Tanghali na ng bumaba ako sa kwarto. Hindi kasi ako makatulog doon sa nangyari kagabi. Sa hitsura niya, hindi malabong kaya niyang manakit ng babae.
Walang tao sa buong mansyon. Binuklat ko ang mga nakatakip na pagkain sa lamesa. Kumain na lang ako doon ng pumasok ang isang katulong na may dalang mga gulay na bagong pamili.
"Magandang umaga, Lourdes." Bati niya.
Ngumiti ako.
"Nasaan ang mga tao?"
Nilingon niya ang bintana.
"Ang alam ko ay maagang umalis iyong si Mason papunta sa rancho tapos ang mga Lolo at Lola mo naman ay pumunta sa handaan doon sa bayan."
Tumango ako. So, si Mason ay nasa rancho? Siguro ay ginagawa na niya agad ang paglilipat ng kahoy.
"Kasama ba ni Mason si Kuya Juan?" Tanong ko.
Tumango siya.
"Oo eh. Tanaw ko sila kanina."
Hindi na ako nagtanong at tinapos na ang pagkain ko. Atleast, hindi ako masyadong magmamadali dahil may nagbabantay naman pala sa pasaway na si Mason. Umakyat ako para magbihis. Siguro ay ipapalabas ko ang aking kabayo sa kanyang kwadra. Matagal ko nang di nasasakyan iyon.
"Manang, pakitawagan naman po si Kuya Marco na ilalabas ko po si Montego." Pakiusap ko kay Manang bago ako magpalit ng damit.
Nagpake na rin ako ng gamit at nilagay na iyon sa isang bag para dalhin sa rancho. Maingay ang baba. Kita ko ang pagtaas baba ng mga katulong at may nga dala silang tsinelas at kung anu-ano pa.
Bumaba na rin ako para tanungin si Manang kung ano ang meron ng magkatinginan kami ng isang lalaking nasa ibaba ng hagdanan. Kinagat ko ang labi ko.
Ang kanyang mga mata ay kapareho ng kay Mason pero mas malalalim iyon. Manipis ang kanyang labi, samantalang ang kay Mason ay medyo makapal ng kaunti. Mas maputi si Mason kumpara sa kanya.
Lumunok ako at kita ko ang pag-awang ng kanyang bibig. Siya ang ama ni Mason. Mabilis akong bumaba at ngumiti. Ito rin ang una naming pagkikita. Kadalasan, ay sa mga litrato lang.
"Tito Von?" Awkward na bati ko.
Nanatili ang mga mata niya sa akin at tipid na tumango. Hindi ako kumportable sa pagtitig niya. Para siyang stunned or something. Lumunok ako lalo na ng tumikhim siya. Kamukha niya si Mason!
"You really have your mother's face." Bungad niya at di man lang tinagtag ang kanyang titig sa aking mukha.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Tumango ako. Kamukha ko si Mama. It's just that medyo morena ako dahil dito na ako lumaki sa rancho. At mas mapayat si Mama sa akin noong ganito ang edad niya.
Umiling siya at mabilis na hinarap si Manang na walang imik.
"Nasaan ang anak ko, Manang?"
Sumulyap sa akin si Manang. Nag-iwas ng tingin sabay tumikhim.
"Nasa cattle ranch. Pinarusahan ng Lolo Robin niya, masyado kasing pasaway. Gusto mo ba na ipatawag ko kay Lourdes?"
Tumingin sa akin si Tito Von at umiling.
"Wag na po. Hayaan mo munang gawin niya ang task niya."
"Oh sige, kumain ka muna." Anyaya ni Manang.
Tinapik ako ni Tito Von sa aking balikat at umalis doon. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makaalis na sila sa sala. Kinagat ko ang labi ko at sumunod sa dining.
"'Nang, natawagan niyo na po ba si Kuya Marco tungkol kay Montego?" Ngumuso ako.
Sumulyap ako kay Tito Von na kumakain doon.
"Oo. Inaayos na raw. Saan ka ba magpupunta? Di mo ba babantayan si Mason gaya ng sabi ng Lolo mo?" Naglipat ang tingin ni Manang sa amin ni Tito Von.
Hindi ko maintindihan pero para silang may tinatago. Nag-angat ng tingin si Tito Von sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi na po. May kasama na naman siya doon. Pupunta po muna ako sa maliit na branch ni Papa dito sa bayan."
May maliit na branch si Papa ng kanyang clothing business sa bayan. Maliit lang iyon pero umasenso naman. Tumango naman si Tito Von.
"Si Chester nga ang Papa mo ano?" He smiled.
Ngumiti ako. I miss my papa so much!
"Opo. Chester Cruz."
"I know him. He's my friend." Ngumiti si Tito Von.
Nagpaalam na rin agad ako. Wala na akong masasabi. Pumunta ako sa branch para tingnan ang mga benta at bagong launch.
Gumala rin ako sa mga bentahan sa palengke. Namili na rin ako ng mga gulay. Balak kong gumawa ng veggie salad mamaya.
Nang gabi na ay bumalik na ako. Sinalubong ako ni Kuya Marco para ibalik sa kwadra si Montego.
"Hinahanap ka ng Lolo mo." Sabi niya.
Tumakbo ako papunta sa mansyon. Nang buksan ko iyong pintuan ay bumungad silang lahat sa akin na nasa sala at umiinom ng tsaa.
"Lourdes." Tawag ni Lolo.
Umupo ako sa tabihan ni Mason kasi 'yun ang libre. Masama na naman ang lagay ng kanyang mukha. Lagi naman eh!
"Nameet mo na raw ang Tito Von mo?" Tanong naman ni Lolo.
Si Lola ay nanatiling walang imik. Hindi siya mukhang masaya ngunit hindi rin naman galit.
"Opo. Kanina po." Ngumiti ako.
Nag-usap pa sila tungkol sa mga business abroad. Wala akong maintindihan, sa nangyayari. Maging si Mason ay wala ring imik.
"Buti pa kayo at umuwi na kayo. Si Vernon ay wala pa ring balak. Mas gusto pa ring maglagi doon sa US." Pahayag ni Lolo.
"Bakit hindi na lang tayo mag-usap sa hapag?" Ngisi ni Lola. Tumayo na kami at nagpunta na sa kusina.
Nang naroon na kami ay wala pa rin akong imik. Nanatili akong nakangiti. Nahuling dumating si Mason at si Tito Von. Pareho silang tahimik. Walang imik na umupo sa aking tabihan si Mason. Tiningnan ko siya ngunit wala siya.
"Mason, let's pray before we eat." Pahayag ni Tito Von nang makitang kumukuha na si Mason ng kanin.
Padabog na binaba ni Mason ang kanyang kubyertos. Ramdam ko ang galit niyang panga.
"Yeah, whatever."
Nagdasal kami bago pinasinayaan ni Lolo ang pagkain. Inabutan ko si Mason ng ulam. Tinanggap niya iyon pero wala siyang imik. Nag-iwas ako ng tingin at kinagat ang aking labi. Nahagip ng aking paningin ang titig ni Tito Von sa aming dalawa.
Maraming kuwento si Tito Von tungkol sa mga nangyari sa US. Wala akong ginawa kundi ang makinig. Natapos lang iyon, nang pumasok si Manang kasama si Kuya Juan.
"Oh? Juan? Ba't naparito ka? Halika, kumain ka na muna." Alok ni Lola at tumawag sa isang katulong para sa plato at kubyertos.
"Hindi na po. Dumaan lang po ako rito para kausapin si Lourdes."
Tiningnan ko siyang nagtataka. Tatayo na sana ako ng magsalita si Tito Von.
"Makakapaghintay iyan. Kumain na muna tayo." Nagkatinginan kaming dalawa at naputol iyon ng mahulog ang kutsara ni Mason.
Mabilis iyong pinalitan ng mga katulong. Umupo si Kuya Juan sa tabi ko. Ngumuso ako at hindi na umimik.
Isinali nina Lolo sa usapan si Kuya Juan. Malaki na rin kasi ang naging produksyon sa rancho simula ng sa amin magtrabaho si Kuya Juan. Talagang malaki ang utang na loob ni Mama sa kanya at sa mga Lastimosa.
Nang matapos kami ay pinahanda ni Lolo ang salas para doon maghimagas. Masayang masaya siya dahil marami na kami sa mansyon. He really loved Tita Ana as her own kahit na pamangkin niya lamang ito.
"Anong gaganapin sa ikatlong taong anibersaryo ng pagkamatay ni Ana?" Tanong ni Lolo.
Sa pagkakatanda ko ay sa ikatlong linggo iyon ng susunod na buwan. Sumandal si Mason at nakita ko ang pagkagat niya ng labi. Nang maramdaman niyang nakatingin ako ay minasdan niya ako pabalik. Nag-iwas ako ng tingin at pilit na tumitig sa muwebles sa may bintana.
"Magpapadasal at magpapamisa na lang ako siguro. Saka kaonting salu-salo sa mga pupunta." Sagot naman ni Tito Von at kita ko ang pagguhit ng sakit sa kanyang mata.
"I can't believe na wala na si Ana." Dagdag ni Lolo.
Sandaling nanahimik ang lahat ng matapos ang usapan sa mga plano ng biglang bumukas ang double doors ng mansyon. Pumasok roon si Papa at si Mama na magkahawak kamay at halatang nagulat sa sumalubong sa kanila.
Kita ko ang paghinahon ni Mama at ang paghila ni Papa papalapit sa kanyang katawan.
"Von..." Tawag ni Mama.
Tumayo si Tito Von halata rin ang gulat sa kanya.
Tumikhim siya.
"Veronica."
At nilipat niya ang tingin kay Papa na ipinulupot ang kamay sa bewang ni Mama.
"Chester."
Kahit hindi ko masakyan ang nangyayari ay alam kong hindi sila kumportable. This is really, awkward.
Nang bumalik sa dati ay humalik si Mama kina Lolo at Lola. Si Papa naman ay ganoon din. Ibinuka ni Papa ang kanyang mga braso para yumakap ako sa kanya. Tumatawang lumapit ako doon at niyakap siya ng mahigpit.
"I missed you, kiddo." Ginulo ni Papa ang buhok ko.
Ngumiwi ako doon at inirapan siya.
"Di na ako kiddo! Eighteen na ako!" Pag-alma ko.
Tumawa sina Mama at ang mga Lolo at Lola sa sinabi ko. Niyakap rin ako ni Mama at hinalikan sa pisngi. Nasa pagitan ako ni Mama at ni Papa ng tumayo si Mason at mabilis na umalis doon ng walang sinuman ang tinitingnan.
Kinagat ko ang labi ko.
"Pasensya na kayo doon." Huminga ng malalim si Tito Von habang nakatingin sa lugar ng pinuntahan ni Mason.
Tumango si Mama.
"Iyon na ba si Mason? Kamukha mo."
Ngumiti si Tito Von ng tipid.
"Yeah. Kamukha mo rin naman si Lourdes, noon."
Huminga si Mama at hinawakan na ang kamay ni Papa bago ngumiti kay Tito Von.
"It's nice to see you, again." Bulalas ni Mama bago ngumiti at binaling ang tingin kay Papa.
Nahuli ko ang pag-iwas ng tingin ni Tito Von at nilipat iyon kay Lolo at Lola na nakamasid lang.
I can feel the sudden tension. Hindi ko na alam kung paranoid lang ba ako o talagang meron.