Chapter 6

1703 Words
Macy's Pov KABADO baynte ako habang nakaupo ako sa mahabang upuan kung saan kasama ko ang ibang aplikante na mag a-apply din. Bigla akong nahiya sa porma ko dahil ang kasabayan ko lang naman ay mga magagandang babae at sexy. Gusto ko nga ang isa eh pero trabaho ang pinunta ko dito at hindi landian kaya mamaya na ko na popormahan ang magandang dalaga. Walang ka siguraduhan ang babaeng nililigawan ko eh, kaya mas mabuti pa siguro maghanap na ako ng bagong babae na liligawan. Ang ganda pa naman ng babaeng nasa harap ko. Ang kinis pa at sexy talaga. Naguguluhan na tuloy ako kung trabaho pa talaga ‘tong napuntahan ko o pang model. Ako lang yata ang pangit dito eh at mukha pang tanga sa porma ko. Walang lalaki na nag aaply ngayon kaya solong- solo ko ang magandang tanawin. Ayos lang kung hindi ako matanggap sa trabaho, busog naman ang mata ko. sa mga magagandang babae. Umayos ako ng upo ng makita ko ang isang babae na galing sa office. Tinawag niya ang unang babae na nasa upuan at pinapasok sa office. Mukhang magsisimula na ang interview. Kinabahan na tuloy ako kaya tumingin nalang ako sa babaeng crush ko para humugot ng lakas. Ang ganda kasi talaga niya. Gustong gusto ko na talagang alamin ang pangalan niya pero dinadaga ako. Mamaya nalang talaga paglabas ng company ko siya lalapitan. Hihingiin ko na din ang social media niya para pag uwi sa bahay ay maka chat ko siya. Isa- isa ng tinawag at malapit na akong tawagin. Sampo kasi kaming nag aaplay at pang pito ako. Hindi na tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ko na nga lang pinapansin ang mga babaeng tapos na interviehin at halatang kinikilig. Ewan ko kung bakit sila kinikilig. Hindi ko na aasahan pa na matatanggap ako dito. Pleasing personality pa lang bagsak na ako. Pero susubukan ko pa rin para sa ekonomiya ng bansa. Walangya! Ilang sandali pa ay ako na ang tinawag. Nanginig ang mga tuhod ko dahil kinakabahan ako. Maiihi na yata ako sa sobrang kaba. Hindi naman ako ganito nong nag apply ako kaya bakit ganito nalang ako ka kabado. Nawawala ang pagiging pogi ko dahil dito. Ngumiti sa ‘kin ang babae na nag assist at tinuro niya kung saan ako papasok. “Goodluck, sir or ma’am?” Sabi pa niya sa ‘kin. “Ahm.. sir nalang po.” Pagsakay ko din sa tanong niya. Ngumiti naman sa ‘kin ang babae. Gusto ko talaga mag joke para mawala ang kaba na nararamdaman ko. Mababaliw na yata ako ngagyon. Parang gusto ko nalang kutusan ang kaibigan ni tita na siyang nagsabi na may hiring dito. Dapat pala hindi na ako sumubok. Nasa tapat na ako ng pinto ngunit hindi ko muna binubuksan yun. Huminga na muna ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang pogi kong puso. Nang maramadam ko na medyo okay na ako ay pinihit ko na ang siradura ng pinto at binuksan ko yun. Dahan- dahan akong pumasok at isinara ang pinto. Humarap ako sa harapan at napansin na ang laki pala ng office. Akala ko kasi office lang na puti ang wall at may mga table kung saan iinterviehin ang mga aplikante. Ganun kasi sa mga inaplayan ko. Hindi lang isa ang nasa loob ng office kundi tatlo. Pero dito kasi kakaiba. Ang ganda ng office, para bang ceo office yata ang napasukan ko. Naduling yata yung babae kanina at iba ang tinuro niyang papasukan ko. Ilang sandali pa ay naglakad ako habang hinahanap ang mag iinterview sa ‘kin. Sa paglalakad ko ay napadako ang tingin ko sa may malaking glass wall ng makita ko ang malaking office table. Halos magkabuhol-buhol ang paghinga ko dahil nakita ko kung sino ang nakaupo do’n. Hindi ko alam ang gagawin ko kung aatras ba ako at lalabas ng office o haharapin ko siya. Putangina naman kasi… yung mag iinterview sa ‘kin ay ang lalaking nambasted sa ‘kin nong high school. Si Sid Castellano. Sabi ko na nga ba eh.. siya talaga yun. Ang Castellano na kilala ko at ang sinasabi ng kaibigan ng tiyahin ko ay iisa. Putragis!! Gusto ko ng mag back out. Natataranta ako at para na akong tanga dito na pigil ang hininga. Aatras na sana ako dahil buo na ang desisiyon ko ng biglang lumingon sa gawi ko si Sid. Yung hininga ko parang hindi ko na maintindihan. Nagkatali- tali na yata hanggang sa sumikip ang dibdib ko. Sexy bomb dancer na yata ako dahil pati tuhod ko sumakit. “Come here.. Mr or Ms.?” Tanong sa ‘kin ni Sid sa baritonong boses. s**t na malagkit.. ang lalim ng boses niya. Nawawala ang p*********i ko sa boses nyang makalaglag panty. Pero hindi naman ako naka panty dahil suot ko ay brief. Mukha na akong tanga dito na parang mag cha-cha dahil urong sulong ako. Napabuga ako ng hangin at bahala na talaga kung anong mangyayari sa ‘kin. Bahala na kung maalala man niya ang panliligaw ko sa kanya dati. Nakaraan naman na yun eh kaya dapat lang na kalimutan na at mag move on. Kasama naman talaga sa buhay ang rejection. At natanggap ko na yun sa sarili ko. Pero bakit naman kasi pinagtagpo kami ulit. Okay na sana eh. Mapapakamot nalang talaga ako sa likod ng ulo ko. Huminga ako ng malalalim at naglakad nalang ako papunta sa office table niya. Nandito na naman ako eh.. kaya bakit hindi ko nalang ituloy ‘to. Isang beses lang naman ako mapapahiya. Sumenyas lang siya sa ‘kin na umupo sa upuan na nasa harap ng table niya. May hawak din siyang resume ko kaya sigurado ako na alam na niya na ako si Macy. “Ikaw ba si Elodie Macy Gonzaga?” Tanong niya habang nakatitig sa ‘kin. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa titig niya. Dati, pinagdarasal ko na titigan niya ako kahit saglit man lang para makita niya kagandahan ko. Ngayon, ayaw ko ng titigan niya ako dahil sa itsura ko. Hinawi ko nalang ang bangs na nakatakip sa isang mata ko at tumango sa tanong niya. “Yes po, sir.” Sagot ko sa mahinang boses. Siga ang boses ko kapag may kausap ako pero ngayon ay lumambot. “I have read your credentials, Ms. Gonzaga. At ang masasabi ko ay pasado naman kahit bagong graduate ka.” Sabi niya sa ‘kin. Nagtaka ako dahil parang hindi niya ako kilala. Akala ko pa naman ay sasabihin niya sa ‘kin na ako ang babaeng nanligaw sa kanya nong high school. Hindi ako nagsalita at naghihintay lang ako sa susunod niyang sasabihin. “Lahat ng pumasok dito ay puro tili ang ginagawa nila. Ikaw lang ang hindi dahil siguro sa tomboy ka.” Natatawa niyang sabi. Bigla akong nahiya kaya napayuko ako. Piste kasi.. dapat pala magandang polo ang sinuot ko. “Anyway, can you start tomorrow?” Tanong niya kaya nag angat ako ng mukha dahil sa sobrang gulat. "Po?" Gulat na gulat kong tanong. "You heard me right? magsisimula ka na bukas, Ms. Gonzaga. Okay lang ba sa'yo?" Tanong niya sa 'kin. Ako naman ay nataranta at hindi alam kung tatango ba o iiling. "S-Sige po.. s-sir. Tanggap na po ba ako, sir?" Tanong ko pa dahil gusto kong makasiguro. "Yes," tipid nyang sagot. Kumunot ang noo ko dahil kakaibang interview naman yata ang ginawa niya. Hindi naman ganito sa mga inaplayan ko eh. Nagtataka din ako kung bakit ako ang napili niya eh mas maraming magaganda do'n na kasabay kong nag apply ng trabaho. "Ahm.. pwede po ba akong magtanong s-sir?" Tanong ko na nauutal pa. "Yeah, what is it?" Tanong niya sa 'kin. "Gusto ko po kasing malaman kung bakit ako po yung pumasa, samantalang may mga kasama po akong nag apply na ang gaganda po nila." Pagsasabi ko ng totoo. Umaasa kasi ako na baka kilala niya ako kaya niya ako napili. Yun lang naman kasi ang naiisip ko na dahilan. Sabi ng tiyahin ko ay hirap na hirap daw ako mag apply sa porma ko. Dugyot daw kasi ako na tomboy. Ang ibig niyang sabihin ay hindi malinis ang porma ko. Hindi pa masyadong malinis dahil na din siguro sa bangs ko na natatakpan ang kalahating mukha ko. Pati nga sa picture ko sa resume ay parang tanga ang bangs ko at ang aking mga mata ay may itim na eyeliner. "Ayaw ko sa mga babaeng ako ang inaatupag kapag working hour. Sa itsura pa lang nila ay alam ko ng magpapa cute lang sila sa 'kin." Sabi niya saka isinandal ang likod sa swivel chair nya Napatango nalang ako dahil yun pala ang dahilan niya. Nag assume na naman kasi ako na kaya niya ako tinanggap ay dahil kilala niya ako. "Ano po bang position ako natanggap, sir?" Tanong ko dahil sa sinabi niya ay may napansin ako. Sinabi kasi niya ay baka magpa cute lang daw ang mga babae sa kanya. Akala ko kasi sa ibang department ako ilalagay kung sakali man na matanggap ako. "Secretary ko," sagot niya kaya halos lumuwa ang mata ko. Pashnea javier... bakit napunta ako sa sitwasyon na 'to. Nag move on ako kay Sid dati at ang masasabi ko at ang tagal kong naka move on. Kung hindi pa nga sa mga kaibigan kong tomoboy din ay hindi ko pa yata siya makakalimutan. Tapos ngayon.. magkakasama kami araw-araw. Anong klaseng parusa 'to para sa 'kin. Pero dahil kailangan ko ng trabaho ay tatanggapin ko nalang ang trabaho na 'to. Mukhang hindi naman niya ako naaalala eh. Ngayon ko talaga napatunayan na wala pala talaga ako para sa kanya dati nong high school dahil hindi man lang niya ako naalala ngayon. Medyo nakaka hurt yun pero ayos lang. Ang mahalaga ay may trabaho na ako. Matutulungan ko na sila mama at papa at mabibigyan ko na sila ng magandang buhay. Makakabawi na din ako sa tiyahin kong dragon at mabibili ko na din ang gusto ko. Hindi pa ako pinalabas ni Sid dahil may pag uusapan pa daw kami. Natatakot tuloy ako na baka sawayin niya ang pananamit ko. Dito ako komportable kaya sana wag niyang ipabago ang porma ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD