20

1047 Words
Joseph POV Ilang araw na ang lumipas mula ng makita ko si Crystal. Sa canteen pala sya nag wo-work. Ang balita ko ay isa syang tindera doon. Ang asawa nya naman daw ay nag tatrabaho rin dito sa hotel. Hindi ko na inalam kung anong trabaho nya. " Bro are you okay? Nagkita na kayo ni Crystal?" si Tyrone. Kahapon ay nag bonding sila kasama si Crystal at sa kanila ko nga nalaman na may anak at asawa na si Crystal. Kaya lang di naman nila nakilala yung lalaki dahil naka duty pa raw. " I saw her!" walang gana kong sagot. " Oh really. So you mean she saw you too? Anong reaksyon nya?" tanong pa ulit ni Tyrone " No! Di nya ako nakita." sagot ko " Ay sayang naman." Si Tyrone ulit. " You met her son? Nakakatawa lang bro pareho kayong may nunal sa noo. At nakaka gulat same position pa." si Marius na tawang tawa pa. " Akala ko nga kay Joseph yung bata eh, pati kasi sa galaw pareho kay Joseph. Kaya lang mukhang impossible dahil nawala si Crystal na di pa sya buntis? I mean wala namang nangyari sa inyo right? Kapag nagkataon baka balikan ka ni Aries. Hahaha " si Tyrone ulit. Kung alam lang nila na nagsama na kami ni Crystal at halos gabi gabi naming ginagawa yun. Pero hindi ko nga sya nabuntis. Pinangarap ko rin namang magkaanak na kami baka sakaling pumayag na syang maikasal kami. Wala akong pakielam sa galit ni Aries dahil papakasalan ko naman yung kapatid nya. " Babe bukas inaaya kami ni Crystal sa bahay nila malapit sa dalampasigan. Doon na daw kami mag lunch ng mga bata." rinig kong paalam ni Althea kay Marius. " Bakit kayo lang? Paano naman kami?" singit ni Tyrone. Pati kasi si Beth ay inimbita ni Crystal. Nagtawanan lang ang mga babae... -------------- Ang ganda nitong Isla na ito. Dahil meron din silang resto bar. Hayst lasing na naman ako. Ayoko pang umakyat sa room namin dahil sure na may mangyayari na naman sa amin ni Bea, lagi nalang akong lasing kapag nagagawa ko sa kanya yun. Kaya kahit anong pilit kong isipin di ko talaga maalala. Narito ako ngayon nakaupo sa buhanginan. Nauna na kasi ang mga kaibigan kong bumalik sa kanya kanya nilang room kaya mag isa nalang ako dito. Inaantok na ko. " Uy kuya gising gising.!" Boses ng isang babae. Di ako makadilat sa sobrang kalasingan kaya nanatili pa rin akong nakahiga. Hanggang sa iwan ako ng babae. " Ate ayun po yung lalaki tulungan natin, mukhang nalunod. Basang basa po yung suot nya." tarantang sabi ng babae " Naku po! Joseph! Joseph! Gising!" " Ate Crystal i CPR mo." " Hindi ako marunong." " Bigyan mo lang ng hangin yung bibig nya. Hindi ako pwede bata pa ako. Ayokong mapunta sa kanya ang first kiss ko." " Hahalikan ba dapat? Sige." Maya maya lang ay lumapat sa labi ko ang labi nya. Halik nga ang ginawa nya sa akin. " Ate bigyan mo ng hangin wag mong lapain. Bakit mo sinipsip yung labi?" Inulit nya ulit. Pero imbis na bigyan nya ako ng hangin ay hinalikan ko na rin sya. Sabik na sabik talaga ako kay Crystal. Sya lang talaga ang nagpapainit sa katawan ko. Kilalang kilala na sya ng buddy ko. Halos itulak nya na ko. Pero di ko pinayagan na malayo sya sa akin. Pinalalim ko pa ang halikan namin. Hanggang sa tugunin nya na rin ang halik ko. " Ohhhhhh!!!! Nagtukaan na. Ano ba yan my virgin eyes." sigaw pa nung babaeng kasama ni Crystal. Napabitaw na rin ako sa labi nya talagang inaantok na ako. ------------ " Bro buti nakita ka ni AA sa dalampasigan. Bakit dun ka na tulog? Mabuti nalang at kaya kang alalayan kaya ka nakabalik sa kwarto nyo." si Tyrone. Narito kami ngayon sa canteen ng hotel nag kakape. Di ko mapigilang ngumiti. Ang sarap naman kasi nung natikman ko kagabi. Kung di lang ako nagpa sobra sa pag-iinom baka... " Aray!!!!" Di ko na natapos ang pag iisip ko ng may pumalo sa batok ko. " Lintik ka Joseph kinakausap ka namin kanina ka pa parang tanga dyan na ngumingiti ngiti." si Greg. Kadarating lang nila kaninang umaga ni Yessa kasama rin ang mga anak nila. " Bakit ka ba nambabatok ang sakit ah?" angal ko sa kanya. Sabay himas ko sa batok ko. Nagtawanan lang silang tatlo. Mga g*go talaga. " Nakita ko si Crystal bro napakaganda nya pa rin kahit napaka simple nya lang." si Greg ulit. " Sayang talaga di kayo nagkatuluyan. Sabagay swerte ka na rin kay Bea ang ganda nya rin tapos binigyan ka pa ng maganda ring anak na si Bubbles. Perfect family ka na bro." si Tyrone. Kung alam lang nila na di talaga ako masaya. Si Daddy lang ang nasasabihan ko ng mga sikreto ko. Ayaw ko rin kasing may makaalam sa naging relationship namin ni Crystal dati. Mas maganda siguro kung kausapin ko na si Crystal, tiyak na di nya tutugunin yung halik ko kung di nya na ako gusto. Mukhang may pag-asa pa para sa aming dalawa. ------------ " Dear baka pwede tayong pumasyal." si Bea " Mamayang gabi may gagawing salo-salo malapit sa dalampasigan. Isasama ko si Bubbles. Kung gusto mong sumama edi sumama ka rin." Hindi ko sinagot ang request nya bagkus ay sinabi ko yung dadaluan naming magkakaibigan mamaya. Nag pa welcome party kasi yung may-ari sa amin. " Talaga ba? Sige sasama ako." Excited nyang sabi. Mahaba ang ginawa nilang lamesa. Kasya kaming lahat. Pamilya ni Marius, ni Tyrone, ni Greg at sa akin. Nakita ko si Crystal na kasama ang anak nila. Tumayo si Bea para salubungin si Crystal. Halos mag iyakan pa sila sa muling pagkikita nila. Nagtagal pa si Bea ng ilang minuto bago bumalik sa amin. Kanina ko pa tinitingnan si Crystal ang simple nya lang talaga pero angat na angat ang ganda nya. Maya-maya pa ay nag-umpisa na kaming kumain ng may dumating na lalaki at hinalikan sa pisngi si Crystal. Pati ang anak nya ay humalik rin sa lalaki. Nagpupuyos ako sa selos at galit. Tatayo na sana ako ng biglang sumigaw si Yessa sabay tutok ng baril sa lalaki. " Brent????"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD