Chapter 6

2795 Words
Sam's POV "Umalis na si Sean anak. Hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo nagkakaayos?" Huminga ako ng malalim at umiling. Kung noong isang araw ay naghihinala sila mommy na nag-away kami, siguradong nakumpirma na nila iyon ngayon. Kanina pa si Sean dito sa bahay pero hindi ko siya pinuntahan sa sala o hinayaan man lang na pumasok sa kwarto ko. Sinabi ko na ang lahat ng pwedeng alibi para paalisin siya nila mommy pero nagmatigas siya at naghintay daw sa sala. I didn't have the time to think of him, abala ako sa pagpapakalma sa sarili matapos ang nangyari. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi, I called a taxi and I cried, hindi malaman ng taxi driver kung anong nangyayari sa akin. Mabuti nalang at nauna akong nakauwi kina mommy. Triple ng kabang naramdaman ko noong Sabado ang nararamdaman ko ngayon. Kung noon ay hindi ako sigurado kung ako ba ang tinitignan ng lalaki, ngayon ay sigurado na ako doon. He knows me, he knows I'm related to Sean. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako damay? Anong ginawa ko? Alam kong nag-aalala sila mommy at daddy kaya siguro sila na rin ang kumausap kay Sean. Gusto kong sabihin sa kanila ang nangyari, gusto kong ilabas ito dahil alam kong mababaliw ako hangga't wala akong napagsasabihan. Pero what sense will it make if I tell them? Ayaw kong mag-alala sila. "Samantha ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa tulala pag-uwi mo. Binubully ka ba sa school?" Umiling ako, "No dad, it's not like that. I mean, okay lang po ako, medyo masama lang ang pakiramdam ko kanina but I'll be fine." Binubully? Mukha ba akong binubully? Kung meron mang mambubully sa akin edi matagal na sana siyang itinumba ni Sean diba? My parents are getting worse with reasons. "How about Sean? Bakit hindi ka man lang bumaba para kausapin siya? He's worried." I sighed, "Kakausapin ko nalang po siya sa ibang pagkakataon, just not now mom." Nagkatinginan sila ni daddy at sa huli ay hindi na rin nagtanong pa. Alam ko namang kahit hindi ko sabihin ay halata namang may misunderstanding kami. Ganito naman palagi ang set-up namin kapag hindi kami magkasundo pero bihira lang talaga kami mag-away. Ni hindi ko na maalala ang rason bakit ako nagalit sa kaniya ngayon, was it because of Nicaseane? Bakit nga ba ako nagagalit? Dati naman nang ganoon, bakit ngayong nakahanap siya ng disenteng babae ay nagkaganito ako? Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Gulong-gulo na ang utak ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dumagdag pa ang nangyari kanina, anong gagawin ko? Akala nila ako ang girlfriend ni Sean kaya ako ang hinahabol nila pero ngayong itinuro ko si Nicaseane, siya naman ba ang guguluhin nila? Anong gagawin nila kay Nicaseane? Fvck, I feel so guilty! But I just want to save myself, kung hindi ko sinabi iyon, ano nalang kaya ang maaring nangyari sa akin? And what are those people anyway? May atraso ba sa kanila si Sean? I think I need to talk to that asshole. "Tumawag si Kim kanina, ipinagpapaalam kung pwede ka daw bang sumama sa overnight sa bahay nila ngayon. Wala akong balak pasamahin ka dahil kagagaling mo lang sa sakit but I think it's a good time para magkaayos kayo ni Sean." Mom said. Nilingon ko siya. "Kahit hindi mo sabihin ay alam kong may mali. Ayusin niyo 'yan Samantha, you're both old enough to not argue over petty things at isa pa, magkababata kayo. Ayokong may nag-aaway ni isa man sa inyo kahit sila Kim pa." I sighed before nodding. I realized it's a good thing to distract myself from remembering what happened today. Wala akong pakialam kung nandoon si Sean, hindi ako pupunta doon para magkaayos kami. I just want to forget about what happened. Saka ko na siya kakausapin kapag humupa na ang lahat ng nararamdaman ko. "Go pack your things, ihahatid kita." Dad pat my head before they left me alone.  