Seventeen Marco... Gusto niyang kutusan ang sarili niya kanina pa. "Hey babe, another round?"mapang-akit na tanong sa kanya ng babaeng kanina lang ay kaniig niya. Para siyang robot na tumayo mula sa kama niya at dinampot ang mga damit niyang nakakalat sa sahig. Pinapagalitan niya ang sarili niya sa nagawa niya. Hindi lang naman siya nakapagpigil at sa mismong birthday party pa ng ina niya naisipan makipag one night stand. Ang malala pa kasama niya si Kyla ngayon, at nasa baba lang ito. "Nah, I had enough. thanks"iyon lang ang sinabi niya sa dalagang nakahiga pa hanggang ngayon sa kama. Ewan ba naman niya kung bakit hindi siya nakapagpigil, nakita niya lang ito kanina pagpasok nila ni Kyla sa loob ng bakuran niya. hindi niya sana ito papansin kaso lang nagpakita din ng motibo ang da