Kabanata 9

2161 Words
Luna Nakailang tapik na ako kay Ate pero hindi man lang siya lumingon sa akin. I did not take off my eyes from Nicolo while doing that dahil natatakot ako na bigla siyang nawala doon. Dahil masiyado nang nadadala si Ate sa pag-chi-cheer kina Kuya na lamang naman kahit paano, tumayo ako. "Where are you going?" Si Arthur pa ang nakapansin sa akin. Nakakurap-kurap ako at kahit ayaw ko ay lumingon ako sa kaniya. "Maghahanap lang ako ng comfort room sana," I lied. "Let's go, then." Siya pa mismo ang nagyaya. Imbes na sagutin siya ay muling dumapo ang mga mata ko sa kinatatayuan ni Nicolo kanina. I felt a pang of pain on my chest when I didn't see him there anymore. Kumunot ang noo ko at tumingkayad. Arthur probably got bothered by my suspiscious action, kaya naman tinapik niya ang balikat ko. "What are you doing?" He asked, bothered by my actions. "W-Wala..." I reasoned out. Bumuntonghininga siya at tumango, pero kahit na gan'on ay alam ko pa ring may pagdududa siya sa mga kilos ko. Hindi rin naman siya pumayag na ako lang ang umalis mag-isa kaya hinayaan ko nang sumama siya sa akin. Habang naghahanap ng CR (kahit hindi naman ako naiihi) ay natigil ako nang maramdaman ko ang dalawang palad na dumapo sa aking balikat at pinaikot ako para makaharap. It's Arthur with his eyes full of worry. Yumuko siya para maglebel ang aming mga mata. "I know you don't trust me enough just yet, but I want to know what's bothering you, Luna. As a friend na lang," sabi niya. I swallowed the lump an my throat, medyo nahihirapan ako. Hindi naman sa ayaw ko siyang magkatiwalaan pero dahil hindi ko alam kung paano ko ikukuwento sa kaniya ang lahat. Umiling na lang ako. "Nothing..." Siya naman ang nagpakawala ng malalim na hininga. "I won't force you to tell me anything, but please do know that I am here to listen to you...anytime, Luna." He smiled, pagkatapos ay tinanggal niya na ang kaniyang mga palad sa aking balikat. "I'm sorry, Art. And thank you for trying to understand me," I said. Tumango ako siya. He lifted his right hand to pinch my nose. Mahina akong dumaing. "Let's go and find a comfort room. Baka maihi ka pa sa salawal kapag nagdrama pa tayo rito," pagyayaya niya. Hindi ko na ulit sita nakita pa roon. Parang tinutusok ng milyong karayom ang puso ko sa pag-iisip na baka nga guni-guni ko lang iyon talaga. Gan'on na ba ako kabaliw sa kaniya at hanggang dito ay sinusundan ako ng presensiya niya? Patunay nga siguro ito na kahit gaano pa kalala ang sakit na ipinaramdam sa'yo ng isang tao, basta mahal mo...walang rason para hindi ko magpatawad, hindi mawawala ang nararamdaman mo para sa taong iyon. Mananatili ang sakit pero mas mangingibabaw ang pagmamahal. I just sighed all my frustrations away. Nakakapagod na mag-isip at mangarap palagi. Napakahirap magpanggap na walang pakialam, kahit ang totoo...hinihintay ko naman talaga siya. Para saan ang galit ko? Para saan ang lahat ng iyak? Ang sigaw at pananakit mo sa sarili mo, Luna? "Are you done?" tanong ni Arthur nang makalabas ako sa namataan naming banyo. Wala naman akong ginawa roon. Nagmuni-muni lang at pinakalma ang sarili. Tumango ako at ngumiti. Isinuksok ko ang aking mga palad sa likod na bulsa ng aking pantalon. He tapped the top of my head, pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko. "Panalo na siguro sina Kuya," tawa ko na lang dahil bumabalik na naman sa akin iyong nakita ko kanina. "You think so? They play good but I think I play better than them," mayabang niyang sinabi. "Kapal mo naman po. I-try kaya natin minsan na maglaro kayo para makita ko?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Humalukipkip siya. "Sure! Baka ligawan mo ako kapag nakita mo akong maglaro, " He said with full enthusiasm. Ngumiwi ako, nagpipigil ng ngiti dahil sa kayabangan niya. Sa huli, bumalik rin kami kung saan kami nakaupo. "Saan naman kayo galing?" si Ate na kaagad akong siniko matapos kong makaupo sa tabi niya. "Naghanap lang ng cr, Ate," sagot ko sa tanong niya. "Ay...anong ginawa niyo roon? Huwag mong sabih-" "Napakarumi ng isip mo, Ate! Maryosep ka po, matakot ka naman sa mga sinasabi mo, please?" Ngumiwi ako. Hindi man niya natapos ang sasabihin niya, alam ko na iyon and it's making me uncomfortable! Siniko niyang muli ako at saka pa siya umiling na natatawa. Tuwang-tuwa pa na nagagawa niya akong asarin. Nilingon ko tuloy si Arthur na nahuli kong nakatingin sa akin at nang makitang tumingin na rin ako sa kaniya ay nangingiti niyang ibinalik ang mga mata sa court. "Ang gagaling nila 'no?" Painosente niyang sinabi. Ewan ko sa inyo! Hindi ko na siya sinagot at nanood na lang din ng laro. Sa huli, nanalo ang team nina Kuya. Masaya sina Ate lalo pa iyong mga "fans" nina Kuya na panay ang hiyaw kaninang naglalaro pa sila. Tapos na ang larong basketball pero sabi ay may sayawan pa at iyong talent portion na lang daw ng pageant. Hindi na raw kasi aabot sa oras kung tatapusin ngayon dahil nag-overtime ang laro sa basketball. Inuna na ang talent portion, mag-aalas nuebe na ng gabi at pagkatapos ay sayawan na lang daw sabi ni Ate hanggang alas diez y media ng gabi. Humikab ako habang nanonood. Sa totoo lang, hindi naman ako mahilig sa pageant kahit pa isinasali naman ako dati ni Mama sa mga ganoon. Pinilit lang at tinakot kaya sumali na rin. "You can lean on my shoulder if you want," alok ni Arthur. He even patted his right shoulder at umusog palapit sa akin. Lumamlam ang aking mga mata. Inaantok na talaga ako at ang kaniyang offer ay nakaka-tempt pero ngumiti ako at umiling. "Ayos lang, kaya ko pa naman..." sabi ko na lang. "As if I'd listen to your lie? Come on, Luna." Muli niyang tinapik ang kaniyang balikat. Pumikit ako at nahirapan nang idilat ang mga mata. Tama siya, nagsisinungaling na lang talaga ako na kaya ko pa. In the end, umusog na rin ako palapit sa kaniya at isinandal na sa wakas ang ulo sa kaniyang balikat. "Gisingin mo ako kapag tapos na ang talent portion, please?" pakiusap ko. "Sure. Sleep ka muna, angel..." he whispered as he tapped my head. Tila gatilyo pa iyon at nakadagdag ng antok ko. The last thing I can remember is that I feel asleep beside him. Hindi ako sigurado kung ilang minuto iyon pero nagising ako dahil sa malambing ma tawag at tapik sa akin ni Arthur, sinabayan pa ng tapik ni ate Nadia. "Sayaw na, Luna!" Si ate na halos hatakin na ako para lang makisama sa mga nagsasaya na sa gitna ng court. Malakas ang malamyos na musika na hindi ko namalayan kanina dahil sa himbing ng pagkakatulog ko. "Hayaan mo muna siya rito. I'll accompany her for a while. You can dance, Nads. Babantayan ko ang pinsan mo," sabi ni Arthur kay ate. "Binebaby, ah? Pero sige na nga...minsan lang sa isang taon ang pista kaya susulitin ko na ang pagsasayaw!" Hiyaw ni ate bago siya tumulak patungong crowd. I rubbed the back of my infex finger on my eyes. Humikab ulit ako pero kahit paano ay nabawasan ang antok ko kumpara kanina. "Thank you," I stated as I gave him a smile. Paborito niya yatang gawin ang pagtapik sa tuktok ng aking ulo dahil palagi niya iyong ginagawa sa akin. Ginugulo ang buhok saka ngingiti. "Are you ready to dance?" He asked. Ngumiti ako at tatango na sana nang may maalala. The first time I danced with him, pinilit lang ako ni Africa at may nangyari noong hindi maganda. Nasugat ang paa ko dahil sa babae ni Nicolo at wala siyang pakialam. Hindi man lang ako dinaluhan o tinanong kung maayos lang ba ako. Napalunok ako at yuyuko pa sana ngunit hindi iyong natuloy dahil sa pagsalo ng isang palad sa aking baba. "I don't really like seeing you sad. Masakit sa puso na makita kang ganiyan. You deserve to be happy, more so...the love." He said. "Drama mo naman!" Iyon na lang ang ginamit kong pang-alis at pantaboy sa lungkot ko. Tumawa ako at hinatak siya para makidalo na rin sa crowd. People around are laughing for their own reasons. Walang pakialam sa paligid at tanging saya lang ang namumutawi sa kanila. Sana lahat ng pagkakataon ay ganito kasaya ang tao. Iyong tipong walang dahilan para malungkot. No reason to be lonely at all. Just pure joy and love. Pinatapos muna namin ang isang kanta at nang may bago ay saka palang kami sumayaw. "Ipapatong ko ang kamay ko sa bewang mo, 'kay? Just like the first time. You put your hands on my shoulder, too." He instructed , as if I don't know anything. Tumawa ako at kinurot siya sa tagiliran. "Alam ko 'no! Grabe ka naman. Parang wala naman akong kaalam-alam sa mga ganito," sabi ko. Dumaing siya dahil sa kurot ko pero natawa rin naman sa huli. "You're so fragile. I wonder why there are some people who wants to hurt you," he said while looking straight into my eyes. The beat of my heart became faster. His words sent shivers down my spine. Tila gatilyo iyon para umagos ang aking mga luha. "So-sorry..." nanginginig at basag ang boses kong sinabi. Inangat ko ang aking isang kamay na nakapatong sa kaniyang balikat para pahirin sana ang aking luha nang pigilan niya iyon at ibinalik sa kaniyang balikat. He lifted his right hand to wipe my tears instead. Mas lalo lang akong naiyak. The reason why I like to cry alone in the dark is because of the comfort and care from other people. Kapag may gan'on, mas lalo lang akong naiiyak. Dahil kahit paano ay nararamdaman kong magmamahal sa akin at may kakampi ako. Pero, naiiyak din naman ako kapag mag-isa akong nagmumukmok sa isang sulok. I feel so alone amidst those times. "It's okay to cry, you know? It's not weakness. It is letting go of the pain that we are kept in to our hearts for a long time. Maganda iyon dahil mababaliw ka lang kapag ipinagpatuloy mo ang pagkukubli ng sakit." He said it like a master. "Why...are you like that? I mean, you're k-kind and-" "Shh...kindness is free. If you give, hindi ibig sabihin ay may kapalit. Hindi dapat mag-expect ng kapalit because that's how it works. If you give because you are expecting something in exchange, that's taking advantage." "Preacher." Tumawa ako. "Tss. Seryoso ako tapos tatawanan mo lang ako? Grabe..." "Your words are kind of motivational, though." He chuckled. "Okay. I'll take that as a compliment na lang," aniya na parang pinipilit ang kaniyang sarili. "I wonder how many girls have fallen for you dahil sa mga pa-ganiyan mo 'no? Sobrang dami na siguro." He smirked. His grip on my waist tightened. "Ewan ko nga, e. Good boy naman ako pero walang nagtatagal, baka hindi pa sila para sa akin?" Dahil sa pag-uusap ay hindu namin namalayan na nag-iba na pala iyong kanta. Mas umingay ang paligid pero nanatili kami sa ayos namin. "Siyempre darating din 'yon! Malay mo malapit na." Nagkibit balikat ako. "Sobrang lapit niya na nga...hindi naman puwede, ang sakit kapag gan'on, 'no? Iyong abot kamay mo na pero parang ang layo niya pa rin." "Wow. Broken ka ba?" I teased him. Naningkit ang mga mata ko at hinintay ang sagot niya pero walang dumating. His eyes darted at my back. It darkened. Umigting ang kaniyang panga at mas humigpit na naman ang kaniyang hawak sa aking bewang. "Are you all right?" I inquired. Sinubukan kong lingunin iyong tinititigan niya sa likod ko pero hindi ko magawa dahil nahatak niya na ako palapit sa kaniya. Sumubsob ako sa kaniyang dibdib. "Do me a favor, Luna, please?" He mumbled. Just enough for me to hear him out. "W-What is it?" I asked innocently. Kinakabahan na rin ako. "No matter what happens, don't turn your around. Just close your eyes and ears." He ordered. Napalunok ako. Mas kinakabahan ako dahil mukhang nagkakaideya na ako kung bakit. "Promise me, please?" Napipi na yata ako dahil hindi ko man labg naibuka ang aking bibig para makasagot. "Please?" He repeated. Dahan-dahan akong tumango. I was about to the word "yes" when I heard a familiar voice just the time when the musuc stopped playing. "Luna..." he said that sent shivers down my spine. Mariin akong pumikit at mas lalong idinikit ang sarili kay Arthur. "What are you doing here?" Matigas ang boses na tanong ni Arthur. "Arthur...tama na, please? Let's get out of here," It wad more like a beg. "I'm gonna take what's mine." Iyon ang sinabi ni Nicolo bago nag-unahang tumulo ang luha ko. Masakit sa puso. Ang gusto ko na lang ngayon ay mawala rito at pumikit. Paggising, ay nangangarap na mawala na lahat ng sakit at maging maayos na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD