Kabanata 4

2392 Words
Luna Nang makabalik ako sa party ay si Africa kaagad ang hinanap ng mga mata ko. Wala rin naman ako makausap kung hindi siya lang kaya naman nagtiyaga akong hintayin siyang matapos sa pakikipag-usap sa kaniyang mga panauhin na halos mga kapuwa niya rin celebrities. Hinanap ko rin si Nicolo at kaagad namang nakita. May kausap siyang isang babae at mukhang tuwang-tuwa naman iyon at halatang naman ang motibo sa kausap. Umirap ako at ilang beses na naman siyang minura sa isip ko. Kahit saan ba hindi niya mapigilan ang kawalang-hiyaan niya? Iniwas ko na lang ang mga mata ko sa kanila. Sinasabi ko na nga ba at iyon lang ang aatupagin niya rito, eh. I'll make it up to you my ass! Ito ba ang pagbawing sinasabi niya? "Huy!" Africa snapped in front of me. Bahagya pa akong nagulat dahil sa kaniya. "Lumilipad na naman ang isip ko~" kinanta niya pa iyon habang tumatawang umupo sa tabi ko. "Tss..." iyon nalang ang naisatinig ko habang nakahalukipkip at lukot ang mukha sa iritasyon. "Bad trip tayo ah?" mahina niya akong siniko pagkatapos at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko. Umiling na lang ako at inginuso ang tuwang-tuwa na si Nicolo habang kausap parin iyong babae kanina. "Ano bang—ay...ayun naman pala, eh," she nodded repeatedly. She blew a loud sigh as she cross her arms in front of her chess. Pinagkrus ang mga binti at saka sumandal sa backrest ng kaniyang inuupuan. "Hay nako! Kung ako ang ginanyan, baka matagal ko nang pinutulan ng kaligayahan 'yan." Aniya pa na para bang nangungumbinsi pa. My face crumpled as I faced her. "Hoy! Huwag mo nga akong bi-na-bad influence. Mandadamay ka pa sa ka-demonyitahan mo!" Mahina ngunit may diin kong angil sa kaniya. Tinawanan lang nga ako at inilingan. "Hindi kita kaibigan kung ma-o-offend ka sa sasabihin ko pero gusto ko lang malaman mo na isa ka sa mga tangang babae na nakilala ko. Akalain mo 'yon? Harap-harapan ka na ngang inaahas, nag-stay ka parin? Ang tibay at ang tanga lang..." pasaring niya. Sa totoo lang, hindi ako na-offend. Natutuwa pa nga ako na may nagpapaalala sa akin at alam ko naman kasing tama siya. "'Yan ang problema kapag nagmahal ka ng maling tao, eh. Hindi ka sure." Dahil sa sinabi niya ay napalingon na ako sa kaniya. "Wow, ha? Nag-pa-party ka lang nagka-isip ka kaagad?" "Gaga, siyempre advice ko na 'yon sa'yo. Pero kung gaga ka talaga at kahit gaano pa ka-mature at kahaba ang advice ko kung hindi mo rin naman susundin, nagsasayang lang ako ng bulate." Kung hindi niya nga lang party ito ay baka nag-usap na kami hanggang umaga. Hindi ba naman nauubusan ng sasabihin, eh. "Halika nga rito," si Africa pagkatapos akong marahas na hatakin patayo sa inuupuan ko. "Aray ko naman! Kung makahatak ka akala mo hindi ako tao, ah?" reklamo ko pa habang nakasimangot sa kaniya. "Arte...halika na nga at hahanapan kita ng malalandi mo kahit ngayong gabi lang. Dapat makabog mo 'yang hayop na asawa mo, ah?" bulalas niya pa habang parang Nanay na hinahatak ako na anak niya. Ang iilan doon ay napalingon na rin sa amin. Some are even scanning me from head to toe. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahiya. "Sorry..." iyon ang nasasabi ko sa bawat nadadaanan namin na nababangga ko dahil sa hila ni Africa. Kung wala lang talagang mga bisita ay babatukan ko na 'to! Nakakahiya! Tumigil kami sa isang gilid kung saan ay walang gaanong tao. Binilinan niya akong tumayo at manatili lang doon pagkatapos ay lumapit sa DJ na naroon. May kung ano siyang ibinulong doon sa DJ na tinanguam naman ng huli. Nag-thumbs up pa si Africa bago bumalik sa banda ko. "Ganito ha? May plano ako para naman kahit paano ay may magawa ka. Alam kong bagot na bagot ka na kaya susuportahan kita sa panlalandi mo." Aniya habang inaayos ang medyo nakusot kong damit. Ngumiwi ako dahil sa sinabi niya. "Nababaliw ka na ba, Africa? Can you even hear what you're saying?" She smirked devilishly before pulling me to go to the dancefloor. "Ako muna ang kasayaw mo tapos ipapasa kita sa makikita ko, okay? Galingan mong lumandi ha? Support ako sa'yo, tandaan mo 'yan." Sabi niya pa. Isang huling kindat pa bago niya sinenyasan iyong DJ. May kung ano pa itong kinalikot at doo'y napalitan ang musika. From hard rock music to mellow. "Let the show begin!" He exclaimed as other people are already feeling the vibe of the new song being played. Lagot ka talaga sa akin kapag may nangyaring nakakahiya, itatakwil kita! Hindi ko na mabilang kung naka-ilang mura na ako kay Africa sa gabing ito. Tuwing ibibigay niya ako sa iba para maisayaw ay palihim akong umiiling at hinihigpitan ang kapit sa kaniyang dress. Wala na akong pakialam kung masira pa 'yon! "Siraulo ka talaga, Africa!" pabulong iyon ngunit may diin. Binabantaan na kanina pa pero tawa lang nang tawa. Natutuwa pa sa kalokohan. "Sige na kasi. Ang arte pa, eh," umirap siya pero nakangisi naman. Luminga-linga pa siya sa paligid, siguro ay para maghanap ng target. It's the second song being played. Hindi niya pa ako naililipat kagaya ng gusto niyang mangyari at sa tingin ko ay hindi siya magtatagumpay. "Babalik na ako sa table, Af. Parang awa mo na..." halos magmaktol na ako roon. Muntik na akong mapapadyak at umiyak dahil sa hiya. "Babalik ka lang doon kapag may naisayaw ka na kahit isa lang sa mga guys na narito. Sige na, Luna. Huwag ka na maarte," may diin pa niyang sinabi ang panghuling kataga. Tila ba tinatakot pa ako. My lips tugged downwards while shaking my head sideways as a sign of disapproval ngunit pinagtaasan niya lang ako ng isang kilay. Seryoso na ngayon. "Bugaw ka talaga..." pasaring ko pa pero nanatili ang seryoso niyang ekspresyon. "Kapag 'tong third song tapos wala ka pa ring naisayaw, humanap ka na ng bagong kaibigan, ha?" she even patted my elbow. Ang lakas talaga ng tama mo, Africa! Gusto ko talaga siyang sabunutan. Nakakainis! Hawak na hawak sa leeg, eh. Argh! Habang lumilinga-linga pa siya nang matigil ang mga mata niya sa likod ko. Ngumuso siya at mahinang natawa. She's giving me this kind of expression na para bang nakitang nakakagana. "Baka naman kaya ayaw mong sumayaw kasi yung asawa mo ang gusto mong kasayaw?" paratang niyang kaagad kong itinanggi. If I were to dance with anyone in this party. Nasa panghuling listahan ko si Nicolo. Ma-a-awkward lang ako kapag nangyari iyon. Muli akong umiling para maalis sa isipan niya iyon. Pero ang lukaret ang itinutulak ako kaya naman napapaatras ako dahil sa pag-abante niya. "What are you t-trying to do?" asik ko habang sinusubukang pigilan siya dahil may ideya na ako roon sa gagawin niya. "Makulit ka, eh." Mas malapad na ngisi ang iginawad niya sa akin kaya naman mas lalo akong kinabahan. "Please, Af. Sa iba na lang huwag kay Nicolo, please?" I pleaded and because of that, her lips twitched. "Ayaw mo kasi sa iba, eh. So asawa mo na lang talaga. Baka doon comfortable ka pa?" Pang-aasar niya pa. I groaned is frustration. Napapaatras pa rin ako dahil sa pagabante niya at alam kong hindi siya titigil katutulak sa akin hanggang sa makuha niya ang gusto niya. "Shete, bakit may sumingit?" bulong niya kaya naman hindi ko napigilang lumingon doon sa likod ko. I saw him dancing with a new girl. Iba pa sa kaninang kausap niya. I swallowed the lump in my throat as I look down. Feeling disappointed. "Don't worry, girl. I got your back." Aniya at muling iginala ang mga mata sa paligid. "Uupo na a-ako, Af. Please?" I pleaded for the nth time. Iniisip ko pa lang iyong nakita ko ay parang dinudurog na ang puso ko. Ilang beses ko mang sabihin sa sarili ko na kaya ko. Na wala na akong pakialam sa kaniya...hindi pa rin iyon ang sinasabi ng damdamin ko. Kahit pa anong kumbinsi ko sa sarili ko na gawin siyang masama sa isip ko, he'll always have a place and that's just unfair. Palagi siyang may lugar sa puso ko pero ako kaya? What am I for him? May lugar din ba ako sa buhay niya o asawa lang talaga ako sa papel? I hate to admit it but I get insecure whenever I saw him with other girls. Bakit ganoon kadali sa kaniya ang maging masaya kasama ang iba? Iniisip niya rin kayang may pakiramdam din ako? That I'm only human. Nasasaktan rin naman at nakararamdam. "Subukan mong umiyak rito, Luna. Kakatayin kita. Kapag umiyak ka, ibig sabihin niyan...nagpapatalo ka sa asawa mong hayupay. Nakakakulo ng dugo, ha?" ani Africa na hindi ko namalayang nakayakap na pala sa akin. "H-Hindi naman ako iiyak, Af." Pagsisinungaling kong nahimigan niya rin naman. Her hand tapping my back is my only comfort. Damang-dama ko ang pagmamahal na kahiy kailan ay hindi ko naramdaman mula kay Nicolo at sa aking pamilya. The reason why I can't blame those who chooses their friends over their family is this. "Thank you for being here, Af. Hindi ko alam kung sinong tatakbuhan ko kapag nawala k—" Naputol ang sasabihin ko sanang iyon sa matalik kong kaibigan nang maghiwalay kami sa pagkakayakap sa isa't-isa dahil sa isang tanong ng pamilyar na boses. "Can I borrow her, Af?" It was Arthur who asked. Nakangiti pa ito sa akin ngayon. "Sure, Art. My bestfriend...is yours." Aniya bago niya ako ipagtulakan sa lalaking kaharap ko ngayon. Kung nanlalamon lang ang lupa, gusto ko ay ngayon na sana niya ako lamunin dahil sa hiyang nararamdaman. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Pilit na ngiti pa ang iginawad habang nangingiwi pa. The music stopped. Kasunod noon ay ang pagtikhim ni Africa na nakahawak na ng mic ngayon. Dahil sa ginawa niya ay napalingon ang mga panauhin sa kaniya. "Good day, everyone. I'm sorry to bother you all but I just want to change the song into something na mararamdaman niyong lahat. This song is called" Before You Go" by Lewis Capaldi and it's dedicated to my friend Luna." Ngumiti pa siya sa banda namin bago magpatuloy. "Let's all enjoy the party. Thank you so much!" Aniya. Nagpalakpakan ang mga tao na naroon, kasunod ay ang pagtugtog ng isang kanta. "May I have this dance?" si Arthur na nakalahad na ang kamay sa harapan ko. Huminga ako ng malalim bago ngumiti. Naisip ko na bakit nga ba ako nahihiya sa kaniya? Mukha naman siyang mabait at harmless. "Sure!" I tried hard to sound confident at sa tingin ko ay matagumpay ko namang nagawa. Sinabayan namin ang saliw ng musika. Ang dalawang kamay niya ay maingat na nakalapag sa aking bewang habang ang akin naman ay nakapatong sa kaniyang balikat. His smile was as bright as the sun. Naungusan ang dilim ng gabi. "Kanina ko pa kayo pinapanood ni Af habang sumayaw kayo." He started a conversation. "A-Ah...sorry, masakit ba sa mata?" Ngumiwi ako at napayuko. Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba rin ang kaniyang ulo sa pagsubok na hulihin ang mga mata ko. "Bakit ka nahihiya? You're good at dancing, nga lang...masyado kang mahiyain. Why is that? Maganda ka naman at... mukhang mabait. There's nothing to be shy about." His words were powerful. Tila na hinihimok akong maging matatag. "I'm not really into dancing but when I saw you dance... I got interested somehow," ngumisi pa siya. Umiling ako at natawa na rin. Patapos na ang kanta nang biglang may umapak sa aking paa. Napangiwi ako dahil kung hindi lang ako nakahawak sa balikat ni Arthur ay natumba na ako. "Sorry, Miss...eto kasing kasayaw ko masyadong bolero. I got carried away..." hingi ng tawad noong babae. Hindi ko na siya nasagot man lang dahil inabala ko na ang sarili ko para i-check kung nasugat na iyong paa kong naapakan ng talim ng kaniyang stilettos. I bent my knees to sit down. "Sorry talaga, Miss. I'm sorry..." Muli akong ngumiwi nang makitang may maliit na sugat doon ngunit dumudugo na. Hinawakan ko iyon para diinan sana pero bago ko pa iyon magawa ay nahuli na ni Arthur ang aking kamay para pigilan iyon sa pagdiin ko sa aking sugat. "Don't touch it." Arthur warned me. Maliit nga lang iyon pero mahapdi at nabalatan pa nga ang bandang iyon. "It's oka..." hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabihin nang makita iyong babae na hawak pa ni Nicolo sa bewang. Nagkatinginan kami ni Nicolo ngunit hindi iyon nagtagal. Napalunok ako at muling yumuko na lang. Matatalim ang mga mata niyang nakapukol sa akin. Pinapanood lang ako at wala man lang ginawa. Hindi nga nagtanong kung ayos lang ba ako o hindi. He cares more about his whores than me. Kung sabagay...maliit lang naman ito kaya bakit pa siya magaalala? Malayo naman sa bituka, eh. "Let's go inside para malagyan kahit paano ng first aid," niyaya ako ni Arthur ngunit umiling ako. "H-Hindi na. Thank you...uuwi na lang ako." I smiled but a lone tear escaped the side of my eye. Kahit mahapdi iyong sugat ko at pinilit kong maglakad para makaalis doon. Narinig ko pa ang pagtawag ni Arthur sa akin pero hindi na ako nagabala pa para malingon siya. Pinalis ko ang luhang kanina ay paisa-isa lang, ngunit ngayon ay naging sunod sunod na. Sinasabi ko na nga bang sana'y hindi na lang ako pumunta rito, eh. Mukhang naipalahiya ko pa si Africa sa mga bisita niya. "Luna, are you okay?! Where are you going?" si Africa na iyon ngayon pero hindi pa rin ako lumingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako roon. Noong nasa labas na ako ay kaagad kong niyakap ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin na umihip at malalaki ang hakbang na naglakad palayo roon habang ang mga luha ay nagmistulang ilog dahil sa patuloy na pag-agos. "Luna, sandali lang!" nagulat pa ako sa sigaw na iyon ni Arthur. Mas binilisan ko ang lakad ko dahil gusto ko nalang mapag-isa kaysa makita niya akong ganito kaiyakin. "B-Bumalik ka na lang doon sa party. O-Okay...lang ako!" sigaw ko pabalik nang hindi siya nililingon. Wala na akong narinig na sagot. Akala ko ay wala na siya kaya naman bumagal na ang lakad ko ngunit muntik ko ng mahigit ang hininga ko nang makita siya sa gilid ko. "Okay...k-ka lang?" tanong niya habang hinihingal pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD