Nang tanghali na ay pumasok na ako sa school. May event kasi kaya tanghali na ang klase namin. Hindi ko naman nakakasabay sa Alterra si Mason. At wala rin akong pakialam.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko lalo na ng makausap ko si Papa. What happened between me and Mason, is a total mistake.
Naglalakad ako papunta sa unang klase ko ng tumakbo papalapit sa akin si Mika.She is smiling at me.
"Ang saya mo ata, ah?" Bati ko.
Tumawa siya.
"Medyo. Makikita ko na naman kasi si David."
Siya iyong babaeng nahuhumaling kay David, ang captain ng basketball team. Hindi ko siya gusto. May hitsura siya, actually maraming may gusto sa kanya pero dahil sobra nga lang niyang gago, marami ring umaayaw. Pero hindi ko alam kung anong naamoy ni Mika sa lalaking iyon at ganito na kabaliw.
Naglakad kami papunta sa klase namin. Umupo ako sa tabi ni Sophia na kumakain ng lollipop habang nakikipagtawanan kay Jonas. Umupo na ako sa side nila ng dumating si Ms. Isagani.
"Beh, rinig mo na ba ang news?" Bulong ni Sophia habang abala si Ms. Isagani sa pamimigay ng test results.
Nilingon ko siya.
"Ano?"
Lumapit siya sa akin para makabulong.
"Si Maya may sinasabi tungkol sa pinsan mo." Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Si Maya ay mas bata sa amin ng isang taon. Kilala siya dito sa campus bilang maganda. Lagi kasi siyang sumasali sa mga beauty contest kaya ang malink sa kahit na sinong lalaki ay normal na. She's really pretty after all.
"Ano naman?" Bulong ko pabalik at hindi inalis ang tingin kay Ms. Isagani na nagdidiscuss na ngayon.
Dati ay hindi ako nangailam sa mga ganiyang usapin, pero ang malamang dawit si Mason ay ang labis na nakakuha ng atensyon ko.
"Kumakalat sa campus na nagkakatext na raw sila. Kinuha ata raw ni Mason yung number niya. Ayun, binobroadcast ng bruha." Sabi ni Sophia.
So, he's texting Maya? At ano namang pakialam ko? Umiling na lang ako at mas pinagbuti ang pakikinig. Nang ikalawang klase ay naghiwalay na kaming magbabarkada. Iba na kasi ang schedule namin sa susunod na subject. Naglalakad ako sa hallway at lumiko muna papunta sa library dahil may trenta minutos pa akong libre ng maaninag ko ang likod ni Maya sa lumang cr.
Sinilip ko iyon. She was kissing someone. Sigurado ako dahil panay ang pilig ng ulo niya at ang paglalakbay ng kamay ng kung sinuman ang kahalikan niya.
Nanatili akong nakatingin. Hindi na ba nahiya ang mga ito? I get it na walang cctv ang school na ito dahil sa maliit na budget pero hindi ba sila nahihiya na baka may makakita? Umiling ako. Mga kabataan nga naman.
Tumigil sila at may binulong si Maya doon sa lalaki. Sa ginawang iyon ay mas naipakita ang mukha noong kahalikan niya, it was Mason!
Nagngisian pa sila bago humalik ng mabilis at naghiwalay. Para naman akong stunned na hindi makagalaw. What the hell? Wala na bang kahihiyan ang lalaking ito?
Naglakad ako papalapit kay Mason. Unang beses na pagkikita namin ay ganitong ganito rin. Sa mansyon, siya at ang katulong. Now, him and Maya? Maya's a freaking minor!
"Mason." I called him.
Lumingon naman siya sa akin at nagtaas ang kilay. His lips were red. At medyo messt ang buhok niya.
"I saw you and Maya. Really?"
Ngumisi siya at nagkibit balikat.
"Now what? Ako pa ba ang mag-aadjust sa nakita mo?" Medyo mayabang na sagot niya.
Gusto ko siyang sipain sa balls niya! He's a friggin playboy! How could he say this? He's a jerk!
"No, I don't mean it that way. But Mason, Maya's a freaking minor. She's just a freshman."
Wala na ba siyang makuha na iba? Bakit bata pa? Lumapit siya sa akin at bumulong.
"Are you jealous?" Mahinang tanong niya sa aking tenga.
Nanigas ako roon. Is he fliriting with me? Hindi na ba mamimili ito? Kung sino ang nakahain, iyon na lang?
Mabilis ko siyang tinulak.
"Are you crazy? I'm just saying, you are getting intimate with a minor. You can be put in a jail! " Sigaw ko.
Ngumuso siya at pinaglaruan ang labi niya habang pinagtitinginan ako mula paa pataas. Nakakapanindig balahibo iyon.
"Concerned ka ngayon? Really, Lourdes. All I can see is your ego shattering kasi hindi natuloy yung kagabi?" Ngumisi pa lalo siya.
Lumapit siya sa akin at umatras ako.
He really thinks na gusto ko iyon? Tangina niya! Hindi ko umatras at hinayaan siyang makalapit sa akin. Hindi ako magpapaapekto sa playboy na ito.
"You are jealous. Admit it." Bulong niya sa aking tenga bago dinampi ang labi niya doon.
Mabilis ko siyang tinulak.
"Ano ba! Tumigil ka nga, Mason!" Sigaw ko.
Tumawa lang siya at humalukipkip habang nakatingin sa akin na umuusok na sa galit.
"Don't mess with me and my affairs. You do not have the right to tell me who to kiss or not. I can screw any girl I want." Matalim ang pagsasalita niya. "And you don't have any say on that, Lourdes."
Umalis siya roon agad. Naiwan akong nakatulala. He's really inreadable. Hindi ko na siya maintindihan! Para siyang naging ibang tao bigla simula nung dumating ang Daddy niya.
Inayos ko ang sarili ko at pumunta na sa susunod kong klase kahit na may sampung minuto pang natitira sa aking break. Nakipag-usap na lang ako sa isang kaklase ko doon na kasamahan ko sa varsity para malibang.
"Kasali na raw pala, yung pinsan mo sa team ah?" Pahayag niya.
Tiningnan ko siya.
"Paano, Lester?" Tanong ko pa ulit.
Varsity na rin siya? Ganoon kadali? Hindi man lang nagtry-out?
Tumango si Lester.
"Oo eh. Sabi ni David sa amin kanina. Player raw kasi yon sa States. Saka matangkad kaya di na nila kinuwestyon."
Tumikhim si Lester.
"Teka, ikaw ang pinsan pero di mo alam?"
Umiling ako.
"Hindi naman kasi kami nagkakausap noon simula noong bata kami. Ngayon lang." Sagot ko.
Naputol ang aming chikahan ng dumating na iyong prof at naglecture na. Noong hapon naman ay dumiretso na ako sa lockers para magbihis. May practice game kami ngayon. Sumabay na sa akin sina Mika papalabas.
Maraming nanonood ngayon na nakakapagtaka. Nakita ko si Lester at ang isa pang kasama na nakasuot ng panglaro. So, may practice game rin ang basketball? Maraming mga babae ang nasa bleachers na akala mo ay official game na.
"Ooooh! May laro rin pala sina David. Teka, pinsan mo ba yun, Lourdes?" Turo ni Mika sa kabilang bleacher.
Nakaupo doon si Mason na nakapanglaro at umiinom ng tubig. Katabi niya sina David at ilang kateam na nagtatawanan ng lumapit ang grupo nina Maya doon. Rinig ko an bulungan ng mga babaeng nasa bleachers tungkol doon.
Ngumisi si Mason at pinulupot niya ang braso sa bewang ni Maya at may binulong dito at naghalakhakan sila na para bang sila lang ang tao doon.
"Mukhang totoo nga 'yung balita. Ang galing talaga ng kamandag ni Maya, ano?" Sabi noong isang babae sa medyo unahan namin.
Huminga ako ng malalim. Bahala si Mason sa gusto niyang gawin. Di rin naman nakikinig ang isang iyon.
Hinalikan ni Mason sa labi si Maya bago inakbayan iyon. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi na talaga nahiya at ginawa pa sa public. Maglalakad na sana ako papalabas ng pigilan ako ni Mika dahil sa di alam na dahilan. Naguguluhan ko siyang tiningnan.
"Ano?" Tanong ko.
Nginuso niya ang bleachers kung nasaan sina Mason.
"Weird ba na parang nakatingin siya dito? O imagination ko lang?" Tanong niya.
Nilingon ko iyong sinasabi niya at naabutan ko ang mata ni Mason na nakatingin sa akin.
Ngumisi siya at malalim na hinalikan si Maya habang nanatili ang kanyang mga mata sa akin. Naghiyawan ang kanyang mga kateammate sa ginawa niyang iyon. Nalaglag ang panga ko.
"Ay! Ano ba yan. Sila na ata?" Bulong ni Mika.
Napatingin ako kay Mika, hindi man lang nagpapakita ng kakaibang emosyon. Nanatili akong firm.
Gago talaga! Playboy!
"Tara na? Diba may laro rin tayo? Baka parusahana tayo." Paalala ko.
Nagsitanguan sila at nauna na akong lumabas. Alam ba ng Daddy niya ang pinaggagagawa niya?
Makakarma rin ang lalaki na yan. That is another side of him. He's a notorious playboy.