Episode 2

1573 Words
"Desperadang mukhang pera." Napatigil ako sa mabilis na paglalakad ng marinig ng mga salita buhat sa umpok ng mga kababaihan na mga kapwa ko estudyante sa Unibersidad kung saan na sa pangalawang taon pa lamang ako sa kursong aking kinukuha. "Kawawa naman baka kasi wala ng pagkuhanan ng pera kaya ginamit ang katawan." At sabay-sabay silang nagtawanan. Ang tunog ng tawa nila ay ang sakit sa tenga. Wala silang binabanggit na pangalan pero ilang beses ko na silang naringgan ng ganung mga salita sa tuwing madadaanan ko sila. Imposible ba na isa lamang ang topic nila sa tuwing pwede kong marinig ang anumang kanilang pinag-uusapan? Naikuyum ko ng mahigpit ang aking mga palad at ipinikit ng mariin ang aking mga mata at saka nag buntong-hininga ng malalim at ipinagpatuloy ang deretsong paglakad patungo sa aking silid-aralan at hindi na lamang nagpa-apekto sa mga pagpaparinig nila. Kahit sa loob ng mansyon kung saan na ako nakatira ngayon ay madalas kong mahuling nag uumpukan ang mga kasambahay o kaya ang mga trabahador sa bukid habang may mahinang bulungan ngunit agad namang magsisitigil kapag nakita na nila ang aking presensiya. Kaya hindi ko maiwasang manliit sa aking sarili. Wala naman akong ginagawang masama ngunit daig ko pa ang isang inaakusahang kriminal kung kanilang husgahan. Batid ko ang kanilang iniisip patungkol sa akin dahil minsan ay narinig ko ng hindi sinasadya ang isa sa mga kasambahay ng mansyon na nagsasalita ng mga hindi kanais-nais na paratang laban sa akin. Desperada at lahat gagawin para sa pera kaya pinikot ang tagapagmana ng hacienda. Pero alam ng nasa Itaas na hindi ako ganung klaseng tao. Isang linggo na ang lumipas ng maikasal ako. Oo, tama. Kasal na ako. Simpleng kasalan lamang ang naganap dahil madalian. Nais sana ng Senyora Loreta ng isang malaki at bonggang kasal ngunit tumanggi ang senyorito sa ideya na kung tutuusin ay siya rin naman na nais ko. Sabi nila, masaya ang araw ng kasal. Pero mukhang hindi aplikado sa tulad ko. Bukod sa wala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko na walang iba kundi si Nanay. Hindi ko pa gustong ikasal. Disi-otso pa lamang ako. Hindi pa nga ko nagkaroon ng kasintahan o kahit ng manliligaw man lang. Higit sa lahat. Paano ko magiging masaya kung nakasira ako ng isang magandang relasyon na ilang taon na any binilang. Feeling ko isa akong kontrabida sa teledrama na nang-agaw ng kasintahan ng may kasintahan. Sinubukan kong magpaliwanag kay Senyorita Daphne tungkol sa pangyayari ngunit isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. "Mang-aagaw! Akala ko pa naman mabuti kang babae pero ahas ka pala." kalmado ngunit ramdam ko ang galit sa tinig niya ng mga sandaling iyon. Ramdam na ramdam ko ang kanyang pagptitimpi sa kung anumang nararamdaman. Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang dahil hindi ko naman alam kung paano ko dedepensa dahil hanggang ngayon ay wala akung maalala sa nangyari samen ni Senyorito Simon nung gabinŕg yun. "Wala ka na sigurong maisip na paraan para ipantustos sa pag aaral at pampagamot sa Nanay mo kaya nagawa mong pikutin ang nobyo ko." nanlilisik ang mga matang paratang sa akin ni Senyorita Daphne. "Senyorita Dapnhe hindi totoo yan. Wala talaga akong alam kung paanong nangyari yun." At naramdaman ko ang sakit ng humigpit ang anit ko sa pagsabunot niya sa buhok ko. "Sinungaling! Alam mong malakas ka kay Lola Loreta na siyang ginamit mo para makaahon ka nga naman sa hirap. Instant Yaman nga naman." Pagkatapos niyang sabihin ang kanyang mga kataga ay pabalya niya akong itinulak na siyang dahilan ng pagkakasalampak ko sa sementadong aming kinatatayuan. Sobrang sakit ng naramdaman ko sa pagbagsak pero mas nanaig ang sakit at kirot sa puso ko dulot ng masasakit na salita galing kay Senyorita Daphne. Pagkatapos niya akong itulak ay mabilis siyang naglakad palayo sa akin. Matapos ang insedenteng naganap sa pagitan namin ay nabalitaan ko na lamang isang araw ay lumipad na raw pa ibang bansa si Senyorita Daphne matapos ang kasal namin ng kanyang nobyo. Bakit pakiramdam ko ang sama-sama kong tao sa lahat ng mga pagbabagong nangyari? Wala nga akong alam o kahit anumang matandaan. Ano bang mahirap intindihin don? Lahat ng mga nakakasalubong ko ay tinitingnan ako ng may kahulugan na waring sinasabi na ako ay iwasan dahil isa akong mang-aagaw at mukhang pera. "Desperada na kaya nagawang pikutin ang isang mayamang binata." Oo, ganyan ang mga paratang nila sa akin. Sino ba naman nga ako? Isang simpleng babae na anak ng isang katulong sa mansyon. Mahirap lamang at kung hindi sa free scholarship na binibigay ng Unibersidad ay hindi ako makakapag -aaral. Pero libre man akong nag-aaral. Pinaghirapan ko pa rin ang magsunog ng kilay para ma perfect score sa at makuha ang full scholarship. Hindi ako katangkaran sa taas kong 5'2. Hindi rin ako sexy dahil akala mo payat pa ko kawayan. Hindi rin ako maputi bagamat mana ko kay nanay na matangos ang ilong. Ang mga mata ko ay malamang namana ko sa hindi ko nakikilalang tatay sapagkat hindi naman almond shape ang hugis ng mga mata ni nanay..Manipis lamang ang aking labi na laging maputla kaya naman natatawag akong anemic. Maganda naman ako sabi ng Nanay dahil malamang na sasabihin niya 'yon dahil anak niya ako at nag iisa pa. "Nag-iisa na nga lang ako Nay, tinutulugan mo pa ako. Gumising na sana kayo para naman hindi ko maramdaman na nag-iisa lamang ako at walang karamay," bulong ko sa kawalan at saka marahang pininusan ang mga luhang kumawala sa aking mga mata. **** "Sa bahay ko sa QC kami maninirahan." Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain sa hawak kong kubyertos sa aking narinig. Narito kami ngayon sa hapag kainan at sabay-sabay naghahapunan sa isang lamesang pahaba na may dalawampung upuan. Magkatabi ngunit malayo ang distansya ko kay Senyorito Simon katapat niya sa upuan sa kabilang side si Selene at si Lola Loreta naman bilang ulo ng pamilya ay nakaupo sa sa pinakagita ng lamesa. "Paano ang pag-aaral ng asawa mo? Ipapa transfer mo?" tanong agad ni Senyora na tawagin ko na rin daw na Lola sapagkat apo niya na ako at legal na asawa na ako ng kanyang apo. "Bakit kailangan niya pang mag-aral? Kaya ko siyang pakainin ng higit tatlong beses sa isang araw Lola." May pagkasarkasmong sagot ng aking asawa sa kanyang Lola. Asawa? Aking asawa. Parang ang gaan sa pakiramdam na ang isang gwapong binatang mayaman ay akin ng asawa. Pinilig ko ang aking ulo para sa kahiya-hiyang iniisip. "Pero sayang naman at gustong-gustong makatapos nitong asawa mo hindi bat Dean'lister ka iha?" baling na tanong sa aking ni Lola Loreta. "Lola, hindi niya na kailagan pang mag-aral. Gusto na sa loob lamang siya ng bahay at magbantay maghapon. Ganun naman dapat ang babaeng asawa hindi po ba?" may diin sa pagkakasabi ni Senyorito Simon. May punto naman siya pero, titigil ako sa pag aaral? Ganung buong buhay ko iyon ang naging pangarap ko? Ang makatapos para makahanap ng disenteng trabaho na may mataas na sweldo para kahit paano ay mapagpahinga ko na si Nanay sa pagtratrabaho at kahit paano ay maiahon ko siya sa kahirapan. "Okay, total mag-asawa na kayo at ikaw ang padre de pamilya, na sayo na ang lahat ng desisyon," wika ng Senyora habang hinihiwa ang karne ng baka sa plato nya. Maya-maya ay bumaling sa akin ang Senyora at nagwika. "Karen, alam kong gustong-gusto mong makatapos pero ang isang asawang babae ay dapat nagpapasakop sa kanyang asawang lalaki at isa pa tama naman amg apo ko. Kayang-kaya ka niyang buhayin at ibigay ang lahat ng naisin mo." Nakangiting saad ng senyora at tumingin sa akin. Nais ko sanang tumutol sapagkat ayokong ihinto ang pangarap ko dahil lang sa nag-asawa na ako. Hindi ko na isinatinig pa. "Huwag kang mag alala iha, ipapalipat ko sa ospital sa lungsod ang Nanay Karina mo. Mas magagamot sya doon ng husto dahil sa mas advance ang mga gamit ng ospital." Dagdag ng Senyora Tama. Kailangan ni Nanay na gumaling. Mas makakabuti sa kanya ang advance na teknolohiya ng ospital sa lungsod. Sana nga ay matulungan talaga ang Nanay ng sa ganun ay gumising na siya. "Wow! Jackpot ka talaga girl! Nakapag-asawa ka ng isang binatang bilyonaryo. Libre pa sa gamutan ang Nanay mo." Bulalas ni Selene habang nakatingin sa gawi ko at mas lalo ko tuloy hindi matuloy ang pagkain ko sa kanyang sinabi. "Selene!" Tawag ni Senyora sa tinig na nagbabanta sa nais tumbukin ng sinasabi ng kanyang babaeng apo. "Why Lola? May mali po ba sa sinabi ko?" painosenteng tanong naman ng Senyorira na patuloy lang sa pagkain na tila balewala lang ang mga pagtitig ng Senyora. "Si Karen ay asawa na ng kuya mo. Kaya ano man ang kaya nating ibigay para sa kanya ay ibibigay naten dahil karapatan nya na yun bilang may bahay na ng kuya Simon mo. Kaya dapat igalang mo sya bilang hipag mo. Maliwanag ba Selene?" striktong paliwanag ng Senyora. Umirap pa sa hangin si Selene bago pa sumagot. "Okay fine, Lola." Samantalang si Senyorito Simon ay tahimik lamang na kumakain na tila walang pakielam. Gusto ko sana siyang kausapin ng masinsinan tungkol sa mga bagay na dapat kung linawin. Ngunit sa tuwing lalapitan ko siya ay agad siyang lumalayo. Sa tuwing tatawagin ko ang pangalan niya ay para bang hindi niya ako naririnig. Parating nakaseryoso ang kanyang mukha, tiim-bagang at kung wawariin ay mananakit sa oras na may nagkamali na siya ay kantiin o hawakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD