2

1038 Words
Joseph POV " Son balita ko na nag apply ka sa University para maging professor sa school ng uncle Miro mo?" tanong ni Daddy sa akin. Narito kasi ako ngayon sa mansyon dahil pinatawag nya ako at may importante daw syang sasabihin sa akin. Si Uncle Miro ay isa ring professor pero iilan lang ang may alam na siya rin ang may-ari ng isang sikat na University sa Pangasinan. " Yes dad!" maikling sagot ko. " Baka naman may kinahuhumalingan ka ng babae? It's better na wag mong seryosohin son. May babaeng nakalaan sayo. Pinahihinog ko lang bago kayo i engage." mahabang pahayag ni dad Bata palang ako ay alam ko ng may babaeng nakalaan para sa akin. Kaibigang matalik ni daddy at mommy ang pumanaw nyang ama. " Gusto ko sanang makilala ang babae dad." Sabi ko sa kanya Natawa lang ang aking ama at umiling. " Don't worry son darating din tayo dyan." sagot nya bago kami tawagin ng aking ina para sa dinner " Son hindi ka ba mahihirapan nyan at nandito ang business mo sa Manila tapos may work ka rin dyan sa University ng uncle Miro mo?" tanong ni mommy habang kumakain kami. Masarap magluto si mommy dahil isa syang chef kaya nga maraming branch na ngayon ang kanyang restaurants business. " Ang sarap mo talagang magluto mom!" malayong sagot ko sa sinabi nya. " Thanks! Na miss ko tuloy ang ate mo." Malungkot na sabi ni mommy di nya na rin naungkat ang balak kong magturo. " Meron akong kapatid na babae. Tatlong taon ang agwat ng aming edad. Legally adopted sya nila mom at dad dahil akala nila ay di na sila magkaka anak for almost 10years na pagsasama. Nasa ibang bansa sya ngayon, pareho sila ni mom na chef, samantalang ako ay education talaga ang tinapos ko kaya lang walang time para makapagturo dahil maagang pinahawak ni daddy ang business ng pamilya namin hanggang sa nagustuhan ko na rin sa tulong ng mga kaibigan ko. " What happened Marius? Mukhang problemado ka." tanong ni Tyrone. Narito kami sa bar na pag ma may-ari naming apat " Si Althea, yung maid nila Steph." si Marius " Oh! What's about her? si Tyrone ulit " Kamukha siya nung kababata ko. Tapos same name pa." problemadong sagot nya sabay lagok sa inuming alak " What if sya nga? Paano na kayo ni Steph?" si Greg " I love Steph. Pero naguguluhan ako ngayon." si Marius ulit "Magulo talaga kapag may nararamdaman ka pa sa unang babaeng minahal mo. Let's drink." si Greg " Hey Joseph balita ko sa Pangasinan ka mag stay. Bakit bro?" tanong ni Tyrone Di pa kasi nila alam na magtuturo ako dun with hidden agenda syempre. Ayaw ko munang sabihin sa kanila about sa babaeng unang nagpatibok ng puso ko. Ang Secret Love ko. Crystal POV " Crystal ikaw na muna ang bahala kay Letlet may pupuntahan ako at baka ilang araw rin akong mamamalagi dun." si kuya Aries " Sige po kuya mag-iingat ka palagi" sagot ko sa kanya " Tatawagan kita palagi. Mag-iingat din kayong dalawa dito." paalam nya pa sa amin Medyo nalungkot ako dahil wala si kuya, walang magsusundo at maghahatid sa amin ni Letlet sa paaralan. May inupahan syang taxi na kapitbahay lang namin para maging service namin para di kami mahirapan pero iba pa rin talaga kapag nandyan si kuya sa tabi namin. " Bez!!! Ang lalim ha, saan ka nakarating???" si Bea habang inuuga-uga ang braso ko. Napalalim ang iniisip ko. Nandito kami sa classroom ngayon at hinihintay si Mr. Lorenzo para sa subject naming Algebra. Nagtilian ang mga ka klase ko at pati si Bea, hudyat na malapit na sa classroom namin ang Gwapo daw naming professor. Bakit kaya wala man lang ka dating dating sa akin ng lalaking yun? Nag-umpisa na ang klase. At dahil sa lungkot na nararamdaman ko ay di ako nakapag focus sa discussion, kanina pa pala ako tinatawag para sumagot sa tanong pero di ko talaga napansin. Uwian na ng biglang nagsalita ang professor namin. "Ms. Villaflor stay!" Halos lukubin ang buo kong katawan ng takot ng kami nalang dalawa ang natira sa classroom. Ilang minuto ring naging tahimik ang paligid bago siya nagsalita. " Wala ka sa focus kanina. May problema ba? Isa ka pa naman sa magaling sa klase ko. I hope nextime na di na mauulit to. Ayaw kong may napapahiyang istyudante. You may go!" malumanay nyang sabi " Yes sir!" sabay tango ko. Ang bait nya pala akala ko nung una suplado sya. Grabe bat naging gwapo at matcho sya sa paningin ko ngayon. " Erase erase!!!" sabay iling ko "What happened?" tanong nya " Nothing sir. Thank you po and I'm sorry again." sagot ko sabay labas ko ng classroom. Nakaramdam ako ng parang naghahabulan sa dibdib ko. Ano tong nararamdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko habang hinahawakan ko ang tapat ng puso ko. " Bez!!! Anong nangyari?" si Bea habang naglalakad kami hinintay nya talaga ako para lang maki marites. " Pinagsabihan nya lang ako na mag focus sa subject nya." sagot ko " Yun lang? Pero ang swerte mo nakasama mo sya sa isang silid na kayo lang. iiiiyyyyy" si Bea " Kilig na kilig??? Baka maihi ka nyan." biro ko sa kanya " Bez kahit anong mangyari ha sa akin lang si sir. Walang agawan." banta nya pa sa akin " Hehehe ang tiyaga mo. Sige sayo lang sya." sabay iling ko. Masyado ng inlove ang best friend ko sa professor namin. " Wow may yellow rose na naman? Bez akin nalang please?!!." hingi ni Bea sa bulaklak na nasa locker ko na naman. " Sige Bez!" sabay abot ko sa kanya ng bulaklak Habang palabas kami ng campus ay may mga nadaanan kaming mga kalalakihan, mga 4th year college na sila base sa suot nilang uniform. " Mukhang sa maling locker mo nailagay ang rose." Galit na sabi nung lalaking may katangkaran sa isa sa mga kasama nito na nakatingin sa rose na dala-dala ngayon ni Bea. Tiningnan ko ulit sya... Rose ba ang sabi nya? Ibig bang sabihin sya ang nagpapadala sa akin at naglalagay sa locker ko ng yellow rose??? Oh no!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD