Kabanata 13

1035 Words
Third Person PoV "She almost got stabbed. Patay ka sana. Lucky for you, dude!" Rev teased. Natatawa itong umiling at napakamot sa noo gamit ang kaniyang hintuturo. "Shut it, Rev. WE are all lucky. Sa tingin mo ba hindi damay damay kapag napahamak nga siya?" Gino pointed out. Diniinan talaga niya ang salitang "we" dahil iyon naman ang totoo. Kapag may masamang nangyari sa babaeng walang malay na nakahiga sa kama sa kanilang safe house ay malilintikan silang lahat. "Whatever. Suwerte ko talaga at hindi miss ang shot ko. If ever..." Serpent just shook his head and tsked. Gino sighed heavily. Kinuha nito ang isang stick ng sigarilyo na nakaipit sa kaniyang tainga. Sinindihan niya iyon kaagad at inipit gamit ang kaniyang dalawang daliri matapos niyang humithit at magbuga ng usok. "She's been unconsious for quite a while now. Hindi naman siya nasugatan sa kahit saan, a? Why is she not waking up yet?" Takhang tanong ni Rev. They all exchange glances. Their eyes stopped on Serpent who was taken aback by the way they look at him. "Oh? Bakit kayo nakatingin ng ganiyan sa akin?" He innocently asked. "Check on her." Utos ni Gino sa kaniya na kaagad niya namang sinagot ng sunod sunod na iling. "Wala namang ganiyanan mga tol. Muntik na nga ako kanina tapos ngayon ako pa rin ang iaalay niyo sa galit ni--" "Just do it, Serp. He's your brother after all. Hindi ka niya sasaktan if you touch his girl, dammit!" Mahina ngunit may diing sumbat ni Rev. Mas lalong umiling si Serpent. "I won't do it. Sa tingin niyo ba may kapatid kapatid kapag nagalit 'yon? Heck. I'd rather not his girl. Takot ko na lang," sabi pa nito. "Then who the heck among us will check on her?" "Sino pa, e di yung babae rin para safe." Gino paused mid-air. "Speaking of which. Nasaan na naman kayo iyong babaeng 'yon?" Rev's shoulders shrugged as his lips tugged downwards. "Malay ko? Alam mo namang hindi mabubuhay 'yon nang walang ginagawa, 'di ba?" He said as a matter of fact. West was always like that. Hindi napapakali at napipirmi sa isang lugar. Feeling niya raw kasi ay mamamatay siya kapag wala siyang ginagawa. She wanted every second of her life to be useful. That's what her motto in life says, "Be useful." "Hanapin niyo na nga at--" "There's no need to look for me. Alam ko namang mga tamad kayong lahat." Biglang bumukas ang pinto at inuluwa n'on si West na busangot na naman ang mukha. And as always, may hawak na naman itong patalim na pinapaikot nito sa kaniyang hintuturo. "Ang tatamad niyo. Mga duwag pa. Akala mo naman hindi pa nakakahawak ng babae. Tss. Mga abnormal kayo," sabi pa nito. Kagaya ng sinabi ni West, tumabi nga ang tatlo niyang kasama para bigyan siya ng daan papasok kung nasaan si Luna na wala pa ring malay. Luna "Miss. Can you hear me?" Dinig kong tawag sa akin kasabay ng mga maiingat ng yugyog sa aking katawan. Napangiwi ako habang sinusubukang igalaw ang aking katawan. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at nang tuluyan nang maibukas ang mga ito ay bunungad sa akin ang isang hindi pamilyar na silid. "Where...am I?" I inquired as I tried to remember what happened. Maingat din akong umupo sa kama habang inililibot ang mga mata sa paligid. An image flashed on my mind. I almost got stabbed by a man in black and then... "You don't need to know. Huwag kang mag-alala, you are in a very safe place, Madame." Tipid akong nginitian ng babaeng may nilalarong kutsilyo sa kamay. I shallowed hard at umatras ng upo. Nang mapansin niya siguro ay kaagad naman siyang humingi ng tawad at itinago iyon sa bulsa sa gilid ng kaniyang pants. "Sorry, Madame. Did I scare you?" Tanong niya pa. "A bit..." I responded with all honesty. Tumikhim ako at muling luminga sa paligid. "Why am I here, then? Bakit hindi ako sa ospital dinala?" "I am afraid your life would be more at risk by that, Madame. This place is somewhat safe for you... for now." May pag-aalinlangan pa niyang sinabi. Parang tela na nagkakabuhol buhol ang mga impormasyong sinabi niya. I don't get any of what she said pero isa lang ang sigurado ako. They are protecting me. Pero saan? Kanino o sa ano? Ang dami kong tanong sa isip ko na hindi ko naman maisatinig, because I know... even if they tell me answers, not all of them were true. "You will stay here until he says so. Please obey everything what we say, Madame. It is all for your safety," bilin niya. Kung gan'on, wala naman akong magagawa. Wala akong alam sa nangyayari pero wala naman silang ibang intensiyon kung hindi ang kaligtasan ko kaya susunod ako kahit hindi ako sigurado sa lahat ng ito. May mga bagay kasi talaga sa may mga kasagutan nga, hindi pa naman sa ngayon ang tamang panahon para malaman ang mga iyon. Patience, undertanding and openmindedness. Iyon ang mga bagay na kailangan ko. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko bago ako kunot noong tumango. "I will." "Thank you, madame." She nodded back and smiled at me again. Ilang sandaling katahimikan bago kami parehong napalingon sa pinto dahil sa dalawang magkasunod na katok at ang pagsungaw ng isang estranghero para sa akin. "West." Tawag nito, hinuha ko'y iyong babaeng kausap ko ang sinasabihan niyo n'on. Lito ko silang pinagmasdan. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Dumapo sa akin ang mga mata ng lalaking dumungaw sa pinto. Tipid siyang ngumiti sa akin. "He wants to talk to you. Might as well excuse yourself to madame for a while. Si Serpent muna ang papalit." Iyon ang sinabi niya. Tumango si West bago ako muling binalingan. "I will excuse myself, madame. I just need to talk to him," aniya. Kumunot ang noo ko dahil sa kalituhan. Kanina pa nila sinasabing "him" kaya sa sobrang pagkabagabag ko, hindi ko na naiwasang magtanong. "Who's 'him'" pagsubok ko. Hindi na ako umasang sasagutin niya iyon dahil inisip kong baka hindi rin puwedeng malaman pero nagulantang ako nang sabihin niya sa akin ang isang pamilyar na pangalan. "Sir Nicolo, Madame. Your husband."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD