14

1026 Words
Crystal Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Wala akong kasama pero rinig na rinig ko naman na maraming tao sa labas. Lumapit ako sa likod ng pinto para marinig ang usapan nila. " Until now di pa sya gising." boses ng lalaki. " Doc are you sure na buntis sya?" boses ng babae. " Yes she is 4 weeks pregnant. She need more rest para sa baby niya at please paki painom lahat ng nireseta ko sa kanya." " Ate magkaka anak na sila ni Joseph please tama na. Di ko kayang nasasaktan sya. Baka anong mangyari sa kanila ng baby nya." umiiyak na saad ng isa pang babae. "Sissy kaya lagi kang nalalamangan dahil ang hina hina mo. Hindi mo pa nga natin alam kung kay Joseph nga yun o hindi. Lakasan mo ang loob mo. I'll promise magiging sayo si Joseph mas maaalagaan mo sya dahil alam kong mahal mo sya . " Hanggang kailan sya dito? Please wag nyo syang pahirapan." " I told you pakakawalan rin natin sya once na naikasal na kayo ni Joseph." Biglang tumahimik ang paligid. Mukhang umalis na sila. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. Isang matandang babae ang pumasok. " Ihal mabuti naman at gising ka na. Heto na ang almusal mo, narito na rin ang mga gamot mo para sa baby at kumain ka ng mga prutas." Sabi ng matandasa akin " Nasaan po ako?" tanong ko sa kanya "Ilang araw kang walang malay, mabuti nalang at healthy naman ang baby mo. Sige iha kumain ka na. Babalikan ko nalang yung pinagkainan mo." sabay sarado nya ng pinto. ---------- Araw-araw nalang ganito. Nakakalabas na ko ng bahay pero hanggang garden lang ako para magpaaraw mukhang bakasyunan itong pinagdalhan sa akin nagtataasan nga lang ang mga pader. Di naman ako nahihirapan dito, sagana rin ako sa pagkain, may katulong naman na ga-gawa ng mga gawaing bahay. Lagi nga lang akong iniiwasan. Pero nakakapag taka talaga, wala man lang telepono. Pati ang matandang kasama ko ay wala din. Kailangan ko ng umalis, pero paano ang gagawin ko malaki na rin ang tiyan ko. Di rin ako pwedeng dumaan sa gate dahil mga mga nakabantay dun. Kapag may bumibisita sa bahay lagi akong kinukulong sa kwarto. Kaya hindi ko alam kung sino ang may kinalaman sa pagdukot sa akin. Pero isang araw ay laking pasasalamat ko dahil may naiwang phone sa sala. Itinago ko ito at in-off. Ilang araw bago ko naisipang buksan mabuti nga at may load. Tinawagan ko agad si Joseph dahil sya lang naman ang memorize ko ang number. Ilang beses pang nag ring bago nya sinagot. Pero laking gulat ko na pagbintangan nya akong magnanakaw. Nakakadurog ng puso. Pero humingi pa rin ako ng tulong sa kanya. Hindi sya naniwala na buntis ako at sya ang ama at pinatay pa ang phone. Tinawagan ko ulit pero ganun pa rin. Galit na galit sya sa akin hanggang sa hindi ko na sya makontak. Ilang buwan pa at malapit na ang aking ka buwanan, kasalukuyan kong hinihimas ang aking tiyan dito sa kwarto ng biglang may nagsalita. " Brent I have surprise to you." Sabay bukas ng pinto kung nasaan ako. Di ko ina-asahan si ate Caila na may kasamang lalaki. Gwapo, matangkad, matipuno rin ang pangangatawan pero matalim kung tumingin. " Sya Ang kapatid ni Aries, makakaganti kana sa tar*ntadong yun." sabi pa ni ate Caila. Nanginig ang buo kong katawan. Sya na siguro yung boss ni kuya Aries na trinaydor nya. " Anong gagawin nyo sa akin? Please parang awa nyo na wag nyo akong papatayin." pakiusap ko sa kanila. " Hey hey don't cry! My gosh Caila ang iyakin nito but I like it. Dahil maganda naman sya at magkaka anak na pwede ko na syang mapangasawa. And Caila thanks for helping me. I'll send your money in your account nalang later." Sabi pa nung Brent. Anong ibig nyang sabihin na gagawing asawa. No hindi pwede ayokong maging asawa sya. Isinama ako ni Brent sa isang hotel. " Please sir buntis po ako." bigla nalang syang natawa na parang joke ang sinabi ko. " Hahaha are you kidding. Hanggang halik lang ang kaya kong gawin sayo." sabi nya pa. " By the way just call me Ja-ir. Pinatay ko na kasi ang Brent na katauhan matagal na. Magsimula tayo bilang asawa ko. Sabik na sabik na ang parents kong magka apo. And ikaw ang mag gra-grant sa wish nila." seryosong sabi nya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya sa mga oras na ito, blanko din ang nakikita kong reaksyon ng mukha nya, ang alam ko lang ay dapat na akong makatakas sa kanya. Nakarating kami sa hotel ng may sumalubong sa kanya, ang ate ni Joseph na mukhang nagwagi sa jackpot mega lotto. " Hey Brent!" nakita kong sinamaan sya ng tingin si Ja-ir. Oh I'm sorry again nasanay ako sa Brent, Ja-ir I already received the money. Thanks a lot. By the way baka gusto nyong pumasok sa venue kasal ni Joseph at Bea ngayon. Kaya pala ang saya ng ate nya dahil natuloy na pala ang kasal ni Joseph sa best friend ko. Best friend ko nga bang matatawag? Kahit sobrang sakit na marinig na kinasal na ang taong mahal na mahal ko ay mas pinili ko pa ring makita kaya nagpatianod ako sa paghila ng kamay ko ni Brent este Ja-ir na pala. Nakita ko kung gaano kasaya si Bea, parang di naman talaga sya dumaan sa ano mang karamdaman nakatalikod naman sa amin si Joseph.. Sobrang sakit palang makitang may iba na ang taong mahal mo. Ang sakit sakit durog na durog ang puso ko. Ngayon ko lang napagtanto na kasabwat si Bea ni ate Caila para masira ako kay Joseph. Nahinto ako sa pag iisip ng biglang hilain Ang kamay ko pabalik ni Ja-ir. "Damn!!!! Anong ginagawa ni Aries dito?" bulong nya pa. "Let's go. Aalis na tayo." sumakay ulit kami sa sasakyan nya at saka kami umalis. Alam kong malaki ang galit nya sa kuya ko. Kaya nga sobra akong kinakabahan sa magiging buhay namin ng anak ko kasama sya. Goodbye Joseph!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD