Macy's Pov
NANDITO ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko at nakikipag inuman. Katatapos ko lang mag apply at dumeritso na ako sa bahay ng kaibigan ko.
Nandito din kasi ang kaibigan niyang babae na nagugustuhan ko. Gusto ko sana siyang ligawan pero hindi ko alam kung paano ako manligaw. Nagpapaturo na nga ako sa kaibigan kong tomboy para naman may idea ako kung paano manligaw ng babae.
Sinabi niya na bilhan ko daw ng chocolate ang nililigawan ko kaya sinunod ko naman. Kaya ang huling pera ko ay binili ko ng chocolate. Mura lang 'to pero okay na siguro 'to.
Nahihiya akong iabot ang chocolate sa nagugustuhan kong babae kaya kinalabit ko ang kaibigan kong tomboy para ipaabot ang chocolate kay Analou. Kinuha naman yun ng kaibigan ko at lumapit sa babaeng gusto ko.
Bigla akong nahiya dahil tumingin pa talaga sa 'kin si Analuo. Tinanggap naman niya ang chocolate kaya ang lawak ng ngiti ko.
Lumapit din sa 'kin ang kaibigan ko at tinutukso ako ng gago. "Oy.. nag bibinata na siya.." pang aasar pa niya sa 'kin kaya napa iling nalang ako.
Uminom nalang ako ng gin dahil uuwi na din ako maya-maya. Baka hanapin na ako ng tiyahin ko at bugahan pa ako ng apoy no'n kapag umuwi akong lasing.
Sinabi ko naman sa kaibigan ko hindi ako iinom ng masyado dahil hindi naman ako magtatagal. Pumunta lang talaga ako dito para makita si Analou at mabigyan siya ng chocolate. May cellphone number naman ako sa kanya kaya panay ang text ko sa kanya. Kinukulit ko pa talaga siya na mag date kami minsan. Pero lagi naman niyang reply na hindi daw siya nakikipag date kapag wala siyang ibang kasama.
Hindi ko naman siya gagawan ng masama kaya makaka asa siya na hindi ko siya ipapahamak. Mukhang wala siyang tiwala sa 'kin kaya niya siguro nasasabi yun.
Ilang sandali pa ay panay ang kindat ko na kay Analou. Pero umiiwas lang siya ng tingin kaya napakamot ako likod ng ulo ko.
Uminom nalang ako ulit ng alak at pagkatapos ay nagpaalam na din ako na aalis na. Sa susunod na araw ko na ulit lalandiin ai Analou. Baka pamalo ng tiyahin ko ang lumandi sa 'kin kapag hindi pa ako umuwi.
Pambihira talaga ang tiyahin ko.. hindi naman ako teenager na kailangan pang tawagan para umuwi. Lagpas 20 na ako pero pinapauwi pa rin niya ako dahil gabi na daw.
Alam niya kasi na gumagala ako sa kaibigan ko ngayon. Alam niya kung saan ako pumupunta at ayaw niya ako makipag kaibigan at makipag inuman sa mga kaibigan ko. Baka daw kasi may kasamang lalaki ang mga kaibigan kong tomboy at may gawin daw sa 'kin kapag nalasing na kami. Ewan ko kung bakit na pra-pranning ang tiyahin ko eh kilala ko din naman ang mga barkada ng mga kaibigan ko kaya alam ko na mababait sil. Sa katunayan nga niyan eh kapag wala akong pera ay sa kanila ako humihiram ng pera. Simula nong college ko pa sila barkada kaya alam ko na mabait sila.
Umuwi na ako at nagsimula na akong maglakad. Magkalapit lang naman ang kanto dito sa kanto kung saan ako nakatira. Kayang-kaya ko lang lakarin. Habang naglalakad ako ay may naksalubong pa akong mga tambay na nag iinuman sa gilid ng kalsada. Mga tropa ko naman sila kaya ng tawagin nila ako ay naglakad ako papunta sa kanila.
"Agang inuman yan mga tol ahh.." sabi ko pa sakanila habang nilalagyan ng tropa ko ang baso. Inabot niya yun sa 'kin na agad ko naman tinanggap. "Saan ka galing. tol? pormang-porma ah.." sabi ng tropa ko.
"Nag apply ako mga, tol. Pambihira! wala man lang kayong chaser." Sabi ko sa kanila dahil tanduay ang iniinom nila.
"Wala ng chaser-chaser, tol. Alam mo naman siga tayo eh," sabi ng kaibigan ko. Natawa lang ako habang umiiling. Ibinalik ko ang baso at nagpaalam na ako na uuwi na. Mababait naman ang mga tambay dito sa'min. Sila pa nga nagtuturo sa t'wing may naliligaw na parcel dito eh. Kaya kailangan din talaga may tambay dito.
Nakarating na ako sa bahay ng tiyahin ko at hinanda ko na ang ngiti ko para hindi halata na naka inom ako. Baka batukan ako ng tiyahin ko eh.
Pagpasok ko pa lang sa bahay ay naabutan ko ang tiyahin ko na umiiyak. May hawak pa talaga siyang bote ng alak na alam ko inutang lang niya. Kasama din niya ang kaibigan niyang ka maritesan niya sa umaga. "Nag shot puno ka din pala, tita." Sabi ko sa tita ko.
"Nakauwi ka na pala. Mabuti naman at nandito ka na," sabi ng tiyahin ko na nagpupunas pa ng mata niya dahil sa luha.
"Anyare sa'yo, tita? bakit ka naglalasing?" Tanong ko sa kanya.
"Yung tito mo.. nahuli ko na may ibang babae. Putragis na yun.. naghanap pa talaga ng ibang babae na pangit. Ang lakas ng loob mambabe eh malitt naman ang putotoy ng hayop!" Umiiyak niyang sabi kaya napahilot ako sa sintido ko. Kaya naman pala siya naglalasing.
"Itagay nalang natin yan, mare. Hayaan mo na.. hayaan mo ang karma ang maghiganti. At isa pa, wag mong iyakan ang putotoy no'n.. hindi nakaka kikiti yun dahil maliit." Sabi ng kapitbahay namin. Ang ganda ng sabi niya eh. Gusto ko sanang palakpakan pero naalala ko na malungkot si tita kaya wag nalang.
Umupo nalang ako sa sahig para samahan ang tiyahin ko na naglalasing. Mas mabuti pa ang gawin niya para makalimutan niya ang ginawa ng asawa niya.
"Saan ka pala galing, Macy?" Tanong ng kapitbahay namin na friendship ni tita.
"Naghanap po ako ng trabaho, ate. Kaso wala pa rin. Yung iba tawagan lang daw po ako." Sabi ko sa babae.
"Yung pamangkin ko may inapplayan din. Bago lang yun last month. Sa office siya nag tra-trabaho. Ang alam ko may hiring pa do'n kaya bakit hindi mo subukan. Four years naman yata ang kurso mo at saktong- sakto dahil opisina." Sabi ng kaibigan ng tiyahin ko.May silbi din pala ang pagiging marites niya kahit papano.
"Saan po ba yun, ate? Baka pwede po ako do'n." Sabi ko kay ate.
"Sa Castellano Company. Yung mga high tech na gadgets at may mga hotel at restaurant." Sabi ni ate kaya nanlaki ang mata ko.
"Castellano po?" Tanong ko pa at baka na bingi lang ako.
"Oo. Yung malakingh kompanya do'n sa Quezon City. Marami daw hiring sa kompanya na ngayon kaya pwedeng-pwde daw mag apply. Mabait naman daw ang nag iinterview." Sabi ni ate. Hindi ako nakasagot dahil parang masama ang kutob ko sa Castellano. Hindi ko alam kung kapareho lang ba na apelyido. Pero baka nga dahil napaka imposible naman na may sariling kompanya ang taong yun.
"Subukan mo na yun, Macy. Sigurado ako na matatanggap ka dahil apat na taon naman ang kurso mo. At pwede ba.. mag suot ka ng pangbabaeng damit. Hindi ganyan ang porma mo para tanggapin ka nila agad." Sabi ng tiyahin ko na nasa tamang pag iisip pa rin pala kahit naka inom.
"Oo nga. Sayang naman yun. Kaya dapat lang na mag apply ka do'n. Malay mo.. matanggap ka eh di ilibre mo nalang ako sa unang sahod mo." Sabi pa ni ate kaya napangiwi ako.
Natahimik nalang ako at hindi na nagsalita pa. Iniisip ko kasi kung mag a-apply ba talaga ako. Nagdadalawang isip talaga ako. Hindi ko din alam kung bakit. Napaka imposible talaga na iisang tao lang ang kilala ko at ang may ari ng kompanyan na sinasabi ni ate. Hindi naman siguro.
Gusto ko na talaga magkatrabaho kaya susubukan ko nalang siguro kaysa naman wala akong trabaho.
Kinabukasan, maaga akong nagising para puntahan ang sinasabi ng kaibigan ng tiyahin ko. Mag aapplay talaga ako sa Castellano Companya. Bahala na talaga 'to, pakapalan na ng mukha. Wala naman sigurong mawawala sa 'kin kung susubukan kong mag apply.
Hindi ko sinunod ang gusto ng tiyahin ko na mag dress daw ako o mag skirt. Ano ako.. tanga? eh hindi na ako sanay na magsuot ng ganung uri ng damit. Yung mga damit ko nga nong high school ay pinamigay ko na eh dahil maluluwang na tshirt at short na maong ang suot ko na ngayon.
Nag ayos lang ako para mukha naman akong tao sa paningin ng mag iinterview. Ka text ko din si Analou ay nanghihingi ako ng goodluck mula sa kanya para pampaswerte. Pero ang tagal niya mag reply. Naiinis tuloy ako.
Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto dala ang resume ko. Nakita ko pa ang tiyahin ko na halatang stress sa porma ko. Panlalaki kasi ang suot ko at talagang nag longsleeve polo pa talaga ako. Gusto ko nga sanang mag necktie pero mukha na yata akong timang kaya hindi ko na sinubukan pa.
Nagpaalam lang ako sa tiyahin ko at hindi na hinintay na laitin niya ang porma ko.
Nang makalabas ako ng bahay ay agad akong sumakay ng tricycle para hindi na ako mukhang engkanto pagdating sa pupuntahan ko.
Agad na umusad ang sinasakyan ko kaya kabado baynte na talaga ako. Bakit naman kasi ganito ka kaba kapag nag apply.
Nagdarasal ako na sana palarin ngayong araw. Sana sa 'kin naman umayon ang tadahana na makapasok ako ng trabaho. Pagod na pagod na talaga ako sa kakaikot para maghanap ng trabaho. Paubod na din kasi ang budget na binigay sa 'kin ni mama at papa. Hindi naman kasi pwedeng sa tiyahin ko humingi eh may dalawa din yun pinapaaral. Kawawa nga yung ngayon lalo na't hiwalay na sila ni tito.
Mga lalaki talaga, mga manloloko. Kaya dito nalang dapat ang mga babae sa mga tomboy, loyal pa.. mapagmahal pa. Wala na silang mahahanap sa'min. Sana nga din sagutin ako ng nililigawan ko para maging masaya na ako at ganahan sa buhay.
Palapit na kami ng palapit sa company kaya ang kaba ko ay mas lalong lumala. Inisip ko nalang na kailangan kong mag pursige lalo na't special ang sinakyan kong tricycle kaya nalagas ang 150 pesos ko. Kaya ko 'to.. ako pa ba, siga ako kaya kahit anong kaba ang nararamdaman ko ay kaya kong labanan. Yun ang turo sa 'kin ng mga tambay sa'min kaya susundin ko yun. Relax lang dapat ako at wag magpapahalata na kinakabahan.