Episode 3

1568 Words
"Lagi kayong mag-iingat sa bahay ninyo iha, alagaan mong mabuti ang sarili mo at ang asawa mo. Hayaan mo at naniniwala ako na gagaling ang Nanay Karina mo sa ospital na paglilipatan sa kanya." Bagamat nakangiti alam kong malungkot si Senyora Loreta sa aming pag-alis. Ngayon na kasi ang luwas namin ni Nanay papuntang lungsod. Naroroon kasi ang trabaho ng asawa ko na dapat niya ng asikasuhin aya naman nauna na siyang lumuwas dahil sa dami ng natambak na trabaho . Sa pagkaka-alam ko si Senyorito Simon na ang namamahala ng kumpanya na dati ay ang Senyora pa ang tumatayong namamahala. Dahil hindi na rin kaya ng Senyora ang lumuwas-luwas at ma-stress sa mga problema dulot ng negosyo. Kaya naman sa murang edad ay sinanay na si Senyorito na pamamahalaan ang kanilang kumpanya kaya ng siya ay makatapos sa pag-aaral sa ibang bansa at magbalik Pilipinas ay agad ng ipinasa ng Senyora ang buong kapangyarihan sa nag-iisang apong lalaki para pamahalaan ang kanilang mga negosyo. Lulan kami ni Nanay ng isang ambulansya deretso sa isang sikat at pribadong ospital sa Makati na kung saan kasosyo din ang pamilya ng napangasawa ko. "Nay, ipangako mo na lalaban ka. Huwag na huwag po kayong susuko at huwag niyo po akong iwanan." Naluluha kong kinuha ang payat na kaliwang kamay ni Nanay at inilagay ko sa aking pisngi at hinalikan. Doon man lamang ay maramdaman ni Nanay ang wagas na pagkasabik ng pangungulila at pagmamahal ko para sa kanya. Na-ulila rin ng maaga sa kanyang mga magulang ang aking Nanay Karina. Kaya naman ng magka-nobyo at sa pag-aakalang nakahanap na ng bagong pamilya kaya maaga niya na rin akong ipinagbuntis. Ngunit isang araw daw ay nagpaalam sa kanya ang aking ama na maghahanap ng trabaho sa ibang lugar na siya namang sinang-ayunan ni Nanay sapagkat kailangang-kailangan na ng pera para makaipon na siyang gagamitin sa araw ng aking pagsilang. Ngunit hindi sukat-akalin ni Nanay na pagkatapos ng araw na iyon ay wala na siyang magiging balita sa aking ama. Noong una, umasa raw si nanay na babalikan kami ni Tatay. Pero lahat daw ay may hangganan kaya tinanggap na ni Nanay na hindi na kailanman ito babalik. Sabi ni Nanay, siguro raw ay hindi pa handa ang Tatay ko sa mga responsibilidad kaya naman kami ay iniwan. Walang-wala noon si Nanay at mabuti na lamang at naawa ang mag-asawang Senyor at Senyora Sto.Domingo at kinuha siyang hardenera sa mansyon at doon na nga siya nagtrabaho. Nang maka-ipon si Nanay, tinulungan pa siya nina Senyor Andres at Senyora Loreta na makabili ng maliit na lote at mapatayuan ng simpleng bahay para sa kung sakaling maisipan ng umalis ni Nanay sa mansyon ay may matutuluyan na kaming mag-ina. Hanggang sa mangyari nga ang hindi inaasahang trahedya sa buhay namin ni Nanay. Batid kong hindi na birong halaga ang nagagastos ng Senyora sa pagpapagamot kay Nanay. Lalo na ngayong nasa lungsod na kami. Alam kong masyado na kaming lubog sa utang na loob sa mahal ng mga gamot at bayad sa mga doktor, mga nurse at sa mga aparatong nakakabit sa katawan ni Nanay. Ngunit kailangan kong kapalan ang aking mukha. Si Nanay lang ang meron ako. Siya lamang ang nag-iisa kong pamilya. Ang nag-iisa kong karamay, kakampi at bukod tanging taong nagmamahal sa akin. Kaya naman kahit sabihin nilang na pinikot ko raw ang Senyorito para sa aking pansariling pangarap. Na mukha akong pera. Na isa raw akong malandi. Sige! pagbintangan na nila ako. Paratangan na nila akong lahat. Pero alam ko naman sa sarili ko kung ano ang totoo. Wala na akong pakialam sa sasabihin nila o sa kung ano pa mang maging tingin nila sa pagkatao ko. Dahil ang gusto ko lang ay ang gumaling ang Nanay ko.. At pikit mata kong tinatanggap na kailangan ko talaga ng tulong pinansyal na meron ang Senyora at ng kanyang apo. Oo na! Mukha na akong pera! Desperadang-desperada na talaga ako madugtungan lang ang buhay ng nag-iisang taong mahal na mahal ko. ***** "Senyorita Karen, narito na po tayo sa bahay ninyo," hayag ni Manong Raul na siyang nagpabalik sa aking isip sa kasalukuyan buhat sa malayo na nitong narating. Akma ko sanang bubuksan ag pintuan sa loob ng sasakyan ngunit maagap akong naunahang buksan ni Manong Raul na siyang napag-utusan na ako ay ihatid dito sa bahay buhat sa ospital kung saan ko na iniwan sa pangangalaga ng mga doctor at nurse si Nanay. Ayoko man siyang iwanang mag-isa ngunit hindi maaari. "Salamat po, Manong." Nakangiti kong pasasalamat sa kanya ng ako ay makalabas sa sasakyan. Agad kong iginala ang aking mga mata. Isang malaking kulay asul na gate ang nasa aking harapan at nakapaligid ang nagtataasang pader na nagsisilbing harang upang hindi makita ang anumang nasa loob ng bakuran. "Pasok na kayo sa loob, Senyorita." Pag-aya ni Manong Raul matapos buksan ang gate upang ako ay makapasok. Magiliw akong nagpasalamat sa may edad na driver bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bakuran. Naisara ko na ang gate bago ko narinig ang ugong ng paalis na sasakyan. Bilin kasi ni Manong ay pagpasok ko sa gate ay agad kong isara at doon lamang siya aalis. Napanganga ko sa ganda at lawak ng bakuran. Nalalatagan ng berdeng bermuda grass ang paligid. May nalalakihang mga paso, mga banga na mayroong mga naglalakihan mga halaman na nakatanim ngayon ko lamang nakita sa tanan ng aking buhay. Sa gitna ng malawak na kapaligiran ay matatagpuan ang isang modernong mansyon na nagsusumigaw sa karangyaan. "Glass house?" bulong kong tanong sa aking sarili. Dahil ang nakikita kong malaking bahay ay gawa sa purong salamin. Nangingiti ako sa ganda ng aking mga nakikita habang naglalakad. Pakiramdam ko isa akong karakter ng isang libro ng pantasya habang naglalakad patungo sa isang palasyo. Kumatok na ako sa malapad na pintuan na gawa sa makapal at mamahaling kahoy ngunit wala pa rin nagbubukas. Naghanap pa ako ng doorbell ngunit wala naman akong makita. Akma na sana akong kakatok muli ng biglang itong bumukas at iluwa ang seryosong mukha ng isang lalaki. Si Senyorito Simon. Batid ko sa sarili ko na matagal ko na rin hinahangaan ang Senyorito na ngayon nga ay akin ng legal na asawa. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Matangos ang ilong at may natural na mapupulang labi na parang bang naka-lipstick. Matangkad at malalapad ang balikat tulad ng mga napapa nood kong artista na alaga sa gym ang katawan. Ang kilay niya ay makakapal at may mga matang maamo na para bang inaantok at natatakpan pa ng malalantik ng pilikmata. Magiliw din siya sa mga trabahador sa hacienda gaya ng kanyang mga Lolo't Lola at mga magulang. Matalino. Buo ang loob na hawakan ang lahat ng negosyo ng kanyang pamilya bagamat 23 years old pa lang. "Tatayo ka na lamang ba riyan at tatanga?" kaswal na tanong niya sa akin na hindi man lang nagbago ng ekspresyon ng mukha. Seryoso. "Magandang araw po, Senyorito." Kimi at nahihiya ko pang pagbati sa kanya. Tumingin siya sa akin na tila may nais sabihin. Kumikibot-kibot ang labi ngunit nanatiling nakatitig lang. Yumuko na lamang ako dahil pakiramdam ko ay tumatagos sa aking pagkatao ang uri ng kanyang mapang-usig na paningin. "Mabuti naman at kilala mo kung sino ako at kung sino ka." Maya-maya ay sabi niya. Humakbang pa siya papalapit sa akin at huminto ng ilang dangkal sa aking harapan. "Lilinawin ko lamang ang mga bagay-bagay sa pagitan nating dalawa. Asawa lang kita sa papel at kapag nasa paligid ang presensiya ni Lola." Deretso niyang sabi. "Hinding-hindi kita kikilalaning asawa ngayong araw na ito, maging bukas o magpakailanman, maliwanag ba?" dugtong niya sa kalmado at malinaw niyang pagpapaliwanag sa kung anong estado ng aming relasyon. Nakayuko pa rin ako pero sunod-sunod akong tumango bilang pagsang-ayon sa lahat ng kanyang mga sinabi. Ano pa ba nga ba ang aasahan ko sa sitwasyong kinasusuungan ko ngayon? "Good at isa pa nga pala, total sanay ka naman sa gawain. Ikaw na rin ang gagawa ng lahat ng dapat gawin dito sa loob at labas ng bahay. Doon banda ang maid's quarter at doon mo dalhin ang mga gamit mo dahil doon ang magiging kwarto mo." Sabay turo niya sa gawing kaliwa ng bahay. Tumango na lang ako ulit at hindi na nagkomento pa. "At wala sana akong mababalitaan na kahit anong makakarating na salita kay Lola. Niintindihan mo ba? Hindi naman siguro ganun ka-kapal ang mukha mo para magsumbong pa sa laki ng pabor na binigay sayo ng Lola ko at isa na doon ang pagpapagamot sa Nanay mo para pasamain pa ang loob niya sa mga bagay-bagay na nararapat lang naman igawad sa mga katulad mo. Hindi ba?" tango pa rin ang isinagot ko kahit ang totoo ay nais ko ng lumubog sa kinatatayuan ko sa mga pang-iinsultong naririnig ko mula sa bibig ng aking asawa. "Umpisahan mo na ang pagluluto dahil nagugutom na ako. Isinunod mo agad ang paglilinis ng buong bahay dahil ilang buwan na ang nakalipas ng huling malinis ito." Sunod-sunod niyang utos sa akin at saka na siya muling umakyat sa hagdan papunta sa pangalawang palapag ng bahay. Mabilis na tumulo ang luha ko pagkaalis ni Senyorito sa harapan ko at mabilis ko rin itong pinahid. Hindi ito ang oras ng drama para umiyak ako. Masakit pala talagang nasasampal ng katotohanan. Katotohanan na ang pagiging asawa ko sa isang tulad ni Senyorito Simon ay hanggang papel lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD