9

1112 Words
Joseph POV " Son anong naisip mo para hindi ituloy ang kasal?" disappointed na sabi ni mommy. " I'm sorry mom di ko na kayang itago pa ang relasyon namin ng girlfriend ko. May mahal akong iba kaya di ko kayang paasahin si Bea ng matagal.. Please understand me." Nandito kami ngayon sa Mansyon dahil sa naging anunsyo ko. Umalis ng walang paalam si Bea kaya alam kong nasaktan ko sya ng sobra. Hindi ko sya pinaasa, siguro ay mas naging malapit lang sya kanila ate at mommy dahil tinuring na syang kapamilya kahit na di pa kami naikakasal. " Oh really? You're inlove sa kapatid ng isang mamamatay tao? I know Aries well, sya lang naman ang kanang kamay ni Brent." sabi ni ate. Si Brent kasi ay pinsan nya sa biological father nya. Isa itong Mafia. "Nagpaimbestiga ako tungkol kay Crystal. Maganda ang record nya maliban sa kuya nya na traitor sa samahan." si ate ulit " What??? Pamilya ng mga kriminal ang nagustuhan mo. My god anak, layuan mo ang babaeng yan. Mapapahamak ka lang sa kanya." si Mommy na umiiyak na. Isang buwan na mula ng maging kami ni Crystal, yes sinagot nya na ako at kami na nga. Masayang masaya ako dahil legal na kaming magkasintahan. Pero di ko inakala na aayawan sya ng pamilya ko dahil lang sa family background nya. Ang bait nya kaya nagustuhan ko rin talaga sya. " I'll invite her tomorrow for dinner. Gusto kong makilala nyo sya. Please give her a chance to prove na karapat-dapat sya para sa akin." Pagsusumamo ko " Okay son then invite her, gusto ko syang makilala." si Daddy. Mabuti nalang at may isa na pinagbigyan ang hiling ko dito sa Mansyon. Sinundo ko si Crystal sa bahay nila. Naka simple dress lang sya , kahit ano atang isuot nya ay babagay sa kanya. Nakarating na kami sa Mansyon at nasa hapag kainan. " Baby meet my parents Mommy Kenzy, Ate Caila at Daddy Carl." " Si Crystal my girlfriend!" pagpapakilalanko sa kanila. " Magandang gabi po. Ikinagagalak ko po kayong makilala." Nagmano pa sya sa mommy at daddy ko. Kitang kita ko ang pag-irap ni ate. Mukhang di nya talaga gusto si Crystal. Nag-umpisa na kaming kumain. Ako na rin ang naglagay ng pagkain sa plato nya. Alam ko kasing kanina pa sya nahihiya at naiilang. Wala kasing ginawa ang ate ko kundi ang irapan sya. " How old are you?" si ate nakataas pa ang kilay. " 22 po!" sagot naman ni Crystal " Oh same age pala kayo ng fiance ni Joseph. Oh I'm sorry." Ang ate kong maldita, mukhang sinadya nya para masaktan si Crystal. Hindi ko nasabi kay Crystal ang tungkol dun kaya kita ko ang pagka bigla nya. " Baby don't mind her, arrange marriage, at di naman natuloy." explain ko sa kanya. Tumango lang sya. " Anong height mo?" si ate ulit gusto atang inisin ang girlfriend ko. Di naman sya ganyan, pero ngayon mukha na syang kontrabida sa pelikula. "Ate please stop!" Sabi ko pa " 5'2 po." sinagot naman sya ni Crystal. "Ang liit mo pala. Di kayo bagay ni Joseph...." " Caila!!!!" pasigaw na tawag ni Daddy. " I'm sorry dad." paghingi ng paumanhin ni ate Biglang tumayo si Crystal. " Maraming salamat po sa inyong paanyaya. Masaya po akong makilala kayo. Nais ko na pong magpaalam. Aalis na po ko." sabay yuko nya mabilis syang naglakad kaya hinabol ko sya. " Crystal!" sabay yakap ko sa kanya patalikod. " I love you!" hinalikan ko ang kanyang ulo. " hmp... Aalis na ako." sagot nya pa. Alam kong nasaktan sya sa sinabi ng aking ate. " Okay let's go." hinawakan ko ang kanyang kamay. Paalis sa bahay namin. Sumakay na kami sa sasakyan. " Joseph hindi ito ang daan pauwi sa amin." " Yes I know! Doon muna tayo sa bahay natin." Sabi ko Alam kong nagulat sya pero mas mababakas sa mukha nya ang lungkot. Sana pala hindi ko muna sya dinala sa Mansyon. Alam kong nasasaktan lang si ate para kay Bea kaya naman si Crystal ang gusto nyang gantihan. " Dito na muna tayo baby." Inalalayan ko syang bumaba ng sasakyan ko. " Yaya we're here!" Masiglang tawag ko. Mula ng pwede ko na tong lipatan ay si Yaya ang naisip kong isama. " Senyorito. Handa na ang hapunan nyo. Sya na ba ang girlfriend mo?" masayang tanong nya sa akin " Yes Yaya si Crystal!" " Hi iha ang ganda mo naman, napaka simple mo lang." bati nya pa " Magandang gabi po!" magalang na bati naman ni Crystal. " Magandang gabi rin. Halina kayo at kumain na habang mainit pa yung sabaw." sumunod na kami kay Yaya Natapos ang hapunan na nakangiti na si Crystal. " Salamat Joseph." " Welcome baby. Happy monthsarry. I love you!" sabay halik ko sa labi nya. Mabilis lang naman. Bigla syang natawa. " Why???" tanong ko " Talagang uso sayo yung monthsarry?" natatawa nya pang sabi " Sa totoo lang gusto ko nga daysarry para araw-araw tayong mag celebrate. Wait baby." " For you!" Sabay abot ko sa kanya ng bulaklak. " Yellow rose??? Ikaw yung..." " Yes ako nga yung nagpapalagay ng yellow rose sa locker mo! Matagal na kitang gusto Crystal. Masyado ng matagal ang 6 years para sa pagmamahal ko sayo." di ko napigilang halikan sya ulit. Masmatagal gumanti rin sya ng halik hanggang sa habol hininga kaming pareho sa pagbitaw. Nagkatawanan pa kaming dalawa. " I love you too Joseph. Pero hindi pa ako handa sa..." " Don't worry baby I understand. Huwag ka lang bibitaw sa relasyon natin. Alam kong masmarami pang pagsubok ang darating pero sana magkasama nating harapin. Huwag mo akong iiwan." Tumango naman sya bilang tugon. Mahal na mahal ko talaga si Crystal. Hindi ko lang masabi sa kanya na ang best friend nya ang babaeng dapat na pakakasalan ko at nasaktan ko para sa pagmamahal ko sa kanya. Hinatid ko na sya sa kanila bago ako bumalik sa Mansyon. " Ate!!!" " Oh bumalik ka??? Lasing ka???" tanong sa akin ng magaling kong ate. " Bakit mo pinagsalitaan ng ganun si Crystal?" Nag-inom muna ako sa bar bago ako bumalik pero di naman ako lasing. " I'm sorry Joseph for being so rude to Crystal sinusubukan ko lang naman sya. Pero nagkamali ako, sobrang bait at galang nya. Pati si mommy and daddy napahanga nya. Alam mong love kita bilang nakababata kong kapatid kaya gusto ko sa tamang babae ka mapunta. I'm sorry again. Don't worry I apologize to Crystal din once na mag meet ulit kami." sapat ng marinig ko yun sa ate ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD