Sixteen Kyla... Kinakabahan... Kulang pa yata ang salitang kaba sa nararamdaman niya ngayon ng papalapit na sila sa bahay ng parents ni Marco. Parang ganito ang pakiramdam niya noong first day niya sa school. Pero 1000x ang intense sa kanya, ung puso niya sobrang bilis ng t***k samantalang ang mga kamay niya sobrang lamig na nagpapawis. Isama pa ang kasama niyang binata na sobrang gwapong tingnan sa coat and tie nito. "Hey, breath. Ang putla mo na, kinakabahan ka ba?"tanong sa kanya ni Marco. Nilingon niya ito at nginitian na mukhang hindi ngiti at ngiwi ang nagawa niya. Tumawa naman ito habang nakatingin sa kanya. "Wag kang kabahan, mababait ang parents ko"pagbibigay nito ng assurance sa kanya. "Hindi naman iyon ang ikinakakaba ko. Pano kung hindi bagay itong damit ko sa party.