Sam's POV
"You can get your special exam tomorrow, Miss Marcoitte."
Tumango ako kay Mrs. Dela Cruz. Iyon na ang huling sinabi niya bago dinismiss ang klase. Isa-isa nang nag-alisan ang mga kaklase ko. Huminga ako ng malalim at nanatiling nakaupo naman sa upuan ko. It's our lunch break now. Kalahating araw palang ay pakiramdam ko ubos na ubos na ako sa dami ng catch up na ginagawa ko.
"I can lend you my notes Sammy." Umupo si Kim sa bakanteng upuan sa tabi ko. I looked at her and murmured my thanks. Sinimulan ko na ring ayusin ang mga gamit ko sa bag nang sa ganon ay makapag-lunch na kami.
"How about sa ibang subjects mo? Wala ka bang kailangang i-catch up? Let's talk to some of your classmates so you can borrow their notes."
"Okay na ako sa ibang subjects. Magtetake ako ng special exam para sa isang major, magpapatulong nalang ako kay Dylan sa paghahanap ng notes."
Mabuti nalang at halos discussion lang ang na-skip ko sa ilang araw kong pag-absent. Hindi naman ako mahihirapan humabol dahil pwede naman akong magself-study sa bahay kapag weekends. At pwede akong tulungan ni Dylan sa panghihiram ng notes sa mga kakilala niya sa klase ko, afterall ay kaibigan niya yata ang lahat ng estudyante sa university.
Tumango si Kim at hinintay ako. Nang natapos ako sa pag-aayos ng mga gamit ay nagdiretso na kami sa madalas naming lamesa sa cafeteria. We don't really own it pero siguro sanay na ang mga ibang estudyante na dito kami umuupo kaya walang kumukuha sa table kapag ganitong oras.
"Hi Sam, okay kana?" Naroon na si Naomi at mag-isa. Lumapit kami ni Kim at naupo na.
I smiled, "Yeah."
"Where's Dylan? Hindi kayo magkasama?" Tanong ni Kim. Naomi rolled her eyes and that's when I noticed her eyes.
Kumunot ang noo ko, "Hey, umiyak ka ba?"
"Huh? Hindi no, napuwing lang--"
"Lie better, bitch." I rolled my eyes. Kahit hindi niya sabihin ay mukhang alam ko na ang nangyari.
"Where's that fvcking asshole?"
Ang gagong 'yon, ilang linggo palang sila ah? Sinasabi ko na nga ba.
"Samantha, I'm okay. Hayaan mo na siya, kung ayaw niya na edi fine, it's not like maghahabol ako sa pinsan mo. He's an asshole."
"Wait..what's happening? Can you guys please stop cussing?" Naguguluhan kaming tinignan ni Kim.
"It's nothing, Kim. Let's go grab some food, I'm hungry." Nauna na itong tumayo. Nagkatinginan kami ni Kim bago sumunod.
Mabilis lang kaming nakabili ng pagkain dahil hindi pa naman ganoon kadami ang tao sa canteen. May mangilan-ngilan pa ngang nasungitan si Naomi dahil mukhang badtrip talaga ito. Napapailing nalang kami ni Kim kapag nagkakatinginan kami.
Nang bumalik kami sa table namin ay naabutan namin doon si Sean at Dylan. I heard Naomi murmur some curses habang ako naman ay mahigpit nalang na napahawak sa tray na dala ko. Kim seems oblivious of what's happening around her.
"Hi girls," Dylan greeted us like everything is so damn okay. His eyes landed on me, "Hey Sam, okay kana ba?"
Umirap ako, "Pwede bang bago mo ako tanungin niyan, ayusin mo muna ang problema niyo?"
Napakamot ito sa ulo, "Wala kaming problema." Sinulyapan pa nito si Naomi na lumipat na ng pwesto sa tabi ko. Pinagitnaan namin siya ni Kim ngayon.
Napailing nalang ako rito. It's so easy for him, I wonder if my cousin has a heart. Hindi na ako makapaghintay na makitang mabaliw siya sa isang babae at mabasted. Palibhasa ay lumaki siyang gusto ng mga tao, and his parents aren't here so he is so damn free to do everything.
Bahagya kong nasulyapan sa tabi niya si Sean na obvious na obvious kung makatitig sa akin. Hindi ko siya pinansin at binalingan ko nalang si Naomi sa tabi ko. Napansin kong hindi pala ito nakabili ng inumin, nawala na siguro sa isip niya dahil sa kung anumang ginawa ni Dylan. Sinamaan ko ng tingin ang pinsan kong nanonood sa amin.
"Bibilhan lang kita saglit ng tubig Naomi," tumayo na ako at akmang pupunta na sa mga stalls nang bigla nalang hinawakan ni Sean ang braso ko.
Nilingon ko siya, "What?"
Nakatingin sa amin ang ilang estudyante na malapit lang sa table namin, maging sila Naomi.
"Let's talk,"
"We have nothing to talk about," matigas kong sinabi. I saw how his jaw clenched.
Huminga siya ng malalim, "Samantha--"
"I suggest you talk somewhere private guys." Bulong ni Dylan sa gilid namin. I glared at him and he shrugged innocently.
"Wala kaming pag-uusapan.." pagmamatigas ko.
"I won't leave unless you talk to me," Sean looks so determined.
Naiinis kong binawi ang braso kong hawak niya. Sumulyap ako sa mga estudyanteng nakatingin sa amin at naisip ko kaagad kung ano ang maaring nabubuong spekulasyon sa mga utak nila. Sa iritasyon ko na ako nanaman ang magmumukhang masama ay hinablot ko ang bag ko at umalis nalang.
I know he won't stop with that. Kaya hindi na ako nagulat nang hindi pa man kami tuluyang nakakalayo sa cafeteria ay nahabol niya na ako. Hinila niya ako at ipinasok agad sa male's comfort room. Nanlaki ang mga mata ko nang ini-lock niya ang pintuan at ipinako ako sa likod nito.
"What the hell are you doing Sean?"
This is the private place he thinks? Male's comfort room? What the hell?
"Samantha please just hear me out." Tunog nagmamakaawa na agad siya, wala pa man akong panlalaban na ginagawa.
"What should I hear from you?" Sinalubong ko ang mga mata niyang nangungusap, "Your lies?"
"I'm sorry--"
Natawa ako, "You're sorry? Why are you sorry?"
"Samantha it's not my intention to kiss that girl, whoever she is! Kinailangan ko lang gawin 'yon--"
Muli akong natawa. "Are you kidding me Sean?"
Nag-igting ang kaniyang panga. "If you just please hear me out.."
"I'm hearing you out but you're saying you didn't intentionally kiss her and that you just needed to do it? I don't get it. Kung hindi 'yon intentional, the girl won't be moaning Sean, are you telling me an unintentional kiss will last for minutes? And moving? Kitang-kita ng dalawa kong mata ang paghahalikan ninyo."
"Samantha please.."
Pagod akong ngumiti sa kaniya. He looks so scared when I did that.
"I'm accepting your apology but that's the end of it. I don't want you in my life anymore so please.. just leave me alone."
And just like that, I think a friendship has been broken. And it fvckin' hurts.
*
"I'm sorry Samantha but we really can't go home tonight. Hindi ko expect na gagabihin kami sa party and your dad is already too drunk to drive, tipsy na rin ako." Nakaipit ang phone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko habang kausap ko si mommy. Sobrang inip ko na sa paghihintay sa kanilang dalawa kaya naglaro na ako ng xbox dito sa sala. Yun naman pala ay hindi sila makakauwi.
"Saan kayo matutulog ni dad?"
"Maybe sa hotel muna."
Tumango ako at nagpatuloy sa paglalaro, "It's okay mom, I'll cook dinner for myself."
Well, hindi naman big deal kung hindi sila makauwi ngayong gabi, I just want them to be safe. Kaya ko namang mag-isa rito sa bahay, matutulog na rin naman ako right after dinner.
"I'll call Sean to look after you."
I rolled my eyes when I heard his name. "Mom, I'll be fine alone." They think Sean can keep me safe? Yeah, physically, maybe. But I can never trust him about my feelings anymore, he's a player and he's damn good playing around.
I heard her sigh on the other line, "Alright, lock the doors sweety."
"Yeah, take care mom, I love you."
"I love you too sweetheart." I smiled before the line went dead. Ipinagpatuloy ko ang paglalaro at nang namatay na ang character ko ay tumigil na rin ako para maghanda ng dinner.
Naghahanap palang ako ng pwedeng lutuin nang nag-ring ang phone ko sa tawag ni Kim. Agad ko iyong sinagot. "Hello?"
"Hi Sammy! Wanna have some fun?" I heard giggles on the background and I immediately knew what's happening. Napangisi ako.
Sumulyap ako sa wallclock at nakitang alas nuwebe na ng gabi. Medyo late siyang magyaya ngayon.
"Nandiyan naba si Dylan?" Tanong ko habang nagmamadali sa pag-akyat sa kwarto para makapag-ayos na ng gamit sa bag.
Hindi ako sigurado kung may taxi pa ba sa loob ng village ng ganitong oras kaya kung naroon na si Dylan ay irerequest ko nalang na sunduin ako.
"Hindi ko siya ma-contact."
"Wala sila mommy at daddy, walang maghahatid sa akin. I need to call Dylan first.." Sabi ko habang naglalagay na ng damit sa aking bag.
"Oh.. how about Sean? Tinawagan ko siya bago kita tawagan, he's still at home.."
I made face. Sean again and again. "No, anyone but not that asshole. Tatawag nalang ako sa guard house para mag-request ng taxi."
"But it's late, baka mapano ka."
I snorted, "Don't worry."
"Hindi ko kasi ma-contact yung pinsan mo e. Siguro nasa Fiasco nanaman yun ano?"
I chuckled, "Hindi na magbabago 'yon." I
I suddenly remember Naomi. Kamusta na kaya ang babaeng 'yon ngayon? Kahit sabihin niyang magiging okay siya, I still doubt it'll be sooner. Kainis naman kasi si Dylan, bakit ba kasi pinatulan niya pati ang kaibigan namin. Babatukan ko na talaga siya.
"Xian's with my dad, pumunta sila sa grocery to buy us some stocks. Are you sure you'll be fine na mag-commute?"
"Yeah, don't worry. I'll just call you later, bye."
"Ciao!"
Nang natapos mag-ayos ng gamit ay nagpalit lang ako ng denim shorts at hoodie. Hindi na rin ako nag-sapatos at ang slides nalang ang isinuot ko. Lumabas ako ng bahay at sinigurong naka-lock ng maayos ang mga pinto.
Nang nakalabas na ng gate ay nakita ko agad ang BMW ni Sean na nakaparada lang sa harap ng kanilang bahay. Sa takot na baka inaabangan niya ako dahil sa tawag ni Kim kanina ay nagmadali na akong makaalis.
Naglakad ako palabas ng street para doon na maghintay ng taxi na ipinatawag ko sa guard. Medyo madilim na sa daan dahil gabi na rin at hindi naman talaga matao sa lugar. Bahagya akong natakot kaya mas nagmadali pa ako. Nang may madaanan akong thin can ay wala sa sarili ko itong sinipa. Sakto namang huminto ang isang motorsiklo di kalayuan sa akin, sa kamalasan ko ay tumama ang lata sa gulong nito at mabilis na tumalsik pabalik sa akin. Napahawak ako sa noo ko nang maramdaman kong doon iyon tumama.
"Ouch.." Ang tanga ko naman! What the freaking hell?
Akala ko ay napadaan lang ang motorsiklo pero natigilan ako at napatingin sa kanila nang may dalawa pang huminto sa gilid ko. Bumaba ang mga lalaking sakay nito atsaka ko palang naaninag ang mga mukha nila.
Napaatras ako nang makilala kong sila din ang mga lalaki na humarang sa akin noon. Hinihintay kong dumating din ang van pero mukhang sila lang ang nandito ngayon.
"A-anong kailangan niyo?"
Napaatras ako nang makita ko ang lalaking nakausap ko noon. He's wearing a leather jacket pero nakita ko agad ang baril na nakasiksik sa waistline ng pantalon na suot nito. Gumapang ang takot at kaba sa dibdib ko.
"It's nice to see you again, Samantha."
"I already told you--"
"Sshh.." Nanlaki ang mga mata ko nang marahan nitong hugutin ang baril niya. Hindi ako nakapagsalita.
Pinaglaruan niya iyon sa mga daliri niya at wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo at hintayin kung ano ang gagawin niya. Nanlamig ang buong mukha ko at nanigas ang mga tuhod ko.
"Alam mo ba na ayaw namin sa mga sinungaling?"
Umiling ako at nagsimulang maiyak. Naghalo ang kaba at sakit ng ulo na nararamdaman ko.
"Bakit ka nagsinungaling sa amin?"
What is he talking about? "H-hindi ako nagsisinungaling.."
Ngumiti ito. "Nakausap namin si Nicaseane, break na sila? Dahil sa'yo?"
Nanlaki ang mga mata ko. Ito nanaman ang dahilan? "No! No, hindi ako ang dahilan.."
Ngumisi ito, "Still gonna lie?"
Umiling ako at tuluyan nang naiyak. I saw him motion one of his men. Nang nagtangka iyong lumapit sa akin ay napaatras ako. Ngumisi ang lalaki at akmang lalapit pa rin nang narinig namin ang ilan pang motorsiklo mula sa likuran ko.
Mabilis ang pangyayari at nakita ko nalang dumulas ang isang Ducati sa gilid ko na wala namang sakay. Bago pa ako makalingon ay narinig ko na si Sean.
"Fvck it! Samantha!" Naramdaman ko ang pagkabig nito sa akin patalikod. He held the back of my head and pushed me towards his chest.
"You are not touching my girl, you fvcking assholes!"
"S-sean.." Iyak ko.
**