13

1020 Words
Joseph POV " Bro ikaw na ang susunod na ikakasal. Bakit parang biyernes Santo yang pagmumukha mo?" si Marius. Katatapos lang ng kasal nila Greg at Yessa at narito kami ngayon sa reception. Garden wedding at talagang ginastusan ni Greg ang kasal nila. " Yes but I'm not happy I guess so!" deretsong sagot ko " It's because of the arrange marriage? Oh baka naman may iba ka talagang gusto?" si Tyrone. Hindi nalang ako kumibo dahil may katotohanan nga yun, ilang buwan na ang lumipas ng huli kong marinig ang boses ni Crystal. Kahit pala sobrang galit ako sa kanya ay di pa rin sya maalis sa isip ko na mi-miss ka rin sya. " Hey bro matagal ko ng di nakikita si Crystal." si Marius tanong nya kay Tyrone. Alam ko ring nagpaparinig lang si Marius dahil pagkatapos nya tingnan si Tyrone ay ako naman. " Matagal na syang nag resign sa akin. Ang sabi nya may importante daw syang aasikasuhin. Nung huling kita nga namin ay masayang masaya pa sya at mukhang balak ng magpamilya I thought nag-asawa na sya.." si Tyrone sabay tawa pa. " Akala ko nga bro nagsasama na kayo eh matagal ko ng napa pansin ang mga galawan nyong dalawa." si Tyrone ulit sabay tingin sa akin Nagulat ako sa sinabi ni Tyrone. Hindi ko rin alam na nag resign pala sya. Dahil sabi nya sa akin noon ay minahal nya na rin ang work nya kaya pinabayaan ko nalang din. Isa pa kapag wala naman si Tyrone ay ako ang pumapalit bilang CEO sa kumpanya kung saan sya nag wo-work. " Nope!" maikling sagot ko sa kanya. Kahit ang totoo ay nagsama na rin kami ng ilang buwan. "Pero nasaan na nga ba si Crystal? Si Aries di rin alam kung nasaan sya." tanong pa ulit ni Marius na lubos ko ring pinagtataka. -------- 3 months later " We're happy for you bro for you kahit na para kang namatayan dyan." si Tyrone " Civil Wedding lang ang kasal namin at malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan. Honestly di naman talaga ako kasama sa pag hahanda nitong wedding. Si mommy at ate na ang nag plano. Kasama si Bea. Nung una ayaw pa nilang pumayag sa Civil wedding dahil nga sa mayaman naman both families ay gustong engrandeng kasal. Pero sinabi kong ako ang masusunod dahil kasal ko naman ito. Kaya kahit di sila sang-ayon ay natupad pa rin ang desisyon ko at sinang-ayunan na rin ni Bea. Napaka ganda nya sa wedding dress na suot nya kahit simple lang ang napili ko. Yes ako ang pumili sa susuotin ni Bea, sa totoo lang sinadya ko talagang makialam sa wedding dress na isusuot nya. Gusto nya wedding gown pero di ako pumayag. Ayoko kasing maging masaya sya sa araw ng kasal namin dahil wala talaga kong makapang pagmamahal sa kanya. Pero ng makita ko sya, iniimagine ko pa rin na si Crystal sana, sana sya nalang. " Babe I'm happy!" si Bea sabay yakap sa akin. Tapos na ang kasal namin at narito kami ngayon sa aking kwarto sa Mansyon nila daddy. Wala akong balak na itira sya sa bahay na para kay crystal kahit wala na kami. Di ako tumugon sa sinabi nya. Ayaw kong saktan sya pero di talaga ako masaya sa naging desisyon ko. " Lalabas lang ako!" paalam ko sa kanya. Wala naman akong narinig na salita galing sa kanya, kaya dumeretso na ako sa mini Bar. Naabutan kong umiinom dun si daddy. " Son!" gulat pang sabi ni daddy sa akin. " I'm not happy dad!" Sabi ko sabay salin ng alak sa baso. " Dahil mas mahal mo pa rin yung dalagang pinakilala mo sa amin. What's her name again? Crystal?" tanong nya " Yes maybe!" sa totoo lang mas lalo akong nawalan ng pag-asa na makatuluyan si Crystal. Pero ginusto ko naman to sa simula pa lang. " If you are not happy bakit tinuloy mo pa? Hindi ko gustong makulong ka sa isang marriage na di ka masaya. Like me in the fast. But I think makakaya mo rin yan. Nakikinig lang ako sa kanya. " Kami ng mommy mo nag start din sa fix marriage we had no s*x for how many years dahil ayaw ko sa kanya but she confess na matagal nya na akong gusto, mahal na mahal nya rin ako. Nung una ayoko, hanggang sa minahal ko na rin sya. Your sister is her legitimate daughter." si daddy " What??? I mean how many years na kayong kasal before dumating sa inyo si ate." di ko lubos maisip na magloloko si mommy kay dad habang kasal sila.. " Yes we are married that time, pero di ko naman sya masisisi nagkulang ako sa kanya bilang asawa." sagot ni daddy mababakas sa kanya ang kalungkutan. " So you mean si Uncle Jared ang lalaki ni mommy?" " He is the father of your sister pero hindi lalaki ng mommy mo dahil wala naman silang relasyon. Just one night. Na ako naman ang may kasalanan. Tinago namin sa lahat na buntis that time ang mommy mo. Hanggang sa pinanganak nya si ate mo at inampon namin legally para di na pag-usapan pa. " Galit na galit si ate mo kay Aries Villaflor Mondragon dahil sya ang nakakaalam ng sekreto. Sya ang kanang kamay ni Brent. You know his right? Alam ko nakasama mo sya sa isang school but nag transfer dahil sa scandal na kinaharap nung batang yun. And kailan ko lang din nalaman na si Aries pala ay isa sa mga anak ng nagligtas sa ate mo na si Julio nung na kidnap sya." sabay tungga nya na naman ng alak. Lasing na yata ako, sige son after you drink balikan mo na ang asawa mo. I have to go." paalam sa akin ni daddy Sh*t anong ibig sabihin ni daddy? Na si Aries ang anak ng nagligtas sa ate ko? May posibilidad bang si Crystal dapat ang pakakasalan ko? What if totoong kailangan nya ng tulong noong tinawagan nya ako. Nasaan kana Crystal??? " Damn!!!! Sh*t!!! F*ck!!!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD