Kabanata 6

2175 Words
Luna Mabagal ang paglipat ng pahina ng isang libro kung mabagal kang magbasa. Isang linggo pa lang ang nakalilipas simula nang umalis ako pero pakiramdam ko, nawala ako ng isang taon dahil sa bagal kong makalimot. Sa tuwing sinasabi ko sa sarili kong kaya ko, alam kong nagsisinungaling ako sa sarili ko. Taliwas sa sinasabi ng isip ko ang nararamdaman ng puso ko. Pero, hindi naman maaaring puso ko palagi ang pinapairal ko sa ganitong sitwasyon. My heart and mind should go together. "Problemado na naman tayo, ah?" siko sa akin ni Ate Nadia na tumabi pa talaga sa akin sa inuupuang kong mahabang upuan na gawa sa kahoy sa ilalim ng matayong na punong mangga. "Ha?" Sabi ko kahit narinig ko naman. "Ha-Hambalusin kita riyan, eh! Iniisip mo na naman si Nicolo 'no?" Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. My brows met. Defensive pa sa hula niya kahit totoo naman. "Hindi, Ate, ah?" I lied. "Batukan kaya kita para magising ka, 'no? Wala ka talagang kadala-dala. Tigas ng ulo mo! Ikaw lang talaga sa atin ang marupok." Ayan na naman siya sa rants niya. Palagi niya akong ikinukumpara sa iba pa naming mga pinsan na hindi ko kagaya. "Kung nagloko, aba! Magloko ka rin. Bawe-bawe lang 'yan, Luna!" she adviced that made me laugh. "Hindi ko naman kaya 'yon, Ate. At saka...siya 'yon, hindi ako. Kung nagloko siya, siya ang may problema, hindi ako." Sabi ko naman. "Tanga ka nga talaga." Tumango-tango pa siya na para bang sinasang ayunan ang sariling mga salita. "Pero bilib din ako sa tibay ng paniniwala mo, ha? Harap-harapan kang niloloko tapos go ka pa rin. Asang-asa ka talagang mababago mo pa 'yang asawa mo. Kababasa mo 'yan ng libro, eh. Kung ako siguro ganiyan? Naku!" umigting ang kaniyang panga dahil sa gigil. Tinawanan ko na lang siya. Gan'on naman kapag nag-momove on. Kung mahal mo, mahihirapan kang kalimutan. Mahirap itapon ang mga ala-ala, masakit, masalimuot man o masaya kasi pinagsamahan niyo 'yon. "Sana mapagod ka nang umasa." Tinapik niya ang aking balikat. Malamlam ang mga matang nilingon ko siya. "Tama na, Luna. Stop hoping for a change on a wrong guy. You need a man, not a boy. Fairytale is far way different from reality. Matalino ka, alam kong alam mo 'yan." Aniya bago siya tuluyang umalis sa tabi ko. Marahas akong bumuntong hininga. Napayuko ako't napatingin sa suot kong singsing. Hindi ko pa iyon tinatanggal dahil hindi ko pa kaya. Sana talaga... Third Person PoV Bumagal ang ikot ng mundo para kay Nicolo. Hindi niya alam kung tama bang ipagtabuyan ang taong wala namang ginawang masama kung hindi ang mahalin siya. Pero hiniling niya ito. Siya ang humingi kahit na alam niyang mahirap, lalo na para kay Luna. "Gago ka kasi, eh. Sa dinami-rami ng paraan para itaboy siya, bakit cheating pa? Alam mo bang isa 'yan sa mga ipinagbabawal na technique?" Si Grayson na nakangisi habang nakaupo sa sofa na kaharap ng table ni Nicolo. "Huwag kang magmalinis, Grayson. Alam kong may sangsang ka ring tinatago." He equalled the smirk on Grayson's lips. 'Well, at least I know how to conceal it. At wala akong sinasaktang ibang tao. Lalo na kapag babae." It's been a week and he can't stop himself from thinking about her. Palaging tinatanong ang sarili niya kung maayos ba siya, umiiyak pa rin ba madalas at kung ano-ano pa. According to his source, nasa Isabela siya ngayon kung saan ang kaniyang hometown. Naninirahan kasama ang kaniyang Lola at mga pinsan. "Maayos naman, Boss. Madalas tulala pero maayos naman." Iyon lang ang gusto niyang marinig—ayos lang siya. "Ganiyan talaga 'yan, Nic. Saka mo lang malalaman ang halaga ng tao kapag wala na. Good luck na lang sa'yo. Aasikasuhin ko na rin yung akin." Ngumisi ito bago tumayo. Bumuntong hining siya at tumango sa kaibigan. Nang makaalis na si Grayson ay saka niya naman tinawagan si Albert. "Boss," paunang wika nito mula sa kabilang linya. "How is she?" Salubong ang kilay niyang tanong. "Gan'on pa rin naman, Boss. Medyo nakakangiti ngiti na. At saka..." nabitin ang sasabihin nito kaya naman napaayos siya sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair. "At saka ano?" "May umaaligid, eh. Hindi ko alam kung kaano-ano niya 'to. Pero mukhang dumidiskarte. Di ko lang sure," anito. He swallowed the lump on his throat. Nakaramdam siya ng panlalamig sa katawan. Niluwagan niya ang pagkakatali ng kaniyang neck tie—iyong iniregalo pa ni Luna sa kaniya noon. "Alamin mo." Matigas at may awtoridad sa kaniyang boses na utos kay Albert. Tumikhim ito. "Sige, Boss. Aalamin ko." Albert said in a reassuring tone. After the call, someone entered his office at kahit hindi na siya mag-angat ng tingin, alam na niya kung sino iyon. "What are you doing here?" Wala sa sarili niyang tanong. Kunot ang noo dahil hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya iyong sinabi ni Albert kanina. "Excuse me? Kukuha ako ng sustento ko. Ang galing ng acting ko tapos kulang ibibigay mo sa akin?" nagtaas ito ng kilay sa kaniya. "Get lost, Betani. Bayad na ako sa utang ko sa'yo." Pagtataboy niya sa babae. "Oh? E, di pautang na lang pala. Wala na akong pera, Nicolo. Pa-sponsor naman, oh?" Betani pouted. Huminga nang malalim si Nicolo bago nito pinandilatan ng tingin si Betani. "How much money do you need? At isa pa, dapat nga hindi na kita pinapautang, eh. Luna is in Isabela right now. I asked for space, she gave it. Kaya next time, hindi na kita bibigyan ng pera," salaysay ni Nicolo. Betani's eyes widened. Bumilog ang kaniyang labi at halata ang gulat sa mukha nito. "Luh? Hindi nga? Totoo?" paulan nito ng tanong. Hindi sumagot si Nicolo at napahilot nalang sa kaniyang sentido. Hindi niya alam kung bakit kinakausap niya pa ito. Simula highschool ay magkakilala na sila dahil pareho sila ng pinasukang school pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay sa ugali nito. "Sorry, ha? Kailangan ko kasi talaga ng pera, eh. Sorry rin kay Luna. Hindi ko naman sinasadya na gan'on at saka gago ka kasi! Bakit mo ba siya tinutulak? Mabuti nga at mabait 'yon at hindi ako kinakasuhan dahil sa pag-acting kong kabit mo, eh. Last ko na 'tong pagtulong sa'yo. Hindi na ako magpapanggap na kabit mo para lang ipagtulakan si Luna na wala namang ginagawa kung hindi ang mahalin at intindihan ka. Kailangan ko ng pera mo pero isa lang ang masasabi ko sa'yo. Isa kang malaking gago!" "Whatever you say, Betani." Umiling na lang si Nicolo. Sanay na siyang masabihan ng gan'on. Ngayong araw, ilang beses niyang narinig iyon. Mula sa sarili niya, hanggang sa mga taong malapit sa kaniya. Pinirmahan niya ang cheque at ibinigay iyon kay Betani. "Take it. Huwag ka nang magpapakita sa akin," walang buhay niyang sinabi. "Talagang hindi na ako magpapakita sa'yo 'no? Guilty'ng-guilty na ako sa ginawa mo kay Luna tapos tumulong pa ako. Babawi sa sa kaniya talaga." "Whatever. Umalis ka na nga," hilaw siyang natawa at ikinumpas ang kamay na para bang itinataboy ito habang hinihilot niya ang kaniyang sentido. Nang makalabas na rin si Betani ay pagod niyang isinandal ang kaniyang sarili sa likod ng kaniyang swivel chair at pumikit. Luna's image immediately flashed in his mind. "This isn't good..." Bulong niya sa kaniyang sarili. Luna "Luna?! May naghahanap sa'yo rito, oh?" dinig kong tawag sa akin ni Kuya Jun mula sa bahay kaya naman natigil ako sa pagmumuni-muni. Nilingon ko siya't nagtaas ng dalawang kilay. "Sino raw, Kuya?" tanong ko habang palapit na sa kaniya. Nagkibit balikat siya. "Malay ko? Sinabi lang sa akin ni Nadia, eh. Nasa sala, kausap na niya," sabi niya. Nang tuluyan nang makalapit ay tumango na lang ako. "Salamat, Kuya." Muli akong tumango bago siya lagpasan. Kaagad naman siyang sumunod. "Baka manliligaw 'yan, ah?" Nilingon ko siya at isang nakakalokong ngisi ang iginawad niya sa akin. Tumaas-baba pa ang kaniyang mga kilay. Pagak akong natawa at kaagad na itinaggi ang kaniyang hula. "Hindi 'yan, Kuya. Kadarating ko lang dito at saka...may asawa ako," sabi ko pa. Siya naman ngayon ay hilaw na natawa. "Asawa mong gago?" Nakataas ang isang kilay niyang wika. Wala na akong nasabi. Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungong sala ng bahay. When I finally got there, I saw a familiar figure, sitting beside Ate Nadia's chair. Pinasingkit ko ang aking mga mqata habang kinikilala siya at inaalala kung sino nga ba siya. "Na-miss ko nga 'yon, 'te! Ang kulit niya dati, eh. Tapos ngayon mukhang ano na," dinig kong sinabi noong kasama ni Ate Nadia. "Mukhang ano?" Nagkibit balikat iyong kasama ni Ate, sasagot pa sana ngunit nakita na ako. "Ay shala! Ang bongga mo pa rin, dzae!" sigaw niya habang ang mga kamay ang lumipad sa kaniyang bibig para takpan iyon. Nagkasalubong ang aking kilay, sinusubukan pa rin siyang alalahanin. "Kamusta..." bati ko kahit pamilyar lang siya't hindi pa ganoong nakikilala. "Naaalala mo pa 'tong baklang 'to?" si Ate nang makatayo. "Oo nga, ghurl. Naaalala mo pa ako?" iyong "bakla" na sinabi ni Ate. I smiled awkwardly and glanced at Ate Nadia as a cry for help ngunit wala ring napala. "Not...really?" ngumiwi ako at napakamot sa batok. Pamilyar talaga siya pero hindi ko siya maalala. One thing is for sure, we are that close before dahil ganito siya kasaya ngayong nakita niya ako. Kinurot ng bisita ang kaniyang ilong na para bang may naaamoy na mabaho bago umiling ag umatras. Napahawak siya sa braso ni Ate Nadia 'tsaka sinabing, "Ay wala, 'te! Talo ako sa mamshie! Jusmiyo! Dudugo pa yata ang ilong ko at machuchugi!" Pinaypayan niya pa ang kaniyang sarili. "Gaga ka. Marunong 'yan managalog, 'no? Tagalugin mo lang. Nakakaintindi 'yan," Ate noted. I felt "his" relief when "he" let out a long sigh. "Mabuti naman kung gan'on. Kung hindi? Nako talaga...hahayaan ko nang hindi kami mag-usap ulit." Ilang mga daldal pa bago siya nagpakilala. Matapos din ang matagal na paliwanagan ay naalala ko na nga rin siya. Classmates kami noong elementary. Tumigil din kaya may katagalan nang hindi nakakapag usap lalo pa noong kinuha ako nina Mama at Papa sa ibang bansa para roon na magpatuloy sa pagaaral . Nagsimula sa magkaaway dahil na kompitensiya sa rankings ngunit kalaunan ay naging malapit na magkaibigan. "Akala ko na-amnesia ka na, eh." "Hindi, ah? Talagang matagal na kasi talaga kaya ayun," buwelta ko naman para sa sarili. "Buti nakabakasyon ka pala? Sina Tita, kamusta na?" Mga tanong niya. "Ayos lang naman sila. Medyo busy dahil sa pagaasikaso ng...alam mo na," kibit balikat ko. Sinadyang hindi sagutin ang una niyang tanong. "Sakto ang dating mo talaga. Malapit na ang pista kaya dapat kasama kita lalo na kapag manonood tayo ng basketball, ha? Maraming mga guwapo d'on!" Napapalakpak pa siya sa excitement. "Oo naman, bakit...h-hindi?" Iyon ang sinabi ko ngunit hindi ako sigurado. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Third Person PoV Kanina pa pabalik balik ang lakad ni Nicolo sa terrace habang iniisip iyong sinabi kanina ni Albert. Hindi siya makapaniwala at ayaw niya ring maniwala kahit na may mga ipinadala pa itong litrato. "Fuck..." mahina niyang mura sa sarili habang nakasabunot sa kaniyang buhok. Alam niyang wala siyang karapatang makaramdam ng gan'on. Itinaboy niya ito. Siya ang humiling, so he must endure his own punishment. Inisang lagok niya ang natitirang laman ng kaniyang wine glass bago pumasok sa silid nila noon ni Luna. Hindi niya alam kung dahil ba sa alak na ininom niya iyon o talagang kinakain lang siya ng kaniyang imahinasyon dahil sa pagkakakita niya kay Luna sa kama. Mariin siyang pumikit at muling dumilat makalipas ang ilang segundo. Napatunayan niyang imahinasyon lang nga iyon nang mawala na ang nakita niya kanina roon. Muli siyang marahas na napamura. He inhaled some air before he finally decided to take a cold shower. While showering, his palms are pressed on the cold walls for the bathroom. Hinayaan ang malamig na tubig na tupukin ang kaniyang mga iniisip. He groans everytime an image of Luna flashes on his mind. Almost every night, he dream of her. Pero doon, imbes na galit na Luna ang makita niya o hindi naman kaya ay iyong Luna na sinisisi siya ay hindi. It's the other way around. A sweet, caring and enthusiastic Luna is all he could see. After taking a shower, he decided to go to the kitchen. Kukuha ng maiinom na pampawala sana sa mga iniisip niya pero mas lalo lang iyong nadadagdagan sa tuwing lumalagok siya. When he closed his eyes, an image of Luna flashed again on his mind. Her smile was genuine, walang bahid ng sakit na idinulot niya. Mabuti pa nga sa imahinasyon niya, nakikita niya ang ngiti nito, but when she's with him, all he could ever see was pain and the tears after it. Kahit gaano man subukan ni Luna ang maging matapang sa harap niya, alam niyang iba ito sa nararamdaman niya. She's weak and in pain, dahil sa kaniya. She loved him but all he did is to push her away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD