Kabanata 11

1082 Words
Luna Why won't he tell me? Bakit? Iyon ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko nang makauwi na kami sa bahay. After everything he said, we both went silent until my cousins and Arthur arrived. Hindi na muli ako nagpakawala ng mga salita kahit noong paalis na kami. He just said he'll always watch after me. That's the last words I heard from him. "Hayaan mo na nga muna siya, Nads. Ang kulit din ng apog mo kamo. Hindi nga nagsasalita 'yan. Ibig sabihin, ayaw makipag-usap." Narinig kong pagsaway ni kuya Ton kay ate na kanina pa ako sinusubukang kausapin. I am just not in the mood to talk to anybody right now. Ang gusto ko lang ay mapag-isa at isipin hanggang sa dulo ng isip ko kung ano maaari ang dahilan ni Nicolo para masabi sa akin ang nga bagay na sinabi niya. Why? Am I at risk? From what or whom? "Tsk! Kayo bahala kapag napipi 'yan nang tuluyan, a?" Pagsuko ni ate. Kasabay noon ay ang yabag ng kaniyang paa palayo sa kuwarto. Bumuntonghininga ako at niyakap ang nakatiklop kong tuhod at isinubsob ang aking ulo roon. Kinabukasan, wala pa rin akong balak na lumabas sa kuwarto. I just don't feel like interracting with other people today. "Luna... kung nagugutom ka, magsabi ka lang, ha?" Isang katok mula kay ate. Hindi ako nagsalita at hinayaan siya. Alam kong simula noong dumating ako rito ay nagalit na sila kay Nicolo dahil sa lahat ng sinabi ko, pero kahapon, wala silang sinabi sa kaniya nanh makita nila ito na kausap ko. "Problema nila 'yan. Huwag natin silang pakialaman," that's what I overhead yesterday from my kuyas and ate. Nang umalis sina ate para bisitahin ang bukid ay saka lang ako lumabas para kumain. After having breakfast, I decided to take a bath kaya bumalik na muna ako sa kuwarto ko para makakuha ng damit. Sa labas pa kailangang maligo dahil wala namang banyo ang kuwarto ko. Wala ring shower dito kaya manual ang pagligo--tabo at timba o kaya naman ay malaking batya ang gagamitin. Wala ring faucet dito kaya kailangan pang magpagod sa pagbobomba ng tubig sa poso para makaipon ng tubig. That's a province life. Ibang iba sa siyudad na nakasanayan ko. Kalahating tubig muna ang inilagay ko sa timba na isasalin ko pa sa batya na nasa loob na ng banyo. Hindi ko kasi kayang buhatin kapag napuno iyon. Kahit mabagal, basta makaligo lang ako. "Need help?" Halos mapabalikwas ako nang marinig ang nagsalita mula sa likod ko. It was Arthur. "Nandiyan ka pala..." sabi ko nang makabawi na sa pagkakagulat. "Kaya ko na 'to," dagdag ko pa at muling binuhat ang timba. "I can see that you're struggling to carry that pale, it's not hard to ask for help, you know?" bulalas niya. Tumigil ulit ako at nakapamaywang na hinarap siya habang hinihingal pa. "Kaya ko nga kasi talaga." Bahagya pa akong natawa. "Ako kasi yung tipo ng tao na hangga't kaya ko, hindi ako hihingi ng tulong sa ibang tao," I smiled at him. Tumango siya. His shoulders shrugged and his lips tugged downwards. "Sabi mo, e." "Ano nga palang ginagawa mo rito? Napapadalas tayo, a?" I inquired habang isinasalin ang laman ng tubig sa batya. "Ouch naman po. Ayaw mo ba ako rito?" Ipinatong niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang dibdib na para bang may iniindang sakit doon. Nagkasalubong ang kilay ko at umiling na lang. "Ang drama mo naman. Tinatanong ko lang naman, e. Wala akong sinasabi na ayaw kita rito, a? Ikaw lang ang nagsasabi niyan." "Siyempre joke lang naman. May pinapasabi kasi si Af." panimula niya. Humugot siya ng malalim na hiningaat marahas na ibinuga iyon. Ang isang kamay niya ay inilagay niya sa likod na bulsa ng kaniyang maong na pantalon. My eyes widened. "Oo nga pala! Na-miss ko na rin ang isang 'yon. How is she? Medyo busy rin siguro iyon dahil noong party niya, nasabi niya sa akin na may upcoming teleserye raw siya," nakangiti kong wika. "She's pregnant." Lumipad kaagad ang kamay ko sa aking bibig at tinakpan iyon. My lips turned into 'o' in shock. "Weh?! Hala, e 'di congratulations!" I said happily. Pero nanantili siyang walang imik kaya tumigil ako. "Oh? Bakit parang malungkot ka? You should be happy!" "Her husband cheated." Sabi niyany nakapagpawala sa ngiti ko. My brows met and my haw dropped open. "H-Ha? Anong...what?!" I can't even form a decent question because of what I heard. Parang pinipiga ang puso ko. The pain I am feeling right is the same pain I felt when I first saw Nicolo kissing another girl. Alam ko ang pakiramdam ng niloloko ng asawa. Ano pa nga ba? I experienced it my whole married life! "She called me once this week to tell me about that. I tried to call her many times but she won't answer any of my calls, so I called one of the househelps and she said they are worried about her. One time, they caught her trying to drink a poison. The next day, she's trying to cut herself," kuwento ni Arthur. Hindi ko namalayan ang paisa-isang bagsak ng luha mula sa gilid ng mga mata ko. Milyon-milyong patalim ang tumusok sa puso ko dahil sa narinig. Iba-iba ang tolerance ng tao sa sakit. Kung nakaya ko ang sakit nang makita si Nicolo na may kasamang ibang babae, kinaya ko kahit masakit. Sa kaibigan ko, iba siya. Hindi siya katulad ko. The reason why I hate the idea of comprison is that. Iba iba ang tao. Maaaring pareho ng sitwasyon pero hindi pareho ang nararamdaman. Pinalis ko ang aking luha at binalingan si Arthur. "Babalik ako roon. Kakausapin ko siya." I remarked with finality. Babalik ako para sa kaibigan ko. "You don't need to do this--" "Anong gagawin ko? Hihintayin ko na mawala siya, gan'on ba 'yon? She stayed when I needed her. Ngayong kailangan niya ako, I will stay too!" Nanumbalik ang luha ko dahil sa sinabi. She helped me to go through a lot of things. Siya ang palagi kong takbuhan sa halos lahat ng problema ko. Now that I know she needs me, I will go and protect her with all I can. Isang buntonghininga pa mula kay Arthur at tumango na siya. "If that's what you want then my gratitude is yours. I just hope you can tame her for what she's planning to do," sabi niya pa. "Wala siyang gagawin." Pinapaniwala ko na lang ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD