Sam's POV
"Nicaseane and Sean broke up."
"Talaga? Well, I'm not really surprised. That's Sean Park, we all know he changes girls like he's just changing clothes." Nagtawanan ang mga ito.
"But that's Nicaseane! You mean, hindi pa enough sa kaniya ang isang Nicaseane?"
"Baka ayaw sa mga b***h?"
"I know right."
Pabagsak kong isinara ang locker ko na nagpatigil sa hagikhikan ng dalawa. Nanlaki ang mga mata nila nang nakita ako. I sighed and shifted a bit to face them. "Kung wala kayong magandang sasabihin tungkol sa ibang tao, you better shut up."
Mukha namang natakot ang mga ito, dali-dali silang umalis. I sighed. To be honest, this school is full of lowkey bitches and rich brats. Sa sobrang yaman ng mga estudyanteng nag-aaral dito, wala na silang ibang mapagkaabalahan kundi ang pag-usapan ang buhay ng iba.
Tinapos ko ang mga ginagawa sa locker ko at mabilis nang tinungo ang parking lot. Malayo pa ako pero natatanaw ko na roon si Kim. Kumaway ito at nagmadaling lumapit nang nakita ako.
"Sammy!" Malaki pa rin ang ngiti sa mga labi nito kahit uwian na, napaka-saya niya talaga yata ngayong araw?
"Hi!" I smiled at her, "Pauwi kana?"
Tumango ito, "Ikaw? May kasabay ka ba? Si Sean?" Sumulyap ito sa likuran ko, iniisip sigurong nakasunod sa akin si Sean.
"Baka papunta na rin 'yon dito."
Tumangu-tango ito. "I heard about the news."
"May pakpak ang balita," I shrugged. Hindi na nakakagulat na mabilis na kumalat ang balita, it's Sean and Nicaseane that we're talking about, two big names in this university.
"Hindi pumasok si Nicaseane buong araw. Sabi nila nakasagutan ka daw niya sa restroom kanina. Hindi ka ba niya sinaktan?" Nag-aalalang tanong nito.
Umiling ako, "I don't think she's the kind of girl to do a cat fight just because of a guy."
"Nag-usap lang kayo kung ganoon? Anong sinabi niya?"
"She just asked me if I'm happy and I think she blames me for their breakup.." Bulong ko.
To be honest, I am guilty. Alam ko naman kasing mula pa sa simula ay pinormahan lang siya ni Sean dahil sa ginawa niya noon sa akin. I know it's partially my fault pero kung inamin ko 'yon kanina, people might think that I am manipulating Sean to do all these flirting.
"Hindi ko rin talaga alam kung bakit siya pumayag na maging fling ni Sean, she knows what kind of guy he is. Akala ba niya seseryosohin siya ni Sean?"
"I can say that,"
Is there anymore reason? Napapaisip din ako, Nicaseane is popular and intelligent, and even when she told me before that she likes Sean, I know she will still use her brain to think about it. Hindi ba siya nagulat na bigla nalang siyang niligawan ni Sean?
Nawala sa isip ko ang mga iniisip nang pumarada ang isang pamilyar na itim at makinang na Lamborghini sa harapan namin ni Kim. I looked at her unbelievably and she just smiled at me shyly.
"Wow, he's picking you up? And let me guess, hinatid ka niya kaninang umaga kaya ang saya-saya mo no?"
Nauna pang pumula ang pisngi nito bago nakasagot sa mga tanong ko. I chuckled. Kinurot ko tuloy siya sa pisngi. "Nagdadalaga kana!"
Umiling ito, "Nanghingi lang ng favor si daddy kasi may out of town business sila ni mommy."
"Kahit na, sinundo ka pa rin niya." Humalakhak ako kaya lalo itong namula. Ang hilig mamula, ang cute.
Bumagsak ang pintuan ng sasakyan at ngumisi agad ako nang nakita ang gwapong-gwapong si Xian na palapit sa amin. His eyebrow shot up like he knew what I was thinking. Tahimik kaming nagtinginan bago siya bumaling kay Kim na pulang-pula na sa tabi ko.
"Little red riding hood,"
Hindi ko na napigilang matawa dahil sa sinabi nito. She called Kim what? Little red riding hood? What the fudge?
"Sira ka talaga Xian, wag mo ngang binubully 'yan." Tawa pa rin ako ng tawa samantalang halos mangamatis na ang mukha ni Kim sa kahihiyan. I'm sorry pero hindi ko mapigilan. Kasi naman, nahahalata rin pala ni Xian ang madalas na pamumula niya at nagkaroon pa siya ng nickname. Isn't that funny? And a bit mushy? Hmm.
