Nagising ako ng maaga dahil may klase pa ako. Nagtungo ako sa kusina para sa breakfast ng madatnan ko doon si Mason na kumakain. Sa harapa niya ay maraming lutong bacon at eggs. Tumaas ang kilay niya ng makita akong papalapit. Gusto kong umirap, pero masyado na akong busy para patulan pa ang kagaspangan niya.
Umupo ako sa harapan niya. Lumabas ang isang katulong at pinagsilbihan ako. Nakatingin lang ako sa kanya sa buong minutong iyon. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"What now?" Tanong niya.
Umiling ako at kumain na lang. Hindi ko siya papansinin. Kapag pinansin mo ang mga katulad niya, lalo lang siyang magkakaroon ng lakas ng loob na bwisitin ka.
Nang makailang subo ako sa fried rice ay dumating sina Lolo at Lola. Mabilis ko silang sinalubong para magkapagmano. Si Mason naman ay nanatiling nakatuon sa kanyamg pagkain at hindi nag-atubiling magmano.
Umupo na rin sina Lola sa kanilang mga upuan at mabilis na nilagayan ng tsaa ang kanilang mga baso.
"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi, Mason?" Tanong ni Lolo.
Tumango si Mason sa kanya.
"I want to change my bed. Hindi ako komportable."
Napanguso ako sa sinabi niya. Ang lakas naman ata ng loob niyang mag-utos gayong kararating lamang niya.
"I guess nagkakilala na kayo ng pinsan mo?" Tanong ulit ni Lolo at ngumiti sa akin.
Ngumiti na rin ako sa kanya. Padabog na binagsak ni Mason ang kanyang kubyertos at madaling pinunasan ang bibig. Masama ang kanyang tingin at inangat iyon sa akin.
"Hindi ko siya pinsan." Iyon ang lumabas sa bibig niya.
Galit ang kanyang tono.
Kinagat ko ang labi ko para pigilang sumabat. Kagabi pa siyang ganito sa akin. Gets ko na ayaw niya akong pinsan pero di naman sobrang OA na niya? Uminom ako ng tubig at nagbaba ng tingin lalo na ng tumayo siya at tumungo sa labasan sa kitchen.
"Mason!" Sigaw ni Lolo kay Mason.
Strikto ang boses na iyon ni Lolo. Kinagat ko ang labi ko. Now, my morning's full of tension.
"Come back here." Mariing utos ni Lolo.
"What makes you think, I'm gonna sit there and deal with your nonsense talks?" Nagulat ako sa sagot ni Mason.
Walang bahid ng pagsisisi ang kanyang mukha. Huminga ng malalim si Lolo at tumingin ng mahinahon kay Mason.
"Look, Mason. Sa akin ka pinagkatiwala ng Daddy mo kaya ako ang masusunod dito. Bumalik ka dito or else icucut ko ang allowance mo and I'll ground you for a month." Banta ni Lolo.
"Ohh... Yeah?" Nagngising aso si Mason at humalukipkip pa.
Tumikhim si Lolo. "Do not push my buttons, Mason."
Umiling si Mason.
"If that will make you, happy. Then, do it. I don't care if I'll be grounded." Lumabas siya sa pintuan.
Huminga ako ng malalim pagkatapos noon. Malaki ngang gulo si Mason. Masyado niyang pinagtitiwalaan ang sarili niya. Masyado niyang pinaniniwalaan na siya ang batas dito. Delikwente talaga siya.
"Pasensya ka na doon, apo. Ganoon talaga iyong si Mason. Naninibago pa siguro." Sabi naman ni Lola at uminom sa kanyang tsaa.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng agahan. Medyo nahimasmasan na rin si Lolo at nakukuha nang makipagtawanan kay Lola.
"Oo nga pala, iha. Tumawag ang Papa mo dito kagabi. Kakausapin ka ata, kaso wala ka naman dahil nasa cattle ranch ka noong oras na iyon." Panimula ni Lola.
Tumango ako. Siguro ay tatawagan ko si Papa mamaya. Hindi rin naman sasagot iyon sa akin dahil kapag ganitong oras ay busy iyon sa clothing line.
"Magkasama raw ba sila ni Mama, La?" Tanong ko.
Si Mama ay nasa Maynila rin sa buong linggo may inaayos siyang project doon. Sa sabado ay paniguradong nandito na ulit siya.
"Oo, tawagan mo sila mamaya. Miss ka na ata nila." Bilin ni Lola ng ligpitin ko ang kinainan ko.
Tumayo na ako at humalik sa mga pisngi nila.
"Sige po, mauna na ako." Sinakbat ko na ang aking bagpack at lumabas na sa mansyon para puntahan si Manong Alonso.
"Magandang umaga, Ms. Lourdes." Bati niya.
Tumango ako at lumapit na para buksan ang pintuan ng tumingin rin doon si Manong.
"Naku, nandyan po iyong anak ni Ma'am Anasela. Kasabay niyo pong papasok." Paalam niya.
Nagtaas ako ng kilay. Sasabay sa akin si Mason? Himala? Tumango ako. Siguro ay utos ito ni Lolo. Wala akong magagawa kundi ang sumabay sa delikwenteng ito.
Binuksan ko ang pintuan at umupo na roon. Nakapikit siya at nakaheadset. Nakasandal siya sa bintana. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. Napakamasunuring bata. Hindi man lang nag-suot ng uniporme.
Pinaandar ni Manong Alonso ang sasakyan. Tahimik lang ang buong byahe. Nagrereview rin kasi ako sa subject ko mamayang hapon dahil may exam ako doon. Nang nasa gate na kami ay natatanaw ko na ang mga kaibigan kong nagtatawanan. Inayos ko ang sarili ko.
Gumalaw naman ang natutulog na si Mason at tinagtag ang kanyang headset. Mariing tingin ang ginawad niya sa akin.
Sa kaunting oras na iyon ay nagkatitigan kami. Nang patayin ang makina ay saka lang ako nag-iwas ng tingin. Hindi ko inakalang kinaya kong tingnan ang mga mata niyang may libo- libong emosyon. Kinagat ko ang labi ko bago lumabas doon. Dumiretso ako sa pwesto ng mga kaibigan ko nang di man lang nililingon ang sasakyan.
"Friend!" Nakangangang bigkas ni Mika habang nakatanaw sa alterrang nasa aming likuran. "Si hot guy yun ah?"
Nagtinginan lahat ang mga kaibigan ko sa tinuro ni Mika. Kalalabas lang ni Mason mula sa Alterra. Kunot ang noo niya at mabilis na binagsak ang pintuan bago naglakad papalayo doon.
"Kasabay mo?" Tanong pa ni Sophia.
Tumango na lang ako at nag-umpisa ng maglakad papunta sa unang subject namin.
"Paano?" Usisa ni Mika.
Umirap ako at umupo na sa pinakalikod. Pinagitnaan nila ako samantalang sina Jona naman ay sa likuran ko pumwesto.
Nilabas ko ang cellphone ko.
"Kasi sa iisang bahay lang kami nakatira?" Pabalang na sagot ko at nagtipa na lang ng mensahe para kina Mama at Papa.
Niyuyog ako ni Sophia.
"What the hell? Oh my!"
Inalis ko ang mga kamay niya sa braso ko at tinaasan siya ng kilay. "Paano? Paano?" Tanong niya.
"Anak siya ni Tita Ana, iyong pamangkin ni Lolo. Dito na siya mag-aaral kasi pinauwi ng Daddy niya kaya sa mansyon siya magsstay." Sagot ko dahil wala atang balak tumigil nito hanggang hindi nakukuha ang gustong impormasyon.
"So, pinsan mo pala si hot guy?" Tanong naman ni Mika.
Umirap ako at nilabas na lang ang notebook ko para makapagdoodle doon ng kung ano habang hinihintay ang aming propesor.
"Hindi ko siya pinsan. Siya na mismo ang nagsabi. Pero yes, pinsan ko siya sa salita pero hindi sa dugo." Paglinaw ko sa kanila.
Tumango naman sila ng sabay.
"Sabagay, alam naman iyan ng lahat dito sa Malabrigo."
Natigil ang lahat sa ginagawa ng dumating ang aming propesor. Isang oras rin akong halos antukin sa subject na iyon. Matapos iyon ay nagligpit na ako ng gamot para sa susunod na subject.
Naglalakad na kaming magkakaibigan sa hallway ng mapadaan kami sa pinagkukumpulang si Mason. Umiling ako. Mukhang ikalawang araw pa lang niya ay marami nang humahanga sa kanya. Pinaghalong mga babae at lalaki iyon. Ang iba ay tinatanong siya.
Gusto ko mang iwasan ay hindi pwede. Dadaan at dadaan kami doon dahil nasa mismong gitna sila ng daan.
"Grabe naman pala yang pinsan mo, Lourdes. Pinagkakaguluhan agad." Sambit ni Jonas sa aking tabi at minamata ang kumpulan ng tao.
"Swerte niyan! Pipili na lang ng kahit sino sa mga babae dito eh. Mukhang interesado pa si Maya, oh!" Turo ni Marion sa babaeng matangkad na laging sumasali sa Ms. Intrams.
Hindi ko na sila pinansin. Naglakad ako ng diretso at handa na sana silang lagpasan ng biglang magsalita si Mason sa dagat ng ingay.
"Couz'." Gusto kong masamid sa bati niyang iyon.
Couz?
Talaga?
Natahimik ang mga tao doon. Tinulak pa ako nina Sophia at Mika.
Nilingon ko siya at nakita ko ang mapang-asar na ngisi niya. Galit pa rin at mabibigat ang titig niya. Gusto ko siyang tarayan sa ginagawa niya. Couz? Di naman kaya siya masuka doon sa pagtawag niya sa akin noon?
Tipid akong tumango at pumihit na ulit sa paglalakad. Hindi ko na ulit siyang nilingon.
Ihanda mo iyang sarili mo, Lourdes. Ihanda mo ang buhay mo sa pagdating ng lalaking iyan. Ihanda mo ang sarili mo sa pagbabagong dadating. Pero ‘wag na ‘wag kang magpapaapi.