Chapter 2

1812 Words
(High School days) Macy's Pov MALAPIT na matapos ang school year. Hindi ko na din makikita si Sid kaya nalulungkot ako. Palapit ng palapit yun at ang iba ay masaya na matatapos na ang klase at panibagong kabanata na naman sa buhay ang haharapin. Ako lang yata ang hindi masaya dahil hindi ko na makikita ang baby boy ko. Gusto ko sana siyang lapitan muli ngunit naalala ko na palagi nga pala siyang walang pakialam sa 'kin. Nakakalungkot man pero ganun nga yata talaga, hindi siguro ako attractive para sa kanya kaya ilag siya sa 'kin. Ang sabi ko pa sa aking sarili ay gagawin ko ang lahat para lumingon lang siya sa 'kin. Ngunit nagkamali ako dahil ang hirap talaga njyang lumingon sa 'kin. G-Graduate yata kami na hindi ako tinitignan ni Sid. Ilang gabi ko na 'to pinag- isipan at nilalakasan ko ang loob ko. Gusto kong ipagtapat kay Sid ang nararamdaman ko. Bahala na kung anong mangyari, ang importante ay nasabi ko sa kanya na gusto ko siya. Para sa huli wala akong pagsisihan. Iniisip ko pa lang ay kinakabahan na ako, pero buo na desisyon ko. Baka kasi nagpapakipot lang si Sid kaya ayaw niya ako pansinin. Delusional na naman na ako na may gusto sa 'kin si Sid at nagdra-drama lang. Kinikilig tuloy ako parang tanga. Nasa school ako ngayon at nakatulala lang ako habang nakaupo. Katatapos lang kasi namin mag practice para sa graduation ceremony. Hindi ako mapakali kaya kanina pa ako tulala dahil pinapalakas ko ang loob ko. Ngayon ko balak sabihin kay Sid na may gusto ako sa kanya. Naghihintay lang kasi ako na siya lang mag- isa at wala siyang katabi na kahit sino. Natatanaw ko siya mula dito sa kinauupuan ko. Gusto ko na tuloy lapitan siya ngunit magkatabi kasi sila ni Deimos. Pero may konting space naman at hindi sila nagpapansinan. Iniisip ko tuloy kung lalapitan ko na ba si Sid o maghihintay pa ako ng magandang tyempo. Pinagdarasal ko na sana makaramdam siya na naiihi para tumayo siya at pumunta ng banyo. Saka ako susunod sa kanya. Ilang sandali pa ay nakita ko na tumayo si Sid na para bang tulad sa naiisip ko. Tuwang-tuwa ako dahil naiihi yata ang binata. Dali- dali naman akong tumayo sa kinauupuan ko at agad na sinundan si Sid. Ang lamig ng dalawa kong kamay dahil sa sobrang kaba ko. Dinaig ko pa ang kamay ng multo dahil sa lamig. Nakasunod lang ako kay Sid ay panay ang dasal ko sa isip na sana ay pansinin niya ako. Ilang ulit na din akong huminga ng malalim upang mapakalma ang aking sarili. Ilang sandali pa ay nakarating ako sa kanya kay mas lalo ko pang binilisan ang hakbang ko at hinawakan ang braso niya. Nagulat pa ako dahil may muscle. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili ng crush ko. Gwapo na nga, yummy pa ang katawan. Napatigil si Sid dahil sa ginawa ko ngunit hindi siya lumingon agad. Binitiwan ko naman ang pagkakahawak ko sa braso niya at inihanda ang aking sarili. Kailangan unang lingon sa 'kin ni Sid ay mag heart- heart agad ang mata niya. Lumingon siya sa 'kin kaya nagkasalubong ang tingin namin dalawa. Nag beautiful eyes pa ako para mas lalo akong gumanda. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatitig sa 'kin. "What?" Tanong niya sa masungit na boses. Yung isip ko ay lumipad yata at lahat ng ginawa kong practice kung paano ako mag co-confess ay nawala. Na mental block ako dahil sa mga mata ni Sid. Ang gandang pagmasdan ng mata niya at ang sarap nyang titigan magdamag. Hindi na tuloy ako nakapag salita dahil nakalimutan ko na talaga. "Tutunganga ka nalang ba diyan?!" Sabi niya sa inis na boses ng hindi ako magsalita agad. "Ahm.. ano kasi.. may s-sasabihin sana ako sa'yo." Nahihiya kong sabi na halos hindi ko na matuloy dahil sa kaba na nararamdaman ko. "Sabihin mo na agad.Wala akong panahon para makipag titigan sa'yo." Sabi niya kaya natigilan ako. "Ano? bakit hindi mo pa sabihin!" Dagdag niyang sabi kaya mas lalo akong nataranta. "G-Gusto kita, Sid. May gusto a-ako sa'yo. Yun ang gusto kong sabihin." Kandauta- uta kong sabi at wala ng pakialam kung ano pa ang sabihin niya. Hindi siya nakapag salita agad sa 'kin at nakatitig lang siya. Naiilang ako pero nagawa ko pang hawiin ang buhok ko at inipit sa gilid ng tenga ko. "You like me? really?" Tanong niya. Sa tono ng pananalita niya ay parang tinatawanan niya ang feelings ko. "Oo.Gusto kita. Pero hindi mo kasi ako pinapansin kaya naglakas loo—" "Hindi mo man lang naisip na baka hindi kita type, huh!" Sabi niya sa seryosong boses. Nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi niya. "May gusto ka sa 'kin.. pero ang grades mo ay napaka pasang awa." Sabi niya sa 'kin. Para akong sinampal ni Sid dahil sa sinabi niya. "May oras ka pa talaga magkagusto kaysa sa mag-aral. Mabuti at nakasama ka sa naka graduate." Sabi niya sa 'kin kaya naikuyom ko ang palad ko. "Grabe ka sa 'kin ah.. hindi pasang awa ang grades ko! pasado lahat. Ikaw pa ang ang inspirasyon ko kaya ako nag-aaral ng maayos tapos ito lang pala ang sasabihin mo sa 'kin. Oo, hindi ako kasing talino mo, Sid. Pero pasado lahat ng grades ko kaya ako kasali sa g-graduate." Inis kong sabi sa kanya. "Lucky. Pero ganun parin, pasang awa parin ang grades mo. At para sa kaalaman mo.. hindi kita type. Walang magandang tignan sa'yo." Sabi niya sa 'kin na hindi na talaga ako magalaw dahil sa masakita niyang sinabi. " Focus on your goal, bago ka magkagusto sa lalaki. Hindi ikaw ang babaeng gugustuhin kong makasam." Sabi niya at agad siyang tumalikod sa 'kin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi lo mapigilang hindi malungkot sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa likod niya hanggang sa hindi ko na siya makita. Tumingin pa alo sa paligid kung may nakarinig ba sa sa sinabi ni si Sid. Nakita ko na wala naman kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.. Pero hindi ko maiwasang malungkot dahil akala ko pa naman magiging masaya ako ngayon. Lahat ng iniisip ko kanina at kilig ay nawala dahil sa sinabi sa 'kin ni Sid. Dali-dali akong naglakad papunta sa classroom para kunin ang baga ko. Uuwi nalang ako sa bahay ng tiyahin ko kahit pa nga may practice pa kami para sa nalalapit na graduation. Hindi ako nag atubili na kunin ang gamit ko ng makarating ako sa classroom. Pinipigilan ko lang kasi ang luha ko na kumawala sa akng mga mata dahil sa sinabi ni Sid. Yung mga sinabi niya sa 'kin eh para bang nag e-echo sa isipan ko. Hindi naman pasang awa ang grades ko eh, pasado naman, muntik pa nga ako maging honor pero talagang may mas magaling pa sa 'kin.. Ang sakit niya magsalita sa part na pasang awa daw ang grades ko eh. Sumusobra na talaga siya. Wala naman sana akong ginagawang mali sa kanya. Wala akong maalala na nagawan ko siya ng kasalanan. Pero bakit ganito nalang kasama ang ugali niya sa 'kin. Naglakad ako sa coverd walk dala-dala ang bag ko. Ayaw ko ng mag practice pa dahil magkikita lang kami ni Sid. Baka mas lalo lang akong masaktan. Tinungo ko ang gate at sakto na wala do'n ang mahigpit na guard. Hindi pa naman siya pumapayag na lumabas ang estudyante kapag mag activities o kung ano pa man. Mabuti nalang at hindi siya sumabay ngayon dahil mainit pa naman ang ulo ko dahil sa kagagawan ni Sid. Sumakay ako ng tricycle at sinabi kay manong saan ako magpapapahatid. Kahit nagtitipid ako ng pera eh may pa tricycle-tricycle pa akong nalalaman. Hindi mo mapigilan dahil kanina ko pa talaga pinipigilan ang luha ko. Kung sa jeep ako sumakay eh 'di mukha sana akong tanga na umiiyak. Ano yun.. music video lang sa isang malungkot na kanta. Baka pagtawanan ako ng ibang pasahero kapag nakita nila akong lumuluha. Naiimagine ko pa nga lang ang itsura ko ay nakakatawa na eh. Kaya hindi na ako sumakay pa ng jeep. Pero nakakainis talaga si Sid. Ayaw mawala sa isipan ko ang sinabi niya na pasawang awa ang grades ko at kaysa sa mag-aral ako ay nagawa ko pang magka gusto. Bakit.. bawal na ba magkagusto? wala ba akong feelings? Bawal na ba akong magkaroon ng crush? Anong akala niya sa 'kin.. robot? kung makasabi siya sa 'kin ng ganun parang wala akong karapatan sa mundo. Tapos sasabihin pa niya sa 'kin na hindi niya ako type. Wala na nga yata akong ginawa kundi ang magpaganda para sa kanya para kapag lumingon siya sa 'kin ay makita niya ang kagandahan ko. Tapos yun lang pala ang maririnig ko. Yung baon ko iniipon ko pa para lang makabili ako ng liptint at kung ano-ano na magagamit ko sa mukha ko para mas lalo akong gumanda ay balewala lang pala. Nangyari nga ang gusto ko na lumingon sa 'kin si Sid, tumingin nga siya sa 'kin at tumitig pero panghuhusga naman na titig ang natanggap ko. Sana pala hindi ko nalang hiniling na humarap siya sa 'kin kung yun lang pala ang matatanggap ko sa kanya. Kilig na kilig pa ako sa kanya tapos ang sakit niya magsalita. Anong akala niya sa 'kin.. walang pakiramdam? yung makaka move on agad kinabukasan at makakalimutan na ang mga sinabi niya sa 'kin. Hindi ko alam kung paano mag move on sa kanya. Mabuti nalang patapos na ang school year namin, hindi ko na siya makikita. Baka kasi mailang ako lalo na classmate lang kami. Baka hindi ako makapag concentrate kapag ganun. Pero mamimiss ko talaga siya. Si Sid lang talaga ang lalaking gusto ko sa buhay kahit pa nga ayaw niya sa 'kin at sinabihan ako ng masasama. Yung puso ko talaga ang pumili sa kanya eh. Maraming gwapo sa school pero si Sid lang talaga ang mas angat sa paningin at puso ko. Kasalanan ko ba kung siya talaga ang gusto kong lalaki. Kasalanan bang magustuhan siya? Eh.. kasalanan niya dahil magaling siya sa school tapos gwapo pa siya kaya ko nga siya nagustuhan. Pero kahit ganun ay.. kailangan kong mag move on dahil sigurado ako na ayaw sa 'kin ng lalaki. Hindi siguro sapat ang ganda ko para magustuhan niya. Kailangan ko yatang tanggapin yun kahit masakit. Kailangan kong itatak sa isipan ko ang mga sinabi niya para naman may inspirasyon ako para mag move on. Wala naman kasing tutulong sa 'kin kundi ang sarili ko lang eh. Kaya paulit- ulit ko nalang iisipin na yun para maka move on sa lalaking yun. Alam ko balang araw ay mawawala din 'tong nararamdaman ko sa kanya ay maiisip ko nalang na siya yung lalaking sinabihan ako na pasang awa ang grades. Tatawanan ko nalang talaga kapag naka move on ako ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD