Kabanata 16

1033 Words
Luna Bakit ganito? Kung kailan ako nagdedesisyong palayain siya, saka naman siya magbibigay ng rason para manatili ako? Gusto kong panindigan ang bawat pangako ko sa sarili ko... pero kung ganito, hindi iyon magiging madali, mahihirapan lang ako. Hindi na nasundan iyong sinabi niya. His breathing also slowed down, indikasyon na nakatulog na nga siya ng tuluyan. Imbes na kumawala pa, I found myself slowly wrapping my arms around him too. My tears fell from the side of my eyes for this euphoric moment. This was a dream come true. Dati, sa imahinasyon ko lang ito nakikita. Ngayon, nagkatotoo na. Alam kong mas makadadagdag lang sa sakit ang pagpapabaya ko sa sariling kong mas mapalapit pa sa kaniya pero kahit na gan'on, might as well enjoy the moment and just cry when that painful time comes. His warmth felt like home. At last, I'm home. Iyon ang nasa isip ko buong pagkakataong magkayakap kami. Nakatulog ako nang nakayakap sa kaniya. Nang magising ako, gan'on pa rin ang ayos namin. Only that his embrace was tigther. Nakaunan na rin ako sa kaniyang dibdib. From there, I can clearly hear his heartbeats. This moment is my kind of calm. Hindi ko tuloy maiwasang hilingin ulit na sana...palaging ganito. O kahit hindi na lang ito ang huli. Sana maulit pa ito. "Bakit ka umiyak kagabi?" Natigilan ako sa aking pag-iisip nang bigla siyang magsalita. Akala ko ay tulog pa siya! "Wala lang..." I lied. Gumalaw siya kaya bahagya akong lumayo sa kaniya at tuluyan nang umupo. Tumagilid siya ng higa habang ako naman ay kagat labing napatungo, hindi siya kayang titigan nang mata sa mata. "Look at me in my eyes, then." He challenged me but I never moved an inch, afraid he might know that I just to him. Pinaglaruan ko na lang ang kuko ko. Doon ko na lang ibinaling ang atensiyon ko dahil hindi ko man siya balingan, alam kong matiim niya akong tinititigan. "Eyes please?" His voice is as smooth as cotton when he pleaded. Pero hindi naging sapat iyon para mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Noong hindi niya ako mapasunod at nabagot na siguro siya. He used his index finger to lift my gaze up to him. "There. Ang ganda ng mga mata mo tapos ayaw mo akong tignan?" His brow shot up. My fave heated by his words. Naestatwa ako at halos hindi na nakahinga. Kung hindi lang siya tumawa ay matatameme na talaga ako sa harap niya at nakakahiya iyon! The urge to cover my face with a comforter was so strong. Mas lalo lang noong kinurot niya ang pisngi ko at muling tumawa. "S-Stop it! You're making of fun of me again." I pouted. Sinimangutan ko siya. "You're adorable. Ang sarap mong pisil-pisilin." Aniya at muli akong kinurot sa pisngi kaya tinampal ko na ang kamay niya. "I said stop it! Baka malawlaw ang pisngi ko kahit hindi pa ako matanda!" I ranted but he just laughed at me. "Galit ka na niyan?" He mocked kaya mas lalo lang akong nairita. Natutuwa pa talaga siya, ha? "Masakit na nga kasi. Stop pinching it, please?" Pagmamakaawa ko na. Umuga ang kama nang bumangon siya para makaupo. Our knees touch each other. Nakaharap kami ngayon sa isa't-isa. Eyes locked into each other. The humor in his eyes were gone. Lumamlam ang kaniyang mga titig. Hinuli ng kaniyang kamay ang akin na nakapatong sa aking hita. He lifted it up and my breathing hitched when he placed tender kisses there. Parang pinipiga ang puso ko habang pinapanood siyang ginagawa iyon sa akin. With gentle kisses, I feel secured and safe. Para bang sa bawat halik niya ay pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga. Na para bang iyon ang isa sa mga pambawi niya sa mga taong nagdusa ako sa piling niya. Awtomatikong bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na iyon namalayan. All I know is that, it's tears of joy and longing. "I am so sorry..." his words triggered my tears more. "I don't know how will I pay for those years of pushing you away from me. Gusto kong balikan ang lahat ng iyon at itama ang mga maling nagawa ko. I badly want to show how much I love you until the very beginning. I am so s-sorry, Luna..." his voice broke at the end of his sentence. I suddenly find it hard to breathe. Nagsisimula pa lang siya, durog na durog na ako. He cupped my fave with both his palms. He made me look at his eyes directly. Pulang-pula ang mga ito at nanunubig na. Mas lalo lang akong nasaktan. Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? You become selfless? Na hindi bale nang ikaw ang masaktan, huwag lang ang taong minahal, mahal at mamahalin mo nang todo? He wiped my tears using his thumb. I sniffed and shut my eyes tight with the hope the pain will fade pero hanggang doon ay sinundan pa rin ako. "H-Hindi ako...kailanman nagalit sa'yo. Those hurtful words I've said before... none of them were true. Dahil sa sakit, n-nasabi ko ang mga iyon. Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na kalimutan ka na lang... hindi ko magawa kasi palaging sinisigaw ng puso ko na ikaw lang d-dapat." Mas lalo akong napahikbi. "Sorry..." he whispered as that word can make all the pain fade. Naramdaman ko ang maingat na pagdikit ng kaniyang noo sa akin. His nose touched while his palms are still on the both side of my face. "Tell me, Luna. How can I make it up to you? I'll do everything... just forgive me and give me a chance to prove myself to you again," he murmured. His lips almost touched mine. "Hindi kita patatawarin... dahil unang-una, wala kang...k-kasalanan para sa akin. Like what I always say, you were always forgiven." I said, my voice etched with finality. "What have I done to deserve a woman like you? I've done a lot of sins but God still gave me someone who can understand me better than everyone does." "That's my way of loving you, Nicolo... Maybe HE gave us each other so we both learn and realize our wrong decisions."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD