15

871 Words
Crystal POV "Ump!" sabay abot ni Ja-ir ng panyo sa akin. " Ano yan?" takang tanong ko. Huminto kasi kami sa isang burol na may malalaking bato. Umupo ako doon dahil sa totoo lang kanina ko napapagod kahit nakaupo lang naman ako sa sasakyan. Dalawa nalang kami ngayon, pinaalis nya na kasi yung mga tauhan nyang nakasunod sa amin. " Handkerchief or panyo I guess... Akala ko tanga ka lang sa pag-ibig, tanga ka nga pala talaga pati sa ibang bagay ang sayang ganda mo pa naman." bulong pa nya pero rinig na rinig ko naman. " Bw*sit ka di ako tanga." sigaw ko sa kanya sa totoo lang nakaka inis na kasi sya. Bigla akong yumuko. Naku po di ko nga pala sya kilala baka magalit sa akin at saka ako ihulog dito. " Wag ka ng mainis sa akin, pwede ka ng umiyak! Iiyak mo yang sakit na nararamdaman mo." seryosong sabi nya. " Paano mo nasabing nasasaktan ako?" takang tanong ko. Sa totoo lang kanina ko pa gustong umiyak kaya lang ayokong mag mukha akong mahinang tao lalo na at di ko sya ganun kakilala. " Nag-uutos para pumatay at kadalasan pumapatay, wala kaming pinagkaiba ng kuya Aries mo sa paningin ng iba masamang tao ako pero tao lang din ako nasasaktan din. Kaya alam kong nasasaktan ka." Sabi nya pa habang nakatingin sa bandang ibaba ng burol. Ngayon ko lang napansin na meron palang bahay sa paanan nitong burol na made in nipa hut pero modern style ang ganda. " Mamaya dyan sa bahay na yan tayo tutuloy. Walang may alam na buhay pa ako. Maliban sa parents ko at kay Caila." ----------- Ilang araw akong iyak ng iyak. Wala naman akong naririnig kay Ja-ir na reklamo. Wala kaming kasama sa bahay kaya madalas nagtutulungan kami sa gawaing bahay. Lagi ko syang nakikitang may kausap sa phone nya. Pero kapag nakita nya na ako ay tinatapos nya na ang pakikipas-usap. " Crystal hindi kaya pumangit yang anak mo dahil sa kaiiyak mo?" nakangisi nya pang sabi. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian. Hindi ko na naman napigilang umiyak. Na mi-miss ko si Joseph sa totoo lang. Lalo na kapag sabay kaming kumakain. Akala ko nga masungit si Ja-ir pero mula ng makasama ko sya mas madalas na tahimik lang din sya. Tapos laging nang-aasar kapag kaharap ako. " Ang sama mo!" sagot ko sabay kusilap. " Hahaha asar ka na nyan? Sana mag mana sa akin ang anak mo para gwapo. Malapit ka na palang manganak. Lilipat tayo sa resthouse para malapit sa City para di ka rin mahirapan." " Isauli mo nalang ako sa kuya ko." pangungulit ko sa kanya. " Pag-iisipan ko." sabay tayo nya. Di nya ako sinisigawan pero kapag kay kuya na ang usapan ay lagi syang nag-wa-walk-out. ------- Hindi pa kami nakakalipat sa sinasabi nyang resthouse ng biglang humilab ang tiyan ko. " Ja-ir!" tawag ko sa kanya. Kasalukuyan kasi akong naliligo. Bahala na kung makita nya tong hubad kong katawan. " Damn Crystal! Bakit di mo sinabing nakahubad ka." Sabay takip nya ng mata nya. " Wait kukuha ako ng towel." dali-dali syang tumalikod. Di ko na kaya pang maglakad kaya pinilit kong makarating sa higaan, nahiga na ako sa kama ko. Binalot ko nalang ng kumot ang katawan ko. " f**k where's my key? inis na sabi nya. Natataranta talaga sya. Palakad lakad at di alam kung saan pupunta. Hanggang sa nakita nya ang susi ng sasakyan nya. " Hey Crystal heto magbihis ka na idadala kita sa hospital." Kaya mo pa bang bumyahe ng 2hours?" tanong nya sa akin sabay abot ng t-shirt at pajama ko. " 2 hours pa? Pumutok na yung panubigan ko feeling ko lalabas na sya." sigaw ko sa kanya " Ano?????" " Hey Jillian where are you? I need you. I'll send the address. Bilisan mo manganganak na tong asawa ko." may kausap sya ngayon sa phone nya at halos sigawan nya para lang dalian ang pagpunta dito. " Ja-ir tulungan mo ako. Lumabas na ang ulo ng anak ko. Hilain mo." utos ko sa kanya. Nanghihina na ako sa totoo lang. Parang di ko na kakayanin pa. Hanggang sa dumilim na ang paligid ko. ---------- " Anak magpahinga ka na kami na ang bahala sa mag-ina mo." boses ng babae. Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil feeling ko ang bigat bigat ng talukao ng mata ko. " No mom hihintayin kong magising sya." boses ni Ja-ir " Anak alam kong matagal mo na syang mahal pero hindi sayo galing ang anak nya. Hindi mo sya pwedeng ariin." " Ako ang tatayong ama ng anak nya." si Ja-ir. Anong sinasabi nyang tatayong ama? " Hindi na iba sa atin ang mga Lorenzo. Sila ang kumupkop sa pinsan mong si Caila. Karapatan nilang malaman na lumabas na ang apo nila kay Joseph " boses ng lalaki " He's happily married now. Kung mahal nya talaga si Crystal dapat pinahanap nya. Hindi yung nagpakasal pa sya sa iba." parang punyal ang mga salitang binitawan ni Ja-ir ang sakit sakit, tama nga sya di ako mahal ni Joseph. Dahil kung mahal nya nga ako edi sana pinahanap nya ako. Pero madali nya akong hinusgahan at kalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD