Chapter 4

1880 Words
Sam's POV I sighed. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang buntong-hininga ko naba ito. Sumandal ako sa pasamono sa balcony at tahimik na pinagmasdan ang langit. Tahimik na, gabi na kasi. Yumuko ako upang tignan ang aking kamay. I've been trembling since I got home, ngayon ay ganoon pa rin at nangingig pa rin ang buong katawan ko. I can still remember how the guy looks like, how his dark scary eyes looked at me, kung paano ako tumakbo makalayo lamang sa kaniya. And what's with the gun? Bakit siya may baril? Bakit niya ako tinitignan na parang ilang oras na siyang naroon at nanonood sa akin. Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon. He doesn't look like a goon or what, he doesn't look like a kidnapper too. In fact, he's good-looking, he's tall and I think he owns that car where he was leaning. And I'm sure as hell that I don't know him. So what would be the reason for him to stare at me like that? Mukha siyang killer, para siyang papatay sa tingin na iyon that it made me uneasy. Hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi, basta ang alam ko ay takot na takot ako. Pinagsaklop ko ang dalawang kamay ko para pigilan ang panginginig ng mga ito. Kanina pa ko tinatawag nila mommy at daddy para mag-dinner pero natatakot akong humarap sa kanila nang ganito. I look so horrified. "Sam.." Ganoon nalang ang gulat ko nang biglang may magsalita sa likuran ko. Nahulog tuloy ang cellphone ko sa sahig. "Y-Yes dad?" Nanginig ang boses ko nang pinulot ko na ang cellphone. Daddy saw my reaction, mabilis niya akong nilapitan. "Hey, are you okay?"  Hindi ako makatingin. I tried so hard to avoid his eyes. My father, Drake Marcoitte, can read through my eyes just like how she can read mommy. "Hey, are you okay? Bakit namumutla ka? Are you sick?" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko para makita nang maayos ang mukha ko.  Namumutla ako? Hindi na ako magtataka kung bakit, hanggang ngayon nga ay nanginginig ako kahit ilang oras na ang nakalipas. "Samantha? Tell me what happened? May sakit ka ba? Nag-away kayo ni Sean?" Umiling ako. "No, I'm okay dad.." Kung bakit niya naiisip na magkakaganito ako dahil lang nag-away kami ni Sean ay hindi ko alam. There are times we fight, pero hindi ako mamumutla ng ganito dahil lang doon. "Anong nangyari.." Inalalayan ako ni daddy patungo sa malapit na upuan . Nang nakaupo na ako ay umupo na rin ito sa tabi ko, he looks so worried. Hindi niya pa nga alam ay nag-aalala na siya paano pa kung malaman nila mommy kung ano ang nakita ko sa parking lot ng mall? Hindi ko yata kayang sabihin. "Samantha?" Mula sa pintuan ng kwarto ko ay nakita kong sumilip si mommy. Worry is written all over her face. Agad siyang lumapit sa amin ni daddy. "What's happening?" Hindi sumagot si daddy, nakatingin lang ito sa akin at naghihintay ng sasabihin ko. But I don't know how to tell them, o dapat ko pa bang sabihin? Should I tell them I'm scared because I caught a strange guy watching over me at the mall? At may hawak na baril? Baka kapag sinabi ko 'yon ay mag-alala lang sila sa akin. "Nag-away ba kayo ni Sean?" Tanong muli ni mommy. I sighed. Hindi ko alam bakit naiisip nilang magkakaganito ako dahil sa lalaking 'yon.  "Mom, we're okay." I sighed. "Kung okay kayo bakit nandoon lang siya sa terrace at pinapanood tayo? He should be here with us kung okay kayo." Dahil sa sinabi ni mommy ay nilingon ko ang bahay nila. I saw him leaning on the banisters of their balcony, nakatingin sa amin. Oo nga pala, magkatapat lang ang bahay namin at maging ang kwarto naming dalawa. Kanina pa ba niya ako pinapanood diyan? Bakit hindi ko siya napansin? Napatingin ako kina mommy't daddy na nanonood sa akin. Alam ko na agad ang tumatakbo sa isip nila. I sighed, "Mom we're really okay." "Kayo talagang dalawa.. para kayong magkasintahan kung mag-away." Hindi na ako nagsalita pa, alam ko namang kahit anong sabihin ko ay hindi na magbabago ang tingin nila mommy't daddy sa amin. Mom always teases me to Sean, hindi ko alam bakit tingin niya ay may ganoon kaming relasyon. Ganoon din si Tita Lorraine sa amin, they know we're bestfriends pero pakiramdam ko ay iniisip nilang higit pa kami roon. At tuwing tinutukso kami ay tumatawa lang si Sean at ngumingisi sa akin. What an asshole. "You should rest now Samantha, you're just exhausted." Sabi ni daddy habang hinahawakan ang braso ko at tinutulungan ako. Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila papasok sa kwarto ko. Hindi ko na ulit nilingon si Sean dahil masama na rin talaga ang pakiramdam ko. Napahawak ako sa braso ni daddy nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo. "Sam?" Hindi na ako nakasagot dahil ang unti-unting paglabo ng paningin ko ay nauwi sa tuluyang pagdilim nito. I heard mom's frantic voice before everything went black. * "Sigurado ba ang doctor na overfatigued lang ang anak natin Drake? Why is she so pale?" Rinig na rinig ko ang pinaghalong pag-aalala at inis sa boses ni mommy. "Misty doctor nga yun diba? Ano palit nalang kayo? Ikaw nalang mag-doctor?" "Ang ingay mo! Tara na nga sa labas muna tayo!" I heard their footsteps before the door shut. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Bahagyang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako rito. Geez, what happened? Na-overfatigue ako? Seriously? Inabot ko ang cellphone ko nang makita ito sa side table. Tumambad sa akin ang ilang missed calls at text messages mula kay Sean at sa isang unregistered number. Una kong binasa ang mga message ni Sean. | Sam are you okay? What happened? | I rolled my eyes. Kung gusto niyang malaman ang nangyari bakit hindi siya nagpunta dito? He could have talked to my mom when I was asleep. Tss. Binasa ko ang isa pang message nito. | I'm really sorry. | Lalo lang akong nainis sa pagsosorry niya. Akala ko ba magpapaliwanag siya? Nasaan ang explanation? Sa inis ko ay hindi ko na binasa ang ibang messages mula sa kaniya. I turned to the unregistered number. From +6392142***** | Hey Samantha, nakauwi ka ba? How are you? What happened there? Can we meet somewhere? | Kumunot ang noo ko sa mensahe. Sino naman ang magtetext sa akin ng ganito? I was just about to reply when someone knocked on the door, nilingon ko iyon. "Come in."  Ibinalik ko ang phone ko sa lamesita. Bumukas naman ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Sa gulat ko nang nakita siya ay napaupo ako. "Samantha," "Karl?" Ngumiti ito, showing his perfect set of white teeth. Lumapit ito sa kama ko at iniabot sa akin ang isang bouquet ng red roses at tulips. "Wow, alam mo pa ring ito ang favorite ko?" My lips are immediately on a smile. "Yeah, makakalimutan ko ba naman? Anyway, kamusta ka? Kaya pala hindi ka nagreply, may sakit ka pala." Tumango ako. "Yeah, hindi naman malala, overfatigued lang." I smiled at him. Hinayaan ko itong umupo sa dulo ng kama ko habang tinitignan ko ang mga bulaklak na bigay niya. I don't often receive things like this, kapag lang may okasyon at galing pa kay Sean. "You must be really exhausted." "Yeah, school problems." I smiled. "At nag-away pa kayo ng boyfriend mo?" I sighed, "Sean is not my boyfriend." He looks shocked, "If he's not your boyfriend then why did he acted like one yesterday?" "He's just a bit protective of me. Pasensya na nga pala sa nangyari kahapon." He smiled, "It's okay, I understand him, kahit naman siguro ako.." I chuckled, "But I don't think you'll punch someone like that. Pasensya na talaga, he's just really violent." "I understand.." I smiled, "So.. buti napadalaw ka?" "Aayain sana kitang mag-icecream since hindi tayo natuloy kahapon but I think you should rest for now. You're really pale." I sighed. Ilang beses na bang nauudlot ang pagkain ko ng icecream? Para tuloy nag-crave ako bigla dahil nabanggit niya. But he's right, I have to rest, Lunes nanaman bukas at may pasok nanaman. "I'll make it up next time." I smiled at him na nagpangiti rin sa kaniya. "So..kamusta kana? It's been a while, saan ka nag-aaral? At paano mo nalamang dito ako nakatira?" Natawa siya sa sunod-sunod na tanong ko kaya natawa na rin ako. Karl Ford is a childhood friend. We've been good friends pero isang araw ay nalaman ko nalang na nag-migrate pala sila sa Canada. Akala ko doon na sila for good pero iyon nga at nagkita pa kami sa mall kahapon. And it's surprising na nakilala niya pa ako. "Well.. you are not really hard to find Samantha.." He chuckled. "And actually, I stopped schooling after I graduated from grade twelve." "Bakit naman? I thought pangarap mong maging architect, what happened?" Ngumiti nanaman ito. Napapansin kong madalas itong ngumiti ngayon unlike before. Noon pa man gwapo naman na talaga itong si Karl kaya lang ay medyo introvert siya at serious type. Hindi ko nga alam kung paano kami naging close noon e. "When I was in Canada, someone offered me a contract under Pyramid Empire. I thought I'll do good that's why I tried. It all went well at na-renew pa ng ilang beses ang contract ko." My eyes widened, "Pyramid Empire? The international modeling agency? Wow Karl, just wow! How nice is that?" Hindi ako makapaniwalang model na pala ang lalaking 'to! Kaya pala ngiti ito ng ngiti sa akin magmula kahapon. At hindi lang sa isang agency dito sa bansa pero sa Pyramid Empire pa! That's a prestigious modeling agency outside the country! "Congrats Karl! Grabe, hindi ko ineexpect iyon. I mean, you're not like that before." I exclaimed. He smiled, "People change, Samantha. Just like you, you really did mature enough and you look more beautiful now." I felt my both cheeks heat up at what he said. Yeah, nagbago na nga siya, he can even say that to me now samantalang dati, dinaan niya pa ako sa love letter. It's so gay but I was really laughing that time because this guy likes me since then. "So why are you here then? May projects ka dito?" He nodded, "I have a few projects here and I might stay a bit longer kaya susubok ako sa mga local agencies. Anyway, may meeting ako with our project team today kaya hindi rin ako magtatagal." Ngumiti ako at tumango. I'm happy that he can still remember me even after so many years. Nagkwentuhan kami ng ilang saglit pa bago siya nagpasyang umalis na. Tatayo na sana ako para ihatid siya sa pintuan nang pigilan niya ako, "No need, I went here alone and I want you to rest para makapag-icecream na tayo. I'll come and visit you once I clear my schedule." Tumango naman ako, "Sige, mag-iingat ka Karl." What he did next really surprised me. He leaned down and gave me a quick kiss on my left cheek before he stormed out of my room. Napahawak ako sa pisngi ko at biglang nakaramdam ng guilt. Wait, bakit nagi-guilty ako? What is this feeling for? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD