Joseph POV
Ilang Linggo na rin akong nagtuturo dito sa University ni Uncle Miro. Sa totoo lang na enjoy ko na. Maraming istyudante kong babae ang nagpaparamdam ng interes sa akin. Pero isang babae lang talaga ang gusto ko. Habang palabas ako ng university ay nakita ko syang naglalakad kasama ang kaibigan nya na istyudante ko rin named Bea kung di ako nagkakamali. Lalapitan ko sana silang dalawa ng makita ko ang isang lalaki na palapit na rin sa kanila. Nagulat ako dahil di ko inaasahang yayakapin iyo ni Crystal at hinalikan pa sa pisngi.
Sh*t mukhang huli na ako! Tumalikod na ako at pumunta kung saan ko pinarada ang sasakyan ko. Selos??? Oo selos na selos ako! Hindi ko nakita ang mukha ng lalaki dahil sa pagkakayakap ni Crystal sa kanya. Bigla akong nawalan ng pag-asa.
" Son you need to go back here in Manila, ang daddy mo." iyak ni mommy sa kabilang linya.
" What happened to daddy?" tarantang tanong ko. Nasa University na ako ngayon at kasalukuyang naghahanda para sa pagpasok ko sa classroom kung nasaan si Crystal.
" Inatake sya son, at hindi maganda ang lagay nya, narito kami sa hospital. Pauwi na rin si ate mo." sagot nya.
" Yes mom! Take care! Bye! " paalam ko sa kanya.
Ito na siguro ang last na turo ko, kailangan kong tutukan ang Family business namin dahil may sakit si daddy.
Pumunta muna ako sa Office ni Uncle Miro para formal na magpaalam sa kanya. Sinabi nyang sasabay sya sa pagluwas ko para mapuntahan nya rin si daddy. Si Uncle Miro at daddy ay matalik na magkaibigan. Siya rin ang dahilan kung bakit nakilala at naging asawa ni daddy si mommy ko na pinsan nya naman.
" Good morning Mr. Lorenzo!" masiglang bati ng aking mga istyudante.
Binati ko rin sila pabalik at inumpisahan ko sa attendance. Nakakatuwa dahil laging perfect attendance ang mga istyudante ko. Malungkot kong tiningnan ang mukha ni Crystal ng tinawag ko ito. Nakangiti sya sa akin, lalo syang gumanda sa paningin ko. Ito na ang huling pagkikita namin na syang nagpalungkot ng husto sa akin. Blooming sya dahil siguro sa lalaking sumunod sa kanya.
Kung kami talaga ang tinadhana, mag ki-kita pa rin kami sa tamang panahon.
Crystal POV
Nakaramdan ako ng nalungkot ng magpaalam na si Mr. Lorenzo sa amin. Last nya ng turo sa amin kanina.
" Syang naman, ilang Linggo ko lang nasilayan ang mukha ng bebeloves ko." himutok ni Bea.
" Bebeloves? Sino?" tanong ko
" Edi si Joseph ko." kitang kita ang lungkot sa kanya.
" Tinamaan ka na talaga sa kanya noh???" asar na tanong ko sa kanya.
" Bez di ko lang sya gusto, mahal na mahal ko pa." sagot nya sakin habang hawak ang kanyang cp.
" Ano bang tinitingnan mo dyan sa cp mo?" sabay silip ko sa tinitingnan nya. Nagulat ako dahil nasa screen ang picture ni Sir Joseph, stolen shot pero napaka gwapo nya sa angulo na yun.
" Alam mo bez, nung kinuhanan ko sya ng picture may tinitingnan sya dyan." kwento nya sa akin. Sabay lipat sa isa pang picture.
Nakita ko naman ang picture ko na nakayuko at busy sa pagsusulat.
" Oh bakit may picture ako sayo na nakayuko? Bez naman kapangit ko dyan." Sabi ko pa sa kanya habang hawak ko ang cp nya na inagaw ko.
