4

1010 Words
Crystal POV 3rd year college na ako ngayon, at isang taon nalang ang gugugulin ko para makapagtapos ng pag-aaral. " Hello ate! Kamusta ka na?" si Letlet kasalukuyang naka video call kami sa laptop na gift sa akin ni kuya Aries noong birthday ko. " Hi bunso. Heto at mag rereview dahil malapit na ang final exam namin kaya kailangang mag-aral ng mabuti. Eh ikaw kamusta kayo ni kuya Aries dyan? Palagi ba syang nasa bahay ngayon o madalang na namang umuwi?" tanong ko sa kanya. " Ate alam ko matutuwa ka rin, hindi na ako nag-iisa ngayon dito sa bahay, nag asawa na si kuya! " malayong sagot nya sa tanong ko. " Ha? Ang bilis naman ata, kelan pa. Ikinasal sila na di man lang ako sinabihan?" gulat na gulat ako. Si kuya Aries kasi yung tipong napaka suplado sa mga babae, lalapit palang yung babae inaayawan nya na. " Kagabi lang, pero mukhang may sakit si Ate kasi di nya matandaan si kuya Aries, pero alam mo ang sipag nya, tapos ang bait pa nya. Wag ka na magtampo ate, kasi kahit ako hindi inimbita nung kinasal sila pero sabi ni kuya sa kasal nalang daw nila sa simbahan gagawin nya tayong flower girl " kwento pa ng kapatid ko. Flower girl? Ginawa pa akong bata ni kuya... " Ngayon mo lang sya nakilala nabaitan kana agad?" tanong ko sa kanya. Nagdududa talaga ako dahil ang bilis naman ata. At sinong babae naman kaya ito? " Sige ate saka nalang kita kwentuhan ulit, tinatawag na ako ni ate Thany kakain na daw kami. Mag-aral ka na ulit ate ko.Mwa mwa mwa... " nag flying kiss pa talaga ang kapatid ko bago mamatay ang video call. Sobrang na miss ko na sya. Sa bakasyon uuwi akong Pangasinan para makilala na rin yung asawa ni kuya na di man lang ako inimbita sa kasal nya kaya medyo nakakatampo talaga. ***Kriiing!!! Kriiing!!!!*** " Bez papunta na akong bahay nyo!" si Bea " Bakit? Dito ka mag rereview?" takang tanong ko sa kanya. " May anmesia lang? Bez naman naipaalam na kita kay tita Deby. Pupunta tayong bar ngayong gabi di ba? si Bea ulit. Mukhang naasar sa sinabi ko. Nakalimutan ko ngayong gabi nga pala kami pupuntang bar. " Sige at gagayak lang ako. " pagka baba ko ng tawag nya ay dali-dali akong pumuntang banyo para makaligo. " Hayyssst ang hirap naman ano kayang isusuot ko.? Mag pants at t-shirt nalang siguro ako. Tamang-tama ng pagbukas ko ng pinto ay nandito na pala ang kaibigan kong maganda. " Bez anyare? Wala kang dress???" si Bea. " Anong masama sa suot ko? Party ba pupuntahan natin?" tanong ko sabay tingin sa suot ko " Bez may dala akong dress please ito nalang suotin mo para same tayo." si Bea sabay abot sa akin ng paper bag na may lamang branded na dress. Kulay navy blue ito. " Wow! Bagay sayo bez, ang sexy mo talaga!" sabay palakpak nya pa habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nilagyan nya pa ako ng kaunting make up para daw mag matured konti ng mukha ko. Mukha daw kasi akong elementary sa height ko. Wow ha ang tanggkad nya!!! " Eh paanong di sexy eh hapit na hapit naman itong dress na ito. Naipit lahat ng bilbil ko." biro ko pa sa kanya. " Di yan totoo, nakakainggit naman yang ka sexy-han mo. Pero I think isang araw na diet nalang magkatulad na tayo ng katawan." sabay tabi nya pa sa akin. " Tara na para makarami tayo ng inumin." sabay hawak nya sa braso ko. Nandito na kami sa Bar, at totoo nga na napaka ganda at ang sossy ng lugar. Mayaman lang ata ang makaka afford ng ganitong klase ng Bar. Mukha naman safe rin. Narito na rin ang mga ka klase namin. Mas pinili kong uminom nalang ng Juice. Ayaw kong uminom ng alak mahirap na at may mga kasama pa naman kaming mga lalaki, mga boyfriend ng mga ka klase namin ang karamihan. " Sayaw muna tayo bez halika na." aya sa akin ni Bea. Hindi na rin ako tumanggi, sa totoo lang di ako komportable sa isang kasama naming lalaki, boyfriend sya ng isa sa ka klase ko pero kung maka tingin sa akin ay akala mo mangangain ng buhay na tao. At sa tuwing nahuhuli kong nakatitig sa akin ay bigla nalang kikindat. Sarap tusukin ang mata. Hanggang sa nagsawa kaming magsayaw. Nakakapagod kaya naman agad kong ininom yung juice na naiwan ko sa table namin. Pero habang tumatagal ay nag-iiba ang pakiramdam ko. Sobrang init... " Bez punta lang akong Cr." paalam ko kay Bea " Bez samahan na kita." sabi nya pa. " Huwag na Bez maghihilamos lang naman ako. Babalik din ako agad." di na ko pumayag na samahan nya dahil alam kong nag eenjoy syang kausap yung isang lalaki na pinsan naman ng ka klase namin. Sabagay gwapo naman at mukhang mayaman at mukha namang mapagkakatiwalaan. Nang malapit na ako sa Cr ay biglang may humila sa akin. Na ikinatili ko. " Huli ka!" " Wait sino ka?" " Dion babe! Dion nalang itawag mo sa akin." " Wait! Di ba boyfriend ka ni Kelie? Teka bitiwan mo ako." " Babe wag ka na pumalag, sumama ka nalang sa akin. Sure akong pareho tayong mag-eenjoy." " No!!!" sobrang init na talaga. Iba na talaga tong nararamdaman ko. Kaya pinilit kong makalayo sa kanya. Mabuti nalang at naitulak ko sya dahil na rin siguro sa kalasingan nya kaya nakawala ako. Mabilis akong naglakad hanggang sa may nakita akong pinto na naka bukas. Pumasok ako dun at saka nagtago. Mahirap na baka di na ko makaligtas dun sa lalaking yun mukhang manyak pa naman. Pag kasarado ko ng pinto. Ay biglang may nagsalita. " Who are you woman?" Naku po lalaking boses ibig sabihin lalaki ang may ari nitong kwarto ngayon. Dahil sa madilim ang paligid ay di ko maiwasang matakot. Pero bago pa ako makapag salita ay bigla nalang may dumampi sa aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD