Chapter 1

2003 Words
(HIGH SCHOOL DAY'S) Macy's Pov NAKANGITI ako habang nakatitig sa crush ko na si Floyd Isidore Castellano o sa mas kilala na Sid. Siya talaga ang lalaking gustong- gusto ko. Ginaganahan ako pumasok sa school dahil sa kanya. Pakiramdam ko ay siya ang magiging dahilan kung bakit ako magiging honor ngayong taon. Matagal ko ng gusto si Sid simula pa first year. Apat na taon na din kaming magkaklase pero kahit isang beses ay hindi ko pa siya nakitang tumitig sa 'kin. Todo ayos ako sa buhok ko at palaging naka lip tint at blush on pa talaga ako. Hindi ako marunong sa ganung bagay ngunit nag effort ako mag search para lang matuto. Gustong- gusto ko kasi na mapansin ako ni Sid. Lagi kong pinagdarasal kapag matutulog na ako na magiging mabuti akong nilalang at pagbubutihan ko ang pag-aaral ko basta mapansin lang ako ni Sid. Recess time na namin ngayon. Dapat ay kumakain ako, pero hindi ko ginawa dahil busy ako sa pagsunod kay Sid. Palagi niyang kasama ang isa pang lalaki na ang pangalan ay Deimos. Gwapo din naman siya na lalaki at maraming nagkakagusto sa kanya. Katulad din ni Sid ay matalino din siyang lalaki. Magkaibigan talaga silang dalawa dahil pareho silang mayaman. Kaya siguro magkasundo ang dalawa. Nahihiya na naman akong lumapit kay Sid dahil baka hindi niya ako pansinin. Tahimik kasi siyang lalaki at palaging naka focus lang sa pag-aaral niya. Isa din yun sa nagustuhan ko sa kanya. Siya talaga ang ideal baby boy ko. Napatigil lang ako sa pagsunod kay Sid at Deimos ng makita ko na may lumapit na babae sa kanilang dalawa. Kumunot agad ang noo ko dahil si Sid pa talaga ang kinausap ng babae at may hawak 'tong notebook. Nagpapaturo yata pero naiinis ako dahi pinansin siya ni Sid. Hindi naman kasi mapagkakaila na maganda ang babae kaya niya siguro pinansin. Medyo na hurt ako dahil maganda din naman ako, pinkish pa labi ko dahil sa liptint na ginagamit ko. Pero bakit ganun.. bakit parang hindi ako nakikita ni Sid. Nakanguso akong nakatitig sa gawi nila at naisipan nalang na umalis dahil sumasakit na ang mata ko sa kanila. Nakakainis ang babae dahil magpapaturo lang may pahampas- hampas pa sa braso ni Sid. Bagsak ang balikat ko na pumunta sa banyo ng pangbabae. Tahimik lang ako do'n habang nakatayo sa harap ng salamin. Nakatitig lang ako sa mukha ko at napapaisip kung ano ba talaga ang mali sa 'kin. Bakit kaya hindi ako pinapansin ni Sid. Nagpapansin ako sa kanya palagi. Dumadaan ako sa harap ng upuan niya pero bigo ako palagi. Kung lilingom man siya sa 'kin ay lagpas ang tingin niya. Hindi ako ang tinitignan kundi ibang classmate ko. May isang beses pa nga na napahiya ako dahil akala ko ay ako ang kinawayan niya. Yun pala ay ang nasa likod ko. Napahiya ako do'n pero pinilit ko pa rin maging cool at maganda kahit pa nga gusto ko ng lamunin ng lupa. Kinuha ko agad ang liptint palaging nasa bulsa ko. Nilagyan ko ang labi ko saka ito na din ang nilagay ko sa magkabilang pisngi. Kinalat ko yun at pinantay para naman hindi ako mag mukhang si picachu. Kailangan maganda ako sa paningin ni Sid kung sakali man na lumingon siya sa 'kin. Napangiti ako sa harap ng salamin habang parang tanga na ngumunguso sa harap ng salamin. Inayos ko pa ang buhok ko at agad na lumabas ng banyo. Hindi na ako nagugutom dahil mas nangingibabaw ang inis ko kanina. Tinungo ko nalang ulit ang classroom namin at do'n nalang ako tatambay. Last school year na namin ngayon at malapit na ako mag college. Nasa poder ako ng tiyahin ko dahil ang mama at papa ko ay nasa probinsya. Hindi kasi nila maiwan ang taniman namin sa probinsya kaya nanatili sila do'n. Mas gusto kasi ni mama na sa Manila ako mag-aral. Gusto ko din naman kaya napunta ako sa tiyahin ko. Ayos naman ang pakikitungo ng tiyahin ko sa 'kin. Mabait naman pero minsan talaga ay umaandar ang pagiging madamot niya. May isang beses kasi na wala akong pasok at natulog lang sa loob ng kwarto. Akala siguro ng tiyahin ko ay natutulog parin ako nong dumating siya sa bahay. May dala syang pagkain kaya ako naman ay excited na bumangon lalo ng marinig ko ang sinabi ng pinsan na ko na Jollibee. Sakto din dahil nagugutom ako. Tatayo na sana ako no'n ngunit narinig ko ang sinabi ng tiyahin ko na hinaan daw ang boses ng mga anak niya dahil baka marinig ko daw. Medyo na hurt ako do'n dahil parang ayaw nila akong bigyan ng pagkain. Pero ayos lang naman dahil naiintindihan ko naman na nakikitira lang ako sa bahay nila. Para hindi ako mapahiya ay nagtulug-tulugan nalang ako kahit pa nga kumukulo ang tiyan ko. Hindi ko lang mapigilan na mapaluha dahil nalulingkot lang talaga ako. Pinilit ko nalang na matulog para mawala ang lungkot ko. Hindi ko naman sinabi kay mama at papa yun. Ayaw ko naman ng away lalo na't nakikitira lang ako. May pera naman ako dahil nagpapadala naman si mama at papa. Kaya pinalampas ko nalang ang kadamutan ng tiyahin ko at inisip ko nalang na baka kulang lang talaga ang pera ng tiyahin ko at sapat lang para sa anak niya kaya hindi na niya ako binilhan. Kaya habang nasa poder ako ng tiyahin ko ay tumutulong talaga ako sa gawaing bahay. Ayaw ko kasing may masabi siya sa 'kin at isumbong ako kay mama at papa na wala akong ginagawa sa bahay niya. Naputol ang pag-iisip ko ng may marinig akong dalawang babae na nasa likuran ko. Binagalan ko ang lakad ko dahil narinig ko ang pangalan ni Sid. Mukhang ang baby boy ko ang topic nila. "Siguro may gusto si Sid sa'yo no! mailap daw yun sa babae eh, pero kanina pinansin ka. Effective yung ginawa mong pagpapaturo ha!" Dinig kong sabi ng babae. Naikuyom ko ang palad ko dahil siya ang babae kanina na lumapit kay Sid. Pisteng babaeng 'to.. sinadya lang pala na lumapit sa baby boy ko. "Oo nga eh. Bukas gagawin ko ulit yun. Para akong hihimatayin kanina sa sobrang lapit namin. Ang bango pa ng hininga niya. Gosh! makalaglag panty talaga ang kagwapuhan ng lalaking yun." Sabi ng malanding babae na nagkukunwari lang pala magpaturo kay Sid kanina. Ang sarap hilain ng buhok niya. Pero pumasok sa isip ko na bakit hindi ko din gawin ang ginawa niya. Magandang idea nga yun ang magpaturo kay Sid. Napangisi ako dahil sa naisip ko at agad na binilisan ang paglalakad papunta sa classroom. Pasensyahan nalang kami ng babae dahil hindi ako papayag na malamangan niya ako. Mas pabor sa 'kin dahil magkasama lang kami ni Sid sa classroom. Eh siya.. kailangan pa niyang abangan sa canteen si Sid para magpaturo kahit nagkukunwari naman talaga siya. Pasensya nalang siya dahil binigyan lang niya talaga ako ng magandang idea. Nakarating ako sa classroom namin at agad akong pumunta kung saan ang upuan ko. Nasa likod kasi ako nakaupo habang si Sid naman ay nasa harap ngunit nasa tabi ng bintan ang upuan niya. Katabi niya din si Deimos kaya nakakahiya talagang tumabi sa kanilang dalawa. Kinuha ko ang notes ko sa math para ihanda ang drama ko mamaya. Magkukunwari akong magpapatulong sa kanya sa math pero totoo naman talaga na nahihirapan talaga ako. Mas maganda na din yun dahil mapapansin na nga ako ni Sid, matuto pa ako. Ang talino ko talaga mag-isip. Ilang sandali pa ay pumasok ang dalawa kong classmate na babae at umupo sa upuan nila. Nag uusap naman ang dalawa na parang may mga sarili silang mundo kaya hinayaan ko nalang. Panay ang tingin ko sa pintuan at baka pumasok na si Sid sa room. Hindi naman ako binigo ng baby boy ko dahil nakita ko siyang naglakad papasok ng classroom. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at dali- dali akong naglakad papunta sa kanya. Nakita ko pa na kasunod din niya pumasok ang isa pa namin na classmate na lalaki na si Santos. "Ahm.. Sid.. pwede ba akong magpatulong sa'yo. Nahihirapan kasi akong intindihin 'tong mat—" "Kay Santos ka nalang magpaturo. Wala akong oras sa'yo." Pagpuputol niya sa sasabihin ko habang hindi nakatingin sa 'kin. Nilagpasan niya ako at agad siyang umupo sa pwesto niya. Naiwan ako na nakatayo sa harap niya habang hawak ang notebook ko. Tinawanan pa ako ni Santos habang umiiling sa 'kin ang gago. Hindi ko mapigilan mainis dahil pinagtawanan ako pati na din ang dalawa ko pang classmate na babae na nakarinig sa sinabi ni Sid. Dali- dali akong naglakad pabalik sa upuan ko at umupo. Nakayuko ako dahil napahiya ako. Mabuti nalang at konti lang ang nandito sa loob ng classroom. Pero malamang malalaman din yun ng iba ko pang classmate lalo na't madaldal pa naman si Santos. Gusto kong sakalin si Sid dahil sa sinabi niya. Kanina yung babae ang lawak ng ngiti niya habang tinuturuan. Habang ako sinabihan lang na wala siyang oras sa 'kin. Naiinis talaga ako. Sa sobrang inis ko ay umiinit ang gilid ng mata ko. Kanina ko pa minumura si Sid talaga. Kung pwede lang siyang batuhin ng notebook at ginawa ko na sana. Nagkunwari nalang ako na nagbabasa ng notes ko dahil narinig ko na ang maiingay kong mga classmate na pumasok na sa classroom. Hindi talaga ako nag-angat ng ulo hanggat hindi dumarating ang teacher namin. Na hurt talaga ako sa sinabi ni Sid pero dahil gusto ko sya ay palalagpasin ko nalang. Palagi naman akong ganito eh, palagi kong pinapalagpas kapag napapahiya ako sa harap niya. Inisip ko nalang na baka dahil mainit sa labas kaya wala siya sa mood. Talagang sinisi ko pa ang sarili ko. Dapat pala hindi ko muna siya nilapitan kanina. Naghintay na muna ako na makaupo siya para naman hindi siya mairita. Palpak talaga ang diskarte ko pero hindi naman ako susuko ng basta-basta. Alam ko na magkakagusto din sa 'kin si Sid. Pinapangako ko talaga sa sarili ko na mapapalingon ko din si Sid at makakatitig din siya sa 'kin ng matagal. Gusto kong kutusan si Santos dahil ang daldal talaga niya. Kalalaking tao pero parang pwet ng manok ang labi. Bwisit! Sinabi ba naman sa mga classmate namin ang pagpapahiya ni Sid sa 'kin. Inasar tuloy ako ng inasar ng mga classmate ko at sinabihan ng papansin para ibigin. Napabuga ako ng hangin dahil gusto ko na silang sigawan sa sobrang inis ko. Sinubukan ko din mag angat ng mukha para makita kung anong reaksyon ni Sid ngunit para naman siyang walang pakialam dahil naka headphone ang gago habang may hawak na libro. Nakakatulala talaga siya kapag ganyan ang ginagawa niya. Gwapo na nga siya pero mas lalo siyang gwapo kapag seryoso siyang nagbabasa ng libro. Naka sideview siya sa gawi ko pero ang gwapo parin niya. Kahit saang anggulo talaga ay gwapo siya. Kaya nga ang dami kong kaagaw sa kanya eh. Total package naman kasi talaga siya. Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip kung kailan kaya ako mapapansin ni Sid. Yung titig na titig talaga siya sa 'kin. Hindi yung katulad sa ginagawa niya ngayon na halos hindi man lang niya ako nililingon kahit dalawang segundo man lang. Ang lupit talaga niya sa 'kin. Nalulungkot pa naman ako dahil sa susunod na mga buwan ay hindi ko na siya makikita pa. Kaya gusto ko sanang tumingin man lang sana siya sa 'kin. Yun na nga lang ang wish ko pero mukhang malabo ko pang makuha. Ang hirap magpa pansin sa lalaking gwapo, matalino, at mayaman. Maganda naman sana ako makinis din ang balat ko. Pero useless ang pagiging flawless ko dahil hindi ako nililingon ng lalaling 'to. Paano ko kaya siya mapapalingon sa 'kin o di kaya ay kahit kausapin man lang niya ako kahit saglit man lang. Kahit nga utusan niya ako magtapon ng basura ay ayos lang. Basta pansinin lang talaga niya ako. Yun lang naman ang hiling ko sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD