Chapter 10

2230 Words
Sam's POV Things are slowly falling back to normal. The university was closed for two days after the incident. Hindi pa ako nakakabalik doon magmula nang mangyari ang barilan. Now it's been a week, nag-open na ulit ang school bagama't may mga police officials pa rin na nakabantay dito. Wala pa rin silang lead sa mga sibilyan na nakapasok sa school pero may hinala silang may kasabwat ang mga ito sa loob. Walang nakuhang impormasyon mula sa akin si Detective Sandoval at mukhang hindi na rin siya hahayaan pang umulit ni daddy. Nalaman kong ininterview rin pala nito sila Xian at Kim, maging si Sean at ang babaeng kasama nito noon. Kung ano man ang totoo, kung may kinalaman man si Sean o kung kilala niya ang mga taong iyon, ayaw ko nang malaman pa. I just want to be away from trouble again, I don't want to be involved again. Isang linggo na akong hindi pumapasok. Students who were hurt from that incident are excused from their classes until they are fully recovered, sa halip ay binigyan nalang kami ng take-home activities at bibigyan din ng special exam pagbalik namin. Ang gusto nila mommy ay magpahinga muna ako, natatakot silang ma-trauma ako dahil sa mga nangyari. Binalak din nilang ipakonsulta ako sa psychologist para makasigurado pero hindi ako pumayag. I'm perfectly fine, traumatic nga siguro ang nangyari pero alam kong magiging okay din ang lahat. "Samantha? Aalis na kami, sigurado ka bang kaya mo nang mag-isa?" Tumango ako at ngumiti, "I'm okay mom, you should go now, ilang beses nang na-i-move ang meeting niyo." Lumapit ito sa akin at humalik sa noo ko. "Are you sure you'll be fine? Pwede naming ipagpaliban ang trabaho Samantha, or your dad can go alone. Or.. I can ask Sean to stay here with you." Umiling ako, "No mom, I'll be fine." Kung hindi man maganda ang pakiramdam ko ay hindi pa rin ako papayag na sasamahan ako ni Sean dito. We are not okay, I doubt we will ever be okay again after what he did to me. Alanganin akong tinignan ni mommy. I'm sure she knows Sean and I are not okay again pero hindi tulad noon ay hindi niya ako pinipilit makipag-ayos. I gave her a reassuring smile, "Mom I promise I'll be fine.." Huminga siya ng malalim at sa huli ay napilit ko rin. Hindi na kasi pwedeng i-move pa nila ulit ang meeting sa isang investor dahil baka magback-out na ito. I've been causing so much delay at ayoko nang makaistorbo. I'm perfectly fine now, they don't really have to worry. Tatlong araw akong nilagnat pero ngayon ay maayos na ang pakiramdam ko at naghihilom na rin naman ang ilang mild bruises na natamo ko. Nang nakaalis sila mommy ay nagdesisyon akong maligo na at magbihis. Nilinis at ginamot ko ang ilang sugat ko. Hindi naman malala ang mga iyon at halos daplis lang mula sa mga bubog. Mayroon sa aking leeg at pisngi at medyo marami sa mga braso at binti. Nang natapos ay naghanap na ako ng pwedeng gawin. Nakita ko ang ilang bagong libro na binili ni daddy noong isang araw para may pagkaabalahan ako. Dinampot ko ang unang libro sa Bridgerton series at nagdesisyong magbabasa ako sa may balcony.  Binuksan ko ang salamin na sliding door at hinawi ang puting kurtina. Bahagya pa akong nasilaw sa araw. Naglakad ako palapit sa maliit na lamesang naroon at inilapag ko muna ang libro bago bumaling sa view. I was stretching when I saw Sean standing on his room's balcony too. Naka-lean ito sa pasamono at seryosong nakatingin sa akin. He's topless and only wearing his gray sweatpants. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod na. Dinampot ko ang libro sa lamesa at tinignan iyon. I guess I won't read for today. Bumalik ako sa loob ng kwarto. Sa pagitan ng pagsasara ko sa sliding door ay kita ko pa rin ang panonood sa akin ni Sean na akala mo ay tumatagos ang kaniyang mga mata sa puting kurtina at sa salamin. I sighed. We never talked after I made him leave on that day. At hindi rin siya nagpumilit na makita ako o mabisita. O kung sumubok man siya ay baka hindi nalang sinabi sa akin nila mommy. I don't care, mabuti nga iyon at nang hindi na kami magkausap pa. Nag-ring ang phone ko at mabilis ko iyong sinagot nang nakita ang pangalan ni Karl. "Hi Sam!" He greeted. "Hello Karl, napatawag ka?" "I heard what happened, ngayon lang medyo lumuwag ang schedule ko kaya gusto sana kitang yayain kung ayos lang, at kung okay kana. Kung hindi ka pa magaling ay pwede namang bisitahin nalang kita sa inyo." Just on time Karl, kailangan ko sigurong mamasyal para naman kahit paano ay umaliwalas ang pakiramdam ko. "Uhm ayos na ako, I can go out with you today tutal ay wala sila mommy at ako lang mag-isa sa bahay." "Oh, that's good. Uhm.. I'll wait for you then, nasa labas na ako ng bahay niyo." He chuckled. Nanlaki ang mga mata ko, "What?" "Yes.. I'll wait here.." Mabilis akong tumayo, "O-Okay, magbibihis lang ako, bibilisan ko.." He chuckled, "It's okay, take all your time.." Nang ibinaba niya ang tawag ay nagmadali na rin akong magbihis. Mabuti nalang at nakaligo na ako. Ternong sweatpants at hoodie na white ang isinuot ko. Gusto ko sanang mag-shorts pero naaasiwa ako sa dami ng mga sugat ko sa binti. Itinali ko ang buhok ko pagkatapos magsuot ng rubbershoes. Dinampot ko lang ang phone at wallet at inilagay sa bulsa ng hoodie bago nagtatatakbo na palabas ng bahay. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Karl. Ngumiti rin ito agad nang makita ako. He's leaning on a red Jaguar, nakapamulsa at nakasuot din ng hoodie. Lumapit ako. "Hi Sam," bati nito sakin. "Hello, " ngumiti ako sa kaniya. "So how are you? Are you sure okay kana?" Tanong nito bago ako pinasadahan ng tingin. Nagtagal ang titig niya sa band-aid na nasa pisngi ko. "Okay na ako, medyo gumagaling na din yung mga sugat ko.." He nodded and smiled. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kaniyang sasakyan. " Shall we go?" Tumango ako at sumakay na. Sinarado niya ang pintuan at umikot na para makasakay na rin. Naglagay naman ako ng seatbelt "Do you have a specific icecream parlor in mind? Sa Greenbelt ba o gusto mong puntahan iyong icecream parlor sa San Lorenzo?" Tanong nito nang nakasakay. "Bukas pa ba 'yon?"  Sa San Lorenzo Village kami parehong nakatira noon bago pa nakabili ng bahay sa Bel-Air sila mommy at noong bata pa kami ay may icecream parlor doon na malapit lang sa bahay namin. I wonder if it's still there though.  "Yes, nadaanan ko nang binisita ko ang bahay namin last week.." My eyes widened. Ngumisi siya at pinagana na ang sasakyan. Naexcite ako bigla, ang tagal ko nang hindi nakabalik doon. Malapit lang ang San Lorenzo Village pero hindi na rin ako nakabalik doon simula nang lumipat kami sa Bel-Air dahil wala naman kaming kamag-anak doon at naibenta na rin ang dati naming bahay. Fifteen minutes lang ang lumipas at lumiko na kami sa San Lorenzo Village. Biglang naging nostalgic ng lugar para sa akin, I remember my childhood days with Karl. Like what he said, the icecream parlor is still open. Dali-dali akong bumaba nang nakapag-park na siya na ikinatawa niya. Natawa rin tuloy ako, hindi naman halatang excited ako. Mas lumaki at lumago ang icecream parlor. Sa tabi lang nito ay isang playground kung saan may naglalarong mga bata. "Ang ganda na dito," "Tara sa loob." Hinila niya ako papasok. Bumungad sa amin ang maaliwalas na loob nito. Napatingin ako agad sa may counter at nakita ko kung gaano kadami ang available flavors ng icecream. I heard Karl chuckle beside me, "Mukhang mas mahihirapan ka ng pumili ngayon." Napangiwi ako. Oo nga, ang dami na kasing flavor. I sighed. Umupo kami sa isang table sa tabi ng salamin na dingding. Mula kasi dito ay natatanaw ang park na nasa tabi lang nito. I really can't believe how beautiful this place is right now. Niyaya na ako ni Karl na umorder. Paglapit namin sa counter ay napapalunok na talaga ako ng laway. I look like a kid but I don't reallycare, I love icecreams so much. "Do you have servings na pwede lahat ilagay yung flavors?" Tanong ni Karl doon sa babae. Hindi ito nakasagot agad dahil parang na-starstruck pa ito sa kaniya. Paano naman kasi, nakangiti nanaman ito kaya naman nakalitaw nanaman ang malalim nitong dimple. "Uhm..yes po, meron po." "I'll take two please." Tumango ang babae. Agad nitong pinagawa ang order namin, wala pang limang minuto ay naiserve na. Si Karl ang nagbayad kahit ayaw ko, treat niya daw kasi siya ang nagyaya. I didn't have to argue with that. Bumalik kami sa lamesa dala ang icecream. Halos makakita ng puso sa mga mata ko si Karl na ikinatawa niya nalang. Nagkwentuhan kami habang kumakain. I found out that he's planning to stay here a little bit longer habang wala siyang project sa Canada. Tinanong ko rin siya kung wala ba siyang balak mag-aral ulit pero ang sabi niya ay mukhang mahihirapan siyang pagsabayin ang career at pag-aaral. "Masyado ka ng maraming natanong sa akin Sam, ako naman ang magtatanong sayo." Nagtaas ako ng kilay at tumango. Wala naman masyadong interesting tungkol sa buhay ko pero catching up naman ito kaya ayos lang. "Ano nga palang course mo?" "Business management. You know, business matters." I shrugged. "Akala ko ba gusto mong maging doctor." "Pambata lang yun Karl. Ganun naman kapag bata pa diba? Teacher, doctor, cook, puro ganun. Malaki na ako, narealize ko na mas makakatulong ako sa business namin sa course na pinili ko.." Ngumiti ito, mangha siyang nakatingin sa akin. "Ang mature mo na mag-isip, medyo naninibago ako." I smiled. "I'm eighteen, what do you expect?" Napatango siya na parang realization iyon sa kaniya.  "You're eighteen so why don't you have a boyfriend?" Natawa ako sa mabilis na pagpapalit niya ng topic. "Really Karl? Kailangan may boyfriend na pag eighteen? Ikaw, nineteen kana, may girlfriend kaba? I think wala naman.." Humalakhak ako. Napangisi ito, "Mahirap mag-girlfriend sa industry ko Sam.." Oh well, naiintindihan ko iyon. He's busy enough to have a girlfriend. "Ikaw? Hindi kaba nililigawan noong Sean? He looks so protective of you I wonder if you're just really friends.." Muntik na akong masamid sa pagkakabanggit niya kay Sean. Hindi ako sumagot at nanatili lamang na nakatitig sa icecream sa aking harapan. I wonder if I should tell him? But I realized, why not? Magkaibigan kami, we were bestfriends before Sean, and until now I think we still are. "I can say he likes you.." I chuckled, "Really?" "Oo, I can tell. Ikaw? Hindi mo ba siya gusto?" Well..he probably can tell that Sean likes me because that's the vibe he usually gives, playboy nga naman. Ngumisi ako, "I like him. I like that bastard and he made me believe he likes me too. But he's an asshole." "Wait, am I guessing the right thing? Pinaasa ka ba?" "If that's the term, alright, paasa siya. Paasa siya, Karl. Manloloko siya, he's so impossible and I hate him." "Isn't it true that the more you hate, the more you love?" Sinamaan siya ng tingin. Love? Love is way deeper than liking someone. "I don't love him." "You can't say that if he's your bestfriend." I shrugged. Yeah, I think I love him because we're bestfriends. Is that it? He laughed at my exhausted expression. Napapailing nalang nitong ipinagpatuloy ang pagkain ng icecream. Nagkwentuhan pa kami roon hanggang sa tumunog ang kaniyang cellphone. Tinignan niya ang nagtext at pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa akin. He sighed. Alam ko na agad kung bakit. "Trabaho?" Tanong ko, saktong kakatapos lang sa pag-ubos ng icecream. "Yeah, wardrobe check.." He looks apologetic. "You got a busy life huh.." "And I think I'll be busier this days." "Why?" "I have a shoot for the The Bachelors magazine." He shrugged. "Kailangan ko nanamang magwork-out." Napapailing pa nitong sabi. "The Bachelors magazine? My friend's gonna be there too!" Bigla kong naalala na nabanggit na nga pala sa akin 'yan ni Naomi. Ang alam ko ay magiging cover girl siya doon para sa susunod na buwan. "May kaibigan kang model?" "Yeah, Naomi and Ash, the twins." "De Vera?" I nodded. Tumango-tango ito, "Yeah, I know them. Eh ikaw? Why not try modeling? Matangkad ka, maganda ka, pwede ka dun. Besides, legend ang mommy mo sa industry na iyon. CALM's magazine will surely take care of you, it's in the limelight." Yeah, CALM magazine is in the limelight. Kung ang The Bachelors ay nagfeafeature ng mga lalaking models, ang CALM naman ay naglalaman ng mga girls. And mommy is one of the owners of the company, kasama sila Tita Lorraine, ang mommy ni Sean, Tita Claire ang mommy ni Kim at Tita Aubrey ang mommy naman ni Xian. But I don't think I'm meant for modeling. Like what I always say, I want a simple life. Umiling ako, "Ayokong mag-model, wala yan sa isip ko." Tumaas ang isang kilay nito, titig na titig sa akin. "Sayang ka." Tumaas din ang dalawang kilay ko rito. Bakit pakiramdam ko ay double meaning ang sinabi niyang 'yon? What does he mean by that? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD