10

1050 Words
Bea POV Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng sabihin ni Joseph na I cancel na ang kasal. Napakasakit hanggang ngayon yung pakiramdam na ma reject ng taong minamahal ko na ng sobra. Nakaraan Matagal ko ng gusto si Joseph, mula ng makita ko sya at maging professor nung college ay minahal ko na sya. Kaya nga nung minsang dumalaw ang ama nya sa amin at hinahanap ang pamilya ng babaeng itinakda para mapangasawa ni Joseph ay nakiusap ako kay daddy na wag ng hanapin bagkus ay ako nalang ang ipakasal. Kaya ng sumunod na punta nila ay napagkasunduan na ako na nga lang. Masayang masaya ako dahil nagustuhan ako ng mommy at ate nya. Itinuring na nila akong kapamilya kahit na kasing lamig pa ng yelo ang pagtingin sa akin ni Joseph. Alam kong may iba na syang mahal, ramdam na ramdam ko yun. Sa tuwing magkasama kami ay never kong makita syang ngumiti man lang, mukhang diring-diri pa sya sa akin. Dahil dun kaya naging desperada na ako. Nung minsang pumunta ako sa bahay nila at nalaman kong wala sila tita, tito at ate Caila ay dumeretso ako sa kwarto nya. Mabuti nalang at bukas ang pinto. Tinawag ko sya pero di naman sya sumagot. Hanggang sa nakarinig ako ng lagaslas ng tubig, alam kong naliligo sya. Mabilis kong hinubad ang aking kasuotan, ngayon ko na ibibigay ang pinaka iingatan ko sa kanya. " Get out!!!!" Malakas na sigaw ang aking narinig. Nanginig ang buo kong katawan, pero dahil sa ginusto ko to ay paninindigan ko na. Humarap ako sa kanya saka ko hinubad ang robe na binalot ko sa aking katawan kanina. Lumantad sa kanya ang hubo't hubad kong katawan. " Joseph I love you! Kaya kong ibigay sayo lahat lahat mahalin mo lang din ako. Pleasseeee...." pag mamakaawa ko pa sa kanya. Sobrang nasasaktan ako sa klase ng tingin nya sa akin. Alam kong galit na galit sya. " Magbihis ka na." utos nya pa sa akin Dahil nga desperada talaga ako ay mabilis kong nilapitan sya at niyakap. Tanging towel lang ang nakabalot sa kanya pang ibaba, kaya naman kitang kita ko ang mala pandesal nyang katawan. Niyakap ko sya ng mahigpit. Hanggang sa natanggal nga ang towel sa kanyang baywang. Lumantad sa akin ang kanya p*********i. " See????? Pati ang buddy ko di mo man lang kayang buhayin. Paano kita magugustuhan???" pagkasabi nun ay saka nya nilayo ang katawan nya sa akin at nagbihis. " Magbihis ka na rin then leave." yun lang saka siya lumabas ng kwarto nya. Laking pagtataka ko sa nangyari. Meron palang ganung lalaki. Akala ko lahat ng lalaki kapag nakakita ng katawan ng babae ay nakakaramdam na ng pagnanasa. Pero bakit sya hindi? Ganun nya nalang ba ako ka ayaw? Nag-iimpake na ako ng mga gamit ko para sa pagpunta ko sa ibang bansa ng dumating si ate Caila. " Hey sissy anong ginagawa mo?" Narito kami sa Condo ko ngayon. " Ate doon na po muna ako sa tita ko sa ibang bansa para makalimot." tugon ko " Bakit sumusuko ka na agad? Nakilala ko na yung babae ni Joseph and honestly ayaw ko sa kanya." Sabi nya pa Naging interesado naman ako sa sinabi nya. Gusto ko rin namang makita kung sinong malanding babae ang umakit kay Joseph. " Talaga? Gusto ko rin makilala yung girl." Sabi ko. " Then let's go! Ngayon makikipagkita sa akin yung dalawa. Gusto kitang isama." excited na sabi ni ate. Bukas pa naman ang flight ko kaya ayos lang na sumama muna ako sa kanila. Nang makarating kami sa restaurant kung saan daw namin i-me-meet sila ay bigla akong kinabahan. Nilibot ko muna ang aking paningin, hindi pa man ako nakakababa ng makita ko si Joseph kasama nung babae nya. Pamilyar sa akin yung babae! Likod palang ay kabisadong kabisado ko na. " Hey let's go." si ate Caila " Ate I'm sorry di na ko sasama sayo may nag text sa akin emergency lang." saka ako lumabas ng kotse nya at pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa park kung saan lagi kaming tumatambay ni Crystal. Si Crystal, sya pala ang babaeng minamahal ni Joseph!!! Sobrang sakit malaman na best friend ko pa ang magiging karibal ko sa taong mahal ko. Maghapon akong umiiyak sa kwarto. Ang sakit talaga. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa sss ko ng may nag chat. Picture yun ni Crystal at Joseph na nakangiti. Ang saya-saya nila. Caila: see sissy ang saya pa nila. Help me na mapaghiwalay sila. Ayokong mapunta si Joseph sa pamilya ng mga kriminal. Me: Ate I'm sorry pero bff ko yung girl, sya si Crystal." Caila: Owww really? Hindi mo man lang ba nasabi sa kanya na gusto mo si Joseph? Alam kong naging students nya kayo for how many months Me: Nasabi ko po. Caila: See? Si trinaydor ka nya. Nasabi nya na ba sayo na may boyfriend na sya? Me: Wala pa syang naikwento. Caila: I think di mo sya talaga kaibigan. Tinago nya sayo na sila na ng fiance mo, kung ako sayo magagalit ako sa kanya. Di na ko nagreply. Iba kasi ang pagkaka kilala ko Kay Crystal ang bait bait nya sa akin. Naisipan ko syang papuntahin dito sa condo ko. " Bez buti pumunta ka. Bukas na ang alis ko. Ma mi-miss kita." sabay yakap ko sa kanya. " Ma mi-miss din kita Bez. Mag-iingat ka dun." Sabi nya pa. Kasalukuyan kaming narito sa kusina. Pinagluluto nya lagi ako ng pagkain. Magaling syang magluto kaya lagi akong busog kapag magkasama kami. " Bez pag magkka boyfriend ka sabihin mo sa akin ah." Sabi ko pa. Nakita kong natigilan sya sa sinabi ko. Sabay tango. Kailan mo sasabihin sa akin ang relasyon nyo ng fiance ko? sa isip-isip ko. " Bez di ko pa pala nasabi sayo kung sino yung fiance ko no???" " Since wala na rin naman kami mabuting ikwento ko na rin sya sayo." Nakikinig lang naman sya sa akin, hinahanda nya na yung lamesa kakain n kami. " You remember sir Joseph, yung naging substitute teacher natin nung college? Yung sinabi ko sayo na gustong gusto ko?" " Yes natatandaan ko." sagot nya pa. " Sya yung fiance ko!!!" " What???" sabay nun ang pagkabasag ng platong hawak hawak nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD