Kabanata 3

1649 Words
Luna I locked myself inside our room. Wala akong balak na lumabas at pagbuksan siya kahit pa nakailang katok na siya sa pinto. It surprised me that he didn't thought of breaking the door. Hindi rin naman padabog ang katok niya. Niyayakap habang ang aking baba ay nakapatong sa aking mga tuhod, wala sa sarili kong pinagmasdan ang mga daliri ko sa paa. "Luna...open the door and let's talk." Isa lang sa mga sinabi niya. Ni isa rin sa mga iyon ay wala akong sinasagot. Hindi na rin ako lumabas pa sa kuwarto at nakatulog na lang dahil sa pagod sa pagiyak. Palaging ganoon simula noong nagsama kami sa iisang bahay. If we fight, sa salita lang. He never hurt me physically pero ibang atake naman ang ginagawa niya sa akin emotionally. Nakakawasak at nakakadurog ng puso. Kinaumagahan, kagaya ng inaasahan ko, si Uela na lang ang naabutan ko roon. Actually, kaming dalawa lang naman talaga ni Nicolo ang namamalagi rito bukod pa sa mga guwardiya at kay Manong Denver. Pumaparito lang si Uela tuwing linggo para makapaglinis. "Good moring, Ma'am!" She beamed. This is what I like about her. Her aura was light at madalas pang nakakahawa. "Maga ang mata natin, Ma'am, ah?" she pointed out. Talagang bahagya pa niyang sinilip ang mukha ko para roon. Hindi ako sumagot dahil alam kong may ideya naman siya kung bakit ganoon. Ang mga away namin ni Nicolo ay hindi lingid sa kaalaman ng mga trabahador dito. They know what's going on and probably the reason too, so what's the point of hiding it. "Nagkasagutan na naman kayo siguro ni Senyorito..." she concluded. Napatango-tango pa siya habang nakanguso at ang kamay ay nasa kaniyang baba. "Kaya pala mukhang bad trip na naman kaninang pag-alis, akala ko hindi lang naka-score." She snapped. I was about to open the fridge when what she said echoed on my mind. "Ha? Anong naka-score? Walang oras yun sa akin. Baka sa mga babae niya meron," sabi ko naman bago naiiling na ibinalik ang atensiyon sa fridge. Kumuha ako ng gatas doon at isinalin sa basong nakalatag sa counter table. "Bitter si Ma'am," panghuhusga niya. "Pero kung sabagay...may pinanghuhugutan ka naman, Ma'am, eh. Kaya sa'yo ako. Kahit kasi guwapo si Ser, walang kuwenta kasi babaero naman. Hindi na lang makuntento sa inyo, eh sexy naman kayo at maganda...inside and out pa!" pumalakpak pa siya matapos sabihin iyon. Natawa na lang ako at napailing. Mabuti na lang talaga at ganito siya. Kahit paano ay nawawala sa isip ko iyong nangyayari sa amin ni Nicolo. I did my usual routine. Nag-jo-jogging sa palibot ng mansion pagkatapos at kaunting yoga sa gym room. Iyon lang naman ang gawain ko. Kapag wala si Uela ay ako ang nagluluto ng sarili kong pagkain, kung minsan naman ay sa labas na lang kumakain. "See you on next Sunday, Ma'am. Sana pagbalik ko hindi na maga 'yang mata mo, ah?" paalam sa akin ni Uela kinahapunan mismo ng Linggo. Maghapon lang kasi siyang mananatili rito. Tumango ako habang nangingiti sa kaniya. "Sige, Ma'am. aalis na po ako. Ingat po palagi!" She waved her hand to bid her goodbye. Isinarado ko naman ang pinto para makabalik at makapagkulong na naman sa kuwarto. Bumalik ulit ako sa kuwarto. Hinayaan ang sariling mag-isip kahit na napapagod na rin naman ako. Maaga akong natulog dahil naaalala kong may lalakarin nga pala ako bukas—iyong party ni Africa. Kinabukasan, halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Nicolo na walang saplot pang-itaas habang sumisimsim ng kape at nakasandal sa sink. Tahimik ko siyang pinagmasdan at ganoon din ang ginawa niya sa akin. "For the first time in forever, naabutan kita. What's going on? May hindi ba ako nalalaman at bakit hindi ka umalis ngayon?" I asked sarcastically. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil abala ako sa pagtimpla ng sarili kong kape. "Nothing. I just found out that you'll attend Africa's party later tonight..." he stated. Napatigil ako sa paghalo sa aking kape at laglag ang pangang umikot para harapin siya. "And?" I waited for his next words. "Sasamahan kita," diretso niyang sinabi na mas lalong nakapagpamulagat sa akin. "Himala yatang nagka-oras ka sa akin? Maayos na ba ang takbo ng utak mo at naisipan mong samahan ako?" I raised a brow on him. He only groaned as a response. "I just want to make it up to you. That's all." Plastic! Pagak akong natawa. Lumapit ako sa counter table at inilapag doon ang aking kape. "Thanks but no thanks. Kaya kong pumunta roon kahit ako lang. You don't need to try hard. Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Just go wherever you wanna go and mind your own business so I could mind mine too." I said as bitter as the coffee in front of me. "Sasama ako. Whether you like it or not." He said with finality as his hawk like eyes were pierced onto me like a dagger. Umirap ako at umiling na lang. Tinotoo niya ang sinabi niya. Sumama nga siya kaya naman nang makarating kami roon ay hindi pa maipinta ang mukha ko. "Oh? Grabe namang mukha 'yan, Luna? Hanggang ngayon ba'y ginagago ka pa rin niyang si Nicolo?" iyon kaagad ang salubong sa akin ni Africa. "Tss. Huwag mo na nga lang banggitin ang pangalan niya. Mas lalo lang akong nababanas." Umirap pa ako habang nakahalukipkip na nakaupo sa isa sa mga round tables na nakalatag sa bermuda grass. "Eh, 'di sige..." umangat ang isang gilid ng kaniyang labi. "I like your dress by the way. Bigay niya?" She even raised a brow on me. Nang-aasar pa nga! "Hindi 'no?! Asa ka riyan. Nagulat nga akong may oras pa 'yang sumama sa akin ngayon dito. Okay lang naman sana kung ginugol niya na lang sa paghahanap ng kabit niya..." kumukulo ang dugo kong sinabi. Minsan, nabibilib na lang din talaga ako sa sarili, eh. Bakit ba kasi ngayon lang ako naging ganito katapang? Ang tagal ko ring naging tanga bago ko maisip na matagal na rin dapat akong nakalaya mula sa kaniya. Sumulyap ako sa banda niya kung saan ko sila iniwan kanina kasama ang isang matandang businessman. Wala naman akong alam sa pinaguusapan nila kaya minabuti kong lumayo muna. Ang kaniyang mga mata ay nakadirekta rin sa akin. Ano 'to? Sumama lang dito para bantayan ako? Kapal talaga ng mukha, eh. "Alam mo kung nakakasunog lang 'yan tingin mo? Abo na 'yang si Nicolo," mahinang tumawa si Africa. Bumuntong hininga ako at uminom na lang sa tubig na nasa harapan ko. I don't drink any beverages, ayaw ko kasing nagpapaasikaso pa ako pagkatapos kong malasing. "Kung naiinis ka sa kaniya...bakit 'di mo pa hiwalayan?" maingat na tanong pa niya. Yumuko ako at napalunok dahil sa sinabi niya. "Konti na lang, Af," sambit ko naman. "Hay nako...ewan ko rin sa'yo, eh. Ang tibay ng loob mo, ha? Akalaim mong ang tanga mo!" bahagyang napalakas ang pagkakasabi niya noon kaya naaalarma ako. May mga bisita pang napalingon sa amin dahil sa sinabi niya. Napangiwi ako dahil sa kahihiyan. "Hoy! Hindi porque party mo 'to ay puwede ka nang mag-eskandalo. Nakakahiya ka!" mahina ngunit may diin kong angil sa kaniya. Tumawa lang siya habang naiiling. Nang tumayo siya para magbigay ng speech sa maliit na platform at natahimik ang lahat. The flashes of the camera were blinding. Ano ba naman ang aasahan ko kung artista ang kaibigan ko? Mahaba ang kaniyang sinabi kaya naman nang mabagot ako, naisipan ko magtungo sa pool side kung saan madilim at walang gaanong tao. I prefer being on a quiet place kaysa sa mga maiingay. Kaya naman madalang lang akong pumunta sa mga parties. Dumadalo lang talaga kapag importanteng tao ang magdidiwang. Maingat akong naupo sa isang sementong upuan doon. Puti ng dress ko kaya naman hinipan ko pa iyon bago umupo na para bang mababawasan talaga ng mahina kong ihip ang dumi roon. Kaharap ko ang payapang swimming pool habang dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Lumakas ang music indikasyon na nagsimula na ng pormal ang party kaya naman mas naging buo ang desisyon kong manatili na lang muna rito sa kinaroroonan ko. When a cold breeze of air blew, I closed my eyes to feel and appreciate it. I hugged myself as I inhaled the invisible scent of the wind. "Ayaw mo rin pala sa mga party, Miss?" Isang pamilyar na tinig ang nakapagpamulat sa mga mata ko. Kaagad kong nilingon ang kung sino mang iyon at mas lalo lang nagulat nang makita kung sino iyong nakatayo sa gilid ko. Hindi siya nakatingin sa akin at kahit medyo madilim ay naaaninag ko ng kaunti ang kaniyang mukha. "H-Ha?" I startled. Dali-daling tumuwid sa pagkakatayo at pinagpag ang pang-upo. His body shifted on me, nakaharap na siya ngayon sa akin kaya naman bahagya akong napatras. "Easy, Miss. Hindi naman ako masamang tao," he chuckled playfully. "...at hinulaan ko lang din na ayaw mo sa mga party dahil imbes na naroon ka at nakikipagsayaw..." hindi niya na iyon tinapos nang makita niyang isang hakbang patalikod pa ang ginawa ko. "What...are you doing here?" Tanong ko sa wakas nang makabawi. Tumikhim pa ako para kahit paano ay mawala ang kaba ko. Malay ko ba kung may masamang balak pala itong isang ito! "Pinsan ko ang fiance ni Africa. It's normal if I'm invited on her party right?" malambot ang boses niyang sinabi. Napakurap-kurap ako dahil doon. Pilosopo pa! "Ah..." sinabayan ko pa iyon ng tango. "Excuse me..." hiningi ko na iyon dahil nahihiya na naman ako. Bakit ba kasi napakamahiyain ko kaoag ibang tao ang kaharap ko? Tumango siya kaya naman naglakad na ako habang bahagyang nakayuko paalis doon. Nang malampasan ko na siya ay muli siyang nagsalita. "Miss..." he muttered that made me stop from walking away. "Y-Yes?" Hindi na ako nagabala pang humarap sa kaniya. "You look stunning, Miss. Your dress looks cute on you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD