Sam's POV
"So..okay kana ba talaga?"
"Yeah, how many times do I have to tell you?"
She rolled her eyes, "Bitch."
Natawa nalang kami pareho. She's Naomi Allison De Vera, my non-biological b***h twin.
"Ano ba kasing nangyari? Once in a blue moon ka lang naman magkasakit ah."
I shrugged, "Hindi ko rin alam, the doctor said it was overfatigue."
"You should sleep a lot more, ang laki na kasi ng eyebags mo."
Nagtaas ako ng kilay, "You don't have to worry guys, I'm okay."
"We're not worried about you, but you're scaring us every time you walk at the corridor with that scary face." Naomi rolled her eyes while Kim started laughing. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Naomi pwede bang manahimik ka nalang kung wala kang magandang sasabihin?"
"Oh sorry but I don't wanna," she showed me a bitchy smile before she started eating her vegetable salad.
"Nasaan na ba sila Dylan?" Tanong ni Kim habang kumakain na rin ng lunch. As if on cue ay lumitaw naman si Dylan sa likuran ni Naomi, stealing a kiss from her cheek.
"Sira ka talaga, mamaya mahuli tayo ng student council eh." Pinanlakihan niya ng mata ang pinsan ko.
Tila wala naman itong pakialam at umupo pa nga ito sa tabi niya at umakbay sa kaniya. I forgot to mention, this is my group, my circle of friends, childhood friends to be exact except for Naomi. Dylan's parents are Tito Brent and Tita Diane, his mom is my dad's sister, making him my cousin, while Kim's parents are Tito Tyler and Tita Claire. Our parents are originally bestfriends too kaya naman magkakasama na rin kaming lumaki.
Kim met Naomi two years ago, she introduced her to us because she likes her a lot. And she's with a gay friend, Carl Trey, who we often call Cuttie. Hindi pa kami kailanman nagpapasok ng ibang kaibigan sa grupo namin pero dahil nakasundo namin ang dalawa ay naging madalas na rin namin silang kasama.
Dylan and Naomi's in a relationship for about a week already. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan sila tatagal. Dylan's a playboy too, making him bestfriends with Sean.
"Where's Sean?" As if on cue ay hinahanap nila ito sa akin.
I shrugged, "Mukha ba akong hanapan ng nawawalang casanova?"
The three of them laughed. "Easy there honey." My cousin winked at me and then started flirting with Naomi again. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanilang dalawa dahil pakiramdam ko any moment from now ay masusuka na ako sa sobrang harutan nila.
Si Kim naman ay panaka-nakang sinisimangutan si Dylan.
Abala kami sa kaniya-kaniyang pagkain nang may naglapag ng isang tray sa tabi ko. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ako ng isang pares ng pamilyar na mga mata. Who else would it be but the Sean Park? I snorted.
"You should eat more." Nagulat ako nang ilipat nito ang ilang pagkain sa tray ko.
"I don't need an order from you."
Tinignan lang naman ako nito. Nakatingin sa amin ang tatlo at tahimik na nanood. Saktong kauupo palang ni Sean sa tabi ko nang dumating ang girlfriend niya.
"Sean, we're supposed to have a working lunch today right?" Nicaseane glanced at me before looking back at Sean. Hindi ko napigilang pasadahan siya ng tingin.
Like always, she looks so elegant and classy with whatever she wears. Isang itim na bodycon dress ang suot niya na pinatungan lang ng brown na cardigan at pinarisan ng brown rin na flats pero gandang-ganda na ako sa kaniya. Nag-iwas ako ng tingin.
"Nica napag-usapan na natin 'to diba? I'll have lunch with my friends today."
"And how about our assignment? Kung ayaw mong sumama sa amin ni Coleen edi kami nalang ang uupo rito." Hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap nito sa akin nang sabihin niya iyon. Nagkatinginan kami nila Kim at Naomi.
Naomi laughed sarcastically while looking at them. Nagkatinginan kami at alam ko na agad na pareho kaming naiirita na.
"Would you mind kung maki-share nalang kami ng table sa inyo ngayon? We really have to finish our assignment, susunod na kasi ang klase.." Sinasabi niya iyon para sa lahat pero sa akin nakatuon ang kaniyang mga mata.
Tumikhim ang pinsan ko kaya sa kaniya ako bumaling, "Nics alam mo ba kung sino ang partner ko sa assignment na 'yan?"
Oh right, magkaklase nga pala silang tatlo, pare-pareho silang Architectural Engineering ang course.
Nicaseane shrugged, "I don't know Dylan."
Huminga ako ng malalim at ibinaba na ang mga kubyertos ko. Kahit hindi pa tapos ay iniligpit ko na sa tray ang pagkain ko.
"Sige dito na kayo. Anyway paalis na rin kami e, tapos na akong kumain. The table is all yours."
Mukhang nakuha rin naman ni Kim at Naomi ang sinabi ko at kahit hindi pa din sila tapos ay nagligpit na sila at tumayo. Narinig kong nagpapaalam si Dylan na maiiwan kasama nila Sean para makagawa na rin ng assignment at hindi ko alam kung bakit nairita lang ako lalo.
Hindi ko na tinignan pa si Sean at umalis nalang kami agad ni Naomi at Kim.
"Oh my gosh, akala mo invited sa table natin, ang kapal ng mukhang maki-share!" Naomi grunted.
"Hindi rin naman sa atin yung table Naomi, okay lang yun.."
Tumigil si Naomi at hindi makapaniwalang tinitigan ngayon si Kim. She rolled her eyes then turned to me. "Mauna na ako sa inyong dalawa, pupuntahan ko si Carl Trey."
Tumango ako at nagdiretso na rin sa susunod na klase. Magkaklase kami ni Kim kaya sumunod na rin ito sa akin.
"May problema ba kayo ni Sean, Sam?" Tanong ni Kim nang nasa klase na kami. Maaga pa pero dahil nasira ang lunch namin ay wala na kaming choice kung hindi mag-stay nalang sa classroom at maghintay.
"Sort of,"
"You can tell me."
I smiled at her pero umiling din ako, "It's just a petty matter. Eh kayo ni Dylan? Bakit kanina mo pa siya sinisimangutan?"
She pouted, "I warned him before na wag niyang ligawan si Naomi pero hindi siya nakinig. I'm afraid he'll break her heart, kaibigan natin siya e."
I sighed, "Naomi wanted that too. Besides, nagpakita siya ng motibo kay Dylan kaya wala tayong magagawa. Everyone knows he's a casanova, silang dalawa ni Sean. Alam ni Naomi 'yon kaya kung masaktan man siya, kasalanan niya.."
She sighed.
Wala naman kaming magagawa, we warned Naomi and Dylan, hanggat maari ay ayaw naming mayroong magka-relasyon sa grupo namin pero hindi ko naman talaga mapipigilan ang pinsan ko.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay nagsidatingan na ang mga kaklase namin kasunod ang professor. The day went on like the usual at hindi ko namalayang dismissal na pala.
"May kasabay ka bang uuwi? Susunduin ako ni daddy, pwede ka naman naming ihatid sa inyo." Kim offered.
Alam niyang hindi kami magkasundo ni Sean kaya nag-ooffer siya ng ganito ngayon. I appreciate her but I have to say no dahil mas gusto kong matutong mag-commute. I'm determined to be independent this time kaya uumpisahan ko iyon sa pagcocommute. Kaninang umaga ay ganoon din ang ginawa ko, kahit pa nakita kong nag-aabang si Sean sa harap ng bahay namin ay hindi ko siya pinansin. He must have known I'm really angry kaya hindi niya na ako pinilit.
Nagpaalam ako kay Kim at umalis na. I'm not sure how to commute from school to our house pero siguro naman ay madali lang.
Wala masyadong dumadaan na PUV sa harap ng university lalo pa't private ito at karamihan sa mga estudyante ay may mga sundo o di kaya'y sariling sasakyan. Nakapagtanong ako sa guard kung saan ang terminal ng jeep patungo sa lugar namin at itinuro niya naman ang makitid na daan di kalayuan. Sinunod ko 'yon at naglakad na.
Totoo palang nakaka-hassle ang walang sariling sasakyan. Unang-una ay malaking oras ang nasasayang sa pagcocommute. Pero gusto ko ito kaya susubukan kong sanayin ang sarili ko. If it's really hassle at makakaistorbo sa oras ko, baka mapilitan na nga lang akong mag-aral magdrive at magpabili na ng sariling sasakyan.
I was walking on a deserted street when I noticed something. May dalawang magkasunod na motorsiklo ang dumaan at wala pang isang minuto ay napansin kong bumalik ang mga ito at huminto di kalayuan sa akin. Bigla akong kinabahan nang makita kong nakatingin ang dalawang driver sa akin kaya naman binilisan ko ang paglalakad para malagpasan ko sila agad.
Nang nalagpasan sila ay may humintong itim na van at humarang sa daraanan ko. Pagpihit ko patalikod ay naroon na ang dalawang motorsiklo sa likod ko. Nabuhay ang lahat ng takot sa katawan ko. The familiar feeling I felt last Saturday surfaced.
Bumukas ang pintuan ng van at bumaba ang isang lalaking nakaitim. Napaatras ako nang mamukhaan ko ito. Nanlaki ang mga mata ko. It was the guy from the parking lot, the guy who was staring at me back then, the guy holding a gun. Ngumiti ito nang makita ako.
"S-sino ka?"
He smiled evenmore. Naglakad ito palapit sa akin. Tila napako naman ako sa kinatatayuan ko.
"It's nice to finally meet the Samantha Andrea Marcoitte."
"Sino ka?"
He chuckled, "Wag kang matakot."
Gusto kong matawa sa sinabi niya. Wag matakot? Paano kung nakikita ko ang mga baril na hawak ng mga kasama niya sa loob ng van? Sino bang hindi matatakot sa ganitong eksena? Am I in a movie?
Sinubukan kong umatras pero naramdaman kong may humawak sa magkabila kong balikat, pinipigilan akong makagalaw. Napalunok ako nang tuluyan nang makalapit ang lalaki sa akin.
"Hindi ka masasaktan kung sasagot ka ng maayos."
"A-ano bang kailangan niyo?"
Ngumiti nanaman ito. Hindi ko alam kung anong mayroon sa lalaking ito at bakit ganito nalang ang takot ko sa kaniya. He induces fear just by merely standing infront of me. Sino ba sila? Bakit kilala nila ako?
"Do you know Sean Park?"
Nangunot ang noo ko. Sean? Is this about Sean? Anong kinalaman ko dito? Dahil hindi ko alam ang dapat kong isagot ay pinili kong huwag magsalita. Paano kung may balak silang masama kay Sean? Kahit naiinis ako sa lalaking 'yon ay hindi ko siya magagawang ipahamak.
Pero paano kung ako naman ang saktan nila kapag wala silang nakuhang sagot sa akin?
As if on cue ay naramdaman ko ang isang matalim na bagay sa gawing tagiliran ko. I didn't have to look at it to know, alam kong kutsilyo iyon. Oh God, help me please.
"Come on Samantha, tell us something about Sean Park?" The guy is looking at me playfully.
Umiling ako, "W-we're just schoolmates.."
He tilted his head to the side. Nagtaas ito ng kilay, "Other than that?"
"P-please.. hindi kami magkakilala." Nanginig ang boses ko nang hindi pa ito nakuntento at tuluyang lumapit pa.
Parang dinaanan ng libu-libong boltahe ang katawan ko nang maramdaman ko ang labi nito sa leeg ko. I refrained from crying pero ramdam kong anumang oras ay maiiyak na ako. He's scaring the hell out of me.
"You smell like a liar.." He murmured.
"I-I'm not..please.."
"Really? Uulitin ko Samantha, tell me something about Sean."
Hindi ko na napigilang mapahikbi nang maramdaman kong gumapang ang kamay nito sa batok ko. He's pulling me closer and I just want to pass out dahil hindi na ako makahinga ng maayos sa kabang nararamdaman ko.
"W-wala akong alam.."
"Talaga? Hindi mo ba sasabihing magkapit-bahay kayo at magkababata? Oh well, alam ko na 'yon. I want something new like .."
"No..no please.." I started crying really hard when I felt his other hand crawl under my shirt, just enough to touch my bare skin on my waist. Sobra-sobra akong kinilabutan.
"..like who you are to him."
"I'm nothing! We're just friends!" Iyak ko.
"Girlfriend?"
"No! Si Nicaseane ang girlfriend niya!" Oh God I'm sorry. I never wanted to put anyone in danger but I hate it for myself.
Lumuwag ang pagkakahawak nito sa katawan ko nang marinig ang sinabi ko. Bahagya siyang umatras para makita ang mukha ko. "Nicaseane?"
"Nicaseane Monteverde," I confirmed.
Tuluyan niya akong binitiwan. Hindi ko alam kung ilang minuto niya muna akong tinitigan bago sila tuluyang nawala sa paningin ko. Umiiyak akong napaupo sa gitna ng kalsada, takot na takot at niyayakap ang sarili.
It's okay Samantha..everything's fine now. Hush now.
Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring ito. Sean's name appeared on the screen making me cry a lot more. Para akong bata na gustong magsumbong pero hindi ko alam kung anong pumipigil sa akin. Pinanood kong tumigil sa pagpatay-sindi ang cellphone ko. Ayoko siyang makausap, ayoko.
**