Joseph
Ilang Linggo mula ng umalis si Crystal ng walang paalam ay nakatanggap ako ng video at malalaswang larawan galing sa account mismo ni Crystal. Sinasabi nyang may iba na sya at kayamanan ko lang ang gusto nya. May video pa na may ka s*x sya.
Gulong gulo ang isip ko. At galit na galit ako sa kanya. Dumagdag pa itong ate ko na walang ginawa kundi kumbinsihin akong balikan si Bea, may sakit ngayon ang dalaga at hinahanap ako. Pero binalewala ko dahil nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa amin ni Crystal.
Nakaraan
Naabutan ko ang bahay na gulo-gulo. Walang tao, wala si Crystal. Nawawala ang mga mamahaling gamit namin ni Crystal, mga alahas at pera na talagang iniwan ko para sa emergency needs naming dalawa. Wala na rin ang mga gamit nya. Tinawagan ko ang phone nya pero out of coverage area. Nasaan na kaya sya.?
--------
Pinahanap ko sya sa mga tauhan ko pero di sya nahanap.
Hindi ko masabi sa mga kaibigan ko tong nangyayari sa akin dahil hindi nila alam na nagsasama na kami ni Crystal dahil na rin sa kahilingan nya na wag munang ipaalam. Tanging ang kanyang tita lamang ang nakakaalam sa relasyon namin.
Kilala na nila si Crystal dahil lagi ko syang sinasama sa mga lakad namin bilang secretary ni Tyrone at nililigawan ko pa lang.
Kailangan kong makausap ang tita nya kaya doon ako unang pumunta. Nagulat pa sya sa akin dahil ang buong akala nya daw ay kasama ko si Crystal. Matagal na rin daw na di nagagawi doon sa kanya ang dalaga.
Ilang Linggo pa ay tumawag na sa akin ang isa sa mga tauhan ko na inutusan kong hanapin si Crystal at sinabing may kasama na itong ibang lalaki at nakatira sa isang probinsya.
Labis akong nasaktan sa mga nalaman ko. Yung pagmamahal ko sa kanya ay napalitan na ng pagkamuhi. Tama ang ate ko, kailangan ko na nga siguro na kalimutan na sya.
" Bro na momroblema ako, naglilihi si Yessa gusto nya ng rambutan." si Greg. Nandito kami ngayon sa bar namin nag-iinuman.
" Edi bumili ka just simple like that." si Marius
" Ayaw nya nang bibilhin lang, ang gusto nya ay aakyatin ko pa sa puno." problemadong sabi ni Greg
" Bakit ipapaalam mo pang binili mo lang?" si Tyrone
" Bro ang gusto nya makita nya akong aakyatin ko sa puno." si Greg
" Naku pambihira naman palang maglihi si Yessa." Si Marius
" What can I do? Kailangan kong sundin. Besides ngayon ko lang naman nakasama si Yessa sa pagbubuntis nya." si Greg
" Hey bro ang tahimik mo hindi ako sanay." si Tyrone sabay tapik nya sa balikat ko.
Nakatulala na naman pala ako. Naiinggit ako sa kanila dahil natagpuan na nila ang babaeng mamahalin nila at makakasama habambuhay kasama ang mga anak nila.
Kung hindi sana ako iniwan ni Crystal baka masaya din kami ngayon.
" I have an idea!" sabi ko. Naisip ko yung lugar na pinuntahan ko dati, balak ko sanang bilhin para mag patayo ng resthouse namin ni Crystal. Malapit sa dagat at marami ring punong kahoy, siguro mag eenjoy sya dun. Pero naglaho na lahat ng pangarap ko para sa aming dalawa dahil sa nangyari. Naisip kong marami ring rambutan dun.
" What????" sabay-sabay pa nilang tanong
" In Aklan! Actually may land dun na maraming rambutan.. Baka gusto mong bumili ng land dun." Sabi ko pa
" Hindi ako mahilig mag invest.." si Greg
" Why not? Ang ganda ng place tapos maraming puno ng rambutan." halos magliwanag ang mukha ni Greg nung marinig ang rambutan.
" Where? Samahan mo ako." Mabilis nyang tugon.
Inisang lagok ko nalang ang alak na iniinom ko. Bukas pupunta kaming Aklan, siguro kailangan ko na munang kalimutan ang tungkol sa amin ni Crystal, hindi naman sya nawawala, bagkus ay sumama lang sa iba.
----------
Ilang Linggo na rin kami ni Greg dito sa Aklan at unfortunately nabili na ng iba ang lugar kaya naman napilitan pa kaming humanap ng iba ni Greg hanggang sa nakatagpo nga kami ng halos kagubatan na. Pero in fairness maganda, at syempre maganda rin ang presyo
Dumating rin si Aries para bisitahin kami Greg dito, galing sila ng ibang bansa ni Cindy. Si Cindy na first girlfriend ng ka-kambal nyang si Greg. Si Aries ang din ay kuya ni Crystal.
Hindi ko alam kung paano ko sya tatanungin kung nagkikita pa ba sila ni Crystal ng bigla syang nagsalita.
" Alam nyo ba masaya na rin ako, dahil bukod sa nakilala ko ang anak ko ay nasa mabuting lalaki na rin ngayon si Crystal di ko pa nakita yung lalaki pero kwento ni Tita na mabait naman at mahal na mahal nya ang kapatid ko ." Marami pa syang sinasabi pero isa lang ang tumatak sa isip ko.
Alam ng tita nya kung sino ang lalaki nya ngayon???
Mas lalong nadagdagan pa ang galit ko kay Crystal dahil sa nalaman ko. Huwag lang mag ku-krus ang landas namin dahil hinding hindi ko sya mapapatawad.
Ilang araw pa ang lumipas ng biglang may tumawag sa akin
Unknown number????
" Hello!"
" Joseph si Crystal to."
" Oh!!! Naalala mo ako? Bakit ubos na ba ang pera na ninakaw mo?
" Ano??? Wala akong ninakaw. Please help me I'm pregnant."
" So?"
" Anak natin to please tulungan mo ako!"
" No-sense!"
Saka ko pinatay ang call. Walang hiya sa akin pa ipapaako ang ipinagbubuntis nya. Siguro wala na syang pang gastos kaya bumabalik na naman sa akin.
Nag ring na naman ang phone ko at same number na naman...
Sinagot ko ang call
" Joseph!!!"
No!!!! Hindi akin yan. Pwede ba Crystal tigilan mo na ako." sabay balibag ko ng phone. Nagkalas kalas ito at nasira
Mabuti na rin para di nya na ako matawagan at guluhin pa.
Anong akala nya sa akin? Matapos nyang di magparamdam ng halos isang buwan saka nya sasabihin na nabuntis ko sya?
Hindi ako naniniwala dahil nung may mangyari sa amin ay kakatapos lang ng menstruation nya it means safe sya nung panahon na yun kaya paanong may mabubuo. Hanggang ngayon ba naman ay lolokohin nya pa rin ako?
Tumawag rin si ate at kinukulit pa rin ako kay Bea. Siguro nga dapat ko ng pakasalan si Bea para tigilan na ako ni Crystal.
So I decided to marry her after ng proposal ni Greg kay Yessa.