Kabanata 7

2279 Words
Third Person PoV It's been more than a week. Day by day, he felt empty. He cannot even find a purpose to work for a day. Ipinaasikaso niya muna kay Alliance ang mga dapat gawin sa opisina niya. He would just sleep all day and do workouts at home. Ayaw paistorbo sa kahit sino. The only call he would answer was Albert's. Dahil iyon ang pinakamahalagang tawag para sa kaniya. "How is she?" he asked his usual question. Beads of sweat are all over his body, katatapos lang sa workout nang makatanggap siya ng tawag mula kay Albert. "Okay naman siya, Sir. Palagi nga lang may bumibisita sa residente nila. Hindi ko pa nakukumpirma kung sino," balita nito sa kaniya. His jaw clenched. Humigpit ang hawak niya sa cellphone. "Alamin mo kung sino," mariin nitong sinabi. "Yes, Sir." Ilang sandali itong natahimik bago ito tumikhim at magsalitang muli. "Pista ngayon dito at narinig kong manonood sila ng liga—" "Watch over her. Huwag mong hahayaang mawala sa paningin mo. Call me from time to time," pagpuputol niya sa sasabihin ni Albert. "Yes, Sir." Then he ended the call. Albert's words echoed in his mind. Paulit-ulit niyang tinanong sa sarili niya kung sino maari iyon. Kahit na alam niyang hindi niya iyon mahuhulaan, inisip pa rin niya. Pagak siyang natawa nang matanto kung bakit siya nag-iisip ng gan'on. "So what? I pushed her away. Dapat hindi na ako umasang hindi niya rin gagawin ang alam niyang gawain ko," aniya sa kaniyang isip. He was about to enter the bathroom nang marinig niya ang pagkabasag ng bintana ng kuwarto kung nasaan siya. Mabuti na lang at hindi siya natamaan ng malaking bato na galing din doon sa bintana. "What the..." he mumbled as his brows met. Gulat pa siya sa nangyari nang marinig niya ang pamilyar na boses mula sa labas. "Nicolo! Ano? Patay ka na ba? Dumungaw ka sa bintana kung hindi pa!" sigaw iyon ni Grayson. Sunod-sunod ang naging mura niya habang lumalapit sa bintana ng silid. "Hayop kang Sarmiento ka! Get outta here bago ko pakawalan si Devolt para ipahabol ka!" sigaw niya pabalik dito ngunit pinagtaasan lang siya nito ng gitnang daliri. "Akala ko kasi patay ka na, eh. Ilang beses na akong pabalik balik sa opisina mong g*go ka, tapos puro walang maisagot sa akin ang mga tao roon. Akala ko inaagnas ka na kaya pumunta ako rito. Hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko. Feeling famous amput*. Concerned citizen lang naman," sabi pa nito. "Naka-incognito ako ngayon kaya lumayas ka na bago pa kita barilin diyan!" anito at humakbang na paatras doon. He took his time taking a shower dahil sa pagaakalang aalis din sa labas ng pamamahay niya si Grayson. He was wrong, though. Imbes na umalis, naabutan niya pa itong prenteng nakaupo sa kama habang hawak ang isang hard liquor. Hindi na siya nagulat. This is Grayson's special talent after all. He acted like Grayson's just a wind. "Yayayain kitang uminom kasi alam kong broken ka rin." Ani Grayson. "Who said I was broken?" he scoffed. "Ibato ko kaya sa'yo 'tong hawak kong bote?" sarkastiko nitong tanong. "Huwag mo nga akong iniistorbo rito, Grayson. You have a life. Live it. Huwag mo akong pinepeste rito, " kunot noo niyang wika kay Grayson. "Akala mo naman hindi ko alam na pinasundan mo si Luna sa Isabela?" Grayson chuckled. Dahan-dahan itong lumingon sa kaniya na mas nakakunot na ngayon ang noo. "What the heck are you talking about?" "Nice. Pang-Oscars ba 'yang acting na 'yan o pang-Grammys?" nakangising-aso na sabi ni Grayson. "Utuin mo na lahat, Nicolo. Huwag lang ako. Baka nga pareho lang tayo ng taong binayaran para sundan ang gusto nating pasundan," makahulugan niyang sinabi. "What the f*ck are you talking about?" Now, Grayson got his full attention. "Nasa Isabela rin si Angela. Pinasundan ko." He said directly. Walang preno-preno. "So?" he said like he doesn't give a damn but his face says otherwise. "Basta ang alam ko, broken ka rin katulad ko. Huwag ka nang umarte, Nicolo. Ako lang 'to," naiiling itong ngumisi. "If you want to drink, go. Huwag mo na akong idamay, marami akong iniisip, Grayson." Tumango-tango naman ang kausap habang nakanguso. Tumayo na rin ito at naglakad patungo sa pinto. "Basta ang nasagap ng radar ko, may nanliligaw daw sa Luna mo." Pahabol ni Grayson bago ito tuluyang lumabas. Luna "Pupunta ka ba sa bayan, Ate?" tanong ko kay Ate Nadia nang makitang bihis na bihis siya. "Siyempre! Pista na bukas, e. Kailangang mamili sa bayan ng mga kakailanganin natin," sagot niya naman. Tumango ako at kumunot ang noo. Gusto kong sumama pero parang ayaw ko rin naman. I don't even know what will I do today! "Bakit? Gusto mong sumama?" aniya habang inaayos ang butones ng kaniyang jeans. Ngumuso ako at umiling. "Hindi na, Ate." "Wala ka namang gagawin ngayon araw, ano? E, 'di papuntahin mo na lang si Boyong rito para naman may kasama ka. Wala rin naman ginagawa ang baklang 'yon, e. Pakalat-kalat lang," natawa pa siya. "Puwede rin naman, Ate," hilaw kong untag. Hinatid ko pa siya sa waiting shed kung saan ang sakayan para sa mga papuntang bayan. Mahigit isang oras din ang biyahe roon. "Ingat ka riyan, ah? Wala namang masama ang loob dito dahil magkakakilala naman lahat ng tao, pero mag-ingat ka pa rin," paalala niya bago ko siya iwan doon. Naisip kong maglinis na lang ng buong bahay. Iyon lang ang gagawin ko buong araw. Madali lang naman dahil malinis naman na't hindi na kailangang linisan pa nang todo ang buong bahay. I just feel like doing it para naman hindi masayang ang araw ko. May mapanggamitan lang sa lakas ko. Inuna ko ang sa loob ng bahay. Walis lang at kaunting tanggal sa mga agiw ang ginawa ko. Pinalitan ko na rin ang mga kurtina para bukas. Hindi naman nasabi sa akin ni Ate o nina Kuya kung may bisita bang darating. Inayos ko na lang para naman magandang tingnan kapag bago ang disenyo. Imbes na mapagod ako sa ginawang paglilinis sa loob ng bahay, mas ginanahan lang ako nang makita ang kinalabasan ng ginawa ko. I was inspired to clean more when I saw how satisfying it is. Sa maliit na garden na likod naman ng bahay ang isinunod ko. Kagaya ng ginawa ko sa loob, winalis ko lang din iyong mga nalaglag na dahon ng lagundi. Umulan kahapon kaya medyo mahirap walisin iyon dahil dumikit ang mga dahon sa lupa. Medyo maputik-putik pa nga iyon kaya naman nang hindi kinaya ng walis na gamit ko ay yumuko ako para tulungan ang walis at para mas mapabilis na lang din. Akmang tatayo na ako nang may makita kong pares ng sapatos. Nanlaki ang mga mata ko, kasabay ng pagkalaglag ng aking panga dahil sa gulat. What is he doing here? "A-Arthur?" kunot noo at hindi ko makapaniwalang tanong sa kaharap ko ngayon. He chuckled. Tila ba tuwang-tuwa na nakita ako ngayon habang ako naman ay gulat na gulat sa presensiya niya. What is he really doing here? Bakit siya nandito? I mean...this place is very secluded! "Ginulat ba kita?" he asked cooly. Hindi pa nga ako nakakabawi, e. "Yeah...I mean...why are you here— I mean—" "It's okay. Chill, Luna." Tumawa ulit siya. Ilang sandali pa bago siya muling makapagpatuloy. Napatingin ako sa sapatos niya. Iyon pa ang suot niya noong sinundan niya ako sa party ni Africa! "Isabela is my hometown. May kamag-anak ako rito sa lugar na ito, and I guess I'm lucky to see you here. Makiki-fiesta ako, e," prente niyang wika. Nagkibit- balikat pa siya. Tumango ako kahit nagugulantang pa rin. "Gan'on ba..." I swallowed the lump on my throat as I think of another word to utter, but sadly...nablangko na ako. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko o kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Bakit ba kasi pasulpot-sulpot ang isang 'to? At talagang napakagara pa ng sapatos, ha?! Ang putik kaya! "I guess I scared you," he noted. The reason why I needed to shake my head sideways, dahil totoo naman. Hindi ako natakot, nagulat lang at hindi makapaniwala. "Hindi n-naman. I just never thought that we'd see each other here," sabi ko naman para wala na siyang masabi. Tumango siya sabay baba ng tingin sa ginagawa ko kanina. Nagsalubong ang kaniyang kilay habang nangingiti. "Can I help with what you're doing? Parang ang hirap ng ginagawa mo, ah?" he volunteered. I bit my lower lip as I glanced on his shinning shoe. Napansin niya rin yata ang pagdapo ng mga mata ko roon kaya tumingin na rin siya. "Ayos lang ako. At saka...'yang sapatos mo, sayang," puna ko sabay turo sa sapatos niya. "Oh, this?" iniangat niya iyon. May mga putik na ngang namuo sa ilalim nito pero parang wala lang iyon sa kaniya. Ang weird niya pang tingnan dahil mukha siyang a-attend ng meeting gayong nasa liblib siyang lugar. Wearing a long sleeved white polo and a black slacks, bagay naman sa sapatos, masyado nga lang pormal. "Kaya ko na 'to. Madali lang nama—" "I won't take no as an answer, though," pagpupmilit niya pa rin. Laglag pa ang panga ay pinanood ko siyang isa-isang dinadampot ang mga maliliit na dahon na dumikit na sa lupa. Hindi pa man ako pumayag, nagawa niya na. Ang kulit din ng isang 'to, e! Pero sige na nga, wala na rin naman akong magagawa pa dahil mukhang kahit anong sabihin o gawin ko, hindi na mababago ang isip niya kaya nagpatuloy na lang din ako sa paggawa. "Kailan ka pa rito?" he asked in the middle of the work. "Mag-dadalawang linggo na," I answered to his query. Tumuwid na siya ng pagkakatayo nang matapos sa ginagawa. He blew a loud sigh. Nanatili akong nakaupo habang tinitingala siya. "Pagod ka na?" Pinagtaasan ko siya ng kilay at bahagyang natawa. His brows met. Hindi naman siya sumagot. "Ang bilis mong mapagod," sabi ko na siyang ikinatawa niya. "I'm not," he denied. "Tss. Pagod ka na, e." Pag-uulit ko dahil sa tingin, tama naman ako. Nang matapos sa pagpupulot ng mga dahon ay tinulungan niya naman akong ilagay sa malaking sako iyon para maitapon na. While doing that, we're talking about random stuffs. As we get along, I noticed how I became more comfortable with him. Hindi naman pala siya nakakailang katulad ng una at pangalawa naming pagkikita. Not like those...intimidating guys I met before. Ang presensiya niya lang ang nakaka-intimidate dahil aakalain mong dahil sa pagkaseryoso ng kaniyang mukha ay masungit siya, taliwas iyon sa nakikita ko sa kaniya ngayon. Talkative and has a lot of sense of humor. Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa kaniyang bibig pero kadalasan naman ay may sense. "Ang init!" reklamo niya nang matapos na kami sa lahat. Tumatagaktak na ang pawis sa kaniyang mukha pero hindi naman siya mukhang dugyot tingnan. Ang sleeve ng kaniyang white polo ay tinupi niya na kanina hanggang siko pero mukhang init na init pa rin siya. Maging ako man ay nakaramdam na ng init kaya naman niyaya ko siya sa loob ng bahay para makapag-merienda man lang. "Sure ka na okay lang 'yang juice sa'yo? Bibili ako ng pambara sa lalamunan sa tindahan kung gusto m—" "It's really okay," putol niya sa sasabihin ko. Inalok ko kasi siya ng inuming juice kanina. Bibigyan ko rin sana ng kahit sandwich na lang pero wala na palang natira kaya nagpresinta akong bibili na lang sa tindahan muna, pero sinabi niya namang ayaw niya kaya hindi na rin ako tumuloy. Tumango ako at hinayaan na lang siya. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa loob ng bahay. Sinundan ko ang bawat dadapuan ng kaniyang mga mata. Nakita kong tumigil ang kaniyang mga mata sa picture frame na nakasabit sa dingding ng bahay. The frame he's looking at was my parents ang I, iyong noong baby pa ako. Itinulak niya ang sarili niya paalis sa sofa at naglakad palapit doon. Hinayaan ko siya ngunit nakasunod pa rin ang mga mata ko sa kaniya. "You look very happy here," he stated. "Very happy pa rin naman ako, a?" I smiled. Mabilis niya akong nilingon. I saw an arrogant smirk plastered on his lips. "Really, Luna?" the way he asked that question sent shiwers down my spine. I was taken aback dahil nakaramdam ako ng kaba. Mabilis na nawala ang ngiti sa aking mukha. "W-What do you mean?" I inquired. Napakurap-kurap pa ako habang matiyagang hinihintay ang susunod na lalabas sa kaniyang bibig. He sighed and smiled to me. "Nothing. Tinanong ko lang. You look tensed," salubong ang kilay niyang tanong. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. Akala ko tuloy may alam siya. "Okay...na okay nga lang ako. I'm super happy if that's what you wanna hear." "Okay. If that's what you say then I believe you." Nagtagal siya sa amin ng isa pang oras bago siya nagpaalam na may kikitain pa. Nang makaalis siya ay naiwan akong mag-isa ulit kaya naman dahil na rin siguro sa pagod at pagkabagot ay nakatulog ako. Nang magising ako ay naroon na si Ate Nadia sa kusina at inaayos ang mga pinamili niya sa bayan. "Ang linis ng bahay, ah?" may halong panunudyo ang kaniyang tinig nang sabihin niya iyon sa akin. Mahina akong tumawa at umiling na lang. Tumulong na rin ako at sa kalagitnaan to ng pagliligpit ay tumigil si Ate saka ako nilingon habang ang kaniyang noo ay nakakunot at magkasalubong ang kilay, tumigil din ako. "Nga pala...parang nakita ko yung asawa mo kanina sa bayan. Hindi ako sure kung namamalikmata ako o hindi pero parang nakita ko siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD