Cadley
"Cadley gising na"; tawag sa akin ni papa. Nabungaran ko siya na nakaupo sa tabi ko.
"Bakit papa?" Disoriented kong tanong, kahit gusto ko pang matulog, ilang araw din kasi wala kaming maayos na tulog. Dun sa bahay ni Auntie Lily, maingay ang kapitbahay at sa park di ka naman makatulog ng maayos kasi walang kumot at cartoon lang kami nakahiga, maginaw.
"Kakain na tayo, sige na bangon na"; ingganyo niyang saad. Mukhang maaliwalas din ang mukha niya ngayon, siguro katulad ko nakatulog na siya ng maayos.
"Gusto ko pang matulog papa"; ungot ko uli kasi i am still sleepy.
"Mamaya ka na matulog uli kasi nakakahiya na di tayo sasabay mag-almusal sa kanila. Pupunta pa sila sa bukid at tayo aalis din mamaya."
"Aalis tayo dito? Saan tayo patungo papa?" Natatakot ako kung saan naman kami patungo, baka di maayos ang pakitungo nila sa amin at di naman kami makakain or makatulog ng maayos.
"Babalik parin tayo, pupuntahan ko lang ang kapatid ko baka may maitulong siya sa atin." Tumango ako at bumaba sa higaan.
"Nakatulog ba kayo ng maayos Jimmy? Pasensiya na walang foam dito"; saad ng mang Lando kay papa.
"Nakatulog naman ng maayos Lando, sa katunayan kagabi ang pinakamaayos namin na tulog. Ito ngang si Cadley ayaw pang bumangon kasi matutulog pa daw siya." Masayang saad ni papa sa kanila. Nahihiya ako pero totoo naman.
"Ganun ba? Di ka ba nahihirapan Cadley?" Tanong sa akin ni Mang Lando.
"Di naman po, masarap po ang tulog ko kasi dun kina Aunti Lily sa sahig lang kami natutulog ni papa. Wala pang maayos na kumot at dun sa park wala kaming banig, nakitulog lang kami ni papa sa may semento at cartoon at walang kumot. Dito may kumot may unan, di maingay saka di mainit sa gabi." Parang wala lang sabi ko sa kanila at nakita ko na malungkot ang mukha nila.
"Ganun ba ang naranasan niyo Jimmy sa ilang araw?" Nakatuon ang mukha niya kay papa.
"Oo nga eh, kaya kami umalis dun kasi itong si Cadley kapag umaalis ako, minamaltrato ni Lily, sinasaktan at pinatrabaho ng mga mabibigat at di pinapakain ng maayos. As parents masakit yun kasi inaalagaan ko ito eh. Nasasaktan ako kasi tinatrato ko naman sila nuon ng maayos, pinagbigyan ng luho nila habang lumalaki at ngayon ito ang maranasan ko sa kanya, masakit Pare."
"Totoo mas masakit na ang taong inaakala mo na malalapitan mo ay di pala ganun. Pero dito sa bahay namin Pare wala kang maging problema, magkaibigan tayo nuon, malaki ang utang na loob namin sayo. Nong panahon na kinailangan ko ng tulong di ka nagdadalawang isip na tulungan kami." Napaluha si papa sa narinig mula kay Mang Lando.
"Oo nga Jimmy, kaya dumito ka muna hanggat di ka tanggap ng pamilya mo, basta tiisin mo lang ang hirap ng buhay dito, alam mo naman kung ano lang ang kaya namin." Saad ng asawa ni tatay Lando
"Wala yung problema Ana. Nakasanayan na namin ang kahirapan. Di na ako katulad ng dati na laki sa luho. Mamaya aalis kami ni Cadley, pupuntahan ko si Jacob baka matulungan niya ako sa aking problema; pero di ako umaasa kasi alam niyo na."
"Sana Jimmy maganda ang naghihintay sayo dun, na matulungan ka ni Jacob."
Umalis kami ni papa patungo sa kapatid niya. Naglalakad lang kami katulad ng dati.
"Papa di na ba masakit ang mga paa mo? Kasi palagi na tayong naglalakad baka mabinat ka na?" Nahihirapan siyang maglakad nuon kasi namamaga ang paa niya at binti. Kalalabas lang niya sa ospital dati na hanggang ngayon di na kami nakabalik uli kasi wala na siyang pambayad.
"Huwag mo na lang akong isipin anak, kaya pa ni papa. What about you, di ka ba nahihirapan sa palaging nating paglalakad kung saan saan?" Kahit minsan kinakausap niya ako ng English nai-intidihan ko kasi sanay na ako sa lingguwahe na yan. Papa taught me how to speak English so well.
"Di naman papa basta kasama kita, kung malaki lang ako binubuhat na kita. Kaso mas malaki ka pa kaysa sa akin"; sabi ko na parang wala lang, natatawa lang si papa.
Sa aming pag-uusap di namin namalayan nakarating na pala kami sa isang malaking bahay. Nag-doorbell si papa. May lumabas na lalaki na kamukha niya pero mas bata pa sa kanya.
"Kuya, andito ka?" Binuksan kami ng kapatid niya sa gate. Masaya ako kasi tinanggap kami at di pinagalitan katulad nong nauna. Pinapasok kami sa loob at binigyan ng snacks, kaya malaki ang pag-asa ko na siya ang makakulong sa amin.
"Jacob, andito ako para humingi ng tulong sana, may sakit ako. Matagal ko na itong iniinda, defectado na ang aking kidney pati liver, may problema din ang lungs ko. Kailangan kong mag-undergo ng dialysis kaya lang wala na akong pampaospital, naubos na pera ko sa ospital at gamot last time, manghihingi sana ako ng tulong sayo." Paki-usap ni papa sa kanyang nakakabatang kapatid.
"Kuya, gusto ko sana kaya lang pinagbawalan ako ni papa. Sinabihan niya ako kagabi na wag kang tulungan kapag lumapit ka sa akin. Alam mo naman na kapag si papa na ang nagsabi wala akong magagawa"; paliwanag niya sa papa ko. Biglang nanlumo si papa sa narinig, kita ko ang sakit sa kanyang mukha.
"Ganun ba, sige okay lang. Di ko akalain na kaya mo palang tiisin ang kapatid mo ng dahil lang sa sinabi ng iyong ama. Nag-iisa mo akong kapatid na lalaki Jacob, di naman ako lalapitan sayo kung may paraan lang ako. Siguro nga hanggang dito lang ang ugnayan natin. Alam ko naman na di mo kayang suwayin si papa kasi natatakot ka na mawalan ng mana."
Magkapareho lang kayo, naging alipin sa pera kasi makaya mong tiisin ang kapatid na naghihingalo na." Biglang tumayo si papa kaya dali-dali rin akong tumayo, di inibos ang snack na aking kinakain.
"Goodbye Jacob, simula ngayon, huwag mo ng isipin na may kapatid ka pa. I'm breaking our relationship as brothers, wala ka ng kapatid. Mabuti pa ang di ko kadugo kasi di sila nagdadalawang isip na tulungan ako." Naiiyak na sabi ni papa, kahit ako ramdam ko ang bawat sinasabi niya sa kanyang kapatid.
Mas naawa ako sa kanya kasi may pamilya siya pero ni isa walang gustong tumulong. Alam ko mabait si papa, ramdam ko yun sa pag-aalaga niya sa amin ni mama sa nakalipas na panahon. Kailanman di niya ako itinuring na iba.
Nang nakalabas na kami ng gate, niyakap ko siya kaagad sa kanyang paa para ipadama na di siya nag-iisa, andito ako handa siyang damayan.
"Pangako papa, kahit anong mangyayari di kita bibitawan, di kita iiwan"; sabi ko sa kanya at yumuko siya sa akin para magpantay kami, he just pat my shoulder.
"I know Cadley, you will never abandon me, kaya i will try to live para makasama ka, para ma- guide kita at masubaybayan ang iyong paglaki. I guess it's you and me now against the world." Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Wala na akong ibang pamilya ngayon, ikaw na lang ang natira sa akin. Sisikapin kong mabuhay para sayo anak sana habaan pa ng panginoon ang buhay ko"; sabay yakap niya sa akin. Ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang yakap.
Dumaan kami ni papa sa isang park. Maraming batang naglalaro dun but i don't mind them, nasa papa ko ang buong kong attention.
"Laro ka muna dun Cadley, dito lang muna si papa, babantayan kita." Ayaw ko sana siyang iwanan pero alam kong may gagawin siya kaya pumunta ako sa may swing.
Kahit naglalaro ako dun pero pahilim ko siyang tinitingnan, nakita ko na bumababa at tumataas ang kanyang balikat. Alam kong umiiyak siya dun. Gusto ko man siyang aliwin pero pinigilan ko ang sarili. Alam ko kailangan niya yun, ang ilabas ang sama ng loob.
Paano nila nakayang tiisin ang sariling kadugo, kami ni papa di magkadugo pero mahal ko siya at di ko siya kailanman ipagpapalit kahit sa pera pa, kahit sa magandang pamumuhay. Pamilya parin ang mas mahalaga, yun ang turo ni papa sa akin.