" Mukhang sayo nakatingin si Joseph ko Bez... Hindi sa akin. Saan ba galing yang ganda mo bez ituro mo nga sa akin." loka-loka talaga tong kaibigan ko. Patay na patay sa professor namin, mukhang nag selos pa sa akin.
" So hindi na si kuya ang type mo?" tanong ko sa kanya.
" Nagbago na pala Bez back to kuya mo na ulit tong puso ko. Since wala naman na si Joseph edi kay kuya Aries mo na ulit ako. hihihi."
Itong kaibigan ko talaga masyadong na aatract sa sobrang gwapo. Nung nakita nya si kuya nagkagusto na rin sya dito mula pa nung highschool kami, pero syempre di naman sya showy, sa akin nya lang sinasabi lahat ng nararamdaman nya. Hindi sya kagaya ng iba na todo effort para lang mapansin ng gusto nila. Kaya nga naging best friend ko sya. Sobrang ganda rin naman ni Bea, matangkad, sexy kaya lang kinulang sa talino. Marami syang manliligaw pero binabasted nya agad naka focus lang sya kay kuya noon, na para bang silang dalawa ang magkakatuluyan. Pero nagbago ng dumating si Sir Joseph. Pero ngayon mukhang back to normal na naman, si kuya na naman ang gusto nya. Hehe!
Two years later..
" Bez salamat kasi sumama ka dito sa Manila, best friend nga talaga kita." Tuwang tuwang sabi ni Bea.
Nag transfer na kasi kami ng school dahil umalis kami sa University na dati naming pinapasukan dahil na rin sa isang pangyayari.
Nang nalaman ni kuya ang nangyari, siya na rin ang nagsabi na lumipat muna ako ng school, siya na rin ang naghatid sa akin dito sa Manila. Sa bahay ng aking tiyahin na kapatid ni mama ako tumuloy. Mag-isa nalang sya sa buhay mula ng iwan sya ng tiyuhin kong babaero.
" Crystal, ngayong narito ka sa poder ko. Wala munang boyfriend ha. Mag-aral kang mabuti para natupad mo lahat ng pangarap mi sa buhay. Matalino ka at malayo ang mararating mo." si tita Deby
" Opo tita!" maikling sagot ko. Tumango lang sya.
" Aries si Letlet wag mong pababayaan iho lalo na't isa nalang sya sa bahay kapag umaalis ka." baling nya rin kay kuya
Kasalukuyan kaming naghahapunan. Kasama rin namin si Letlet.
" Ate lagi kang uuwi sa Pangasinan kapag wala kang pasok ah. Ma mi-miss kita." ngayon na rin aalis sila ni Kuya.
" Ma mi-miss din kita Letlet." Ngayon lang kami magkakahiwa-hiwalay nila Letlet at kuya Aries sobrang nakakalungkot.
Marami ding bilin sa akin si Kuya. Bago sila umalis.
Dumaan pa ang mga buwan. School at bahay lang ang ruta ko. Minsan nakakasawa pero ayos lang. Napakabait ni tita Deby, kapag walang pasok ay tinuturuan nya ako sa pagluluto. After kong tapusin ang kurso ko, gusto kong mag-aral muli at maging isang Chef katulad nya.
" Bez malapit na tayong magtapos baka pwede namang mag-enjoy. After exam natin punta tayong bar.. May isang sikat na bar dito try natin." ata ni Bea sa akin
" Bez baka di ako payagan ni tita Deby ko. At saka sikat na Bar, it means Mahal ang mga inumin dun di ko afford." sagot ko sa kanya
" Bez ipapaalam kita sa tita mo, and about naman sa pera don't worry marami akong ipon. Hihihi." Sabi nya pa.
Sabagay napakayaman nila talagang walang problema pagdating sa pera...
"Sige pag-iisipan ko." maikling sagot ko sa kanya.