Chapter 8

2494 Words
Sam's POV This is probably one of the best mornings I ever had. Pagmulat palang ng mga mata ko ay mukha na ni Sean ang nakita ko. I smiled upon seeing him sleeping beside me. His arms are still wrapped around me protectively like I'm gonna leave him. Napangiti ako, really territorial. Look at us now huh? Cuddled like this like nothing can ever separate us. Kailan man ay hindi ko naisip na magiging ganito kami. I wonder when did he start to like me? Sa tagal na naming magkasama bakit ngayon lang? O matagal na? I never really got to ask him about that last night. I started tracing his eyebrows down to his pointed nose. Noon pa man ay inggit na inggit na talaga ako sa itsura niya. He's so handsome, para siyang Korean actor, matangkad, gwapo at matipuno. Hinaplos ko ang mukha niya, his jaw looks rough and defined, but his lips look so soft. Malinis ang gupit ng buhok niya at nakadagda lang iyon sa appeal niya. I sighed, he's indeed very good-looking. There's no doubt why a lot of girls are drooling over him. Idagdag mo pa ang mga luxury cars niya, he's got all it takes to be a girl's dream. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit nagustuhan siya ni Nicaseane sa kabila ng pagiging playboy niya. I can't stop thinking that they will make a perfect pair together, the dream girl and the dream boy. Huminga ako ng malalim at umirap sa kawalan. Kung bakit ang aga-aga at iyon ang naiisip ko ay hindi ko alam. Masyado yata talaga akong na-threaten sa babaeng iyon kaya hanggang ngayon ay naiisip ko siya. Nagdesisyon akong bumangon na at maligo. Naalala kong wala akong dalang damit para sa school at kailangan ko pang umuwi para magbihis. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso ni Sean na nakadantay sa akin para sana hindi siya maistorbo sa pagtulog pero nagulat ako nang gumalaw ito at bigla nalang akong hinila pabalik. Napatili ako dahil sa ginawa niya. "S-sean naman!" Hinampas ko ang braso nito. He chuckled near my ear, "Good morning baby." He murmured. Kinagat ko nang mariin ang labi ko. God, his voice sounds so good when he just woke up. Hindi ko alam kung bakit parang kinikiliti ako ngayon samantalang hindi naman ito ang unang beses na magkikita kami at magkakausap nang bagong-gising. We've been together since we were young kaya bakit kung makaasta ako ay parang bago ang lahat ng ito? Oh my God Samantha, please go back to your senses. "G-Good morning.." I bit my lower lip so hard, pakiramdam ko ay magdurugo ito. "Bumangon na tayo.." "Mamaya na, inaantok pa ako." "Nagugutom na ako."  "Eat me," I rolled my eyes, "You're not funny." He chuckled because of that. Bahagya siyang umatras para makita ang mukha ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Did you sleep well?" He asked. He tucked some strands of hair behind my ear, nagkatinginan kami at naistorbo lang nang may kumatok sa pintuan na sinundan ng boses ng pinsan ko. "Breakfast is ready, get out now."  I pushed Sean a bit. Ayaw kong pumasok si Dylan at makita kaming magkayakap dito pero hindi man lang natinag si Sean. Sinamaan ko siya ng tingin atsaka pa lamang niya ako pinakawalan. Saktong nakaupo na kami nang bumukas ang pintuan at bumungad si Dylan. Agad kaming nahanap ng mga mata nito. "Hey Sean, that's my cousin you are with. Walang kaibi-kaibigan kapag pinaiyak mo yan." Sean chuckled, "Kailan ko ba pinaiyak si Samantha, dude?" "Huwag kang magsalita ng tapos. Bumangon na kayo, pinagbigyan ko na kayo kagabi, tama na yan." Lumapit ito sa amin at marahan akong hinila patayo. Sinimangutan ko naman ito. "Feeling mo naman good boy ka, wala naman kayong pinagkaiba." Sabi ko rito. Pinagtaasan naman ako nito ng kilay, "Ibang usapan kapag ikaw Samantha, pinsan kita." Sean chuckled, "Yeah, ibang usapan talaga 'pag siya, Dylan.." Ngumisi ito sa pinsan ko. I rolled my eyes. Hinagilap ko nalang ang tsinelas ko at isinuot iyon. Sakto ang paglabas ni Kim mula sa banyo. "Good morning!" She greeted us with a meaningful smile. "Good morning," I greeted her back. Bumangon na rin si Sean. Kumunot ang noo ko nang nakita ang paglapit nito sa bag ko. "Where's your toothbrush?" "Huh?" Bored itong tumingin sa akin, "Let me borrow your toothbrush." Nanlaki ang mga mata ko, "What are you saying, anong hihiramin ang toothbrush ko? That's gross!" He smirked, "It's not like we didn't kiss all night--" Bago pa niya natapos ang sasabihin ay mabilis na akong nakalapit para takpan ang bibig niya. Nilingon ko si Kim at si Dylan na laglag ang pangang nakatingin sa amin. "What the f**k dude?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dylan. Sean chuckled, "We just kissed Dylan, we didn't--" Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay kinurot ko na siya sa kaniyang tagiliran at inunahan sa pagkuha ng toothbrush ko.  "I'll brush my teeth, go to the boy's room and use your own toothbrush." Narinig ko pa ang pagtawa nito bago ako tuluyang nagmartsa papasok sa banyo. Pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan. Ilang beses pa akong naghilamos bago nakapag-toothbrush. Ni hindi pa kumakalma ang puso ko nang lumabas ako at nagtungo na sa dining table. Kumpleto na sila sa roon at ako nalang ang hinihintay. Naupo ako sa tabi ni Sean at bumati sa iba. Hindi ko na pinansin ang nakakalokong paninitig ni Sean at pinagtuunan ko nalang ng pansin ang pagkain habang nag-uusap ang iba tungkol sa mga plano para sa buong araw. May pasok pa kaya maaga kaming masisi-uwi habang mananatili naman ng ilan pang araw sila Xian at Armie dito. "Thank you guys, magse-set ako ulit kasama sila Naomi at Cuttie. Ingat kayo!" Kimberly waved at us, inihatid niya kami hanggang sa aming mga sasakyan na nakaparada sa kanilang malaking garahe. Nagpaalam kami sa kanila ni Sean at nauna nang umuwi para makapag-ready pa sa pagpasok. Dylan will fetch Naomi, ready na din kasi ito sa pagpasok at didiretso na daw sa school pag nasundo si Naomi. "Sabay tayong papasok."  Nilingon ko ito nang hinawakan ang kamay ko habang nagdadrive. Nagtaas ako ng kilay, "Ano pa nga ba?" "Don't you dare try to leave without me again Samantha.." He glanced at me with a warning. Umirap ako, "Nakakainis ka kasi." He laughed, "I know." "Tss." Sa pagmamadali namin dahil baka ma-late sa klase ay basta niya nalang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa harap ng bahay namin. Nagtatanggal ako ng seatbelts nang maramdaman ang paghalik nito sa pisngi ko kaya nilingon ko siya. Parang wala lang sa kaniya ang ginawa habang gulat na gulat pa rin ako. "Make it fast okay, I have exams today." Anito bago bumaba at umikot para naman pagbuksan ako. Doon palang ako muling nakagalaw. "Paano 'yan, hindi ka nakapag-review kagabi?" Nag-aalala kong tanong nang nakababa na. Bakit ba naman kasi sumama pa siya sa overnight kung may exams pala siya ngayong araw? He smirked at my question, "Are you kidding me? I'm on my best disposition right now for my exams.." He leaned closer, "Thanks to your kisses." He winked. Nanlaki ang mga mata ko. Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin sa takot na baka makita kami ng mga magulang namin. Tila wala lang naman sa kaniya iyon, he even smirked at me like he won the lottery. "Pumasok kana, we don't have time to flirt right now, mamaya nalang." "W-What?" He chuckled. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na akong patungo sa gate ng aming bahay. "I'll see you later okay?" And then he jogged towards their house. Hindi makapaniwala ko pa muna siyang pinanood na pumasok sa kanilang gate bago ako nakagalaw para pumasok sa amin. Naabutan ko sila mommy at daddy na kumakain ng breakfast sa dining. Binati ko lang sila at mabilis na akong umakyat sa kwarto para makaligo at makapagbihis. Walang uniform ang university na pinapasukan namin kaya naman malaya kaming magsuot ng kahit ano huwag lang ang mga revealing na damit. My usual outfit is just jeans and a shirt, minsan ay may hoodie o di kaya ay long sleeves at sneakers. I prefer to dress simply, ayaw ko din kasi talaga ng mga kaartehan kung hindi naman kailangan. I guess that's one reason why I'm just a commoner at school, hindi pansinin dahil hindi naman maporma, but I choose to live that way. Nang matapos ay mabilis na rin akong bumaba sa sala. Naroon na si Sean at gwapong-gwapo nanaman habang nakikipag-usap sa mga magulang ko. Mom smiled at me meaningfully, mukhang natutuwa dahil okay na kami ulit. I wonder what will be her reaction once I tell her about what's between us now. We don't have much time to talk to them kaya mabilis na rin kaming nagpaalam at umalis. Sean's all smiles while driving at kahit ang gwapo niya ay naiirita naman ako dahil ang dami nanamang nakatingin sa kaniya nang naglalakad na kami sa hallway. Ang malalagkit na tingin ng mga babae na akala mo ay wala ako sa tabi nito ay matagal ko nang ikinaiirita. Kung noon ay nananahimik lang ako, pakiramdam ko naman ay hindi ko na kaya iyon ngayon. Feeling so entitled, I rolled my eyes at them. May iilang nagulat sa reaksyong ipinakita ko pero wala naman akong pakialam. Nilagpasan ko si Sean sa iritasyon ko sa kanilang lahat pero mabilis rin naman itong nakahabol. Hinawakan niya ang braso ko at bahagya akong hinila palapit. "Hey hey bakit mo ako iniiwan?" He sounds so amused. Bakit? Tuwang-tuwa ba siya kapag ganitong agaw-pansin siya sa hallway? I rolled my eyes at him, "Naiirita ako sa mga babae mo!" Bahagyang umawang ang kaniyang mga labi sa sinabi ko. Now he looks so obviously amused. "Anong mga babae ko?" Manghang tanong nito. "Bahala ka nga sa buhay mo." Iniwan ko ito at nauna na akong maglakad. Hindi na rin ito humabol dahil magkaiba naman kami ng building na papasukan. Nagpupuyos ako sa iritasyon nang nakasalubong ko si Kim, salungat sa malawak na ngiti nito nang nakita ako. Huminga ako ng malalim at ngumiti na rin. Hindi ko alam bakit nakakahawa nalang palagi ang mga ngiti niya. Her eyes smiles with her lips whenever she's happy.  "Blooming ka ngayon Sammy." She smiled at me that made me laugh, naunahan pa ako. "Sino kaya ang totoong blooming sa ating dalawa? Something happened?" Tukso ko.  Kimberly is very easy to read, alam ko kung kailan siya masaya o di kaya naman malungkot. But her aura today is so bright, and her cheeks are naturally flushed. I laughed when I realized she's blushing about something. "Ang cute mo mag-blush Kim, para kang highschool, college na kaya tayo!" Tumawa ako. Lalo naman itong namula. Her cute innocent face can really make your day. "So something really happened?" I teased her more. I'm sure it's about Xian. Wala namang ibang lalaking kinabaliwan 'tong si Kim e. Mula pagkabata hanggang ngayon si Xian talaga ang type nito, napaka-loyal niya. She just gave me a sweet timid smile that confirmed my thoughts. I knew it, only Xian can make her this happy. Lagi itong reserved at masayahin pero iba talaga ang impact sa kaniya ng lalaking 'yon. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Xian na gusto siya ni Kim, I wonder what's stopping him from liking her back? May iba kaya siyang gusto? Naisip ko bigla si Armie. They are so close to the point that sometimes they look like a couple. Pero wala naman silang nasasabi sa amin. "Restroom muna ako, mauna kana.." Ang sabi ko. Tumango ito at kumaway bago ako iniwan. Sa DU, wala kang permanenteng mga kaklase. Minsan ay sa iba't-ibang year level ka makakasama lalo na kung iisa lang ang subject niyo o di kaya naman ay kumukuha ka ng advance classes. Tulad nalang ngayon, magkaklase kami sa first subject dahil kinuha niya ang isang subject na pang-third year kahit second year palang siya. We're both taking BM so it's kind of okay for the both of us, nang sa ganoon ay magtutulungan nalang kaming dalawa. Sumulyap ako sa aking relo, I still have twenty minutes before the subject so I went to the ladies room to fix my hair. Hindi ko gustong laging nakalugay ang buhok ko kaya itinatali ko ito. Nang natapos ay naglagay na rin ako ng liptint para hindi naman ako mag-mukhang maputla. Palabas na sana ako nang bigla namang pumasok si Nicaseane. Nagtama ang mga mata namin at kinakitaan ko ng galit ang kaniya. Wala akong balak na pansinin siya kahit pa nakita ko na ang pagtataas niya ng kilay, kaya nagulat ako nang humarang ito sa daraanan ko. Tumigil ako at tumingin sa kaniya, "Anong kailangan mo?" The indifference and blankness in her eyes almost tells me an untold story about her, that there's more to her pretty face. "Are you happy now, Samantha?" I sighed, "If this is about your break-up with Sean, sinasabi ko sayo, wala akong kinalaman doon." She looked at me with stone-cold eyes, "I hope you are happy, Samantha." Humakbang ito palapit sa akin kaya napaatras ako. She's so tall, and she emphasized it more by wearing heels. Matangkad ako pero syempre ay naka-rubbershoes lang ako kaya wala akong panama sa katangkaran niya. "I hope you two are happy that you played on someone's feelings. Sana hindi ninyo maranasang mapaglaruan katulad ng ginagawa niyo sa amin, because you don't know how painful it is to get toyed like that." I sensed how she controlled her anger so much. Kung ibang b***h ito ay baka sinabunutan niya na ako, but I know she's not that kind of girl. Her reputation here is very clean, I wonder why she agreed to be in a relationship with Sean when everyone knows he's a playboy. Huminga ako ng malalim, "Wala akong kinalaman sa ginawa sa'yo ni Sean kaya pwede ba? Get out of my way." She smiled at me sadly, "He loves you so much but I don't think it's right to destroy other people's lives." I rolled my eyes, "I said I don't know anything. At hindi ko na kasalanan kung nahulog ka sa patibong niya. You're a queen in this school Nicaseane, I don't understand why did you fall for someone like him. Bakit mo hahabulin ang katulad niya? We all know he's a playboy, we all know he can only hurt you. Akala mo ba exception ka doon dahil espesyal ka?" Natigilan ito't mukhang natauhan dahil sa sinabi ko. Sinamantala ko iyon para buksan ang pinto. Bago tuluyang lumabas ay nilingon ko siyang muli.  "You are every man's dream in this university, huwag mong sayangin ang sarili mo sa taong ayaw naman talaga sayo." Hinila ko ang pintuan at tuluyan na iyong binuksan para makalabas. Laking gulat ko nang nakita ko si Sean sa labas ng restroom. Tumayo ito ng tuwid nang nakita ako. He walked towards me and smiled. "That's my girl." **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD