(High school days)
Macy's Pov
IYAK AKO NG iyak nang makauwi ako sa bahay ng tiyahin ko. Gusto ko nalang talaga tanggalin si Sid sa isipan ko para naka move on ako sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ako pupunta ng school at harapin si Sid na hindi naiilang. Alam ko naman na walang alam ang mga classmate na nagtapat ako kay Sid pero napahiya pa rin kasi ako.
Sana pala hindi na ako nagtapat sa kanya kung alam ko lang na basted pala ako.
Kanina ko pa sinasabunutan ang sarili ko sa inis na nararamdaman ko. Para kasi talaga akong tanga. Ano ba kasi nakain ko at nagtapat ako ng pagmamahal ko kay Sid. Siraulo talaga ako! kaya minsan ay hindi maganda ang sobrang tapang.
Ito ang napapala sa sobrang tapang. Nagtapat ng nararamdaman pero basted lang din pala ang matatanggap ko. Mas nakakahiya pa dahil ako pa talaga ang nagtapat. Kung sa iba ay lalaki ang nanliligaw, samantalang ako.. ako pa talaga ang nagsabi na gusto ko siya. Ang lakas ng talaga ng loob ko.
Sinubunutan ko ulit ang buhok ko dahil mas naiinis ako sa sarili ko. Kung hindi ako nagtapang-tapangan eh 'di sana hindi ako napahiya ngayon.
Mabuti nalang at malapit na ang graduation namin. Konting tiis nalang ay hindi ko na siya makikita pang muli. Parang ayaw ko na tuloy umattend sa grauation ceremony. Nahihiya talaga ako at baka magkita na naman kami ni Sid.
Wala talaga akong mukhang ihaharap sa kanya. Baka hindi ako matuwa sa graduation namin pagnagkataon.
Kanina pa ako umiiyak kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad ako sa salamin na nakasabit sa pader para tignan ang itsura ko.
Nalukot ang mukha ko ng makita ko ang itsura ko. "Ang pangit mo! kaya ka hindi gusto ng crush mo eh," pagkausap ko sa sarili ko mula sa salamin. Ang ibaba sa mata ko ay namumugto dahil sa pag iyak ko.
"Kaya siguro hindi ako gusto ni Sid ay napaka pangit ko. Piste! gandang- ganda pa ako sa sarili ko lalo na kapag naka lipstick ako. Yun pala mukha akong unggoy sa paningin ni Sid." Sabi ko habang kinakausapa ang sarili ko.
Hindi talaga mawala sa isip ko ang sinabi ni Sid sa 'kin. Bobo pa daw ako at pasang awa ang mga grado. Ang sakit niya magsalita. Wala naman sana akong ginawang masama sa kanya.
Kung alam ko lang na pangit ang ugali niya ay hindi ko na sana siya ginusto. Sana pinigilan ko ang sarili ko na mainlove sa kanya.
Bigla kong naalala ang mga katangahan ko ay napalingon sa cabinet kung saan ko nilalagay ang mga pinupulot kong mga gamit sa t'wing hinawakan yun ni Sid
Lumapit ako aa cabinet at agad na binuksan yun. Nakita ko ang itim na plastic bag at binuksan yun. Nakita ko ang mga bottled water at kung ano- ano pa. "Para akong basurera dahil kung ano- ano ang pinupulot kapag nahahawakan mo Sid. Kung alam ko lang na ang sama ng ugali mo ay hindi na sana ako nag aksaya ng oras para sundan ka kahit saan magpunta at pulutin kapag may tinatapon kang basura." Sabi ko pa na para bang nagsisisi na sa katangahan na nagawa ko.
Lakas loob kong binuhat yun at lumabas ako ng kwarto. Wala pa naman kasing tao sa bahay ng tiyahin ko kaya malaya akong makakalabas ng bahay kahit pa nga namumugto ang mata ko.
Lumabas ako ng bahay at itinapon yun sa basurahan. "Itatapon na kita, Sid. Pangit mo ka bonding. Piste ka! sana hindi na lang kita nagustuhan." Sabi ko pa saka tumalikod sa basuraha at agad na pumasok ng bahay.
Dumeritso nalang ako ng kwarto at naligo ako dahil galing pa ako sa school. Kailangan ay mawala na ang pamumugto ng mata ko at baka dumating ang mga pinsan ko at tanungun kung bakit namamaga ang mata ko. Alangan naman sabihin ko na binasted ako ng crush ko. Malaking kahihiyan yun.
Pumasok ako sa banyo at mabilisan na naligo. Sunod-sunod ang buhos ko para mapakalma ako ng tubig. Kung pwede nga lang ay mawala ang feelings ko kay Sid sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig ay ginawa ko na.
Pero wala eh, alam ko na matatagalan pa ako maka move on kay Sid. Pinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makapag move on ako.
Lumipas ang dalawang araw ay graduation day namin. Nagtaka pa ako dahil wala si Sid. Hindi siya umattend sa graduation ceremony.
Naiinis pa ako sa sarili ko dahil may nalalaman pa akong pag aalala kay Sid. Baka kasi napano na siya kaya hindi siya nakarating. Pumasok pa sa isipan ko na baka naaksidente siya kaya hindi siya naka attend.
Gusto ko na sanang tanungin ang teacher namin at baka tumawag si Sid sa kanya. Nag aalala talaga ako sa kanya pero ang iba naming classmate ay wala man lang pakialam. Ako nga lang yata ang hindi mapakali sa upuan at gusto kong malaman kung nasa'n siya.
Kahit binasted niya ako ay ayaw ko naman na may mangyaring masama sa kanya.
Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at talagang tumayo ako at lumapit sa teacher ko.
"Ma'am.." tawag ko pa sa atensyon niya.
"O, Ms. Gonzaga, bakit ka tumayo? Wala sa practice natin yan." Sabi pa ng teacher ko kaya napipilitan akong ngumiti.
"Itatanong ko lang po sana kung bakit po wala si Castellano, ma'am?" Tanong ko at hindi na ako nahiya pa.
"Ahh.. yun ba, namatayan si Sid kahapon kaya hindi siya umattend dahil namatay ang mommy niya." Malungkot na sabi ni teacher. Natigilan ako ng malaman ko yun. Kaya pala kahapon ay wala din siya. Akala ko nga umabsent lang eh. Nagpasalamat pa ako na wala siya dahil hindi ako maiilang. Yun pala ay namatayan pala siya.
Nakokonsensya talaga ako dahil natuwa pa ako kahapon.
Bumalik ako sa upuan ko dahil nagsisimula na ang ceremony. Para akong nawalan ng gana lalo na't hindi ko nakita si Sid sa huling pagkakataon namin sa high school.
Sigurado ako na mag aaral siya sa magandang school. Samantalang ako ay hindi pa sigurado kung makakapag aral agad ng college. Baka kasi maghanap na muna ako ng mapapasukang trabaho para pag ipunan ang pag-aaral ko.
Nakakalungkot man pero ganun talaga. Anak mahirap ako eh, hindi ko naman pwedeng pilitin si mama at papa na gumawa ng solusyon para makapag aral agad ako. Magsasaka lang ang papa ko sa bukid kaya kailangan ko na muna silang tulungan.
Hindi naman siguro tatakbo ang eskwelahan kung hindi muna ako mag- aaral ng college. Hindi naman siguro paligsahan ang buhay kung sino man unang gumraduate ng college. Kaya ayos lang na malate ako.
Hanggang sa matapos ang graduation program ay hindi talaga ako nakangiti. Ang tiyahin ko ang umattend sa 'kin pero hindi ako masaya dahil inaasahan ko na sila mama at papa ang kasama ko.
Nasayangan kasi si mama at papa sa pamasahe eh, ayaw naman payagan ni papa si mama ba bumyahe mag isa at baka daw mawala. Ewan ko ba talaga sa mga magulang ko. Kaya ang umattend tuloy ang tiyahin ko.
Ayos lang naman sa 'kin dahil malaki din naman ang tulong na naibigay sa 'kin ni tita. Kung hindi niya ako pinatuloy sa bahay niya ay baka hindi ako nakapag aral dito ng college.
"Mag picture tayo, Macy." Aya sa 'kin ng tiyahin ko habang may hawak na cellphone. Hindi ako ngumiti kaya pinagalitan niya ako dahil hindi daw ako masaya na gumraduate na. Paanong hindi ako malulungkot eh hindi ko nakita si Sid sa huling pagkakataon. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na mag m-move on na ako at kakalimutan na siya. Pero gusto ko pa din naman siya makita sa huling pagkakataon.
Nagpa picture nalang ako sa tiyahin ko kaysa naman batukan niya ako ng cellphone. Nang matapos yun ay inaya niya ako sa fast food chain dahil ililibre daw niya ako.
Natuwa ako do'n at kahit papano ay nawala ang lungkot ko na hindi ko nakita si Sid.
Nilibre ako ng tiyahin ko kaya tuwang-tuwa ako. Ganado ako kumain habang nasa tapat ko namang upuan ang tiyahin ko.
"Anong plano mo ngayon sa college, Macy?" Tanong sa 'kin ng tiyahin ko.
"Hindi ko pa alam, tita. Pero sigurado po ako na baka hindi na muna ako mag c-college lalo na't tag hirap ngayon si mama at papa. Gusto ko na muna silang tulungan para naman gumaan ang problema." Sabi ko sa tiyahin ko. Matagal ko na 'tong pinag-isipan. Pwde naman kasi akong pumasok sa mga tindahan sa may malapit sa palengke ng bayan namin. Ayos na yun kahit pa nga mababa lang ang sahod. Kaysa naman nganga kami palagi.
"Naku, ayaw mo ba kumuha ng scholarship sa barangay natin? May binibigay sila ngayon. Sayang din yun, Macy." Sabi ni tita kaya nanlaki ang mata ko.
"Talaga po, tita? Gusto ko po! paano po kumuha no'n?" Tanong ko pa.
"Ako bahala, tutulungan kita." Sabi ng tiyahin ko kaya napangiti ako. Natuwa ako dahil may chance na makapag aral ako ng college. Hindi na ako matitingga tulad ng nasa isip ko.
Sisiguraduhin ko na magbabago na talaga ako. Mag-move on ako kay Sid na sinaktan ang damdamin ko. Masakit parin ang mga sinabi niya pero wala na akong magagawa dahil narinig ko naman na lahat yun. Hindi ko alam kung kailan ko dadalhin ang sama ng loob ko sa kanya.
Itatatak ko sa isip ko na kailangan mataas ang grades ko para hindi ako pasang awa tulad ng sabi ni Sid.
Nag-iisip ako kung anong gagawin ko sa looks ko. Gusto kong mag bagong buhay kapag nag college na ako.