Kabanata 8

2198 Words
Luna Alas nuebe na ng gabi nang matapos kami sa preparasyon ng mga kakailanganin kinabukasan. Maaga pa ang gising ko bukas, ngunit dilat na dilat pa rin ang aking mga mata. Nakatitig sa kisame at iniisip ang hindi kumpirmadong sinabi ni Ate kanina. Kahit anong pilit kong kalimutan na lang iyon ay hindi ko magawa. Ayokong umasa dahil masakit, pero hindi ko rin naman maitatanggi na umaasa pa rin ako na siya nga iyon. Kung siya nga iyon, ano naman ang ginagawa niya rito? Sa babae niya ba? May kakilala ba siya rito? O baka naman… Hay nako, Luna! Kung humingi nga siya ng dalawang buwan para makahinga, siguradong hindi ang naiisip mo ang dahilan! Hindi ko na alam kung anong oras akong nakatulog dahil sa kaiisip doon. Gusto kong sampalin nang malakas ang sarili ko para magising sa katotohanan pero mas gusto ng puso ko na matulog na lang at maniwala sa mga kasinungalingan. Kinaumagahan, mabuti at maaga naman akong nagising, taliwas sa inaakala kong mapupuyat pa ako nang husto sa kaiisip ng mga bagay na medyo may kalabuang mangyari. Mabilis lang ang naging paghahanda dahil naayos naman na kagabi ang mga mahihirap gawin at magpapatagal sa aming gawain. What we just need to do now is cook. In the middle of the work, nagulat ako sa biglaang pagdating ni Arthur. He looked nicer than we first saw each other...I mean, mas hindi na pormal ang suot niyang damit. Nababagay na sa lugar at oras. "Pasensiya na, Luna. Nakaabala ba?" he asked. Nagkamot ng batok at ngumiwi. "Naku hindi, ah? Hindi ka nakaaabala. Pasensiya na nga lang at may ginagawa pa ngayo—" "No, it's okay. You know..." itinuro niya ang nasa likuran kong mga gawain na iniwan ko pansamantala para maharap siya. "Maybe I cab help?" he asked full of hope in his tone. Matagal akong nag-isip. Kung tatanggi ba ako ay susundin niya? Isa pa...nakakahiya! "Hindi ka ba busy? Walang ginagawa sa inyo?" I inquired as my brow shot up. "Hindi naman..." sabi niya kaya sa huli ay tumango na lang ako at hinayaan siyang tumulong sa amin. Totoo namang napagaan ang gawain namin, mas napabilis pa. Mas lalo lang akong nahihiya kapag inaako niya ang mga gawaing ako dapat ang gumagawa. Sa tuwing napapatingin naman sa mga pinsan ay puro mga tikhim at makahulugang ngisi lang ang iginagagawad nila sa akin. Actually, wala namang mali sa lahat ng ito. He offered help, I accepted it dahil kailangan nga naman, but in my heart, there's unknown pain for unknown reason. Nakakabaliw isipin kung ano iyon dahil kahit milyong beses ko pang isipin kung ano...hindi ko mahulaan. Habang pansamantalang tumigil kami sa pagluluto, I unconsciously watched him as he wiped his forehead using the back of his right hand. He's kind and harmless. Iyon palagi ang naiisip ko. We don't know each other for a long time but I can feel his light aura. Kaunting pag-uusap lang ang mayroon kami noon. Nagsimula sa mall at nasundan sa party ni Africa. Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito. My first impression for him are now changed. Akala ko...isa siya sa mga mayayamang arogante at mapangmata. Mayabang at...gago pero as time goes by, I can say that he's different from the way I thought he was. May naalala ako bigla. I can't help but to compare. Ilang beses ko bang hihilingin sa langit na sana ganito rin siya? Nicolo's so close, yet so far away from me. Na kahit ilang hakbang pa ang gawin ko palapit sa kaniya, hinding-hindi ko siya maaabot...mas lalo nang makuha. My bitter thoughts are starting to eat me again. Nakakabaliw isipin na bakit ganito? Kung sino ang ginusto mo para sa sarili mo, hindi mo makuha kasi ayaw na mapunta sa'yo? Madamot ba ang langit kapag gan'on, hindi ba para sa'yo kaya hindi ibinibigay o sadyang...sobra lang ang hiling mo kaya hindi na madadagdagan pa at hanggang doon na lang. Tama na ang kasal bilang katuparan...habang ang pagmamahal, kahit wala na? I swallowed the lump on my throat. Ang sakit isipin ng mga bagay na gan'on. Habang mas iniisip, parang mas nagiging totoo. Mas mabuti na lang na managinip nang masaya kaysa naman gising ka nga...nasa bangungot ka naman. "Ang lalim ng iniisip natin diyan, Luna, ah?" siko sa akin ni Ate Nadia na siya ring nakapagpabalik sa akin sa huwisyo. I cleared my throat to wash away my lonely thoughts about him. "Wala naman 'te. I was just thing about random things..." I lied. "Hmm...random things na pala ang pangalan niya ngayon? Sa pagkakaalam ko, Nicolo," she said meaningfully. Napalingon ako sa kaniya. The way her brows were raised told me that she knew even from the beginning that I am trying so hard to lie from her. Nakahalukipkip na siya ngayon at naghihintay na lang ng ipangsasalba sa sarili mula sa panghuhusga niya. Sa huli, hindi na ako nagsalita dahil alam kong mas hahaba pa ang usapan at kukulitin niya lang ako. Sesermonan hanggang sa sumuko ako sa lahat ng mga salita at pamimilit niya sa akin. Tangahali na nang matapos kami sa pagluluto. Sa bahay na rin namin pinakain si Arthur dahil nakakahiya naman kung itataboy namin siya pagkatalos niya kaming tulungan. Matapos kumain at nagpresinta pa siyang maghugas ng mga pinagkainan at kahit anong tanggi naman namin sa gusto niyang mangyari, wala rin kaming nagawa. I felt guilty while watching him struggling to wash the dishes. Gusto kong tumulong pero ayaw niya naman. He will alway say, he can do it alone. "Sigurado ka, ah?" I will always ask at palagi namang tango ang isasagot niya na may kasamang ngiti. "Ayos lang. My way also of practicing. Malay mo... kasi makapag-asawa kaagad. Mabuti nang may alam sa household chores para naman pang-pa-impress lang sa magiging asawa ko," aniya pa sabay tawa. E 'di, nawa'y lahat. Kita naman na hindi siya sanay sa mga ganitong gawain. Huhulaan ko pa na mayroon silang higit sa tatlong binabayaran sa bahay para isagawa ang mga ganitong gawain. He's trying his best, though. May motibo pero hindi ko alam kung ano. Or should I say...I know a bit but I don't want to assume more so...conclude. Nagpaalam siya pagkatapos ng ilan pang mga oras. He said that he'll be back before seven in the evening to fetch us. Isa na naman sa ilang beses naming tinanggihang magpipinsan pero hindi niya pa rin tinaggap ang hindi as a response. Nang makabalik siya ay nagaagaw pa lang ang liwanag at dilim, tama namang nakapaghanda na rin kami. My Kuyas are already wearing their Jerseys. Si Ate naman ay pants at longsleeved shirt lang. I wear just a simple black maong pants and a white shirt with a minimal illustration on it's middle part as its design. "Sa harap ka na, Luna. Medyo masikip na dito," utos sa akin ni Ate matapos nilang mag-unahan sa pagpasok sa passengers seat. Kita kong mayroon pa namang space sa tabi ni Kuya Ton na nasa kabilang gilid but because I don't want to make a scene here, tumango na lang ako. Umatras ako para sana isarado ang pinto para sa kanila . Sa ginawa kong iyon ay tumama ang likod ko sa kung ano man. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na lumingon doon. Mas lalo pa akong nagulat nang makitang si Arthur iyon. "S-sorry! Sorry tala—" "Nope. It's okay," he said then he chuckled. Hinawakan niya ang hamba ng pinto at marahan iyong itinulak. Yumuko ako at mariing pumikit. "Hey it's okay nga. You always feel guilty over everything." Itinulak niya ang aking nakatungong ulo gamit ang kaniyang hintuturo. Ngumuso ako at guilty'ng tumango. He smirked as he pinched my right cheek. "Palagi kang ganiyan. Ang inosente mo palagi kaya ka naloloko," untag niya. Ano na naman ba iyang sinasabi niya? Magtatanong pa sana ako nang hulihin niya ang palapulsuhan ko at hinila na patungo sa upuan sa harap. "Get in. Baka ma-late na ang mga Kuya mo. Mamaya na lang kita aasarin," sabi niya bago niya ako pagbuksan. Lito man ay pumasok na lang ako sa loob ng kaniyang sasakyan. Umikot siya sa harap ng sasakyan para makasakay na, pero bago iyon ay ang kurot pa muna galing kay Ate Nadia sa likod. "May pa-gan'on ka na, ah? Marunong ka nang kumerengkeng?" si Ate na tinawanan pa nina Kuya Ton at Jun. Hindi na ako nakasagot dahil sa hiya nang makapasok na si Arthur. Sampung minuto ang itinagal ng biyahe mula sa bahay hanggang sa baranggay hall. Mas mabilis pa sana kung hindi lang dahil sa rough road. Nang makarating doon ay marami ng tao na nagkalat sa paligid. May mga tanod pa akong nakita. Nakadalo na rin ako noon pero bata pa ako kaya parang first time ko ulit ngayon. Excited ako na kinakabahan. May iba akong nararamdaman sa gabing ito na hindi ko maipaliwag kung ano. Ang alam ko lang, mabilis ang t***k ng puso ko ngayon dahil sa kaba. Hindi pa nagsisimula ang basketball at kahit na ano kaya naman ang mga tao ay nakakumpol pa sa games sa perya. Maingay sa paligid. Abala ako sa pagpuna sa paligid kaya hindi ko namalayang nakayuko na pala si Arthur sa harap ko habang nakalahad ang kaniyang palad. Hinihintay ako. "Kaya ko naman," sabi ko at saka ako ngumiti. Ngumuti rin siya at binawi na rin ang kamay. Bumaba ako at siya pa mismo ang nagsarado ng pinto. "Huwag kayong masyadong maglalalayo rito, ah? Lalo ka na Luna. Baguhan ka ulit dito. Hindi naman masasama ang mga tao rito pero mas mabuting may kasama ka kapag may pupuntahan ka," paalala ni Kuya Ton. Tumango ako habang nakatingin sa kaniya. "Huwag kang mag-alala kay Luna. May bantay 'yan." Si Ate naman sabay siko kay Arthur na natatawang umiling lang. Dahil hindi pa nga nagsisimula nang pormal ang lahat, wala pang gaanong tao sa mga nakalatag na upuan. Mas madali kaming nakahanap ng puwesto kung saan ay maganda at kita ang buong court at ang stage. Nauna akong umupo. Sa kanan ko ay si Ate, habang si Arthur naman sa kaliwa. May kaunting espasyo sa pagitan namin, hindi kagaya ng kay Ate na masyadong malapit na nagtatama na ang tagiliran naming dalawa. Ayos lang naman kung gan'on siya. Mas hindi ako nahihiya. After a couple of minutes, I glanced at him. Ang kaniyang dalawang siko ay nakatukod sa kaniyang tuhod habang inililibot ang seryosong mata sa paligid na para bang may hinahanap. Tumingin ako kung saan nakadapo ang kaniyang mga mata at nakitang doon lang naman siya sa mga players nf basketball na nagpa-practice at nag-wawarm up. "Do you play basketball?" I inquired. Lumingon siya kaagad sa akin. Ang seryosong mga mata ay lumamlam. "Naglalaro noon, pero hindi gaano ngayon. Back when I was in college, I was a varsity player. Hindi sa pagyayabang, ah?" kuwento niya. I nodded. Amazed about what he just said. Noon, pangarap ko talagang magustuhan ako ng mga talented o sporty na mga guys sa college. Kapag naiisip ko iyon ngayon, nasasabi ko na lang na masiyado lang siguro akong ambisyosa noon para pangarapin ang gan'on. "Why? Are you attracted to some guys who knows how to play sports?" sabi niya na parang nababasa ang utak ko. Kasasabi ko lang kanina, ngayon ay tinatanong niya na! Magsisinungaling pa sana ako pero wala ring kuwenta. "Back when I was in college, Pangarap ko talaga 'yong ganiyan," sabi ko. "Pangarap ang alin? Na may magkagusto sa'yong player?" tamang hula niya na naman. "Oo..." I said, feeling a little bit shy. He tsked. Pinitik niya ang noo ko pero tama lang na hindi ako makaramdam ng sakit. "Dapat hindi gan'on ang mga taong ginugusto mo. You know...may kasabihan na kapag player daw, expert din sa pananakit emotionally?" he stated. Kumunot ang noo ko at bahagyang natawa sa sinabi niya. "Kanino mo naman nasagap ang tsismis na 'yan?" "Hindi mo alam 'yon?" gulat niyang tanong. "Ang alin?" si Ate na nakakapit sa gilid ko. Nilingon ko siya pero sandali lang iyon. Muli kong binalingan si Arthur. "Manloloko raw kapag player ng sport sabi niya," sagot ko sa tanong ni Ate. "Luh? Hindi naman manloloko sina Ton at Jun, paano ba 'yan? Fake news?" nakisali na rin si Ate. Painosenteng nagkibit balikat si Arthur. "Siyempre, I was just kidding. Player din ako and making you believe in that includes me sa paniniwalang iyon," sabi niya. Tumango kami pareho ni Ate at natawa na lang. Natigil lang ang usapan namin nang tawagin ng MC ang atensiyon ng lahat para sa pormal at opisyal na opening ng event ngayong gabi. Nagsasalita ang MC at ipinakikilala ang mga guest speaker o mga panauhing pandangal nang wala sa sariling mailibot ko ang mga mata ko sa paligid. Naningkit ang aking mga mata nang tumama ito sa pamilyar na pigura. Nanlamig ang buo kong katawan nang makita siyang titig na titig sa akin gamit ang mga matatalim na mga mata. I blinked to test kung namamalikmata lang ako o nagiilusyon lang ako pero nakailang pikit buka na ako ay siya pa rin ang nakikita ko. Bumilis ang t***k ng aking puso sa kaba at...takot. What is he doing here!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD