Kabanata 19

1352 Words
Luna "Thank you..." mahina kong bulong sa kaniya. Ngumiti ako nang hindi siya sumagot at mas isiniksik lang ang ulo sa aking leeg. We're both cuddled into each other's arms after what happened a while ago. Nakahiga kami sa sofa na inuupuan ko kanina. Mabuti nga at nagkasya pa kami. Marahan kong hinahaplos ang kaniyang braso habanh siya naman ay hinahagod ang aking likod. "I want to marry you again..." he whispered on my neck. Natigil ako sa ginagawa ko at hindi nakahinga ng ilang segundo, sinusubukang iproseso ang sinabi niya. "H-Ha?" "I wanna marry you again. Sa simbahan din. A grand wedding with a lot of people invited..." ulit niya kaya naman itinulak ko ang sarili ko palayo sa kaniya. Muntik pa akong malaglag kung hindi niya lang mabilis na binuhat at ipinatong sa kaniyang tiyan ay nangyari na nga iyon. "But... I mean." Tumikhim ako habang kunot noo siyang dinudungaw. "Paano 'yan? Delikado pa?" I raised a brow on him. "I'll marry you over and over again when everything's fine." Seryoso niyang sinabi habang diretso sa mga mata ko ang dalawang pares ng kaniyang mga mata. Tumango ako at hilaw na ngumiti. Yumuko ako at inalabala na lang ang sarili sa paglalaro ng mga daliri ko. Naalala ko tuloy iyong ipinangako ko noon sa sarili ko. Kakayanin ko kayang layuan siya ngayon? How could that be so hard? Kung kailan planado ko... saka naman magiging ganito? "What's on your mind?" He inquired. Hinuli niya aking panga para magtama ang mga mata namin. "Wala. Naisip ko lang kung seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Hamon ko sa kaniya sa nanunudyong boses. He smirked and chuckled. "Of course I am serious." Sumeryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Ayoko lang talaga sa ideyang kasal tayo pero ang tingin ng maraming tao ay... kinasal lang tayo for the sake of business." Ngumuso ako at tumango na lang. Lalo pa noong hawakan ng magkabila niyang kamay ang bewang ko at hinila palapit sa kaniyang mukha. "Hey!" Angil ko pero natatawa rin naman. Bumagsak ang mukha ko sa dibdib niya. Sumasakit ang likod ko dahil sa masyado akong nakayuko kaya naman umayos ako para makadapa nang tuluyan sa ibabaw niya. "Remember what I said earlier?" He asked teasingly. "Hmm?" "Sa kitchen kanina?" Aniya na para bang sinusubukang ipaalala sa akin ang ibig niyang sabihin. "Wala akong maalala." "Really, huh?" Tumango at niyakap siya. I sniffed his scent. His manly scent enveloped my nostrils. Napapikit ako at mas isiniksik ang ulo sa kaniyang dibdib para mas maging kumportable. Niyakap niya rin ako pabalik. "Should I kiss you, then? So you'd remember?" "Ikaw bahala." I giggled. "You should stop it with your giggles. It's kinda..." hindi niya pinatapos. "Kinda what?" He let out a deep sigh. Mas lalo lang tuloy akong natawa. May ideya ako pero hindi ko na lang sinabi pero nagulat ako nang siya pa mismo ang nagsabi. "Turning me... on." He finally said it. "Ay? Ba't gan'on? Is it my fault kung nag-giggle ako? Bawal ba yun?" I asked him in a playful tone. "Stop it, Luna, please? Hindi na nga nakatulong na nakapatong ka sa ibabaw ko tapos ngayon ganiyan ka pa? You'll regret it if I lose control." May pagbabanta niyang sinabi. That's when I felt something aching on my stomach. Nanlalaki ang mga mata kong itinulak ang sarili ko palayo sa kaniya, laglag ang panga. Pero hindi pa nga ako nakatatayong tuluyan ay hinila niya ako para muling ibagsak sa kaniyang dibdib, pabalik sa dating ayos kanina. Mas dumiin pa nga ako ngayon sa kaniya dahil sa hila niya. "Kasalanan mo 'to. Ganito muna 'to. Papakalmahin lang natin." Humalakhak siya. Kumunot ang noo dahil noong una ay hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin pero nang natanto iyon, malakas kong tinampal ang kaniyang braso, hindi pa nakuntento ay kinurot ko pa iyon. "Kapag ba nagtatabi kayo ng mga babae mo, nag-c-cuddle din kayo?" I asked out of curiosity. "I don't sleep with them.," he explained. "Weh? Nakita nga kita noon, e. May inuwi ka pa sa bahay..." "That's part of the show. I did not even kiss her. I payed her to act for me." "Hindi ako naniniwala," sabi ko. "She's a friend of mine. Nangangailangan ng pera kaya tinaggap niya ang offer ko. I badly want you to distance yourself from me that time. That's why I did everything just to keep you away." "E, paano siya? I'm safe but how about her o yung mga babaeng binayaran mo? Kung nagpapanggap nga sila at sila ang nakita ng sinasabi mong mga..." hindi ko alam kung paano o ano ang itatawag ko sa mga sinasabi niya. "Hindi ba delikado rin para sa kanila ang buhay nila?" Tanong ko, naguguluhan at nagaalala na. "Pinabantayan ko." Tipid niyang sagot. Kahit paano ay nakahinga naman ako nang maluwag. "Bakit ka ba kasi sinusundan ng mga iyon? I mean... what have you done?" "I don't want to say it yet." Huminga ako nang malalim. "Okay..." We stayed like that for a moment. Ang marahang hagod niya sa aking ulo pababa sa aking likod ay para akong hinehele. Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. When I woke up, nakabalot na ako sa comforter at nasa malambot na kama na. That's when I thought that maybe, he carried me all the way here. Marahan akong bumangon at kinapa ang gilid ko pero walang Nicolo roon. I rubbed my eyes using the back of my palm. Hinawi ko rin ang comforter at iniapak ang paa sa malamig na sahig. Habang naglalakad patungong banyo ay nasulyapan ko ang digital clock sa wall. It's six in the evening. Bumaba ako sa kitchen pagkatapos ng ritwal sa banyo. Isang matandang househelp ang naabutan ko roon na abala sa pagpupunas ng mga pinggan. "Magandang gabi, madame." Ngumiti siya sa akin. I smiled back and scanned the whole room. "Magandang gabi rin po. Uhm... nakita niyo po ba si Nicolo?" I asked. Natigil siya sa kaniyang ginagawa at itinuon ang buong pansin sa akin. "Umalis, madame..." sagot niya. "Saan daw po kaya ang punta?" "Yun ang hindi ko alam, madame. Hindi naman po kasi sinasabi sa aming mga kasambahay ang lakad po nila. Basta ang alam ko lang po, kasama niya sina Rex at ang kapatid niyang si Serpent," she explained. Tumango rin ako nang matantong tama siya. Hindi nga naman talaga sasabihin ni Nicolo iyon sa kanila. "Kakain ka na ba, madame? Iuutos ko na ang paghahanda ng makakain mo sa--" "Mamaya na lang po ako kakain. Hihinatayon ko na lang si Nicolo dahil mukhang hindi naman po iyon magtatagal. At saka... huwag niyo na po akong tawaging 'madame'. Luna na lang po. Masiyado po kasing pormal ang itinitawag niyo po sa akin." She faked a laugh but nodded later on. Habang nagkukuwentuhan kami ni Nana Fransia ay pareho kaming napabaling sa hamba ng pinto kung saan pumasok si West. Mapupungay pa ang mga mata nito na para bang kagagaling lang sa mahimbing na pagtulog. "Good evening, madame." "Luna na lang," sabi ko. "Alam mo ba kung nasaan si Nic?" Tanong ko dahil medyo kumpiyansa naman akong sasagutin niya ang tanong ko at kahit paano ay may nalalaman naman siya. Hindi niya kaagad nasagot ang tanong ko. Dumiretso siya sa fridge at mabilis na binuksan iyon. "Hindi po ba sinabi sa inyo?" Sinagot niya ako ng isa pang tanong. Umiling ako kahit nakatalikod siya sa akin. "Hindi, e..." Kumuha siya ng isang gatorade doon. Mabilis niyang binuksan at ininuman iyon. Matapos iyon, tinitigan niya ako na para bang tinitimbang niya kung dapat niya bang sabihin sa akin o hindi. Ilang sandali bago siya umiling at bumuntong hininga. "Please? Nagaalala lang talaga ako." Pamimilit ko. Ngumuso siya at muling bumuntonghininga. "Sa auction sila ngayon. Pasensiya na, Luna. Iyan lang ang puwede kong sabihin sa'yo ngayon. Siguro, kaya hindi sinabi sa'yo ni Kuya Nic dahil ayaw ka niyang mag-alala." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit ako mag-aalala?" I asked pero walang sagot na dumating. Iniwan niya ako sa kitchen kasama ni Nana Fransia na nakatingin na rin sa akin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD