21

1054 Words
Crystal POV Hiyang hiya ako ng gabing hinalikan ko si Joseph. Sa totoo lang sobra akong nag alala ng makita ko siyang naka handusay sa buhanginan. Ang sabi kasi ni Lita ay nalunod daw ang lalaki kaya naman ng makita kong si Joseph pala ang lalaki ay di na ako nakapag-isip ng tama. Ang sabi ay i CPR ko. Eh kasi naman di ko talaga alam kung paano. Pag dampi palang ng labi ko sa labi nya ay libo libong boltahe na ng kuryente ang aking naramdaman. Nangulila ako sa kanya ng ilang taon. Gustuhin ko mang ipakilala sa kanya si Jian pero nag da-dalawang isip ako dahil masaya na sya sa buhay nya ngayon kasama si Bea at ang kanilang anak. " Nanay mamayang gabi umattend kayo ni Jian sa salo-salo. Naghanda ako para sa mga bisita. I think mag eenjoy dun si Jian." si Ja-ir kasalukuyan kaming kumakain. " Pupunta ka ba? Nagkita na kami nila ate Althea at ate Beth. Inaya ko nga sila mag lunch sana dito kaya lang bukas nalang daw para makasama si ate Yessa." sagot ko sa kanya. " Hindi ako pwedeng makita ng pulis na yun." maikling sagot nya. " Tatay di ka sasama sa amin ni nanay? Gusto ko po sana kompleto tayo." si Jian mukhang malungkot na naman. Masyado syang malapit kay Ja-ir dahil ang alam nya ay si Ja-ir ang tunay nyang ama. " Titingnan ko anak, may work pa kasi ako. Huwag ka ng malungkot." sabay yakap nya kay Jian. Ramdam ko namang mahal na mahal nya ang anak ko. Pero wala talaga akong makapang pagmamahal para sa kanya. Siguro bilang nakatatandang kapatid. Para rin kasi siya si kuya Aries. ---------- Nasa party na kami ng magkita ulit kami ni Bea, nailang ako nung una na lapitan siya. Pero sya ang unang lumapit at niyakap ako. Bumalik sa akin lahat ng pinagsamahan naming dalawa mula pagkabata hanggang sa nagmahal kami ng isang lalaki. Siya lang naman ang nag-iisa kong best friend. At saka sila na ni Joseph kaya wala ng dahilan para mag agawan pa kami sa isang lalaki. Naka move on na rin naman ako.? Hindi ko pa sure yun... " Nanay! Jian anak!!!" si Ja-ir. Nagulat ako sa pagpunta nya. Alam kong mapanganib na lumabas sya o magpakita sa mga taong kilala nya noon pero ng makita ko ang tuwa sa mukha ni Jian ay nawala ang pangamba ko. " Brent???" si ate Yessa nakatutok ang baril kung nasaan si Ja-ir at Jian. Baanggggg!!!! alingawngaw ng putok ng baril ang nagpanginig sa buo kong katawan. " Sh*t!!! Sinong nagpaputok???" sigaw ni ate Yessa. Nagkagulo ang mga tao. Una kong nilapitan si Ja-ir na natumba! " Ja-ir????" iyak kong sabi. " Nanay si Jian!?" tanong nya sa akin, nakita ko ang pagdugo ng braso nya. May tama sya ng baril. Pagkita ko sa anak ko. Nakadapa sa buhanginan. " Jian????!!!!!!" sigaw ko. Dali-dali akong pumunta para kunin sya pero nanginig ang buo kong katawan ng makitang naliligo sa sariling dugo ang anak ko. Nag-umpisa ng mag tuluan ang mga luha ko. " Ang anak ko! Ang anak ko." sigaw ko pang sabi. Nakita ko kung paano buhatin ni kuya Aries si Jian. " Bilisan nyo, kunin nyo ang sasakyan ko." sigaw ni kuya sa kasama nyang lalaki. Sumunod na ako kay kuya, wala ng malay ang aking anak. Lumingon ako sa paligid pero di ko na nakita si Ja-ir. Narito na kami sa hospital at kasalukuyang ni rerevive ang anak ko. Nakaupo ako ngayon sa sahig nitong hospital at taimtim na nananalangin. " Diyos ko parang awa nyo na iligtas nyo ang anak ko." " Crystal! Kaya ba di kana nagpakita dahil nagkaroon kayo ng relasyon ni Brent? Pero paano kayo nagka-anak? Wala na syang kakayahan." si kuya Aries na tumabi na rin sa akin sa pag-upo. " Kuya ikaw ba ang bumaril sa kanya?" tanong ko imbis na sagutin ang mga tanong nya. " Nope! Kasamahan naming pulis. Matagal ng naka surveillance tong Isla. Mag mga tips na kaming natanggap. At ngayon nga ang time para i raid ang lugar. Pero wala sa usapan na may madadamay. Lalo na at pamangkin ko pa. " " Mabait sya sa amin kuya." Sabi ko sa kanya. " Mabait naman talaga si Brent kaya lang kailangan nyang pagbayaran lahat ng kasalanan nya sa batas." si kuya Aries na malungkot din. " Eh bakit ikaw?" tanong ko habang umiiyak. " Ha???" takang tanong nya " Eh bakit ikaw , nakagawa ka rin ng kasalanan bakit di mo rin pinagbayaran?" pagpapatuloy ko sa tanong ko. " Pinagbayaran ko na ng ilang taon." malungkot nyang sagot Ilang taon palang nakulong si kuya Aries kaya pala di namin sya nakasama ng matagal. Akala ko nasa ibang bansa sila pero nasa kulungan sya at ang mag-iina nya ay umuwi ng probinsya. Napawalang sala sya dahil na rin sa tulong ng tunay nyang pamilya. Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor. Kailangang masalinan agad ng dugo ang anak ko, maraming dugo ang nawala sa kanya. Dali dali naman kaming pumunta para mag pa check ang blood type namin ni kuya kung pwede kaming mag donate. " I'm sorry Misis pero baka ang Mister mo ang ka pareho sa blood type ng anak nyo." Sabi ng nurse na nag check ng dugo namin ni kuya. Pati si kuya ay di rin pwede. " Ano po bang type ng dugo ang kailangan.?" Tanong ni kuya Aries. " Type AB negative. Rare ang blood type nya kaya mas maganda kung magulang ang mag do-donate." Halos maupos ako sa kinatatayuan ko. Paano ko sasabihin kay Joseph na kung pwede syang magpa check ng blood type na??? Sumunod dito sa hospital ang mga kaibigan ni kuya Aries. Si sir Marius at ate Althea, Si Sir Tyrone at ate Beth, si sir Greg at ate Yessa Lahat sila ay nagpa check ng blood . Pero walang tumugma sa blood type ng anak ko. Konting oras nalang ang binigay ng doctor sa akin para maghanap. Wala rin kasing available na AB negative sa blood bank nila sa ngayon. " What type ulit?" tanong ni ate Beth. " AB negative po.!" sagot ko. " Sh*t bakit ngayon nyo lang sinabi. Si Joseph AB negative yun." sigaw ni sir Greg. Nagtinginan naman silang lahat sa akin.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD