Kabanata 5

3331 Words
Luna Natigil ako sa paglalakad para harapin siya habang nakalaglag ang panga. Hindi makapaniwalang sinundan niya pa talaga ako. "Okay...k-k lang?" Inulit niya pa iyong tanong niya kanina. Napalunok ako at pasimpleng nagpunas ng luha at suminghot. Kumunot ang noo niya dahil sa inakto ko. "Tingnan mo? Ayaw mong ipagamot 'yang sugat mo sa akin tapos iiyak ka? Gan'on ba kasakit 'yan?" aniya. Sinulyapan niya ang paa ko kaya naman ginaya ko siya. Napalingon din ako roon. Wala siyang alam sa nangyayari. Ang akala niya siguro ay ang sugat sa paa ko ang dahilan ng pag-iyak ko. Umiling ako at mahinang natawa na lang. "Hindi, ayos lang 'yan. Malayo sa bituka," biro ko pa. Nakaawang ang bibig niyang ibinalik ang mga mata niya sa akin. "Seryoso ka, ah? Baka mamaya lumabas lahat ng kinain mo riyan," he teased. Pumukit ako. I pressed my lips together to stop myself from laughing at his joke. "Bakit ka nga pala umalis d'on? Hindi mo rin talaga trip ang mga party, huh?" Tumango ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa umihip na naman ang malamig na simoy ng hangin. Nasa gilid ko sa Arthur at kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong nakatingin siya sa akin. "Oo, eh. Hindi...talaga ako ma-party," sabi ko na lang. "Eh, ikaw? Bakit ka sumunod sa akin?" Bumaling ako sa kaniya. Hindi siya kaagad nakasagot. Ang mga mata niya ay dumapo sa balikat ko. At first, I didn't get why he's staring at me with his brows furrowed. But when he removed his coat...doon ko lang natanto. Ipinatong niya iyon sa aking balikat, inayos niya pa bago niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Still cold?" He asked. Ang dalawang kilay niya ay nakataas ngayon. Ako naman ngayon ang napipi. Long sleeves naman ang dress ko pero dahil may kanipisan, dama ko pa rin ang lamig. Dagdag pa iyong hangin na pumapasok mula sa ibaba. "A-Ah...thanks...I m-mean..." I stuttered. Hindi makabuo ng tamang mga salita dahil sa gulat. I know this move isn't knew pero ngayon ko lang ito naranasan. Maybe for some, it's ignorance but I never get to experience this kind of thing to Nicolo. "Salamat." Tumikhim ako at ngumiti sa kaniya. "Ano ulit yung tanong mo kanina? I'm sorry, na-distract ako," sabi niya. "I was just asking kung...bakit mo ako sinundan. Sana nag-stay ka na lang sa party," hilaw kong usal. He snorted. Natawa pa nga sa sugestiyon ko. "To be honest, I don't like being into parties. Just like you, hindi rin naman ako ma-party. I'd rather stay at home and watch movies than to be in a loud and crowded place." Tumango ako. I bit my lower lip. Hindi ko mapigilang ikumpara siya kay Nicolo. Ang pagkakaiba nila ay kapansin-pansin. Nicolo prefers to be at parties while Arthur isn't into that kind of routine. Sa isip ko, iniisip ko rin na paano kung ganito si Nicolo? Kung hindi siya nagloloko? He never laid an arm to me, palaging sa feelings ko siya may epekto. Minsan nga, iniisip ko na mas mabuti ngang sinasaktan niya na lang ako ng pisikal dahil mas mabilis maghilom iyon kumpara sa emosyon na hindi basta-basta nawawala. "Saan ka pupunta niyan?" He snapped after a long stretch of silence enveloped us. Nasa labas kami ng 7/11 ngayon at nakaupo sa mga bench na naroon. "Magpapahangin lang." Kibit balikat ko. Hindi ko rin naman kasi alam kung gusto ko na bang umuwi o manatili muna sa kung saan. "Hindi ka pa uuwi? Gabi na...you shouldn't stay outside. Maraming masasamang elemento kapag ganitong oras na. Lalo pa't wala kang ibang kasama," aniya pa. Kumunot ang noo ko pero hindi mapigilan ang mahinang pagtawa. Alam kong wala namang biro sa sinabi niya pero natatawa ako sa facial expression niya. "Ang cute mo pala magpaalala 'no?" mas lalo akong natawa dahil sa pagkunot ng kaniyang noo. Parang may nakikita pa akong malaking question mark sa tuktok ng ulo niya dahil sa nagtatakhang mukha niya habang ang kaniyang ulo ay nakapapilig sa isang banda. "Thanks for the compliment but may I know what's funny?" nakataas anh isang kilay niyang tanong. "Wala namang mga masasamang elemento rito, eh. Isa pa...sasamahan mo naman ako 'di ba?" Lingon ko sa kaniya't biro. His eyes widened kaya naman kaagad ko iyong binawi. "Just kidding. Maya-maya siguro ay uuwi na rin ako. Kung gusto mong umuwi, sige lang..." I smiled to him. "No..." Umiling siya pagkatapos ay tumikhim. "I'll stay here hanggang sa maisipan mo na ring umuwi. Mas mapapanatag ako kapag gan'on. I don't want you to think na wala akong pakialam." Gabing-gabi na nang makauwi ako. Gusto pa nga ni Arthur na ihatid ako rito ngunit tumanggi ako. Kaya ko naman kasi at isa pa...baka magkagulo pa. Nang makarating sa gate ay kaagad akong sinalubong ng guard na halata ang pagkataranta. Kita sa mga mata nito ang paggiging aligaga. Pumasok ako at may sinabi na siya kaagad. "Good evening, Ma'am. Kanina ka pa po hinahanap ni Sir," bungad niya sa akin. Bumuntong hininga ako at tumango na lang sa guard. Tumingala ako sa ikalawang palapag ng bahay. Muling nagpakawala ng marahas na hininga bago naglakad palapit sa pinto. Tahimik ang paligid nang makapasok ako. Walang kahit na anong ingay mula sa paligid kaya naman inakala kong tulog na o baka hindi na naman uuwi iyon. I pushed the door to close it. Pumikit at bahagyang hinilot ang nananakit na noo. Hawak pa ng isa kong kamay ang door handle nang tumingala habang nakapikit para hilutin naman ng isang kamay ko ang aking leeg na nangangawit na rin. Ilang segundo akong ganoon ang ayos bago dahan-dahang yumuko para i-relax ang sarili. When I opened my eyes, muntik na akong mapasigaw nang makita kung sino ang titig na titig na nakatayo sa aking harapan. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa gulat at napaatras. Nadama ng aking likod ang matigas na pinto. Matatalim ang kaniyang mga matang nakapukol sa akin. Tila ba agila na madilim na pinagmamasdan ang kaniyang biktima mula sa himpapawid. "Where have you been?" He asked with an authorative and deep voice. Ang tanong na iyon mula sa kaniya ang siyang gumising sa akin sa katotohanang wala naman siyang pakialam, bakit siya magtatanong? Tumikhim ako nang makabawi. Itinulak ko ang sarili ko palayo sa pinto at akmang lalampasan siya ngunit mabilis niyang nahuli ang aking palapulsuhan at ipinirmi sa aking kinatatayuan. Naniningkit ang mga mata kong tiningala siya. "Huwag mo akong hawakan." Madiin ang boses na utos ko sa kaniya ngunit wala akong nakitang pagbabago sa kaniyang ekspresyon. Nanatili siyang seryoso at ang mga mata'y matatalim pa rin. "Answer my question, Luna," he demanded. Pagak akong natawa. Umiling ako dahil hindi ako makapaniwalang interesado siyang malaman ang sagot sa tanong niya. "Why would you ask? Akala ko ba wala kang pakialam sa akin, ha? Huwag ka ngang plastic, Nicolo!" I exclaimed out of my lungs. Mabilis ang paghinga matapos sabihin sa kaniya iyon. "You left earlier," he mumbled. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipunto roon. "So? Required ba na magpaalam ako sa'yo? Patas lang tayo kasi never ka rin namang nagpaalam sa akin, eh," puno ng pait na untag ko. Sinubukan kong hilahin ang aking kamay para makawala sa hawak niya ngunit walang naging talab ang aking haklit sa hawak niya. It's just nonsense. Mas lalo ngang humihigpit sa tuwing sinusubukan kong makawala. "I said let go of me..." mahina at huli kong pagsubok na kumbinsihin siyang pakawalan ako. "You left the party to be with a random guy..." Hindi iyon tanong, kung hindi paratang. "Napansin mo pa pala 'yon? And for your information... Hindi ako lumabas kasama niya, sumunod siya at magkaiba iyon aa ginagawa mong ikaw mismo ang kumakaladkad sa mga babae mo, Nicolo." I said as a matter of fact. His jaw clenched. Wala ng mga salita ang lumabas mula sa kaniyang bibig pero hindi pa rin binibitawan ang palapulsuhan ko. Ilang minuto kaming walang imik bago ko narinig ang isang kalmadong buntong hininga mula sa kaniya pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinaba ang aking kamay. "I'm sorry," he said. Hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko sa narinig kong iyon. It's not the first time na marinig ko siyang nagsabi ng ganoon pero iba ang epekto ng sinabi niya sa akin ngayon. I felt the sincerity, ibang-iba sa dati. O baka naman ay guni guni ko lang iyon. "He's —" "Don't waste your time explaining everything to me, Luna. I get it why you have to be with a man like him. Pasensiya ka na rin. Umakyat ka na para makatulog ka na rin. I know you're tired," sabi niya pa bago ako tinalikuran doon na nakalaglag ang panga at gulong gulo. Hindi ko siya maintindihan. Palagi siyang galit pero bakit ngayon... Umiling na lang ako at ipinagsawalang bahala ang mga nasa isip. Nakita ko siyang pumasok sa kusina habang hawak ang isang kopita. Doon ko lang din napansin na wala pala siyang suot na pang-itaas na damit. Nanatili akong nakatayo roon sa kung saan niya ako iniwan. Naibalik lang ang huwisyo nang mamataan ang muli niyang paglabas mula sa kitchen. "Magpahinga ka na." Ulit niya pa. I gulped when I realized that maybe he's thinking I'm too carried away with what he's acting right now. Para hindi mahalata, taas noo akong naglakad patungo sa hagdan habang nakatingin siya sa akin. Naka-apat na hakbang palang ako nang matigil ako dahil sa tanong niya. "How's your foot?" He asked, the reason why I needed to take a deep breath before turning back to face him. "Okay na. Salamat sa pagkawala ng pakialam mo kanina." I said bago ko siya tuluyang tinalikuran doon. Nakahinga ako ng maluwag nang maisarado ko ang pinto ng aming silid. Nangangatog ang tuhod dahil sa ginawa't nasabi ko. Bakit ganoon? Kapag ako ang nagsalita tungkol sa maling gawain niya, nakararamdam kaagad ako ng guilt. Pero kapag siya...ni katiting ay wala akong maramdaman. I gently pushed the button on the door knob to lock it. Nanghihina at hindi makahinga ng maayos dahil sa mga luhang umaagos na naman mula sa aking mga mata. Nanatili akong nakatayo roon habang impit na umiiyak ng ilang sandali bago ako makapagtungo sa loob ng banyo para ayusin ang sarili. Sandaling nakatunganga sa puting pader habang nag-iisip ng kung ano-anong bagay bago pa naisipang kumilos. I took a quick shower at nang matapos ay itinapis ang isang puting tuwalya sa kayawan bago pinihit ang knob ng pinto para makalabas na roon. Dalawang hakbang palabas palang ang nagagawa ko ay napatalon na ako sa gulat nang makita si Nicolo na nakatayo malapit sa kama habang hawak ang isang babasaging baso na may lamang wine. Kumalabog ang aking dibdib sa gulat at kaba. "What...are you doing here?" Tanong ko. Pasimple kong nilunok ang namuong bukol sa aking lalamunan, tama lang para hindi niya mapansin. A loud sigh was his response. Nilagok niya ang natitirang laman ng kaniyang baso bago iyon inilapag sa katabi niyang maliit na lamesa. Nanatili ang mapagmasid kong mga mata sa kaniya. "This is our room. Ibig sabihin, may karapatan din akong pumasok dito," he frantically said. Mas lalo lang lumakas ang dagundong ng aking puso. Bumibilis na ang paghinga dahil sa kaba. "K-Kung dito ka matutulog, then sa ibang kuwarto ako. Magbibihis lang ako tapos lalabas din—" "No need. I get it that you don't want us to stay in one room together. Pumasok lang ako para mag-sorry," aniya pa. His eyes went down on my body. Hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Imbes na isipin ang sinabi niya kanina, inabala ko ang sarili ko para hawakan ang tuwalyang nakayakap sa hubad kong katawan. "Nag-sorry ka na kanina. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin kung gagawin mo rin naman ulit," mas matapang kong asik sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago mapagdesisyonang lumabas ng tuluyan sa banyo at mabilis ang lakad na pumasok sa walk in closet para madamitan na ang sarili. Mas mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagbibihis sa takot na baka pumasok siya't kung ano ang maisip. Ternong pink na pajama ang isinuot ko bago tuluyang lumabas doon at kagaya ng inaasahan ko ay naroon pa rin siya, pero ngayon ang nakaupo na sa kama. "Hindi ka pa ba lalabas?" Tanong ko habang inaayos ang unan at comforter. Hindi ko man lang siya matapunan ng tingin sa mata dahil sa kaba na makita niya ang nakakubling takot sa aking mga mata. "Hindi mo na ba kaya?" Imbes na sagutin ang tanong ay tinanong pa niya ako. Natigil ako sa ginagawa ko. Ang pagod niyang boses ang siyang humatak sa aking natutulog na damdamin para magising ito mula sa pagkakahimlay. Mas lalong hindi ko siya malingon ngayon. Bakit ba sa isang tanong niyang iyon ay masyado akong apektado? "Are you tired... of all my shits?" Kung pagkain lang ang sinasabi niya ay nalalasahan ko ang pait nito. His actions were hurtful but his words attacks me more painfully. For the nth time, I find it hard to breathe. "Sabihin mo sa akin kung suko ka na at lahat ng sakit na dinulot ko sa'yo ay sapat nang rason na para iwan mo ako dahil pagod na rin ako, Luna. Pagod na rin akong itulak ka palayo sa akin..." he whispered weakly. Tila naging gatilyo iyon sa aking mga luha para mag-unahan muli sa pagtulo. Ang mga luhang kailanman ay hindi tumigil sa pag-agos. Walang katapusan dahil walang kasanayan sa lahat ng sakit na natatamasa. "I'm trying to push you away from me because I know you deserve someone better—" "T-Tinanong mo ba ako kahit minsan kung sinong gusto ko? Ni hindi mo man lang ba naisip na tanungin ako?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong putulin ang kaniyang mga salita at tanong. "Palagi akong umaasa na baka puwede pa." Umiling ako habang dinadama ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig. "Na d-darating ang... araw na maiisip mo lahat ng mali mo, Nicolo! I don't need someone who's better. Ikaw yung kailangan ko and you failed to notice that because you're f*****g busy pushing me away!" "Hindi ako perpekto—" "Hindi ko kailangan ng perpekto, Nicolo..." muli kong pinutol ang kaniyang salita. "I need someone who can see me as a woman, not just a decor." Tila bulong na lang ang huli kong pangungusap. Pumikit ako para pigilan ang luha pero hindi ako nagwagi. Mas lalo lang itong pumatak na parang malakas na ulan. "Sinusubukan kong intindihin ka sa abot ng makakaya ko kasi alam kong may mga pagkukulang din ako sa'yo. Pero...sana maisip mo na t-tao rin naman ako, Nicolo. Nakararamdam d-din ako ng sakit..." "Hindi ko kailanman h-hiniling na sana maging perpekto ka..." nanghihina kong sinabi. Nanatili siyang nakayuko ngunit ang kaniyang kamao ay unti-unting kumukuyom. "Luna, hindi mo naiintindihan," he said. Kumunot ang noo at naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Pinigilan ko ang pagpatak ng aking luha para lang matanong sa kaniya kung ano ang dapat kong intindihin. "Ipaintindi mo sa akin kung gan'on! Hindi ako manghuhula, Nicolo! Wala akong kapangyarihang pasukin ang utak mo at maramdaman ang nararamdaman mo dahil may sariling sakit din ako! Yung mga sakit na pinaramdam mo sa akin na kahit alam kong masisira na ako, hindi ako bumibitaw kasi umaasa pa rin ako! Naiintindihan mo ba 'yon?" Hinabol ko ang aking hininga pagkatapos sabihin iyon. Parang tinutusok ng milyun-milyong karayom ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko. Ang bara sa aking lalamunan ay mas namuo. "Sana nga namanhid na lang ako, eh. Para hindi na kita tuluyang m-maramdaman. Para... hindi na ako umasa. Kasi alam mo bang isang tanong mo lang kung ayos lang ba ako, bumabalik lahat?! Gusto kong isipin na may p-pakialam ka talaga sa akin, kahit hindi bilang a-asawa mo. Masakit isipin na ako yung totoong asawa pero bakit kailangan kong m-mamalimos sa'yo? Sa iba, madali mong ibigay ang oras at pagmamahal na hindi mo maibigay sa akin. Hindi ang mga pagtataboy mo ang p-pumapatay sa akin kung hindi ang inggit! Unti-unti akong pinapatay ng inggit ko sa ibang tao kasi sana lahat nabibigyan mo ng oras. Sana lahat pinagtutuonan mo ng pansin, sana lahat—" "Enough, please..." he whispered weakly. My lips trembled with what he just muttered. Parang labahang basang-basa at piniga nang mabuti ang puso ko. Sa sobrang piga ay nahihirapan na akong huminga. Hindi ako nagsalita dahil naghihintay ako ng mga sasabihin niya. Hindi naman ako nabigo dahil sa ilang sandali pa niyang nakayuko ay nag-angat siya ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang namumula niyang mga mata. Alam kong nakainom siya ng alak pero hindi iyon ang dahilan noon. The sadness in his eyes were evident. I only know him as a ruthless and heartless husband. A cheat and a womanizer, kaya hindi ko inaasahang makikita ko siyang ganito kahina ngayon. "Ask me everything you want to know..." aniya na mas lalong nakapagpagulat sa akin. "I'll answer it with all honesty." He added. Umiling ako at tinalikuran siya. Ang aking mga palad ay dumapo sa aking mukha para takpan iyon. Nawawalan ng lakas ay umupo ako sa sahig, niyakap ang mga binti at isinubsob ang mukha roon. Sa ilang sandali ay walang nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko alam na nauubos pala ang luha kapag masyadong nang maraming naiiyak. Tumila sa pagbagsak ang ulan na mula sa aking mga mata ngunit sa tingin ko, hindi pa iyon ang huli. "We need to take a break from all of this, Luna. We need a month or two to settle our shits." He suddenly said that made me close my eyes more tighter. Inasahan ko na ito at ang akala kong pagiging handa ko ay mananatiling akala. Tumingala ako at bumuga ng malalim na hininga bago ko mapagdesisyunang tumayo para harapin siya. "Iyan ba talaga ang gusto mo?" He looked at me straight into my eyes. "Yes." Walang pagaalinlangan niyang sagot. Daig ko pa ang tumakbo ng ilang milya sa bilis ng pintig ng puso ko. Alam kong mahirap sa akin dahil ako lang naman ang nagmamahal at madali para sa kaniya dahil wala naman siyang pakialam. Talo ako sa laban na ito but if that's what he wants...I'll sacrifice because that's how I love him. To love is to let go. Tumango ako at mapait na ngumiti. "S-Sige... two months," saad ko. Kung para sa akin talaga siya, gagawa ang tadhana ng paraan para maging kami talaga. Kung parte ang pansamantang hiwalayan na ito sa proseso...maghihintay ako. "Ako ang aalis...dahil hindi ko kayang manatili sa bahay na ito mag-isa. It'll only bring back the pain to me. Gusto kong makalimutan ang lahat ng sakit, at sana pagbalik ko ay nakapagbago ka na," muli akong ngumiti sa kaniya. Nanatili ang titig niya sa akin. Tila ba sinasaulo lahat ng detalye sa aking mukha, nguniy ayaw kong umasa. "Don't give that smile, Luna. Huwag kang maging mabait. People will take advantage on your kindness." Aniya na parang binibilinan pa ako. "Like you." Tumango ako. "Alam ko na 'yan." Pagak akong tumawa. "Sana nga matuto akong huwag nang magmahal ng maling tao para hindi na ako masaktan at hindi na rin umabot pa sa ganito. Ipagdasal mo nang mabuti na sana sa loob ng dalawang buwan, makalimutan na talaga kita at maubos na ang pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo para maging malaya na tayong dalawa. Gusto kong lumaban pero kung ito ang tanging paraan para maging maayos ang lahat, susugal ako kahit walang kasiguraduhan kasi gan'on kita minahal, kamahal at mamahalin. Sana dumating ang araw na maramdaman mo rin ako." Tumigil ako para lunukin ang namuong bara sa aking lalamunan. "Huwag mo na rin sanang iparamdam sa akin na may pakialam ka kasi masakit umasa. Sana matuto ako sa sakit na dinulot mo." Reminder: Don't engage yourself into something that'll cause no good to you. Always be mindful of your actions.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD