang kaibigan nya???
Mabilis kong binura ang text message ni ate Caila nya. Biglang nanginig ang buo kong katawan. Kaya pala nawalan kami ng komunikasyon ni Bea ay dahil sa may sakit sya. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit nangyari sa kanya yun. Kaya kahit masakit kailangan ko ng makipaghiwalay kay Joseph. Masyado na siyang obsessed kay Joseph baka magpakamatay siya kapag nalaman nyang nagsasama na kami.
" Baby!!! Baby!!! Crystal!!!" matagal na pala akong nakatulala di ko man lang narinig yung mga tawag sa akin ni Joseph.
" What's wrong? Maligo ka na. Para maka tulog na tayo." sabay kindat nya pa.
Tulog??? Makaka ilang rounds pa before matulog. Halos gabi gabi naming ginagawa, mabuti pa sa work may day off, pero sa s*x wala pagdating sa kanya..
---------
(Toktoktok)
Tuloy tuloy na katok sa pinto. Kasalukuyang naghahanda ako ng pagkain para sa hapunan namin ni Joseph.
Nakakapagtaka dahil may susi naman si Joseph ng bahay bakit kailangan nya pang kumatok.
Tinapos ko lang ang ginagawa ko saka ko binuksan.
Laking gulat ko dahil ang ate nya pala. Alam kong nagulat rin sya na makita ako dito sa bahay ni Joseph.
" Where's Joseph? Bakit ka narito?" sunod-sunod nyang tanong sa akin sabay pasok sa loob at umupo sa sofa.
Sinundan ko naman sya para sagutin ang mga tanong nya.
" Na-sa Opisina po sya pero pabalik na rin." di ko maiwasang mautal, nakaka kaba naman kasing kausap tong ate nya.
" Kaya ba pinauwi nya na sa Mansyon si yaya dahil ikaw na ang bagong maid nya? Sumama ka na ba sa kanya dahil desperada ka na?" pang-uuyam nyang sabi.
" I know you, yang karakas mo kilalang kilala ko na. Nagpapanggap kang mabait kahit hindi naman, sa tingin mo maloloko mo ako. Kung si Joseph nabubulag sa ganda at hinhin mong kumilos pwes ibahin mo ako. Hindi kita gusto sa kapatid ko. Nadidiri ako sayo. Ang cheap mong babae, sumama ka sa kanya kahit di pa kayo kasal? Virgin ka ba nung nakuha ka nya. I guess hindi na??"
Virgin??? para akong sinampal nung sinabi nya sa akin yun... Nung may nangyari sa amin ni Joseph ay hindi na talaga ako virgin. Hindi ko matandaan kung sino ang naka one night stand ko sa bar na yun. Halos isumpa ko yung araw na yun. Sinabi ko na kay Joseph ang nangyari at tanggap nya naman na may nakauna na sa akin. Hindi naman daw importante sa kanya yun dahil mahal na mahal nya ako.
Tumulo nalang ang luha ko...
" Ohhhh artista ka rin pala? Pa iyak iyak ka pa. Kung ako sayo umalis kana. Hindi ka nababagay sa kapatid ko." sigaw nya pa sa akin.
" Ate dahil lang ba kay kuya Aries kaya ayaw mo sa akin.?" tanong ko sa kanya.
" Yes! At mas gusto ko ang best friend mong si Bea sa kapatid ko kaysa sayo. Ang manhid at sakim mo talaga no?" hinawakan nya ako sa kamay saka kinaladkad sa labas. Wala akong laban sa kanya dahil ang tangkad nya. Di rin ako pwedeng lumaban baka mawala ang baby ko.
I'm 4weeks pregnant na. Ka papa check up ko lang kanina nung umalis si Joseph. Balak ko sanang sabihin mamaya. Pero mukhang di na kami magkikita dahil pinapalayas na ako ng ate nya.
" Ate please hintayin ko lang si Joseph." pagmamakaawa ko pa.
" No!!!" sabay sarado nya ng pinto.
May dumating naman na dalawang lalaki para sapilitan akong isakay sa sasakyan nila. May pinaamoy silang panyo at doon na tuluyang dumilim ang paligid ko...