Huminga ako ng malalim at kumilos na. Kung tutunganga pa ako dito ay baka mabaliw na ako. Inayos ko ang mga gamit na dadalhin ko at pinagkasya sa aking bag. Damit lang naman at si Kim na ang bahala sa mga necessities. Nang natapos ay mabilis akong naligo at nagbihis. Dad knocked on my door right after I finished preparing. Kinuha niya ang bag ko at nauna na sa kotse. Naroon si mommy sa sala nang bumaba ako. Nagpaalam ako sa kaniya bago tuluyang sumakay sa sasakyan at tinext na si Kim. Hindi naman malayo ang bahay nila mula sa amin kaya mabilis lang kaming nakarating sa bahay nila dito rin sa Bel-Air Village. Kasama niya si Dylan na naghihintay sa amin sa harap palang ng gate ng bahay nila. Bumaba si daddy para pagbuksan ako ng pintuan habang lumapit naman ang dalawa sa amin para bumati kay daddy. "Hi Tito!" Bati ni Dylan. "Oh Dylan, you're here, pakibantayan itong pinsan mo." Iniabot niya ang bag ko. "Ofcourse Tito." Nilingon ako ni Dylan at pinagtaasan ng kilay. I rolled my eyes at him. "Hi Tito Drake, pasok po kayo.." Si Kim habang kumakapit sa braso ko. Umiling si daddy at ngumiti, "Hindi na Kim, pakibati nalang ako sa mommy't daddy mo. I have to go back, walang kasama ang Tita Misty niyo sa bahay." Pagkatapos ay nilingon niya ako, "You know why your mom agreed to send you here.." I sighed, "I know daddy.." Bakit ba ang big deal sa kanila ang pag-aaway namin ni Sean ngayon? Sana hindi dumating ang lalaking 'yon para may rason akong hindi siya kausapin. Hindi na rin nagtagal si daddy at nagpaalam na. Hinintay niya kaming makapasok sa malaking gate bago siya tuluyang umalis.  "Nasaan si Sean? Bakit hindi kayo magkasabay?" Tanong ni Dylan habang nakasunod sa amin ni Kim papasok sa loob ng malaking bahay. I shrugged, "Hindi pa kami nagkita ulit, huling interaction namin yung sa cafeteria kanina." Sagot ko na parang wala lang. "Seryoso ba siya kay Nicaseane? Nicaseane confronted you that she likes Sean right?" Kim asked curiously beside me. "I don't know Kim, kung seryoso nga sila edi maganda 'yon.." My cousin chuckled, "Once a playboy, always a playboy, Kimberly. Hindi magseseryoso 'yon.." Sinimangutan siya ni Kim. "So are you telling me that you're not serious about Naomi too? Dahil playboy ka?" Dylan shrugged, ngumisi ito. "She told me she likes me and that she don't mind. Tao lang ako sweety, natutukso rin. Right pinsan?" Inakbayan pa ako nito. Napailing nalang ako, "In short, malandi ka lang talaga." Nagkunwari naman itong nasaktan sa sinabi ko kaya natawa nalang kami sa kaniya ni Kim. Nakarating kami sa third floor ng bahay nila kung saan kami matutulog. Mayroong dalawang kwarto dito, isa para sa boys at isa para sa mga girls, tapos ay isang recreational space kung saan may iba't-ibang pwedeng pampalipas oras tulad ng xbox at just dance, mayroon ding mahabang lamesa kung saan pwedeng kumain at mga sofa. Pinasadya ng parents ni Kim ang third floor para rito. Nag-iisang anak si Kim kaya mula pagkabata ay dito kami nag-gagather sa kanila. At sila rin naman ang madalas mag-host ng mga parties dahil sila itong palaging nandito sa bansa dahil nandito lahat ng business nila. Our other friends' families are living abroad, o kung hindi man sa abroad nakatira ay pabalik-balik naman, katulad ng parents ko na madalas mag-business travel dahil sa mga business namin abroad. Dylan's parents are living in Korea, kaya mag-isa siya sa kaniyang condo, Xian and Armie lives in Korea too at umuuwi lang kapag may oras sila. In short, apat lang kaming naririto sa bansa at mabuti nalang ay nadagdagan kami ni Naomi at Carl Trey. Ipinasok ni Dylan ang bag ko sa girl's room at lumabas din siya agad para samahan kami ni Kim sa recreational. Binuklat ko ang mga bagong librong nakita sa bookshelves doon. "Na-inform ba si Sean tungkol sa overnight, Kim?" Tanong ni Dylan na nakaharap na ngayon sa xbox. "Oo naman no! I called him." "Anong sabi? Pupunta daw?" Napaka-clingy ng Dylan na ito, kung umasta parang siya ang girlfriend ni Sean. "He asked me if I invited Sammy, I said yes so he said yes."  Umirap ako sa kawalan. Humalakhak naman si Dylan, "Oh ofcourse, ano nga kayo? Bestfriends kayo?" Nilingon ko siya at binato ng unan na nahawakan ko mula sa sofa. Nakaiwas naman siya agad habang tumatawa. "O bakit ka nagagalit? Ayaw mong bestfriends kayo?" "Shut up Dylan," akmang babatuhin ko na siya ng librong hawak ko nang bumukas ang pintuan at pumasok si Xian at Armie. Nanlaki ang mga mata namin.  "Hi guys!" Armie exclaimed happily. "Oh my gosh! Akala ko ba next week pa ang uwi ninyong dalawa?!" Agad kaming tumakbo ni Kim palapit sa kaniya at yumakap. Kakasabi ko lang kanina na nasa Korea sila at ngayon ay nandito na silang dalawa sa harapan namin. Armie grinned, "Well, we heard that you're throwing up a party so we decided to leave early." "In-adjust ko yung party na yun but since you two are already here, ituloy na natin!" Napapalakpak nalang kaming tatlo. Nilapitan ko si Xian at nakipagbro-fist ako rito. I didn't expect this, akala ko kami-kami lang but here they are! Mukhang magiging masaya ang gabing ito. Mabuti nalang talaga at nagdesisyon akong pumunta.  "Grabe, na-surprise talaga ako sa inyo. Tapos hindi pa kayo nagsabi!" Tumatawang sinabi ni Kim. "Teka alam ba ito nila mommy?" Armie nodded. "Where's Sean?" Sa akin agad hinanap ni Xian si Sean. Sinimangutan ko naman ito kaya biglang natawa ang pinsan ko. "May LQ sila dude." Xian looked at me, hinihintay na kumpirmahin ko ang sinabi ni Dylan pero umirap lang ako. Natawa ito sa naging reaksyon ko at bahagya pa nitong ginulo ang buhok ko. "Kayo naba?" Ang slang na pagkakasabi niya noon ay nagpangiwi sa akin. Hinawi ko ang kamay niya. "Pwede ba, magkaibigan lang kami." He chuckled, "Really?"   Inismiran ko siya at tinalikuran na para harapin si Kim na nahuli kong nanonood sa amin. I smirked. I snapped my fingers infront of her and she almost jumped in surprise, natawa ako. I forgot, Xian Ekelund is her long time crush. "Masaya ka niyan? Nandito ang crush mo?" Bulong ko na nagpapula sa kaniyang mamula-mula nang pisngi. Lalo akong natawa. Sinimangutan niya naman ako. Oh she's so adorable! "Huwag masyadong pahalata ha?" Kinurot ko ang kaniyang pisngi bago tinalikuran para lapitan naman si Armie na ngayon ay nakikipaglaro na kay Dylan sa xbox. "Marunong kaba nito? Dun ka nalang kay Sam, magkwentuhan muna kayo." Pagtataboy sa kaniya ng siraulo kong pinsan. Binatukan ko ito bago hinila si Armie palayo sa kaniya. "Huwag mo masyadong kinakausap si Dylan at baka kung anu-anong matutunan mo diyan," sabi ko sa kaniya. She chuckled, tapos ay luminga-linga na parang may hinahanap. Alam ko na agad nang tinignan niya ako. "Where's Sean?" Napairap nalang ako. Kailangan ba talagang sa akin nila hanapin ang lalaking yun? Mukha ba akong babysitter niya? Tss. "I kind of miss that monster." She seems so oblivious of my reaction. Natawa nalang din ako. Magpinsan silang dalawa pero kapag magkasama ay mas mukhang magkapatid. "Well, I missed you too my dear cousin." Sabay kami halos nag-angat ng tingin nang biglang may nagsalita sa likuran namin. Si Sean ay nakatayo sa may pintuan. He's wearing a black shirt over his denim pants and white Stansmith. He looks so fresh and handsome.  Agad tumakbo si Armie papunta sa kaniya at yumakap. "Sean!" Sinalubong niya rin ng yakap si Armie at bahagya pa itong inangat. Nag-iwas ako ng tingin at nahuli ang pinsan kong nakatingin sa akin. I rolled my eyes at him when he smirked. Sige mang-asar ka at talagang masasaktan ka sakin. "Who's Lambo is parked outside?" Narinig kong tanong ni Sean. Napatingin tuloy ako nang ngumisi si Xian at sumagot. "Mine," Woah? Lamborghini? Seriously? Bakit ang mamahal ng kotse ng mga ito? At 18 lang din siya! "Nice one dude." Nagtanguan ang dalawa.  "Why are you late? You weren't with Samantha?" Muntik na akong mapanganga nang nalipat sa akin ang tingin nilang lahat. Gusto ko tuloy samaan ng tingin si Armie, her innocence will kill me. Hindi niya man lang ba talaga na-sense na may mali? I saw Dylan and Xian smirking at me. "Nakipag-date pa kasi yan Armie." Si Dylan ang sumagot dahil nakatingin lang sa akin si Sean. Unti-unti akong hindi naging kumportable dahil sa mga tingin niya, lalo pa sa sinabi ng pinsan ko. Hindi ko alam bakit bigla akong nairita. Pagkatapos niyang maghintay sa bahay namin ay nagawa niya pang makipag-date? Seriously? "Date?" Agad itong bumaling sa akin na nagtataka. What again? Bakit kailangan sa akin nakatingin?  "Got a girlfriend? I want to meet her." Excited na sinabi niya sa pinsan niya. Mukhang nakaramdam naman si Kim na nasisiraan na ako ng ulo kay Armie kaya hinila niya na ito palayo kay Xian. "Dami mo talagang daldal Arm, tara girls talk tayo. Hayaan mo na yung boys dito." Hinila niya kami ni Armie papasok sa kwarto namin at laking pasasalamat ko na dahil doon. Hulog ka ng langit Kimberly! Mabilis din namang nawala ang iritasyon ko nang nag-kamustahan na kami. Kaniya-kaniya kaming kwento tungkol sa mga buhay namin, sa school at sa pamilya na rin. Armie is older than us, she's nineteen at second year college, she's a nursing student. Si Kim ang pinakabata, she's only seventeen pero second year college na rin, hindi pa kasi nag-aadapt ng K12 sa Pilipinas kaya pagkatapos ng grade 6 ay first year highschool na, hindi katulad sa ibang bansa. Ako naman ay nag-eighteen na noong June, third year business management student. Nagtagal kami sa kwarto dahil sa kwentuhan at tinawag nalang ni Tita Claire para sa hapunan. "Ako ang nagluto ng dinner kaya dapat kumain kayo ng marami okay?" Tita Claire served us our dinner  happily. Mukha ngang nagprepare talaga ito dahil sa dami ng niluto niya. Nasa tabi niya si Tito Tyler na masaya ring nakatingin sa amin. To be honest, ang parents ni Kim ang pinaka-cool sa mga parents namin. They like to include theirselves, gusto nila updated sa mga gawain namin, they're just like teenagers. "Thank you Tita!" She smiled at me, "You're welcome Samantha. Kumain kayo ng madami. Tawagin niyo kami pag may kailangan kayo ha, maiwan na namin kayo." Nagsimula na rin kaming kumain. Sobrang daming pagkain at sobrang sasarap pa. Parang laging may okasyon dito sa bahay nila kapag nandito kami. Masaya akong kumakain at nakikipagkwentuhan kay Kim nang umupo si Sean sa harapan ko. I cursed silently when our eyes met. Nang-aasar ba siya o ano? Bakit kailangan sa tapat ko pa siya umupo? Bakante naman yung upuan sa tabi ni Dylan. Hindi ko na siya tinignan o pinansin man lang. Sa halip tuloy mag-enjoy ay nagmadali nalang akong kumain kahit na alam kong pinapanood niya ako. Ramdam ko ang pagtingin-tingin sa amin ng mga kasama namin kaya lalo akong nagpursige na matapos na.  At nang natapos ay mabilis akong tumayo at nagpaalam, "Magpapahangin lang ako sa labas, tapos na ako." "Samantha, gabi na." Pigil ni Dylan sa akin, ngayon ay seryoso na.  Alanganin naman akong tinignan ni Kim. Tinanguan ko siya para hindi na siya mag-alala, hindi ko na rin pinansin si Dylan. Sa huli ay wala rin silang nagawa kaya nagdiretso na ako palabas. It's not really dangerous in this place, exclusive subdivision naman ito kaya hindi ako takot lumabas kahit pa gabi. Mabigat ang mga paang lumabas ako ng malaking gate. Medyo malamig dahil gabi na at naka-shorts lang ako at t-shirt pero dahil determinadong magpalipas ng iritasyon ay tiniis ko iyon. Naglakad-lakad ako sa daan habang kinakalma ang sarili. Naiinis ako kay Sean at hindi ako tatagal doon na alam kong nakatingin siya. Pero naiinis din ako sa sarili ko, bakit ba ako nag-iinarte ng ganito? Kilalang-kilala ko na si Sean at dapat ay sanay na ako sa mga kalokohan niya sa buhay pero bakit ngayon pa ako nag-iinarte? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Ayaw kong pagsisihan ang pagpunta dito lalo na dahil dumating si Armie at Xian pero nakakairitang nandito ang Sean na iyon. Sana hindi nalang siya pumunta at nakipag-date nalang kay Nicaseane. Magsama silang dalawa! Kung kanina ay nagiguilty pa ako sa pagtuturo kay Nicaseane, ngayon ay hindi na. Sana siya nalang ang guluhin ng mga lalaking iyon dahil siya naman ang girlfriend ni Sean at hindi ako! Ilang hakbang palang ang nagagawa ko palayo sa bahay ng mga Scofield ay narinig ko na ang muling pagbukas at pagsara ng kanilang gate. Kinagat ko ang labi ko nang mariin, sigurado ako kung sino ang sumunod sa akin at hindi nga ako nagkamali nang tinawag nito ang pangalan ko. "Sam." **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD