Chapter 1-Decerna

2091 Words
            Naglalakad ako sa maputik na daan papunta sa eskwelahan. Nasiraan kasi si Manong, iyong laging naghahatid sa akin dito sa school. Maulan at nalubog ang mga gulong noon sa makapal na putik. Wala akong choice kundi ang maglakad.             Tumingala ako sa makulimlim na langit. Uulan pa ata. Buti na lang at may dala akong payong. Binilisan ko ang lakad at nakita ko ang gate ng kolehiyong pinapasukan ko. Natanaw ko ang aking ilang kaibigan sa labas ng gate. Nagngisian ang ilan sa kanila.                         "Oh? Bakit naglalakad ka?"             Lumingon sa likuran ko si Sophia.             Nagkibit balikat ako.                         "Hindi kasi kaya ni Mang Alonzo na iahon sa putikan iyong alterra."              Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan ko. Naroon na sina Jonas, Mika, Sophia, at Ian.                         "Bakit hindi na lang kayo sa room naghintay?" Tanong ko.             Ngumisi silang lahat at nag-umpisa ng lumakad. Nang makarating kami sa unang klase namin sa Business Ad ay umupo na kami sa pinakalikuran. Nasa pagitan ako ni Ian at ni Sophia. Maingay ang klase, wala pa ata ang professor namin. Tumunganga lang ako at nakinig sa mga kinukwento ni Sophia tungkol doon sa mga lower years na babae.                         "Lourdes!"             Napalingon ako doon sa tumawag. Nakita ko iyong kateam ko sa varsity na kumakaway sa akin sa bintana. Ngumiti ako at kumaway na rin.             "May laro tayo mamaya. Attend ka na raw sabi ni coach." Tumango ako.             Straight na isang linggo akong di nakakaattend sa training. Hinihintay ko kasi na manganak iyong baka sa cattle ranch. Tinulungan ko si Mama doon. Natahimik ang lahat ng dumating si Ms. Isagani, iyong prof namin at nagdiscuss na siya para sa aming preliminary exams.             Noong lunch na ay kumain kami sa canteen at nagkakatuwaan sa mga napapag-usapan tungkol kadalasan sa aming negosyo o kaya naman kina Jonas na gotohan at sa kung saan saan pa dito sa probinsya.              Nag-ipit na ako ng buhok ko matapos makapagbihis. Inayos ko iyong knee pads ko bago sumama sa mga player na nagwawarm-up. Nang mapagpawisan ay nag-umpisa na kaming maglaro. Seryoso kami dahil malapit na ang palaro. Sinipa ko iyong bola at mabilis na pinasa kay Mika.                         "Goal!" Sigaw ng ilang kasamahan ng sipain iyon ni Mika.             Nagtawanan kami at nilapitan si Mika. Nagpatuloy lang ang laro hanggang sa itulak ako noong isa habang nakikipag-agawan sa bola. Bumagsak ako sa medyo basang damuhan. Pumito ang aming coach para sa penalty kick.              Pumuwesto ako sa harap ng goal. Huminga ako bago sipain iyon ng biglang magtilian ang ilang babaeng nanonood. Hindi ako nagpaapekto doon. Sinipa ko iyon pero sa halip na sa goal 'yon tumungo ay tumama iyon sa lalaking nakalongsleeves na dumaan. Tinamaan siya sa kanyang ulo.              Masama ang tingin niyang binaling sa akin. Namukhaan kong bago iyon. Kaya siguro nagtitilian ang ilang kababaihan dahil sa kanya? Matangkad siya at halata mong naglilift. Umiling ako at lumapit pa sa kanya.                          "Sorry." Hingi ko ng dispensa.             Hindi pinasadahan. Sumimangot pa siya at pinasadahan ako ng pinasadahan ako ng tingin bago umalis doon.  Natapos ang laro at nagpapalit na ako ng damit ng biglang pumasok si Sophia at nagtititili sa isang tabi.                         "Oh god! Grabe na talaga! Ang gwapo niya."             Napatingin naman ako bago inayos ang bag. Susunduin na ako ni Manong tutal, humupa na ang putik sa kalsada. Sinakbat ko iyong bag ko.                         "Teh! Hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko may guwapo!" Niyugyog pa niya ang balikat ko.                         "Wala namang mangyayari kung titili rin ako diba?" Naiinis na sagot ko.             Ang gusto ko lamang ay makauwi na, at makahiga para magpahinga. Masyadong nabugbog ang katawan ko dito.  Ngumuso siya.                         "Ay ang taray! Sabi kasi ni Mika, natamaan mo raw kanina ng bola iyong guwapong transferee eh."             Napalingon ako sa sinabi niya.             So, iyong weird na lalaki ang sinasabi niya? Mabilis ang balita dito, maliit lang ang kolehiyong ito.             Kinunutan ko siya ng noo.                         "Tapos?"             Tumawa siya at nagtaas ng kilay.                         "Akala ko ba, wala kang pakialam?"             Ngumuso ako at nagkibit balikat. Naglakad na kaming dalawa papalabas doon. Sinenyasan ako ni Manong sa di kalayuan.                         "Nalaman ko na Business Ad din siya kaso ang malas kasi ivang section siya." Bumuntong hininga pa si Sophia.                         "Hayaan mo na." Saad ko bago ngumisi sa kanya.                         "So, paano ba yan? Aalis na ako. May bagong manganganak na baka sa Cattle Ranch. Wala si Mama kasi may project sa Manila kaya ako muna ang tutulong." Sabi ko.             Tumango naman si Sophia at kumaway.                         "Ikaw talaga, hacienderang haciendera ka. Sige na, hintayin ko lang kuya ko dito."             Ngumiti ako at kumaway na rin habang nilalakad ang kaunting layo ng aming sasakyan. Ngumiti sa akin si Manong bago ako pagbuksan.                         "Umuwi ka raw muna sa mansyon sabi ng Lola mo, dadating ang anak ni Ma'am Ana."             Napatingin ako kay Manong.                         "Akala ko po ba next month pa?"             Nasabi na kasi ni Lola na dadating iyong anak ni Tita Ana sa mansyon next month para dito mag-aral. Wala na kasing kasama sa Amerika dahil mahigit na isang taon nang patay si Tita Ana dahil sa cancer.  Pero bakit napaaga naman ata?                         "Napaaga eh. Nasangkot na naman ata sa malaking gulo doon kaya pinauwi na dito ni Sir Von." Tumango na lang ako.             Nasangkot sa malaking gulo? Ganun naman daw siguro kapag wala ng nanay na nag-aalaga. Baka napariwara. Ilang beses ko nang narinig ang pag-uusap nina Lolo tungkol sa apo nilang iyon. Lagi atang nasasangkot sa kung anong maling gawain.             Hindi na ako umimik at tumingin na lang ulit sa makulimlim na langit. Uulan na naman ata. Mabuti na lang at pauwi na kami dahil baka balutin na naman ng makakakapal na putik ang daan. Tumigil rin ang Alterra sa harapan ng mansyon.             Pinayungan ako ng isang katulong dahil umaambon na. Natigil lamang iyon ng nasa porch na kami ng mansyon. Hapon na ngayon dahil hindi halata dahil sa panahon.             Umakyat muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Bumaba ako at nadatnan sina Lolo at Lola sa sala na nagkakape.                         "La!" Tawag ko at nagmano.             Si Lola ay ina ng Mama ko ngunit si Lolo naman ay pangalawang asawa niya. Bale hindi siya ang tunay na Lolo ko pero tinuring ko na siya dahil namulat na lang ako dito.                         "Oh, Lourdes." Ngumisi si Lola.                         "Excited ka na ba na makita ang pinsan mo?" Tanong ni Lolo Robin.             Nagkibit balikat ako.                         "Nasaan na po?"              Nilingon ko ang paligid pero wala pang bakas ng kahit na sino sa paligid.             Huminga ng malalim si Lolo. "Hindi ko alam, iha. Dapat ay kanina pa iyong nakauwi dito. Pinasundo ko kay Lito pero wala pa rin."             Tumango ako. Umalis muna ako doon para dumako sa cattle ranch. Mukha namang gagabihin iyong pinsan kuno ko ay dito muna ako sa cattle ranch at titingnan ang mga bakang manganganak.             Binati ako ng ilang trabahador ng makita nila ako doon.                         "Nandito ka na pala, Lourdes."             Tumawa ako at lumapit sa kwadra kung saan naroroon ang nanganganak na baka. Nakita ko na mayroon doong ilang batang baka.                         "Nag-umpisa na? Nakailan?" Natutuwa kong tanong.             Nakaantabay pa isang tagarancho para tingnan kung may lalabas pa sa baka.                         "Nakadalawa pa lang. Hinihintay pa namin." Paliwanag naman ni Kuya Juan.             Tumango ako at tumulong sa kanila. Matapos iyon ay umuwi na ako noong gabi na. Hinatid ako ni Kuya Juan papunta sa mansyon kasi wala akong dalang flashlight o lampara man lang. Nagpasalamat naman ako sa kanya.             Nang makapasok ako ay wala ng tao sa baba. Siguro ay umakyat na sila sa taas. Nagpunta muna ako sa common bathroom para makapaghugas ng kamay. Nagugutom na ako at tumungo sa kusina para tanungin sana si Manang ng makita ko ang dalawang bulto ng taong naghahalikan sa kusina. Nabato ako ng maaninag ang mukha ng isang medyo kabataang katulong at ang isang lalaking di pamilyar sa akin. Nakatalikod sila sa direksyon ko. Tumikhim ako para malaman nilang nandidito ako. Paano kung makita sila ni Lolo o kaya ni Lola?             Lumingon iyong lalaki sa akin. Gulat na gulat naman ang hitsura noong katulong. Bukas ang butones ng uniporme niya at kita ko ang itim niyang bra. Ang lalaki naman ay mapupula ang labi at may magulong buhok.                         "Ma'am Lourdes." Nanginginig na sambit noong katulong bago umalis doon.             Nanatili akong nakatingin sa akin iyong lalaki. Namukhaan ko siya. Siya iyong natamaan ko ng bola kanina.                         "Sino ka at anong ginagawa mo dito?" Matapang na tanong ko.             Anong karapatan niya para galawin ang mga katulong sa mansyon na ito?                         "This is my house. Ikaw? Sino ka?"  Napanganga ako doon.             Hindi kaya? Siya iyong pinsan ko?                         "I'm Lourdes Cruz at dito ako nakatira? Ikaw? Anong karapatan mong galawin ang mga trabahador sa mansyon?"             Lumapit ako sa mga kaldero sa counter at tumingin ng ulam.             Nanatili siyang nakatayo doon.                         "I'm Mason Decerna Garcia. Wala kang karapatang tanungin ako kasi Decerna ako. Ikaw? Hindi ka naman Decerna diba?"             Napatingin ako sa kanya. Paano niya nalaman? Hindi pa kami nagkikitang dalawa. This is the first time.                         "Paano mo nalaman?" I asked him.             Humigpit ang kanyang bagang. Para bang galit na galit siya. Hindi ako nagpatalo.                         "Sabihin na lang natin na I have my ways of knowing people. Ako ang taong di agad nakakalimot sa nakaraan."             Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. At nasa isip ko lang ay delikado siya. He was involved in trouble. He's a walking definition of it.                         "So nagresearch ka sa akin, pinsan?" Mapang-asar na sagot ko.             Galit ang kanyang mukha at lumapit pa sa akin. Napaatras ako sa ginawa niyang iyon. Nang maramdaman ko ang paglapat ng katawan ko sa wooden counter ay kinabahan ako.             Ang kanyang mata ay kulay itim na itim na halos makita ko na ang sariling repleksyon. Tinukod niya ang kanyang mga kamay sa aking magkabilang dulo. Mas lalong lumapit ang kanyang ilong sa akin.             Hindi na ako makahinga doon. Iniisip na baka biglang may pumasok na katulong at makita kami sa ganitong posisyon.                         "Hindi tayo magkadugo kaya hindi mo ako pinsan." Hinga niya sa aking tenga.             Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Mapanganib ang ginamit niyang boses. Sobrang lakas ng t***k ng aking puso doon.                         "U-Umalis ka nga diyan!" Tulak ko pero masyado siyang malakas.             Ramdam ko ang hininga niya sa bandang tenga ko... Tumawa pa siya ng mahina.                         "At wala kang karapatan na kuwestiyunin ako sa lahat ng gagawin ko. Lahat ng nasa loob ng mansyong ito, akin. Wala kang pakialam kung sino at ano ang galawin ko dito."             Sa sinabi niyang iyon ay tinulak ko siya. Nahiwalay ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.                         "Hindi lahat ng tao dito pag-aari mo. Hindi lahat ng babae dito madali mong mapapaikot. Kagaya ng mga babae mo sa Manila."             Ngumisi naman at umigting na naman ang kanyang mga panga. Pinasadahan ko siya ng tingin. Magulo ang kanyang buhok, lalong nadedepina ang kanyang mga muscle. Sobrang tangkad niya para sa 19 anyos na binata.             Ngumisi siya.                         "Kung totoo ang sinasabi mo, bakit ganun na lang kadaling bumigay ang katulong na iyon sa akin?"             Ako ang labis na na-offend sa sinabi niya. Was he treating girls like his toys? Gusto ko siyang sampalin sa sinabi niya. Masyado naman atang gwapong gwapo sa sarili ito?                         "Umalis ka na nga sa harapan ko. Baka di kita matantya at masipa kita." Banta ko.             Umiling siya.                         "Hindi ako aalis dito. Kung may dapat na umalis dito. Ikaw iyon. My Mom's a Decerna, your Mom isn't. I'm the one who should be in control here." Sabi niya.             He's right. Siya talaga ang tunay na Decerna. Dito ako lumaki pero hindi noon mabubura na siya ang kadugo ni Lolo Robin. Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako magpapaapi sa kanya. He's not the one who's in control here. It is Lolo Robin not him.             Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit maagang pinauwi ni Tito Von ang lalaking ito. Kung ako rin naman. Hindi ako makakatagal sa kanya. Masahol pa ang ugali niya sa kung anong hayop.             Dumilim ang kanyang tingin sa akin.                         "Now f*****g don't mess with me!" Sigaw niya sa akin bago lumabas doon.             Naiwan naman akong nakatulala sa kanya. 4             I can't believe, Tito Von raised a monster.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD