Kabanata 15

1080 Words
Luna I feel like I am being chased by a criminal . My heart beats so loud that I can almost hear it. Ni walang anumang salita ang lumalabas sa bibig kong nakaawang dahil sa gulat. Ang aking mga kamay ay nanlalamig na at kung hindi ko pa hinigpitan ang hawak ko sa hawak kong cellphone ay mahuhulog iyon. "I... I was jus--" "How are you feeling?" He cuts me off. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya. "I-I'm fine..." I cleared my throat. Ni hindi ko na siya natingnan ng diretso sa mata. "Good. We'll stay here until I find out who is responsible for doing this to you." "Okay..." iyon na lang ang nasabi ko bago tumungo. Wala na talaga akong masabi. Para akong nabusalan sa bibig. Walang salita ang kayang lumabas kahit ano pang subok ko. "Come on. I'll get you to our room. Doon ka muna... kasama ako. It's safer that way. Mas mababantayan kita." Our? I mean... ayos lang naman sa akin kung sa ibang kuwarto na lang. Kagaya ng dati. Kahit iyong mas malapit na lang sa kaniya. Siya lang naman ang iniisip ko dahil ayaw ko naman ipilit kung napipilitan lang siya para mas mabantayan ako, ayos lang talaga na hindi kami magsama sa iisang kuwarto. "Kahit huwag na... sa ibang kuwarto na lang ako at baka makaabala pa ako," sabi ko. Really, Luna?! Ano na naman bang kaartehan ito? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinigilan ang aking paghinga ng ilang sandali para hintayin ang sagot niya. "Bakit ka makakaabala?" He asked in a hard tone. Hindi ako nakasagot. "Bakit ka makakaabala, Luna?" Inulit niya pa talaga. The way he asked, it's like he's demmanding an answer from me. Pero imbes na sagutin siya, umiling na lang ako. "Nevermind." Sumunod na lang nang muli siyang humakbang. Sa hallway, kitang kita ko ang bawat loob ng kuwarto at bawat taong naroon ay abala sa kani-kanilang mga gawain. There are those who are busy with their computers. Mayroon pa akong nakitang lab. It can all be seen from the outside dahil glass wall lamang ang pagitan ng hallway at ang mga silid. Natigilan ako nang makita ang silid kung saan ay may training yata. May mga babae kasing nakaupo sa sahig habang mayroon naman iyong nagdedemo ng martial arts sa harap nila. "You wanna try to do that?" Tanong ni Nicolo na nakatayo na pala malapit sa akin. Ni hindi ko man lang napansin. Dahil sa tanong niya ay napakurap-kurap ako. I shook my head and cleared my throat for the nth time. "I don't think I'd be able to do that. Mahina ang katawan ko pagdating sa mga ganiyan," I said as a matter of fact. "Good. I don't want you to try that either. I don't want you to get hurt." Aniya. Sa loob ko, natawa ako. Ayaw mong masaktan ako pero sinasaktan mo ako? How ironic could that be? Isang malawak at maayos na kuwarto ang tumambad sa akin nang makarating kami sa sinasabi niyang kuwarto. Mas malaki ang kuwartong ito kaysa roon sa kuwartong mayroon kami sa bahay niya rin ngunit halos pareho lang ng disenyo. Puti karamihan ang kulay. Mula sa bedsheets, sa wall at mga kurtina, ganoon din ang iilang mga furnitures. Ang naiiba lang yata ng kulay ay ang malaking flat screen TV at ang mahabang sofa na parehong nasa harap ng kama. "May mga damit ka na sa closet. Magbihis ka na. I'll just get some sleep. I haven't have one since yesterday," sabi niya habang naghuhubad ng jacket. Tumango ako at kaagad na tinahak ang sinasabi niyang closet. True enough, marami nga akong damit na nakaimbak doon. Maayos pang nakatupi ang mga iyon. Shirts, dresses, pants, nighties and underwears. Pinili ko iyong plain maroon na tshirt at jeans. Kumuha na rin ako ng tuwalya at dumiretso na sa loob ng banyo. After taking a bath and putting my clothes on, ipinulupot ko lang ang tuwalya sa basa kong buhok bago ako lumabas. Tahimik kaya naman maingat ang bawat yapak ko para lang hindi magising si Nicolo na mahimbing na yatang natutulog sa kama. Nilingon ko siya roon. Ang kaniyang braso ay nakatabon sa kaniyang mukha while his left knee was folded. Umupo ako sa sofa at ilang sandaling tinitigan ang malaking tv sa harapan ko. This is the first time that we're going to sleep together in one room. Ilang beses ko rin itong hiniling noon at ngayon lang maisasakatuparan. I was so close to him, yet I feel so far. Mula pa noong una, ako lang talaga ang nangangarap sa buong atensyon niya. At first, I wished that he'll love me the way I love him but it hurts when the truth slaps you hard. Hanggang pangarap ko lag talaga iyon. Mahirap pero unti-unti ko ring natanggap. I alreadt accepted that this was just all for what my family want, hindi siya. He was just an obidient son. Pinagbigyan lang ang mga magulang na makasal sa akin kahit ang totoo, wala namang pagmamahal. I wish I could turn back time. Iyong maaga pa. Sana noon, tinanong ko siya kung pareho ba kami ng nararamdaman. I feel so guilty for dragging him into this. Kasalanan ko rin naman dahil una pa lang, hindi na siya nagpakita ng motibo. Ako lang talaga iyong umasa. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at natagpuan ang sariling mga paang lumalapit sa kama. Nang nakatayo na ako sa gilid at mapait akong ngumiti. Tinitigan ko siya nang matagal. Hanggang dito lang talaga ako. Tinititigan ka lang kapah hindi ka nakatingin. Sinasaulo ang bawat detalye ng pagkatao mo. My tears fell like a waterfalls. The emotion I am feeling was too much. Magkakahalong pagod, frustration, takot at... sakit. Don't worry, pagkatapos nito... palalayain na kita. I will unlock your chain. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa'yo. I am so sorry for everything... I wiped my tears away. Pumikit ako at huminga nang malalim. Nanatili akong gan'on sa ilang sandali para pakalmahin ang aking sarili. I was about to open my eyes when I almost screamed because of a forceful pull. Mabilis iyon at ang sumunod na lang ay nakahiga na ako sa kama habang mahigpit na niyayakap ng mainit na bisig ni Nicolo. Hindi pa man ako nakakabawi sa panlalamig ng katawan at gulat ay narinig ko pa ang kaniyang bulong na mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko. "I miss you, Luna. I missed you so much."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD