Chapter 9 Goodbye

1361 Words
Cadley “Ayoko ko sa batang yan; paalis mo yan mom;” sigaw ni Jacko sa mama niya. Alam ko di niya ako gusto, ang akala ko di lang niya ako nagustuhan dahil kasama ko si papa dati at may galit siya dun pero nagkamali ako. He hated me dahil kadugo ako ng taong kinamumuhian niya. “Ano ka ba Jacko, ganyan na ba talaga ka tigas ang puso mo na pati bata na walang alam idadamay mo sa iyong galit?” Saway ni Tita sa kanyang anak. “Oo, dahil sila ang dahilan kung bakit umalis si dad sa atin, iniwan tayo para sumama sa kanila. We had suffered so much dahil sa pagkawala niya.” “Nakalipas na yun, nakabawi na tayo. Bakit di nalang tayo magsimulang muli at kalimutan ang nakaraan? Wala na ang papa mo, wala na din ang mama ni Cadley.” “Hinding hindi ko yan makalimutan mom kahit ilang taon pa ang lumipas kasi di mo alam ang pinagdaan ko sa mga panahong iyun para lang maitawid ang pamilyang ito.” Bakas sa boses niya ang galit. Sa aking pakikinig sa kilid di ko maiwasan na matakot. Paano ako ngayon? Saan ako patungo kung di ako tatanggapin ng lalaking ito? Wala na si papa ang siyang tangi kung kakampi. Ang tunay na nagmamahal sa akin. “Patawad anak pero di kaya ng konsensya ko na basta nalang iwanan si Cadley sa labas. Kahit ito man lang ang magawa ko para sa iyong ama. Nawala siya na hindi man lang niya naramdaman ang kalinga natin. Kahit alam natin ang sitwasyon niya.” “Buksan mo naman ang puso mo anak, wag kang magtanim ng galit kasi nilamon ka na ng iyong naramdaman. Di mo alam kung ano ang pinagdaanan niya noon, ang rason kung bakit di siya nakabalik sa atin.” Pakiusap ng mama niya habang umiiyak. “Wala akong interest na alamin ang pinagdaanan niya mom kasi hindi rin siya nagkainterest kung ano ang pinagdaanan ko noon.” Mabigat ang bawat binitawan niyang salita, puno ng pagkamuhi. Nakita ko pa kung paano niya ako tingnan ng matalim bago umalis sa harapan ng mama niya. “Tita, tama na po, baka mapaano ka, ayoko kong pati ikaw mawala. Aalis na lang po ako para di na kayo mag-away, para di na siya magalit sayo.” Sabi ko kay Tita habang umiiyak. “No Cadley, ibinilin ka ng papa mo sa akin at nangako ako sa kanya bago siya na wala, kaya dito ka huwag kang umalis.” “Pero paano yan, galit ang anak mo sa akin, ano po ba ang kasalanan ko sa kanya, bakit siya galit sa akin? Yun po bang sa aquarium na nabasag ko dati, di ko naman sinasadya yun.” “Hindi yun ang dahilan, wag kang mag-alala;” sabay ngiti niya sa akin. “Halika punta tayo sa room mo, para makapagpahinga ka na.” Pumasok kami sa malaking room. Napakaganda at malaki, para akong nakatira sa palasyo. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar. “Ito po ang kwarto ko? Nakapaganda naman at sobrang laki, para na siyang bahay na tinitirhan namin dati.” “Yeah this is your room, dito mo ilagay ang mga gamit mo.” Namamangha ako sa ganda nilibot ko lahat ng sulok, sobrang ganda para akong prinsisa. “Wow may sarili swimming pool at ulan”; saad ko sa aking nakikita, pagkatapos ipakita sa akin ni Tita kung paano gamitin ang mga yun. “Hindi yan swimming pool, ang tawag dito bathtub, pwede mo itong punuin at pwede na lumubog dito para maligo, para naring swimming pool ito sa para sayo kasi maliit ka pa. Ito naman ang shower, I on mo lang ito at ilagay ang sarili sa ilalim para mabasa ka at makaligo ng maayos." Iniisa-isa niya yun itinuro sa akin at tinandaan ko talaga. Pagka-alis ni tita, pumunta ako sa magandang kama at malapad ito. Humiga roon at inaalala si papa. “Papa sana na try mo ito lahat, ang ganda dito. Hindi mo man lang ito naranasan. Papa na miss na kita, kayo ni mama. Kayo lang ang nagmamahal sa akin ng tunay.” Then bumalik ang alala ko sa nakaraan. “Papa, anong nangyari sayo;” bigla akong napabalikwas sa aking pagkatulog kasi umubo siya ng malakas, nahihirapan huminga at nakita ko maraming dugo ang lumabas dun pagkatapos. Sobrang takot ang naramdaman ko at pag-alala. "Papa, anong nangyari sayo?" Napapaiyak na ako. Lumabas ako at hinahanap ang mga kasama ko sa bahay. “Tulong Tatay Lando, Nanay Ana.” Sigaw ko sa lahat. Nang nakita nila ako na natataranta dinaluhan nila ako kaagad. Dinala agad namin si papa sa center kasi wala kaming pera. Sumuka siya ng dugo, minsan nahihirapan siyang huminga. Kaya ipinadala siya ng center sa public hospital sa city. Di ko naintindihan ang mga sinabi ng doctor, kausap sila ni Tatay Lando at Nanay Ana. Ang naintindihan ko lang ay sinabi ni Nanay Ana na di na daw magtatagal si papa kasi kumalat ang complication sa buong katawan at apektado ang mga vital organs. Mahina na daw ang katawan ni papa. Wala akong magawa kundi ang umiyak lang ako sa isang sulok. Lumilipas ang panahon na dun na ako tumira sa hospital kasama ni papa. Si Tatay Lando at Nanay Ana ang nagpalit palit sa pagbabantay. “Cadley anak;” tawag ni papa sa akin sa mahina na boses. “Magpakabait ka huh, ipangako mo Cadley na gagawin mo ang lahat para makatapos ka ng pag-aaral para balang araw wala ng mang-aapi sayo at maging mababa ang loob mo. Huwag kang makalimot sa taas anak, siya lang ang kakampi mo. Kahit anong mangyari diyan lang ako nakabantay sayo.” “Papa di ka naman mawawala eh;” hikbi kong saad. Di ko man maintindihan pa lahat pero may pakiramdam ako sa ibig niyang sabihin. “Darating ang araw Cadley at iiwan na kita. Magpakatatag ka huh. Mahal na mahal kita anak. Tandaan mo yan.” Nakita ko ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Bakas sa mukha ang sobrang paghihirap. “Papa ayaw ko na iwan mo ako;” naiiyak kong sabi. Di ko napigilan ang sarili kasi parang nagpapa-alam na siya. “Ayaw ko man Cadley pero di natin hawak ang panahon anak. Mahina na ang katawan ko, di ko na kaya.” Wika niya sa mahinang boses. Wala akong nagawa kundi ang magdasal lang nang magdasal na sana makasama ko pa ng matagal si papa. Isang araw dumating yun babae na tinatawag ni papa na asawa niya. “Jimmy, anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka ang nagsabi na ganito na pala ang kalagayan mo?" Klaro sa mukha niya ang matinding pag-alala para kay papa. “Sherry, isa ang hiling ko, wag mong pabayaan si Cadley, anak na ang turing ko sa kanya. Mahal ko siya katulad ng pagmamahal ko kay Jacko, ipangako mo Sherry kahit yan lang ang hihilingin ko sayo.” Pakiusap ni papa sa babae na umiiyak lang. Ako kahit di ko lubos naintindihan pero andun lang ako sa gilid nakikinig sa kanila. “Ihingi mo ako ng tawad kay Jacko, sabihin mo na kailanman di ko gusto na iwanan kayo, may nagyari lang na di inaasan kaya di ako nakabalik sa inyo kaagad. May sulat ako diyan, ibigay mo nalang sa kanya.” “Please ipangako mo Sherry, si Cadley wag mong pababayaan. Inabandona na kami ng ilang beses ng mga kamag-anak ko. Gabayan mo siya sa kanyang paglaki. Kung mawawala na ako, ilibing niyo lang ako kaagad, wala na akong pamilya. Kayo lang ang pamilya ko." "Oo Jimmy pangako. Di ko siya pababayaan kaya maging panatag ka." Pagkatapos ng sinabi ng babae bigla na lang siyang sumigaw ng malakas, tinawag si papa. Nakita ko si papa, lupaypay na, wala na daw siya. Tuluyan na niya akong iniwan. Wala na ang nag-iisang taong nagmahal sa akin ng lubusan, iniwan na nila ako ni mama. "Papa hinding hindi kita makakalimutan kahit kailan. Ikaw ang magsilbing kong gabay sa aking buhay. Tutuparin ko ang pangako ko sayo. Mahal na mahal kita kahit di kita kadugo, ikaw lang ang aking ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD