Hindi na lumabas si Tito Von sa kaniyang kwarto matapos iyong scene sa salas. Sina Mama at Papa naman ay napagkasunduan na mag-usap pa doon sa veranda.
Humalik na ako sa kanilang mga pisngi para umakyat na sa taas at makapagpahinga. Habang umaakyat ako ay nakita ko ang pintuan ni Mason. Hindi ko alam kung naroon pero hindi noon napigilan ang mga paa ko at kumatok doon.
Nakailang katok ako. Pero wala pa rin kaya naman pinihit ko na iyon. Pagkabukas ko ay ang walang laman na kama at ang bukas na pintuan ng balkonahe.
Sa tabi ng kama ay ang picture nila ng kanyang ina. Kamukha niya si Tito Von pero ang kanyang labi at mata ay kay Tita Ana. I smiled dahil mukha iyong highschool times pa.
Nilapag ko iyon pabalik sa kanyang table at handa ng umalis doon ng bumukas ang pintuan ng kanyang bathroom. Nanlalaki ang mga mata ko ng makitang nakatowel lang siya at may tubig na bumababa sa kanyang katawan.
Nagkatitigan kami.
"Anong ginagawa mo dito?"
Kinagat ko ang labi ko kasabay ng pagpula ng aking mga pisngi.
"Ah, wala lang."
Umatras ako dahil kita ko ang panganib. Pero humakbang siya papalapit sa akin. I mentally cursed.
"Hindi ka pupunta dito, dahil wala lang."
Nagpatuloy ako sa pag-atras papalayo ng hawakan niya ako sa balikat at isandal sa kama.
Nasa ibabaw ko na siya pagmulat ko. Nagkatitigan kami. Ramdam ko ang basa niyang buhoy ay pumapatak na sa tshirt ko.
Naging malalakas ang kabog ng dibdib ko. Walang nagsasalita. Hinayaan kong lumipat ang aking mga mata sa kanyang mukha.
His features were dark, ito ang nagbibigay sa kanya ng kanyang pagkamisteryoso. Mahahaba ang pilik mata niya, at he's eyes weren't black. Kulay grey ito kapag natapat sa liwanag.
Lumunok ako lalo ng mapansin ko ang pagtingin niya sa bawat detalye ng mukha ko. Kinagat niya ang labi niya at mas lalong dumiin ang katawan ko sa kanya.
"Mason..." Tawag ko, nag-iingat dahil halos malapit na ang bibig sa isa't-isa.
He looked at me, blankly. Binasa niya ang kanyang bibig at bumukas ang mga ito.
"Hush it, Lourdes."
Pagkasabi niya ng aking pangalan ay may kung anong bagay ang humatawa sa akin. I can't be affecfed by him! Gusto kong umalma pero nakinig ako. Basa na ang aking tshirt ng kanyang buhok. He lowered his face kaya lalo akong pumikit. He's near me.
Pagmulat ko ay sinalubong ako ng nakakaduling niyang mga mata. He's breathing fast and he suddenly squeezed my wrist.
"s**t!" Mura niya.
Ang kanyang hininga ay humampas sa aking mukha. He smelled like mint at shaving cream.
Magsasalita na ako ng bigla niya akong pigilan ng kanyang halik. I was stunned to push him. Pumikit ang kanyang mga mata. Ang kaninang stiff kong katawan ay nag-umpisa sa pagsunod sa kanya. I was making out with him! With my so-called cousin?
Sumampa sa aking utak ang salitang incest. Are we? Gayong alam naman namin na hindi talaga kami magpinsan kundi sa salita lang. Pero anong sasabihin ni Lolo? Pumikit ako at hindu na inalintana ang sasabihin ni Lolo ng ipasok ni Mason ang kanyang kamay sa tshirt ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdiin ng kanyang katawan sa pagitan ng hita ko. He's wearing nothing but a towel. Ramdam ko ang init noon.
He started to kiss me on my neck at lalo akong tumingala para bigyan siya ng daan. My mind's saying no but my body doesn't want to hear what it says.
"f**k! f**k! f**k!" Mura niya at kinagat niya ang leeg ko.
Nagiging baliw na ako. Gusto kong umalis dito dahil alam ko ang kahahantungan nito.. We're going to have s*x. I need to stop it.
"Mason, aah!" Ungol ko ng tagtagin na niya ang lock ng aking bra.
Nakipaglaro ang kanyang kamay doon. Tumaas ang kanyang mukha sa aking tenga at hinalikan iyon.
"f**k, how I hate you." Bulong niya at dinilaan iyon.
Sa narinig ko ay mabilis akong tumigil sa ginagawa. He hates me? Paano? Hindi ko na siya kailangang pigilan dahil siya na mismo ang nagtigil at tumayo siya na parang walang nangyayari.
I looked at myself in the mirror na nasa tabi ng kama. Nakataas ang tshirt ko at exposed ang aking dibdib samantalang may shorts pa ako. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ang pag-iinit ng aking mga mata. How could I let this happen to me? Bakit ko hinayaang mabastos ako?
Tumayo ako at binaba ang tshirt ko, hindi na nag-abala na ilock ang bra ko. Mabilis ko ring sinuot ang tsinelas ko. Hindi ko pinapansin si Mason na nakatayo pa rin at nanonood lang sa akin. Nagtungo ako sa pintuan at handa ng pihitin iyon ng magsalita siya.
"I hate you." Ulit niya.
Lumingon ako sa kanya at kinagat ang labi ko.
"Bakit?" Tanong ko.
He just looked at me, unreadable. Kumuha siya ng tshirt sa kanyang closet at mabilis na sinuot iyon.
"I hate you for being so f*****g innocent! I hate you for being their daughter! I hate you for being here inside my room! I hate everything about you!" Sigaw niya.
Binitawan ko na ang seradura bg pintuan at nilingon siya. Kinagat ko ang labi ko at ngumisi kahit na nanginginig ang labi ko. Masakit ang malaman na ayaw sa akin. It was my first time having someone, telling me how he hates me.
"You hate me? But I hate to break this news to you, Mason. You just made out with me." Parang may batong nanatili sa aking lalamunan at nagbara iyon.
Nanatili siyang nakatingin sa akin. His breathing hitched. Mas lalo akong naging matapang. I felt like a trash. Tinapon na lang bigla, matapos gamitin. Nabastos na niya ako, ano pang ikakatakot ko?
"You just made out with the person you hate. You just made out with your cousin." Ngumisi ako kahit na gusto ko nang umiyak.
Lumabas ako ng kwarto at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Naligo ako, trying to erase what happened. Pumunta ako doon, para sana icomfort siya. Dahil sobrang ramdam ko ang lungkot niya ng mapag-usapan ang Mommy niya. Wala akong clue na ayaw na ayaw niya sa akin. She hates me for being my Mama and Papa's daughter? Hindi ko maintindihan!
I know he's bad pero di ko inexpect na he's evil!
Lumabas ako at nagtuyo ng katawan ng madatnan ko si Mama na nakaupo sa kama ko. I smiled at lumapit sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at gumanti ako. I missed my Mama! Hinalikan niya ako sa tuktok ng aking ulo.
"Nasaan si Papa?" Tanong ko.
Ngumisi si Mama at umupo na ulit sa kama ko.
"Ayun, naghihilik na. Pagod ata dahil nagdrive siya from Manila." Tumawa ako sa sinabi ni Mama.
Si Papa talaga! Lagi na lang siyang joker at blooper sa amin ni Mama. But I love Papa so much.
"Kamusta po ang Manila?" I asked her.
May malaki siyang project doon. Isang buwan na nga siya doon. Si Mama ay bumalik na ulit sa pagiging architect. She's known here for being a majestic architect. Sabi ni Lola, naging part si Mama ng X&Y Designs sa New York. And I'm proud to admit that, it was really big now!
"Ayos naman anak. Maraming problema sa site. Mabuti at naayos agad. Kaya ayun, pinilit ako ng Papa mo na umuwi muna rito kasi miss ka na ata."
"Kamusta si Mason?" Tanong muli ni Mama.
Ngumiwi ako ng maalala ang kanina.
"Okay lang. Medyo cold lang?" Sagot ko.
Tumango si Mama.
"Maybe he misses his Mom. Matagal tagal na rin kasing patay si Ana at sariwa pa rin iyon."
Tumango ako.
Maybe he's hurt. Pero bakit naman ayaw niya sa akin. He said he don't like me straight to my face.
Sinuklayan pa ako ni Mama at hinayaan akong makatulog sa kanyang tabi. Nagkuwentuhan kasi kami tungkol sa rancho.
Kinabukasan ay nagising ako na wala pang tao sa mansyon maliban kay Papa na umiinom ng kape sa harapan ng garden.
Dinamba ko si Papa mula sa likuran. Ngumiti siya at hinalikan ako bago paupuin sa kanyang tabi.
"Kamusta na, bansot?" Halakhak niya.
Sumimangot ako sa sinabi niya.
"Papa naman! I'm eighteen. Stop calling me bansot at kiddo." Sigaw ko.
Lumapit si Papa at inipit ako sa kanyang braso habang ginugulo ang buhok ko. Nagsisisigaw naman ako doon pero humalakhak lang si Papa.
"But you're always be my bansot or kiddo."
Hinampas ko na si Papa. Feeling bagets talaga! Dito madalas naiinis si Mama eh. Masyado kasing game sa lahat ng bagay.
"Wala bang nanliligaw sa'yo?" Tawa ni Papa at sumimsim sa kanyang kape.
Umiling ako.
Maraming nagtatangka, pero dahil kilala ang pamilya nina Lolo dito sa Malabrigo ay maraming naduduwag.
"Wala? Di ka naman ganoong kapanget. Hmmm. Nakakapagtaka."
Nilagay pa ni Papa ang kamay sa kanyang baba na para bang napakahirap na tanong iyon. Sumimangot ako at hinampas na naman siya. Tumawa lang si Papa at inasar asar pa ako.
"Pa naman! Kamukha ko kaya si Mama. Anong meaning nun? Pangit si Mama?"
"Ang Mama mo ang pinakamaganda sa lahat ng nakikita ko. At wala kang karapatang sabihin na magkamukha kayo. Iba siya sayo, bansot ka si Mama mo dyosa." Umiling si Papa at tinaasan ako ng kilay.
Sumimangot ako pero hindi siya natinag sa pagkukumpara sa amin. Kesyo raw si Mama ay talagang stunner na noon pa man at ako raw ay di hamak na pangit kaysa kay Mama. I love my Papa for that! Kahit na sino ang ibato mo, ay talagang si Mama lang ang nakikita niya. How I wish lahat ng lalaki, ay katulad ni Papa. I bet wala ng iiyak na babae kapag ganun.
Hinawakan ni Papa ang kamay ko.
"Lourdes, wag kang magmamadali. Live the moment. Wag na wag mong hanapin ang pag-ibig. Dadating yun sayo. Live the moment, seize it."
Huminga si Papa at inakbayan niya ako. "Hindi lahat ng bagay na kaya mo sa ngayon, magagawa mo kapag kasal ka na. Kaya gawin mo muna ang lahat ng gusto mo hanggang wala pa yung para sa'yo. May kilala ako noon, nagmadali ayun nasaktan. Iniwan rin siya nung lalaki."
Nakinig ako kay Papa. He's my mentor. Papunta pa lang ako at pabalik na siya. Mas marami na siyang napagdaanan.
Hinawakan ni Papa ang kamay ko and I smiled. Pinisil niya iyon.
"Anak, love yourself first. Before you love a man. Para kapag iniwan ka, may matitira pa para sa sarili mo. Para pag napili niyang umalis, hindi ganun kasakit."
Tumango ako at niyakap si Papa. Nakita ko ang paglapit ni Mama sa amin. Naghiwalay kami noong tumikhim si Mama.
"Anong pinag-uusapan ng mga pasaway kong alaga?"
Tumawa ako.
Hinapit naman siya ni Papa sa kanyang bewang at niyakap iyon dahil nakaupo siya. They're really sweet.
"Napag-usapan kasi namin ni Lourdes na gusto ko na ng isa pang anak at gusto na rin raw niya ng kapatid. So ano, Ven? Tara?" Ngisi ni Papa.
Ngumiwi si Mama at umirap. Humalakhak tuloy si Papa at ako sa ginawa ni Mama.
"Tigilan mo ako, ang aga aga, Chester ha!" Singhal ni Mama.
Umiling ako. Someday, dadating siya.. And we will be like this too.