Chapter 4- Rashes

1423 Words
            Matapos akong makipag-usap ay pumunta agad ako sa kabilang barn para tingnan ang ginagawa ni Mason at ni Kuya Juan.  Naabutan kong naglalakad papunta sa tumpak ng dayami si Mason. Salubong ang mga kilay, binuhat niya ang isang talong dayami gamit ang isang kamay. Nagflex ang kanyang muscles sa braso. Sinalang niya iyon sa kanyang leeg.             Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang katawan. Ngumuso ng matanaw ang bakat ng damit sa kanyang pawisang katawan. Oh god, ang hot niyang tingnan!  Lumunok ako at iniwan ang tingin sa kanya. Tumikhim ako para mapansin nilang nandito ako. Lumingon si Kuya Juan sa akin.                         "Oh, Lourdes?" Ngumisi ako at lumapit sa kanila.             Topless si Kuya Juan. Maganda rin ang katawan niyang nahubog na ng aming rancho.             Mayroon silang taniman sa kabilang bayan pero tumutulong siya dito dahil inlined sa cattle ranch ang ipapamana sa kanya ng kanyang ama.                         "Kamusta?" Tanong ko at nginuso ang tahimi na si Mason.             Sinulyapan niya ako pero binalik rin agad ang tingin sa dayami. Anong nangyari dito at sobrang badtrip? Bumalik ang tingin ko kay Kuya Juan na nag-iwas ng tingin sa akin.                         "Huy, Mason!" Sigaw ko dahil wala talaga siyang balak na pansinin ako.             Lumingon naman siya sa akin at sinamaan na naman ako ng tingin.  Naglakad siya para ibaba ang dayami sa loob ng barn. Sumunod ako sa kanya. Nang maibaba niya iyon ay tiningnan niya lang ako na may halong irita.                         "Ano ba? Ginagawa ko naman ang task ko, don't ya worry." Paninigurado niya.             Humihinga siya ng malalalim. Tiningan ko ang lalamunan niyang taas baba ng mapansin ang mapupulang balat sa ilalim ng leeg niya.             Lumapit ako at hinawakan iyon. Halatang gulat siya pero mabilis ring nagbago. Inangat ko ang baba niya para silipin iyon.                         "What's this?" Tanong ko at sinilip iyon.             Papasadahan ko sana ng tingin ng bigla niyang hampasin ang kamay ko palayo sa leeg niya.                         "Don't." Banta niya.             Tinitigan ko siya. Mariin ang pagkakasalubong ng mga kilay niya. Umiling siya at mabilis na bumalik sa pinagkukuhanan ng dayami.  Sa natitirang oras, ay hindi niya ako pinapansin. Nagpatuloy sila hanggang sa maubos namin iyong dayami. May mga kahoy pang kailangang ilipat sa loob para hindi mabasa.                         "Are we gonna transfer this also?" Tanong ni Mason kay Kuya Juan.             Umiling si Kuya Juan.                         "Oo, pero hindi natin matatapos iyan kapag ganoon. Siguro ay bukas na lang."             Tumango si Mason at mabilis na lumabas sa barn. Nakatingin lamang kami ni Kuya Juan sa kanya.             Tumikhim si Kuya Juan.                         "Ganoon ba lagi iyong pinsan mo? Laki ng galit sa mundo eh."             Tumawa ako at nagkibit balikat.                         "Ewan mo dun. Di naman kami close eh."             Naglakad na kami papalabas.                         "Hindi? Magpinsan kayo ta’s hindi?" Tanong niya.                         "First time lang namin nagkita. Sa Canada siya lumaki tas noong senior higschool sa America siya."              Iyon lang alam ko. Nakita ko na siya sa mga picture na pinapadala nila Tito Von kapag pasko. Naikukuwento rin sa akin ni Lolo na parang anak na rin niya si Tita Ana dahil sa kanila lumaki ito.             Natanaw ko ang kalalabas lang ni Mason sa kabilang barn at nakabihis na ulit siya. Nagmamadali siyang lumapit sa akin. Ngumisi ako pero hindi niya ako pinatulan.                         "Tara na." Iyon lang ang kanyang sinabi at nauna nang maglakad. Sumunod ako sa kanya. Mabilis ang lakad niya kahit na madilim na at sobrang putik na ng daan.             Noong makarating kami sa mansyon, mabilis siyang umakyat sa hagdan at umalis na. Ngumuso ako at umakyat na rin papunta sa kwarto ko.             Nagbihis ako at naglinis ng katawan bago bumaba. Natanaw ko ang mga katulong na nag-aakyat ng mga maleta sa hagdanan.                         "Kanino yan?" Tanong ko doon sa isa.             Napatigil iyong isa at nginuso.                         "Sa Mama at Papa mo po, Lourdes."                         "Nandyan na sila?" Masaya kong tanong.             May ganitong ugali kasi sina Mama at Papa. Hindi sila nagsasabi at nagugulat na lang ako na nandito na sila sa Malabrigo.                         "Hmm, wala po eh. Pinauna lang ang gamit. Pinadala sa truck eh." Sabi ng katulong bago pinasok iyon sa kwarto nina Mama.             Bumaba na ako na medyo bagsak ang balikat. Ngunit ng makita ko si Mason na umiinom ng tubig habang nakasuot lang ng pajama ay nagulat ako.             Parang may kung anong nabuhay sa loob ko. Bakit kasi walang saplot sa pantaas! Hindi ako sanay. Lumingon siya sa akin.                         "Enjoying my body?" Ngumisi siya.             Umiling ako at nag-iwas ng tingin.                         "Asa. Anong drama mo at ganyan ang attire mo? Wag mo sabihing fashion rin yan?" Binuksan ko ang ref para kumuha ng chocolate.                         "Everything I wear..is fashion, Lourdes." Ngumisi pa siya.             Umiling ako at hindi na pinatulan ang kanyang kahambugan. Pinasadahan ko ang leeg niyang mapupula. Lumapit ulit ako para tingnan iyon. Marahas kong inangat iyong baba niya.                         "What the hell?" Sikmat niya.             Hindi ko iyon pinansin at mabilis na kumuha ng first aid sa common bathroom.                         "Halika, rashes iyan." Umupo ako sa dining.             Nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin.                         "Ano pang hinihintay mo? Magsusugat yan!"             Ngumuso siya at napilitang umupo. Tinaas niya ang kanyang baba para bigyan ako ng access. Napalunok ako habang binubuksan iyong ointment.             Nilagyan ko ang kanyang leeg at batok. Ramdam ko ang hinga niya at ang init ng balat niya. Oh my god!             Muli akong napatingin sa kanyang dibdib pababa sa kanyang stunning abs. Nag-iwas ako ng tingin.                         "Tapos na." Mariing sabi ko at tumayo na para ligpitin ang kit.             Nakangisi siya sa akin at pinaglaruan ang kanyang labi.  Tinaasan ko siya ng kilay sa ginawa niya.                         "Hmm?" Tanong ko.             Umiling siya at ngumisi ulit bago tumayo.                         "You stared at my body the whole time. Like what you're seeing?"             Kinagat ko ang labi ko. Nahuli niya ako! Nahuli niya akong nakatingin sa abs niya!                         "Hindi! Hinihiling ko lang na sana magkasipon ka!"             Tumayo na ako at pumasok sa common bathroom para ibalik ang kit. Pinasadahan ko sa salamin ang mapupulang pisngi.  Pagkalabas ko ay may suot na siyang tshirt. Nandoon na rin si Lolo at si Lola.  Masama na naman ang mukha ni Mason at iritadong sumisimsim sa tubig.             Napatingin sa akin si Lolo at ngumiti.                         "Lourdes."             Lumapit ako at nagmano sa kanila.                         "Magandang gabi, Lolo, Lola."                         "Kamusta naman ang unang araw ng pagtulong ni Mason?" Sumulyap siya ng mabilis kay Mason.             Ngumisi ako.                          "Okay naman po. Hindi naman po siya naging pasaway."             Tumawa si Lolo at tiningnan si Mason na walang imik.                         "Kapag ganyan ka lagi, bibigay ko na ang car keys mo."              Umiling si Mason at mahigpit na binaba ang baso sa counter.                         "I don't really understand why I need to work for my keys. It's mine. My Mom gave it to me on my 18th birthday."             Dumilim ang mukha niya.                         "Coz' I need to fix that attitude, Mason."             Umiling si Mason na may malaking ngisi.                         "Really? I don't think so, old man. Hindi mo ako makokontrol. Never in your wildest dreams."             Umalis na siya doon. Ngumuso ako. Hindi talaga siya mapipigilan. Para siyang pabebe boy. Bumuga ako ng hangin at nagpaalam na para sundan si Mason.             Kumatok ako sa kwarto niya pero hindi siya sumasagot. Pinihit ko ang seradura at nakita ko siyang nasa balkonahe at nakatalikod. Sumunod ako.                         "Anong ginagawa mo? Sigarilyo yan ah?"             Mabilis kong kinuha iyong sigarilyo sa kanyang bibig.  Galit na galit siya sa akin. Nakasara ang kanyang bibig at madilim na nakatingin.                         "Oh? Masama daw ito sabi ni Papa. Wag ka ngang gumamit nito." Tinapon ko iyon.             Hindi siya umiimik. Nang tumingin ako sa kanya ay nanlilisik ang kanyang mga mata. Maigting rin ang kanyang panga.                         "Do me a f*****g favor, Lourdes."             Huminga siya ng mabilis pero hindi nagbabago ang kanyang mukha. Noong makita ko iyon, bumilis ang pintig ng aking dibdib. Humataw ang aking takot.                         "Leave me. Please." Mariin ang kanyang salita.             Kinagat ko ang nguso ko at parang nagka-ugat ang aking paa. Hindi ako makagalaw.                         "Leave! Or else I'll have no choice but to f*****g hurt you!" Pagkasigaw niya sa akin ay mabilis akong umalis doon.             Nanginginig ako. Hindi ko maintindihan pero nakakatakot siya. It's like he is a monster and it scaring the hell out of me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD