Sa buong araw namin sa school, puro Mason ang topic. Ganun siya, kasikat. Medyo nabibingi na ako sa paulit ulit nilang tanong tungkol sa kung hanggang kailan siya dito o sa kung close raw ba kami.
Nang uwian na ay nagpaalam agad ako kina Sophia at sumakay sa Alterra. Wala pa doon si Mason.
"Manong sa atin ba ulit sasabay si Mason?" I asked.
Pupunta pa ako sa cattle ranch. Nangako kasi ako kay Mama, na ako na muna ang tutulong doon. Ngayon dadating ang vet ng rancho.
"Oo, utos ng Lolo niyo eh. Natext ko na naman si Mason. Papaunta na raw dito."
Ngumuso ako.
So, textmates sila ni Manong?
Nang makalipas pa ang ilang minuto ay lumabas na si Mason sa building kasama ang ilang basketball players. Kinagat ko ang aking labi lalo na ng makita ko ang pagngiti niya sa isang kilalang player doon. So, may mga kaibigan na rin siya? At ano bang pakialam ko?
Bumukas ang kabilang pintuan. Pumasok siya at hindi man lang ako pinansin. Magaling.
"Ang snob mo naman, couz'" Sarkastiko kong bigkas.
Umiling siya at umirap.
"Tch." Iyon lang ang naging sagot niya at nagsuot na muli ng earphones.
Hindi ko talaga kuha ang ugali ng mokong na ito. Walang umiimik sa byahe pabalik ng mansyon. Bumaba agad siya ng matanaw si Lolo na nasa may porch. Sumunod naman ako sa kaniya.
"Kamusta ang eskwela?" Tanong ni Lolo.
Ngumiti ako.
"Okay po, Lolo."
Nahagip ng aking mata ang pagkairita ni Mason sa aking tabi.
"Cut the formalities. Anong gusto mo?" Mariing tanong niya.
Hindi na nagulat si Lolo sa kagaspangan ni Mason. Wala na talagang pag-asa ito.
"Grounded ka, and for the punishment. Tutulong ka sa rancho ng isang buwan." Para namang tumakas ang kulay sa kanyang mukha.
"What?" Hindi makapaniwala ang kanyang mukha.
"Ako? Sa rancho? Hell no!"
Tumawa ako ngunit mahina. Iyong sapat lang para marinig niya. "Buti nga."
Ngumisi si Lolo.
"Ayaw mo? Say goodbye to your sportscar, then."
Tatalikod na sana si Lolo para pumasok sa mansyon. Bumubulong si Mason ng ilang mura bago tumunghay.
"Alright! I'll f*****g do it!" Sigaw niya.
Matagumpay namang humarap si Lolo sa aming direksyon.
"Akala ko masasayang ang pagpapa ship ko ng kotse mo from Canada." Humalakhak pa si Lolo. Tumigil din agad siya.
"Lourdes." Tawag ni Lolo.
Bumalik ang tingin ko kay Lolo. Nakangiti siya sa akin.
"Po?"
"Gusto kong gabayan mo si Mason sa pagtulong niya sa rancho."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Lolo. Narinig ko ang mahihinang tawa ni Mason sa aking gilid.
"Buti nga." Gaya niya sa sinabi ko kanina.
Mabibigat na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Lalong lumapad ang ngisi niya sa akin.
"Pikon, much couz'?"
Iniwan niya ako doon at umakyat na sa hagdan para makapasok sa mansyon. Gusto kong magwala noong maiwan ako doon. Magkakasama pa kaming dalawa sa loob ng isang buwan? Argh.
Umakyat ako sa aking kwarto at mabilis na nagbihis ng uniporme. Ngumanga pa ako sa harapan ng salamin. Nakakairita talaga siya. Maisip ko pa lang ang mukha niya wala na akong maramdaman kundi ang sarap sakalin ng leeg niya!
Hinagilap ko ang boots at ang flannel ko. Mabuti pa nga na maglagi muna ako sa cattle ranch. Pagkababa ko ay naroon sa sala si Mason at nakatingin sa cellphone niya.
Nang makita niya akong bumababa ay tumayo na din siya. He's wearing white vneck shirt, maong pants and a pair of white rubber shoes.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
Umirap siya sa akin.
"Punsihment, remember?"
Tumawa ako at pinasadahan ng tingin ang katawan niya.
"While wearing that?" Tinuro ko pa iyong sapatos niya.
"What's wrong? This is fashion, cowgirl." Nakataas noong sabi niya.
Alam ko kung ano iyon! Pero hindi siya tatagal sa rancho kung ganun ang susuotin niya. Umirap ako.
"Alam ko iyan, pero ang sa akin lang, Mr. Fashionista, hindi yan pwede sa rancho."
Ngumuso siya sa sagot ko.
"Pero kung gusto mo naman nakaoutfit of the day ka, why not diba? Let's go."
Lumabas na ako at naglakad sa parteng likuran ng rancho. Nakasunod naman siya sa akin. Napangiti ako ng makita ko ang maputik na parte sa harapan ng cattle ranch. Nang makapasok ako sa bakod ay dumiretso na ako sa barn. Kinawayan ako ni Kuya Juan, telling na nandoon na ang vet para sa mga baka.
Nilingon ko ang nagmumurang si Mason sa di kalayuan. Nakatingin siya sa kanyang sapatos na lubog na sa putik. I secretly grin sa nakikita.
Lumapit pa ako sa kanya at nilahad ang kamay ko.
"Need help, couz'?"
Sinamaan na naman niya ako ng tingin.
"Shut up!" Singhal niya.
Humalakhak ako sa hitsura niya. Puno na siya ng pawis. Hinigit ko naman siya papalayo sa putik at pinaakyat ko siya sa malaking bato. Kumuha ako ng sanga sa kung saan at binigay iyon sa kanya.
"What am I gonna do with that?" Tanong niyang nawiwirduhan.
Umiling ako at inalis ang mga putik sa sapatos niya gamit ang sanga.
"Oh, ikaw na tumapos."
Nilapag ko iyon sa harapan niya. Tinuloy naman niya iyon. Tinitigan ko lang siya sa kanyang ginagawa.
"Sinabi ko naman sa'yo diba? Hindi pwede yan."
Umiling siya.
"It wasn't my fault! I didn't expect that this ranch was full of this shit." Paliwanag pa niya.
"Malamang po, senyorito. Rancho ito, hindi ito amusement park." Irap ko.
"Saka pwede ba, wag ka ngang mag-english ng mag-english diyan! Hindi ka maiintindihan ng karamihan sa trabahador eh."
Umirap siya at humalukipkip.
"Whatever. Let's get over with this." Tumayo na siya at umalis doon.
Pumasok na kami sa rancho. Nang naroroonna kami ay bumati agad ako sa vet. Nag-usap kami sa mga kailangang bitamina ng mga baka. Nilingon si Mason ng ilan sa mga trabahador. Ngumuso ako. They're probably figuring who is he.
"Ah, si Mason nga po pala. Tutulong po siya dito sa atin sa cattle ranch." Nagngitian ang mga trabahador pero walang emosyon ang mukha niya.
"Siya na ba iyong anak ni Ma'am Anasela at ni Sir Von?" Tanong ni Kuya Juan.
Tumango ako at inakbayan si Mason. Kinakalas niya iyon pero kinurot ko siya sa braso. Masama ang tingin niya sa akin.
"Tutulong siya sa rancho? Pero bakit ganyan ang suot niya?" Tanong naman ni Kuya Juan.
"Naku, baka madungisan ang suot niya."
Tumango ako at ngumiti.
"Oo nga po eh! Hindi naman maniwala sa akin. Turuan niyo nga ho ng tamang damit pag nasa rancho. Akala ata, nasa Manila na parang nagfafashion show eh."
Tumawa si Kuya Juan at tumingin kay Mason.
"Sunod ka sa akin, may mga extra pa kaming damit dito."
Hindi gumalaw si Mason. Tinapik ko naman siya at tinulak sa direksyon kung saan pumunta si Kuya Juan.
"Kung ako sa'yo. Palitan mo muna damit mo. Sayang mukhang mamahalin eh." Ngumisi ako.
Hindi siya sumagot at naglakad na papunta doon. Sinamantala ko iyon para lumapit sa mga bagong anak ng baka.
Kinausap ko na rin ang ilang manggagawa tungkol sa ilang delivery sa mga karne. Nang biglang bumukas ang pintuan kung saan pumasok sina Mason.
Napalingon ako, lalo na ng lumabas siya. He'w wearing boots, a flannel shirt na nakatakip sa kaninang puting shirt. Nakasimangot siya. Halos malaglag ang hawak kong papel sa nakita ko.
He looks like a freaking cowboy. A very hot cowboy. Yung napapanood sa tv. Sobrang gwapo talaga. Bumagay ang medyo dirty blonde niyang buhok. Kapag nakita siya ng kababaihan sa ganito, paniguradong magtititili ang mga iyon.
"Wow, ang gwapo mo diyan." I said.
Ngumisi pa ako. Gusto kong maging sarkastiko, pero sobrang gwapo niya talaga. Para siyang model na nagpophotoshoot sa rancho. Lalo siyang sumimangot sa sinabi ko at tumingin kay Kuya Juan.
"Let's go. I wanna finish my task and go home."
Lumabas agad siya sa barn. Maging ang paglakad niya ay puno ng pagiging dominante. Tumango si Kuya Juan at tiningnan ako.
"Pupunta lang kami sa kabilang barn para sa dayami." Paalam niya.
Mabilis akong ngumiti at tumango.
"Sige. Pero ikaw na bahala sa couz' ko ah? Pahirapan mo ng konti." Tumawa ako sa sinabi ko.
Napailing si Kuya Juan bago lumabas. Binalik ko ang tingin ko sa planner pero ang utak ko ay nanatiling nasa ginagawa ni Mason sa kabilang barn.