"I'm not bullying her, it's just amusing." He chuckled.
Napapailing na ginulo ko nalang ang buhok ni Kim bago ako nagpaalam sa kanila. Asar talo talaga siya sa amin kapag si Xian ang usapan. Ang bilis kasing mag-blush.
Nakangiti pa ako nang nakalapit sa BMW ni Sean, iniisip na baka may progress na sa dalawang iyon kahit paano. Ang tagal na siyang gusto ni Kim at ang tagal na rin iyong alam ni Xian, imposible namang hindi niya magugustuhan si Kim, she's pretty and cute, and very angelic, sino ba ang aayaw sa angel in disguise na iyon?
"S-Sean.."
Naglaho ang ngiti sa mga labi ko nang nakarinig ng impit na ungol ka likuran ng BMW. Natigilan ako't nanigas sa kinatatayuan ko. Maraming bagay ang nag-uunahang pumasok sa utak ko. Lalo pa nang lumakas pa ang mga ungol.
What? What is it? Imposibleng may ginagawang milagro si Sean ngayon hindi ba? We're..we have something between us right?
Pumikit ako at iwinaksi ang mga nasa isip ko. No, Sean never cleared what's going on between us but I trust him. I know he can't do that to me. I trust him.
Pilit kong pinatapang ang sarili at pinilit na mas makalapit. Una kong nakita ang likuran ng babae dahil nakatalikod ito sa akin. She's leaning at the back of the car while someone's kissing her neck, making her moan erotically. Ganoon nalang ang sakit na dumaan sa aking dibdib nang nag-angat ito ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin.
It's Sean.. kissing the girl hungrily like a mad man. Nanlamig ang aking tiyan habang tumayo naman ito ng tuwid. I didn't even see him looking shocked that I saw them, his dark eyes remained on me, tapos ay sa likuran ko bago nanlaki ang kaniyang mga mata.
Mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi na ako nakalingon nang umalingawngaw ang isang putok ng baril. Kitang-kita ko kung paano dumaan ang bala sa harapan ko, tumama ito sa salamin ng kotse ni Sean. Tumalsik ang mga bubog at naramdaman ko kaagad ang pagguhit ng matatalim na bagay sa pisngi ko. Napaupo ako sa bilis ng mga pangyayari.
"Samantha!" I heard Sean call my name pero sabay-sabay kaming napayuko nang masundan ang unang pagputok. Dalawa, tatlo, apat..marami! Para kaming naipit sa pagitan ng dalawang mga armadong grupo.
Umiiyak ako habang pilit tinatakpan ang magkabilang tenga. I saw Sean looking at me habang nakadapa rin sila, pilit niyang tinatakpan ang babaeng kasama niya habang mag-isa ako at takot na takot sa nangyayari.
"Samantha, stay there.." Rinig kong sabi nito.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Naririnig ko ang sigawan ng mga estudyanteng naroon. Mula sa ilalim ng sasakyan ay nakikita ko ang mga paang palakad-lakad sa kung saan. At sumasakit ang ulo ko sa palitan ng mga putok na naririnig ko. Anong nangyayari?
Akmang lalapit si Sean sa akin nang bigla nanamang tamaan ng bala ang salamin ng kotse niya. Muling nagtalsikan ang mga bubog papunta sa akin. Napatili ako sa takot at gulat.
"s**t!"
Yumuko at pilit tinakpan ang ulo ko habang umiiyak. Ni hindi ko namalayang tumigil na ang mga putok at napalitan na iyon ng sigawan mula sa mga nagkakagulong estudyante sa parking lot. Ni hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa panginginig.
"Sam--" One touch on my hand and I had an immediate reaction. Takot na takot kong tinampal ang kaniyang kamay.
"Lumayo ka sakin!" Maging ako ay nagulat sa naging reaksyon ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa takot o dahil sa nakita ko bago nangyari ang putukan. Hindi ko alam, hindi ko na alam ang nangyayari. Ang ingay, ang gulo.
"Let's go, please let's go Sam." Inabot niya pa rin ako, ngayon ay mas marahan.
I was about to feel safe when a group of men appeared infront of us. Sa takot ko'y napaatras akong muli. Sean clenched his jaw because of that.
"Sean, ayos ka lang?" Nag-angat ako ng tingin sa mga lalaking lumapit. Napalunok ako nang makita ang hawak ng mga itong barill. Bago pa ako tuluyang natakot at hinawakan na ako agad ni Sean at niyakap. Itinago nito ang aking mukha sa kaniyang dibdib.
"Mamaya kayo magpaliwanag sa akin. Now leave, before you scare the hell out of her."
Wala na kong narinig matapos noon. Mabilis akong inangat ni Sean sa kaniyang mga bisig. Nagtagpo ang aming mga mata, kitang-kita ko ang pag-iigting ng kaniyang panga nang nakita ng maayos ang mukha ko.
"W-What's happening?"
Hindi siya nagsalita, sa halip ay mabilis niya akong sinikop. Nagsimula siyang maglakad palabas ng parking lot habang buhat ako. Tahimik ako't tuluyang natulala na sa kawalan dahil sa mga nangyari.
Sinalubong kami ng mga medical staff ng school. Agad akong nilagay ni Sean sa stretcher na nakaabang sa amin at nang maihiga ako ay agad nila akong ipinasok sa ambulansya. Sumakay rin doon si Sean bago ko naramdaman ang paggalaw ng sasakyan. May ilang tao sa loob na nagsimula sa kung anu-ano sa aking katawan habang hindi ko naman maialis ang titig kay Sean na mahigpit na nakahawak sa aking kamay.
He looks so worried habang wala akong ibang maisip kundi ang nasaksihan ko bago ang mga nangyari. Did he play with my feelings too? Bakit? Akala ko ba hindi ako katulad ng mga naging babae niya? More importantly, bakit niya gagawin sa akin iyon?
Huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiwi nang naramdaman ang paggagamot ng mga nurse sa sugat ko. Hindi ko alam kung saan ang mga sugat, ang alam ko lang ay masakit ang buong katawan ko. And I want to rest, I want to rest.
*
"I'm sorry if I have to do this Mrs. Marcoitte, I know your daughter is still in shock but we really need some information from her."
Tumango si mommy at alanganin akong nilingon. Hindi ko alam kung ano ba ang itsura ko dahil kung maitrato nila ako ay para akong babasagin. It's been two days but it always feel like it's just yesterday. Sariwa pa ang mga galos na natamo ko dahil sa mga bubog, sa braso, sa leeg at maging sa aking mukha.
Umupo ang lalaki sa isang silya katapat ng kama ko. I looked at him blankly. Kahapon ay narito rin siya ngunit hindi pinaunlakan ni daddy ng interview, ngayon ay sumubok itong muli at pumayag na sila mommy.
"How are you Samantha?" Tanong nito.
"Who are you?" I answered him with a question instead. Bahagya itong natigilan ngunit nakabawi rin.
"Samantha, I'm Detective Sandoval, ako ang humahawak sa kaso ng nangyari sa school ninyo two days ago. I'm here to ask you some questions na maaring makatulong para makilala namin ang mga tao sa likod ng barilang iyon."
Matagal ko siyang tinitigan. Ang ala-ala ng mga armadong lalaking lumapit sa amin ni Sean ang unang pumasok sa isip ko.
"Wala akong alam."
Tinitigan ako nito. "I can see you have a cut on your left cheek and bruises on your arms, neck and face. Aside from that ay hindi ka naman talaga natamaan ng bala. Maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon? I heard you had a high fever since that day. Okay kana ba?"
"Why do you have to know?"
"Samantha, anak please just cooperate, they need you for the investigation." Sabat ni mommy. She looks so worried. Nasa tabi niya si daddy na tahimik at kanina pa nakamasid sa detective. Sumagi ang mga mata ko kay Sean na tahimik lang ding nanonood sa akin sa tabi ni mommy, ni hindi ko alam na nandiyan pala siya.
I sighed. Ibinalik ko ang tingin atensyon sa detective na hinuhuli rin ang mga mata ko. "I'm sorry, I feel better now."
Tumango ito. Binuklat nito ang maliit na notebook na dala. "Pwede mo bang sabihin kung ano ang ginagawa mo sa parking lot sa mga oras na iyon?"
"Sabay dapat kaming uuwi ni Sean, doon na sana kami magkikita sa sasakyan niya."
Nilingon nito si Sean. "Nauna ko na siyang ininterview. He told me the same thing, sa kaniya rin ang BMW Convertible."
Tumango ako at saglit na sumulyap kay Sean na nakatitig pa rin sa akin. Masyadong madilim ang kaniyang mukha kaya hindi ako sigurado kung anong ekspresyon ang ipinapakita niya.
"May kasama ka ba doon? O may nakita ka bang kahina-hinala?"
"I was with Kim and Xian, magkasama silang umalis bago ako dumiretso sa kotse ni Sean. I saw him with a girl, hindi ko kilala kung sino."
Muli nitong nilingon si Sean bago nagtanong, "Wala kang nakitang kahina-hinala?"
Umiling ako, "Walang ibang tao sa parking lot maliban sa amin. Or if meron man, hindi ko na napansin. I was busy watching the two when I heard a gunshot coming from behind me. Napaupo ako dahil nasugatan ako sa pisngi and before I knew it, the gunshots just won't stop. Hindi na ako nakatayo pa para tumakbo."
Napalunok ako nang sa saglit na pag-alala sa mga nangyari ay bahagyang kumirot ang ulo ko.
"Nakita mo pa ba sila Sean at ang kasama nitong babae nang mga oras na iyon?"
Tumango ako, iniinda pa rin ang sakit ng ulo.
"May nakita ka ba ni isa sa mga bumabaril? May nakita kang taong may hawak na baril? Malapit ba sila sa inyo o malayo? Hindi ba sila nagsisigawan o nag-uusap? May mga narinig kaba?"
I tried so hard to remember but my head hurts like hell. Parang sirang plakang paulit-ulit ang putok ng mga baril sa utak ko.
"Detective.." Narinig ko ang pag-apila ni mommy sa detective pero natigil din nang nagsalita ako.
"H-hindi ko matandaan.."
"Wala kang nakita kahit isa? Marami sila, wala bang nagawi sa lugar ninyo?"
Umiling ako. Nagtama ang mga mata namin ni Sean. Naalala ko ang mga lalaking lumapit sa amin, nagtatanong kung ayos lang ba siya, and they were holding guns. What? Sasabihin ko ba iyon? Paano kung madamay si Sean doon? It looks like he knows those men, kapag sinabi ko iyon ay siguradong madadamay siya.
"Wala talaga?"
"Detective, don't force her." Si daddy.
Umiling ang detective, "Sandali nalang po sir."
My head hurts so bad. I can hear all the noises from what happened, ang mga putok ng baril, ang pagkakabasag ng mga salamin ng kotse ni Sean, even the moaning of the girl with Sean!
"Alalahanin mo Samantha.."
Napahawak ako sa ulo ko nang humampas ang mas matinding sakit.
"Stop it, stop it now." I heard Sean but I couldn't look at him because my head feels like exploding.
"Stay out of this Sean."
"I said stop! You are making it hard for her! Hindi mo ba nakikita? Sumasakit na ang ulo niya! Tama na, umalis kana!"
"Sean.." Inaawat siya nila daddy pero binalewala niya ang lahat para makalapit sa akin. He pulled me into his arms for a tight hug.
"Sshh..it's okay baby, tapos na .."
Narinig ko ang paghingi ni mommy at daddy ng paumanhin sa detective bago ko narinig ang pagsara ng pintuan hudyat ng kanilang pag-alis.
"Damn that asshole," Sean murmured.
He cupped my face and stared at my eyes. "It's okay, magpahinga kana." He gently kissed my forehead. Inalalayan ako nitong makahiga ng maayos. I was just staring at him while he's caressing my hair.
"I-I'm sorry about what happened Sam."
"Nag-sosorry ka ba para sa aksidente o dahil nahuli ko kayo?" I was glad I didn't stutter. Gusto kong umiyak at hampasin siya pero hindi ko magawa dahil wala akong lakas.
Napayuko ito, "I-I'm sorry."
Hindi niya sinagot ang tanong ko. So he's confirming it? I felt the heat of unshed tears in the corners of my eyes.
"Alis,"
"Sam--"
"Ayaw kitang makita, ayaw kitang makausap. Sinungaling ka Sean, manloloko ka."
I saw how fear ran through his eyes but I don't get it at all. Anong ikinatatakot niya? He did that so bakit siya natatakot? Hindi ba ako ang dapat matakot kasi nagawa niya akong lokohin? I told Nicaseane that she's not an exception dahil buong akala ko ay ako lang, ako lang ang excempted sa laro niya, kasi sinabi niya, sabi niya hindi niya ako laruan diba?
Pero parang nag-fireback sa akin ang sinabi ko kay Nica. No one's an exception from his games, na kahit akong bestfriend niya ay isinama niya doon. How nice is that?
"Sam--"
"Umalis kana."
He sighed. Nang hindi siya gumalaw ay itinulak ko siya kahit hinang-hina pa ako.
"Please stop moving, don't force yourself.." he said pleadingly.
"Then leave me alone!"
Wala na itong nagawa. Kahit labag sa loob ay nilisan nito ang kwarto ko. Nang makaalis siya ay tuluyan na akong naiyak. I can't believe this really happened. I can't believe I'm so happy of the thought that he likes me but now I'm crying.
**