16

1003 Words
Crystal POV Ilang araw pa ang nilagi ko sa hospital mula ng magising ako bago kami umuwi sa bahay ni Ja-ir. Hindi ko na nakilala ang mga magulang ni Ja-ir dahil umalis din sila kaagad ng hospital. " Crystal wag ka na munang gumalaw galaw baka bumuka yang sugat mo." may pag-aalalang sabi ni Ja-ir. " Ayos lang magpapakulo lang naman ako ng tubig para mapaliguan ko na si baby." sagot ko " Ako ng bahala dyan sabihin mo nalang lahat ng kailangan mo at ako ang ga-gawa." Sabi nya pa " Hindi mo kami responsibilidad." Nakakahiya na rin, hindi ko naman sya asawa pero kung makapag-alaga sa amin ni baby ay wagas. -------- Bakit mo ba ako binili sa pinsan mo? Para maghiganti sa kuya ko? Palayain mo nalang kaming mag-ina." pakiusap ko sa kanya. Narinig ko kasing kausap nya na naman si ate Caila. Nag-aalala na talaga ako sa kalagayan namin ngayon. Hindi ko kasi alam ang tumatakbo sa isip ni Ja-ir. Ang alam ko lang ay gusto nyang maghiganti sa kuya ko. Wala rin akong tiwala kay ate Caila baka malaman nya kung nasaan ako at gawaan nya ng masama ang anak ko. " Not now." saka sya tumalikod. Ang bait nya sa akin. I mean sa amin ng anak ko puro kabutihan nalang ang ginagawa nya pero natatakot pa rin ako. Takot na takot... --------- Ja-ir POV Ako nga pala si Brent Ja-ir Ibarra. Isang Mafia Lord. Minana ko ito sa aking ama na dating Mafia rin. Mula pagkabata ay hinasa nya na ako sa pakikipaglaban. Sa edad na 10 ay naranasan ko ng pumatay. Isang malaking truck ang pinasabog ko lulan ang isang pamilya. Marami kaming illegal activities like human trafficking, kidnapping, money laundering. Kaya naman kung yaman lang naman ay marami ako nyan. Minsan na akong nag mahal when I'm in college naging kami kaya naman sobrang saya ko. Sya kasi ang first love ko. Pareho kami ng kursong kinuha kaya mabilis lang din kaming magkalagayan ng loob pero nalaman ni dad ang tungkol sa relasyon namin at ayaw nya dahil mabuting tao ang minahal ko. Siguradong ilalayo nya ako sa pagiging Mafia kung sya ang makakatuluyan ko kaya naman sa di inaasahang pangyayari ay nagawan ko sya ng di maganda ng dahil sa nainom kong gamot na ang ama ko rin ang may kagagawan. Nagising nalang ako na nasa hospital at wala na ang aking p*********i. Isinumpa ko si Yessa mula ng araw na yun. Sa kanya ko sinisi ang lahat, at dahil dun nag-umpisa na akong gumawa ng di maganda. Halos lahat ng mapalapit sa kanya ay pinapapatay ko. Pero napakagaling nya dahil tumaas pa ang ranggo nya bilang isang pulis kahit sa kabila nun ay puro paghihirap ang natamo nya. Si Aries naman ay kababata ko kalaro at naging matalik kong kaibigan. Hanggang sa ipasa na nga ni dad ang pagiging Mafia Lord sa akin. Sya ang kinuha kong kanang kamay ko. Napakagaling nya rin pagdating sa labanan. Sa lahat ng tauhan ko, sya lang ang nag-iisang nakahuli kay Yessa subalit trinaydor nya ako. Dahil sa pagmamahal nya sa peke nyang asawa ay tinalikuran nya ako. Mas umanib sya kanila Yessa at kinalaban ang organization namin kaya sobra akong nasaktan dahil tinuring ko na syang kapatid ko. At ngayon ay mortal ko ng kaaway. Alam kong mali ang ginagawa namin pero ito na ang buhay ko. At ngayon nga ay nasa akin na ang isa sa mga kapatid nya, makakapaghiganti na ako sa kanya.. Pero ng makita ko ang mga mata ni Crystal na nasasaktan habang nakatingin sa walang kwentang Joseph na yun sa araw ng kasal nya sa best friend din ni Crystal ay nakaramdam ako ng awa. Ang balak ko sana ay unti-unti syang pahirapan habang nasa kamay ko bago ko sila patayin ng anak nya pero di ko nagawa. Mabuting tao naman si Crystal masyado nga lang iyakin noong una naming magkasama. Yung sapilitang pagpapakasal nya sa akin ay di ko na tinuloy. Masaya ako dahil magaling sya sa mga gawaing bahay kahit na malaki na ang tiyan nya ay kumikilos pa rin sya. Masarap rin syang magluto. Kaya nga kapag umaalis ako ng bahay para asikasuhin ang organisasyon ay bumabalik din ako kaagad. Hindi ko rin alam kung bakit pero sa tingin ko ay na mi-miss ko yung luto nyang na paka sarap. Hanggang sa nakapanganak na nga sya. Isang malusog na batang lalaki. Mabuti nalang at dumating rin ang kaibigan kong doctor noong nawalan sya ng malay kaya nadala namin sya kaagad sa malapit na clinic para sa emergency CS ,mabuti nalang din at kompleto sa gamit ang clinic kaya naisagawa agad pagkatapos nyang maoperahan ay sinugod pa rin namin sya sa mas malaking Hospital. Unconscious kasi si Crystal nung mga panahong yun. Akala ko mamamatay sya dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya pero mabuti nalang at na buhay sya. Nalaman ng mga magulang ko na nanganak na si Crystal at hindi linggid sa kaalaman nila kung sino ang ama ng bata kaya gusto nilang ipaalam to sa mga Lorenzo pero nakiusap ako na huwag na lang muna. Si Crystal lang ang may karapatan na magsabi sa kanila tungkol sa bata. Ilang buwan na rin kaming magkasama ni Crystal. Lagi ko syang pinag mamasdan kapag tulog. " Ang ganda mo!" sabay hawak ko sa pisngi nya at halik sa labi nya. Madalas kong gawin yun kapag tulog sya. Di ko rin mapigilan ang sarili ko. Pati kay baby Jian ay di ko mapigilang mahalin. Kamukhang kamukha sya ni Crystal. Mabuti nalang at nunal lang sa noo ang nakuha sa ama nya. Ngayon lang ulit ako nagka ramdam ng ganito. Yung buong pamilya na gustong gusto ko. Ang anak na kahit di mula sa akin nagmula ay maituturing ko ring akin dahil ako ang makasama nya sa paglaki. Masaya ako pero hindi pwedeng mahulog na naman ako sa isang babae lalo pa at nagsimula ito sa paghihiganti. Hindi ko pwedeng mahalin ang kapatid ng mortal kong kaaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD